GALIT na umalis ng kompanya si Steven nang malaman na wala sa opisina si Nicole. Umaga palang ay sira na agad ang kaniyang araw dahil dito. Alam niyang dumiritso ito sa site gayong pinagbawalan na niya ito.Sinadya ni Nicole na dumaan muna sa site bago pumasok sa opisina. Naging selfish siya kahapon kaya hindi natapos ang dapat niyang tapusin roon. Kailangan niyang makausap si Josh at tignan ang mga bagay na nagkaroon ng problema.Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap ni Josh nang dumating ang dominateng boss nila. Sa paraan ng tingin nito sa kaniya ay alam niyang galit ito."Iwan mo muna kami." Utos ni Steven kay Josh.Nagkibit balikat si Josh bago lumabas sa maliit niyang opisina na malapit lang din doon sa site."Hindi ba at ang sabi ko kahapon ay hindi ka na pupunta dito?" salubong ang mga kilay na sita nito sa dalaga."Hindi naman ako magtatagal dito, importante ang pag-uusapan namin ni Josh kaya...""The hell with that important things!"Nagitla si Nicole dahil sa pagtaas ng bos
"TANDAAN mo ang mukha ng babaeng iyon, hindi ka dapat lumapit sa kaniya kung hindi mo ako kasama." Mahigpit na bilin ni Danica sa bata habang hinahaplos ang malambot nitong buhok."Bakit po, mommy?" nagtatakang tanong ni Daniela sa ina. Nabaitan siya kanina sa babae."She's devil at gusto niyang agawin si Daddy mula sa atin. Siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin ng daddy mo."Biglang nalungkot si Daniela para sa ina nang makitang malungkot ito. Yumakap siya dito ng mahigpit. "She's bad, I will tell Daddy to stay away from that woman, mommy.""No!" biglang saway niya sa bata. " Lalo lamang magagalit si Daddy sa akin at lalayo ang loob. Gusto mo bang mag-away kami ni Daddy dahil sa iyo?"Sunod-sunod na iling ang sagot ni Daniela sa ina. Ayaw niyang magalit sa kaniya ang ina at ayaw niya ring maghiwalay ang mga ito. Dahil madalas sabihin ng ina noon pa man na kapag naghiwalay ang mga ito, kasama siyang aalis at hindi na niya makita kahit kailan ang kaniyang ama."Good
"HEY, Daniela. Nakilala mo na ba ang bagong transfer nating kakaklase?" pabulong na tanong ni Rose sa kalaro. Grade one na sila ngayon at mas madaldal si Rose kaysa kay Daniela.Umiling lang si Daniela sa kalaro. Wala siya kahapon dahil ayaw niyang pumasok at nagtampo siya sa ama. Nagtampo siya dahil naudlot ang pagiging flower girl niya sa kasal ng sariling mga magulang."Paano niya malaman? Hindi nga niya alam na hindi pa kasal ang parents niya, bagong ganap pa kaya dito sa school?" Mataray na sabat ng isang bata sa pag-uusap nila Rose at Daniela.Biglang nanubig ang mga mata ni Daniela dahil sa pambu-bully sa kaniya ng kaklase. Noon pa man ay lagi siya nitong napag-iinitan dahil mas matalino siya dito."What?!" Napalakas ang boses ni Rose at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Paano mo naging mommy siya kung hindi sila kasal ng daddy mo?"Napakamot si Danila sa kaniyang noo sa tanong ng kaibigan. Mahina ito umitindi kaya sobra itong nagugulohan sa sitwasyon ng kaniyang parents.
"HOW'S your day?" Nakangiting tanong ni Kanor kay Sean nang pumasok na ito sa sasakyan."Good!" maiksing tugon ng bata sa abuelo."Did you met her?"Matipid ang ngiting tumango si Sean dito bilang tugon."Bakit mukhang malungkot ka?" puna niya sa bata nang mapansin na wala ito sa mood makipag-usap."I saw him."Napabuntonghininga si Kanor habang pinagmamasdan ang bata. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito."Don't worry, Grandpa, hindi niya po nakita ang mukha ko." Mabilis na paliwanag ni Sean dito."Very good, you know that this is not yet the rigt time.""I understand po!"Gusto ni Kanor na pasayahin ang bata kaya nagpasya siyang ipasyal muna ito dahil maaga pa naman. Malulungkot lamang lalo ito kapag dumiritso sila ng uwi at wala pa doon ang ina nito.Pagkahatid ni Steven sa anak sa kanilang bahay ay bumalik na rin siya sa opisina dahil may meeting siya ng 4 p.m. sa hotel na pag-aari niya sa laguna. Alam niyang nauna na roon si Nicole dahil gusto niyang maging pamilyar ito sa pam
MATAPOS kumain ay niyaya ni Joseph si Nicole na uminom kahit kaunti lang. Lubos-lubusin na niya ang oras ng dalaga na ibinigay sa kaniya ngayon. Natuwa siya at pinaunlakan naman iyon ng dalaga. Dim ang ilaw sa kinaroonan nila kaya nagmukhang romantic ang kanilang dinner.Gusto ring makalimot muna ni Nicole sa mga bumabagabag sa kaniyang isipan at puso kaya pinaunlakan niya ang kaibigan."Salamat, na miss ko na rin ang ganito." Nakangiti si Nicole at itinaas ang kopita upang makipag toast kay Joseph. Hindi siya sanay uminum kaya tinablan agad siya. Pero may tiwala siya kay Joseph at ito ang maghahatid sa kaniya pauwi."Ako ang dapat na magpasalamat. Alam mo na sa iyo lang ako komportable sa ganitong bagay." Alanganing ngiti ang sumilay sa labi ni Joseph.Natawa si Nicole sa inasta ng kaibigan. Alam niyang gusto nitong subukan na makipag relasyon sa babae at siya ang naisip nito. At dahil lasing ay naging makulit na rin siya at game sa kalokohan.Inilapit ni Nicole ang mukha sa kaibiga
TAHIMIK na nagmamaneho si Tony ng sasakyan pero nakikinig sa pag-uusap ng amo at ng assistant nito."Gusto kong malaman ang totoo niyang pagkatao sa lalong madaling panahon." Utos ni Steven kay Grey.Nagpasya na rin si Steven na layuan muna si Nicole upang makapag-isip ng tama. Naisip niyang iwasan ito at abalahin muna ang sarili sa ibang bagay upang makaiwas na rin sa tukso."Kakausapin ko po mamaya ang pinagkakatiwalaan mong detective." Sagot ni Grey sa binatang amo.Inutusan din ni Steven si Grey na siyang magbanatay kay Nicole. Ito ang nakipag-usap dito kung ano ang dapat nilang pag-uusap ng dalaga.Nang makababa na ng sasakyan ang dalawang pasahero ay mabilis na tinawagan ni Tony si Kanor."Bakit naisipan niyang paimbistigahan ang pagkatao ni Nicole? May nangyari ba na hindi ko alam?" nakakunot ang noo na tanong ni Kanor kay Tony."Sa palagay ko ay may kakaibang namumuo sa pagitan nila, Sir." Sagot ni Tony sa ginoo.Biglang naisip ni Kanor na aakitin ni Nicole si Steven. Marahil a
NANG maipasok sa operating room si Nicole ay tinawagan ni Tony si Mang Kanor. Kanina nang lumabas sa building ang dalaga ay napansin niyang parang balisa ito. Napalinga rin siya sa paligid nang makita itong luminga. Maging siya ay nagulat sa biglang pag-andar ng isang motorcycle na nakakubli sa likod ng isang sasakyan. Mabuti na lang at naroon siya, dahil kung wala ay baka wala ng buhay ngayon si Nicole.Hindi nakita ni Tony ang mukha ng salarin dahil nakasuot iyon ng helmet. Ang plaka rin ng sasakyan nito ay malabo.Kung may sakit lang sa puso si Kanor ay baka inatake na siya dahil sa sobrang pag-alala kay Nicole. Nagbilin siya sa katulong na bantayan si Sean at huwag muna ipaalam dito ang nangyayari sa ina nito.Pagdating ni Steven sa hospital ay dumiritso na siya sa operating. Naroon sa labas si Tony at ang isa pa na nakilala niyang isa sa guard sa kompanya niya."Kumusta na siya? tanong ni Steven kay Tony."Hindi pa po lumalabas ang doctor na tumingin sa kaniya, Sir."Napabuntongh
MAAGANG umalis si Danica at pumunta ng hospital. Napataas ang kilay niya nang harangin siya ng dalawang lalaki na bantay sa pintuan. Hindi niya akalain na maglalagay talaga ng tao si Steven doon para sa siguridad ng babae."Pasensya na po ma'am. Utos po ni Sir Steven na huwag magpapasok ng hindi kilalang tao." Mahinahon na kausap ng isa kay Danica."How dare you para hindi ako makilala? Hindi mo ba alam na ako ang fiancee ni Steven?" bahagyang tumaas ang timbri ng kaniyang boses.Napakamot ng ulo ang lalaki at nalilito. Bagohan lamang siya na hired para kay Steven kaya wala siyang alam."Papasukin mo na po siya, kuya. Totoo ang sinasabi niya." Sabat ng baklang nurse at kilala niya si Danica mula sa balita.Ngumiti si Danica sa nurse at nagpasalamat dito. Sumabay na siya pagpasok dito sa silid at naabutan niyang gising na si Nicole. Pero si Steven ay tulog pa at nagawa nitong pagkasyahin ang sarili sa isang sofa. Mukhang napuyat ito sa pagbabantay sa babae.Ngumiti si Nicole kay Danica
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na