Kabanata 3
Nang naihatid ko na ang kanyang order ay akmang aalis na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko. Umawang ang labi ko at nagulat sa kanyang ginawa. Hindi na bago sa akin ang ganitong galaw dahil naranasan ko na ito sa mga lalaki noon. Kung noon ay sinasabayan ko, ngayon ay nakaka-offend. Siguro dahil tuluyan na nga akong nagbago.
“Wait!” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “We can just talk you know. I mean…”
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Pasensya na po, Sir. May trabaho po ako.”
Nakita ko na tinapik din siya ng kasamahan niya. Ano ba ang problema ng lalaking ito at nanlalandi siya?
“Pasensya ka na, Miss. You can go now. My friend is just—”
“Oh, shut up!” He smiled at me. “You can sit here. I am going to ask about something.”
“I am sorry, Sir.”
He sighed. “Alright…” Tinaas niya ang kanyang kamay. “I’m sorry if I made you feel uncomfortable.”
Buti alam mo.
Tumango ako at saka tumalikod na.
Nang nakalapit ako sa counter ay agad akong niyugyog ni Jane na siyang ipinagtataka ako. Namumula na ang kanyang labi at halos magusot na ang damit ko sa kanyang ginagawa.
“Bakit?” Inayos ko ang damit ko.
Nginuso niya ang table ng dalawang lalaking masayang nagkukwentuhan. Napangiwi ako nang dumapo ang tingin ng lalaki sa akin at saka pumungay pa ang kanyang mata. Tumikhim ako sabay baling kay Jane.
“Bakit?” tanong ko.
“Beh, hindi mo ba alam? VIP customer iyan natin!” aniya sabay siko sa akin. “Sa private room iyan kadalasan kumakain kasama mga kaibigan niya tuwing gabi. Late dinner! Napapansin ko kasi na ginugulo ka niya. Hindi ba na loose thread panty mo?”
Uminit ang pisngi ko. “B-Bakit naman?”
Dismayado niya akong binalingan. “Ang gwapo ni Sir Tanaka!”
“Tanaka?”
“Oo!” sagot ni Jane at bumungisngis. “Alam mo naman na pangarap ko natitigan niya ako pero sa iyo nakatitig. Nang tumalikod ka kita ko pagpasada niya sa iyo. Parang sabik na sabik!”
“A-Ano ba sinasabi mo?”
Ngumisi siya at inilapit ang sarili sa akin. “Pustahan tayo, babalik iyan dito. Type ka niya. Taray, billionaire iyan. Maraming guards niyan nasa labas!”
Umawang ang labi ko sa nalaman. Dumapo muli ang tingin ko sa lalaking iyon at nakita ko siyang nagpupunas ng tissue sa kanyang labi. Ibang-iba ang personality niya sa ibang mayayaman na kilala ko rati. Hindi siya malamig. Hindi siya bad boy dahil ang hapon na ito ay halatang play boy at ako yata ang napagtripan ngayon.
I sighed. Titigil din iyan o hindi kaya ngayon lang iyan.
**
Nang matapos ang duty ko ay naglakad na ako patungo sa waiting shed upang maghintay ng masasakyan. Hindi pa nga ako nakalayo nang naramdaman ko ang isang SUV na parang sumusunod sa akin. Kinabahan ako kaya binilisan ko ang lakad ko. Hindi pa man ako nakalayo masyado nang isang dibdib ang humarang sa akin kaya tumama ang noo ko roon. Napasinghap ako at agad umatras. Inayos ko ang buhok ko at nag-angat ng tingin sa nabangga ko.
Umawang ang labi ko at namilog ang mata nang nakita ko ang hapon kanina sa restaurant. Nakangisi na siya sa akin ngayon habang nakapamulsa. Tumikhim ako at saka inayos ko ang tote bag ko.
“Ikaw pala…”
“Ako nga…” He smirked. “And I believe that you are going home. Puwede ba kitang maihatid?”
Kumunot ang noo ko. Masyado akong naguluhan sa lalaking ito. Kanina ko pa lang ito nakilala pero kung makaasta ay parang ang tagal na naming magkakilala.
Humigpit ang hawak ko sa tote bag ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin.
“Hindi po puwede. May bus naman.”
He licked his lower lip. “Actually, I have to talk to you about something.”
Mas lalong kumunot ang noo ko. “Tungkol saan po?”
He sighed at tinuro niya ang SUV. “Can we talk in my SUV?”
Nadududa ko siyang tiningnan. “Bakit kailangan sa SUV? Hindi po ba puwedeng dito?”
Mahina siyang tumawa at inangat niya pa ang pareho niyang kamay na parang sumusuko. “Relax. I am not part of any gangs or I am not gonna rape you.” Tinuro niya ang mga armadong lalaki na nasa SUV. “They’re my bodyguards.”
I sighed. “Wala po akong business sa iyo sir at kailangan ko nang umuwi.”
“Please…”
Tiningnan ko siya ng matagal bago ako bumuntonghininga at pumayag. Medyo nagdadalawang-isip pa ako dahil baka ano ang gagawin niya sa akin pero nang nakapasok ako sa SUV ay pinalabas niya ang driver at iba pang nasa loob kaya kami na lang dalawa.
Pinagtagpo ko ang binti ko at inilagay ko sa hita ko ang tote bag ko.
“Ano po ang gusto niyong pag-usapan?” malamig kong tanong.
Pumikit siya bago may kinuha na envelop mula sa dashboard. Binuksan niya ito sa harap ko at saka inilahad sa akin.
“I am going to offer you this,” he said.
Kunot-noo ko siyang tiningnan bago ko tinanggap ang papeles at matang binasa. Umawang ang labi ko at halos kumulo ang dugo ko sa nakita.
FUCK BODY CONTRACT
Iyon ang nakalagay. Hindi ko maatim ang binasa ko at hinampas ko ito sa harap niya. Umawang ang labi niya at agad pinulot ang papel. Naghanap ako ng malalabasan ngunit naka-lock ang pinto. Inis ko siyang nilingon.
“Hindi po kita kilala sir at nakakainsulto po kayo. Hindi po ako bayaran na babae para pumayag sa ganiyan.”
“I like you,” diretsahan niyang sabi. “I am attractive to you and I want you. I will pay for everything. Just be mine for at least a month.”
Hindi makapaniwala siyang nilingon. “Excuse me, Sir. Puwedeng lumabas na? Nakaka-insulto ka. Hindi ako bayaran na babae at hindi ako pumapayag!”
Umigting ang kanyang panga.
“At saka bilyonaryo ka po di ba? Sabi ng kaibigan ko ay mayaman ka. May mga tauhan ka pa nga? Bakit hindi ka na lang bumili? Pasensya na, Sir. Sana ito na ang huling pagkakataong makita kita.”
At nang sandaling pilit kong buksan ang pinto ay hindi na ito naka-lock. Hindi ko na siya nilingon at agad lumabas ng SUV. Sari-sari ang nararamdaman ko. Para akong naiiyak. Hindi pa ako nababastos na gano’n. Kaya siguro siya gano’n makaasta sa akin kanina dahil iyon pala ang tunay na intensyon niya.
Napailing na lang ako.
Anak, hindi yata ako makahanap ng daddy mo kung ganito kagago ang mga lalaki. Napailing na lang ako at agad tumakbo nang nakita ko ang huminto na bus sa waiting shed.
**
Kinabukasan ay akala ko ay hindi ko na siya makikita dahil sa pagtanggi ko sa nakakabastos na offer niya pero halos ayaw ko na magtrabaho nang nakita ko na naman siyang mag-isa.
“Uy, sabi ko na,” narinig kong sambit ni Jane sabay sulyap sa akin. “Narito ulit ang si baby billionaire.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagtungo na lang sa ibang customer. Naramdaman ko ang kanyang matalim na paninitig sa akin. Para akong nalulusaw sa totoo lang pero pilit kong binabalewala iyon. Hindi ko na rin alam kung paano ko siya haharapin matapos ang kagabi. Nasisiguro ko naman na hindi na niya ako guguluhin tungkol sa kahapon dahil tahimik siya.
Nang walang lumapit na waitress sa kanya ay wala akong magawa kundi ang lumapit. Nasa papel ko lang ang titig ko habang ramdam na ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.
“A-Ano ang order niyo, Sir?”
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
“I’m sorry about last night,” aniya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha. “Hindi ko na lang sana ginawa iyon. I’m sorry. I hope you will forgive me.”
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko siya magawang sagutin. Tumikhim siya at inayos niya ang kanyang damit.
“I like pine apple juice and some desserts. That’s all.”
Agad akong tumango at nanginginig na isinulat ang kanyang order. Nang nag-angat ako ng tingin ay nagtama ang tingin namin. Agad kong ibinaba ang tingin ko sa papel.
“Iyon lang po ba?” tanong ko.
“I am going to request for the VIP room.”
Umawang ang labi ko pero agad tumango. “Okay po, Sir.”
“And bring to lunches,” dagdag niya.
Tumango ulit ako. Mukhang may kasabay siyang kumain ako.
“That’s all.”
Tumango ako at saka agad lumayo sa kanya. Sinabi ko sa head na nag-request ang isang customer ng VIP room at ibinigay ko rin sa cook ang order niya. I sighed.
Casual naman siya sa akin. Mukhang hindi na niya ako guguluhin. Talagang kinilabutan talaga ako kagabi at hindi mawala sa isip ko ang contract na iyon. Ginagawa niya ba iyon sa mga babae niya?
Nang nasa VIP room na ang lalaki ay ako naman ang inatasan na magdala sa pagkaing in-order. Malaki ang VIP room ng restaurant at para lang talaga siya sa mga VIP na katulad niya. Malawak. Malaki ang lamesa. Dim ang light at may TV. Kung gusto mo mag-karaoke ay ayos lang din. Pero kadalasan ang mga naririto ay ang mga politicians na may private meeting.
“Here is your order, Sir,” ani ko sabay lapag sa tray.
Nakabuka na ang kanyang hita habang nakasandal sa maitim na sofa. Ang kanyang kamay ay parehong nasa likod ng sofa at kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin at kinagat niya pa ang kanyang labi bago umayos ng upo.
“You can sit.” Tinuro niya ang sofa na nasa gilid ko lang. “I actually bought two lunches for the both of us.”
Umawang ang labi ko.
“Po?”
“I want to talk with you, baby…” He smiled at me.
Kabanata 4Napalunok ako matapos niyang sabihin iyon. Ang kaniyang mga mata ay nakakadala. May itim siya na mata na nakaka-hypnotize. Napalunok ako at sinubukan ko na maging pormal sa lalaking ito.Mukhang hindi pa yata niya ako tinitigilan. Akala ko pa naman ay may iba siyang kasama kaya siya nag-request ng dalawang meal pero para sa akin pala.“Pasensya na, Sir. Ngunit hindi po kami tumatanggap ng meals galing sa customers namin and…” Natigilan ako nang bigla siyang tumawa.Umiling siya sa akin at inabot ang pine apple juice. “I know. This is a VIP room. No one will know and I really did this because I really wanted to apologize to you. If you let me, I won’t bother you again.”Nanliit ang mata ko. Sa mukha pa lang ng lalaking ito ay parang hindi siya makapagkatiwalaan.“As I said, Sir, hindi ako interesado sa offer mo at sa iyo mismo. I am here to work, not to talk and
Kabanata 5“Mukhang totoo nga ang sinabi mo,” si Jane at sumulyap sa mga customers. “Mukhang hindi nga seryoso ang bilyonaryong iyon.”Ang Freezy restaurant ay malapit lamang sa dagat. Actually, may table sa may teresa pero ang VIP room ay sa loob at pribadong-pribado talaga. Kaya marami ang dumadayo dahil na rin na malapit sa dagat.Bumuntong-hininga ako at hindi na nagsalita. Hindi ko naman inaasahan ang lalaking iyon. Kilala ko lang siya sa pangalan at wala pang linggo na nakilala ko siya. Bigla lang siyang sumulpot at saka nagparamdam na bagong-bago sa akin. Inaamin ko na gwapo siya. Talaga namang gwapo siya, mabango at tingin ko isa sa mga social elite. Pero ang taong katulad niya, amoy na amoy mo na ang baho. Hindi sila nagseseryoso ng mga babae.Nang napansin niyang tumahimik ako ay siniko niya ako. Gulat ko siyang binalingan.“Bibisita si Sir Jude bukas,” aniya sabay ngiti. &ld
Kabanata 6“Why are you asking me that?”Napabuntong-hininga ako at saka in-off ang stove. Katawagan ko ngayon si Trixie at nagtanong ako about sa opinion niya.“Kasi mas gusto ko mga opinion mo. Maybe I should not go because I have a daughter, right?” Natigil ako at saka inayos ang paghawak sa phone ko. “Kanina ko pa ito iniisip. Hindi na ako puwedeng gumala dahil may anak na ako.”“What kind of mindset is that?” tanong niya sa kabilang linya. “Porket may anak ka na bawal ka nang maglakwatsa?”“Nagtatago nga ako di ba?”“Sus, apat na taon na ang nakalipas. Hindi ka man lang hinahanap ng parents mo. Just go have some fun! Ihabilin mo na lang si Felecity kay Aling Maria.”“Trixie…”“Fiona Carolina,” tawag niya sa pangalan ko. “Basta huwag ka lang magpabuntis ulit. You have to
Kabanata 7“Guys! That’s it!”Natigil kaming lahat sa aming ginagawa nang narinig naming nagsalita si Sir Jude. Siniko ako ni Jane at umayos siya sa kanyang tayo. Lahat ng mga katrabaho ko ay pinag-isa ni Sir.“I am thankful na naging parte kayo ng business ko. And without all of you, hindi lalago ito. So, maaga tayong magsara ngayon dahil may dinner tayo!” ani ni Sir sabay ngiti.Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko at tipid na ngiti ang tanging binigay ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagbaling ni Sir sa akin. Akmang magsasalita na sana siya nang may kumalabit sa kanya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at saka kinuha na ang mga gamit ko.“Sabay tayo, ah!” si Jane. “May dala ka bang extra na damit?” tanong niya.Tumango ako at saka inangat ko ang paper bag. “I have.”Umawang ang labi niya. “May accent ka talaga kapag nagsasalita ka ng English, eh.
Kabanata 8 “Did you eat a lot?” Napasinghap ako at napalingon nang nakita ko si Sir Jude na papatungo sa akin. Matapos ko kasing kumain ay napagpasyahan ko na magpahangin muna. Hindi pa kasi tapos si Jane at mas lalong natagalan dahil sa pagkukuwento nila. Hindi rin naman ako maka-relate kaya hindi na lang din ako nakipag-jam. At isa pa, tinawagan ko rin si Aling Maria kung kumusta ang anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang nakatulog na ito. Niyakap ko ang aking sarili. “Hindi.” Ngumuso siya at sinundan ang tingin ko. Nasa kalangitan ang tingin ko kaya tumingala rin siya. “Bakit naman?” “I just don’t like eating heavy dinner,” ani ko at saka huminga nang malalim. “Thank you for the dinner, Sir.” Nakita ko sa gilid ng mata ko na umawang ang labi niya. “You can call me, Jude you know, Carolina…” Binalingan ko siya. “I prefer the other one. I don’t want to call my boss
Kabanata 9Hindi ako masyadong umimik. Ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay ang daan patungo sa amin. Ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang bahay. Ayokong malaman niya at mas lalong ayoko na siyang makita pa sa totoo lang.Ano pa ba ang gusto ng lalaking ito sa akin? Tinanggihan ko na siya at hindi na ako mag-iiba ng desisyon.“Why are you so silent?”Bumuntong-hininga ako. “Hindi tayo close para kausapin kita.”“Gaano ba ka-close ang gusto mo?” He chuckled. “I kissed you. Does it affect you?”Lumunok ako at saka tumingin sa bintana. “Hindi…”He sighed. “I’m sorry. I just want to take you home safe. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo. Kalimutan mo na ang in-offer ko sa iyo.”“Bakit ka pa lapit nang lapit? Alam mo namang hindi ako interesado sa iyo.”“I am interested.”Nai
Kabanata 10Unknown Number:Can I drive you home?Unknown Number:Please reply.Unknown Number:No load?Bumuntong-hininga ako bago ko d-in-elete ang mga text niya. Binulsa ko sa pants ko at saka binalingan ang anak ko. Suot na niya ang kanyang paboritong damit na binili ko noong nakaraan.“Mommy! Ang ganda ko sa damit ko!” masayang sabi ni Felecity at nagpa-ikot-ikot pa.Napangiti ako. Day off ko ngayon at ngayong araw ko ipapasyal ang anak ko. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ni Yohan. Sa totoo lang, gusto ko na i-off ang phone ko pero hindi puwede dahil baka may ibang tatawag o te-text. Sinubukan ko ring e-block ang number niya pero may bago na naman siyang number. Kaya hinayaan ko na lang basta hindi lang ako magre-reply.Nag-beep ulit ang phone ko. Hindi ko na lang pinansin at saka sinuklayan na lang ang anak ko.“Mommy, kakain tayo friend chicken and
Kabanata 11Pinagmamasdan ko ang anak ko habang masayang kumakain sa kanyang spaghetti at fried chicken. Natawa pa ako nang nakita ko na kumalat ang sauce sa ibang mukha. Nalulungkot ako na ganoon ang sinabi ng anak ko kay Yohan. Bakit ko naman siya ikahihiya? Totoong tinatago ko siya, pero hindi ibig sabihin na ikinahihiya ko siya.Hindi gano’n iyon.Hindi gano’n iyon, Felecity. Hindi ko maiwasan ang magalit sa lalaking iyon. Tatapusin ko na talaga ang lahat. Ayoko na siyang kinukulit ako. Minsan naiiba ang nararamdaman ko dahil sa sobrang intimidating niya, pero nagu-guilty ako sa anak ko. Ayokong ganoon ang isipin niya. Na ikinahihiya ko siya.Pagkatapos namin sa jollibee ay pinasyal ko sa mga larong pambata ang anak ko. Sumakay siya sa train na larong pambata. Ako naman ay todo kuha lamang ng pic. Nagtungo rin kami sa mga arcades at tatlo lang ang napanalunan ko. Binigay ko lahat sa anak ko.“Mommy,
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”