Share

The Handsome CEO
The Handsome CEO
Author: Flauvia Darcy

kabanata 1

Zeynep // POV

Nagising si Zeynep sa maingay na kalabog ng pintuan sa kanyang kwarto, ang kanyang INA

" Zeynep anak bumangon kana dyan baka mahuli kapa sa iyong trabaho" sigaw ng kanyang ina habang kumakatok sa pinto

"Opo ma babangon na" aniya, maka katok sa pintuan akala mo may lindol, bulong sa sarili habang nagliligpit ng kanyang hinigaan

Kinuha nya ang cellphone at tiningnan ang ora's, alas 6:30 palang ng umaga meron pa syang isa't kala-hating oras para mag asikaso, lunes ngayon Kaya kailngan nyang pumasok ng maaga dahil sa haba ng traffic at agawan sa sasakyan.

Mabilis namang naka sakay ng jeep si Zeynep, pag baba ng sasakyan sakto sa building na kanyang pina pasukan sa Makati na pag aari ng mga Buenavista , halos dalawang taon na syang nag tatrabaho dito bilang office clerk

Pag pasok ng building diretso sya sa elevator, halos mapuno na ang elevator ng mga trabahante inaabot ng 3000 libo katao ang mga namamasukan dito dahil sa laki ng gusali

Paglabas ng elevator diretso sya sa lamesang naka laan para sa kanya

"Hay lunes na naman tambak na naman ang trabaho ko, biglang tumunog ang kanyang tiyan indikasyon na sya ay gutom, mag timpla na muna ako ng kape tamang tama may sandwich ako na pinadala ni Mama

Sa pantry habang nag timpla ng kape na isip nyang tawagan ang kaibigan, si Clarissa dahil sampung minuto nalang wala pa Ito, matalik silang mag kaibigan at sabay din sila nag apply sa kumpanya, Kaya naman halos sabay din silang nag umpisa na mag trabaho dito

Ring -ring! Ring-ring! Ring-ring!

"Hello nasan kana ?" Pag sagot sa kabilang linya

"Naku nasa jeep pa naipit ako sa traffic kasi ba naman nakalimutan Kong mag alarm ang him-bing ng tulog ko mabuti ginising ako ni ina'y sagot ni Clarissa

"O-oh sya dalian mo na ipag titira kita ng sandwich na ginawa ni mama"

"Ay salamat gutom pa naman ako, cge na mamaya na Tayo mag usap " agad ng pinutol ni Clarissa ang Linya

Bumalik si Zeynep sa kanyang lamesa dala-dala ang isang basong kape na mainit, habang İsa isang binu-bisisi ang mga papeles kumakain sya, likas na masipag si Zeynep sa kanyang trabaho,

Ayaw nyang nag kakamali at sa trabaho pag sasayang sa ora's para sa kanya kapag may pagkakamali at ibabalik sa kanya ng HR department ang mga documento na may mali.

Ganito natatapos ang maghapon ni Zeynep trabaho at bahay, Minsan nakaka danas narin sya ng pag kapagod, ngunit hndi sya pwedeng sumuko dahil sya nalang ang inaasahan ng Kanyang ina,

Kaya naman gagawin nya lahat para dito dahil ang kanyang ina nalang ang kanyang pamilya wala din itong mga kapatid dahil nag iisang anak anak din ito ng kanyang Lola at lolo, Nasa malayong probinsya naman ang mga kamag anakan ng kanyang ama.

Mabilis lumipas ang mga araw

Biyernes ng hapon sabay sabay nag labasan ang mga trabahador sa gusali mag kasabay na nag lalakad ang magkaibigan.

"Hoy Beshie punta yayo sa bar bukas na miss ko na ang night life lagi Kasi tayong busy sa work " pag aaya ni Clarissa sa kaibigan

"Hay naku! tigilan mo ako alam mo namang hindi ako umiinom at na-hihilo ako sa dami ng tao sa bar "reklamo nito

"Ang pangit mo talaga Ka bonding sige na dumating ang pinsan ko na galing Cebu isang linggo sya bakasyon dito bago mag school opening " pagpupumilit nito sa kanya

"Alam mo namang mahina ako uminom at napaka ingay sa bar puro usok ng sigarilyo at nakaka hilo " reklamo nito

"Please beshie sige na promise libre kita susunduin kapa namin sa sa bahay nyo" habang nag papaawa ang hitsura

Natawa si Zeynep sa hitsura ng kaibigan dahil dito pumayag narin sya at gusto din nyang Maka bonding ang pinsan nitong si Almira close din sa kanya Ito at isang beses sa isang taon lamang ito nag-babakasyon sa Manila

" Sige na nga ang kulit mo talaga" sabay ngiti sa kaibjgan

" Yehey hndi mo talaga ako matiis no?" Natuwa at sabay akbay sa kaibigan

Sabado....

Pagkatapos mag hapunan nag madaling maligo si Zeynep at na mile ng damit na Kanyang isusuot para night out nila ng kaibigan simpleng bistida lampas tuyhod ang kanyang na pag desisyunang isuot, bagay na bagay sa kanya ito bulak-lakin at kulay rosas

Si Zeynep ay parang isang modelo, may baling-kinitan na katawan, malilit na bewang at malaking hinaharap, complete packages ika nga dahil meron din itong maamong mukha hugis puso at manipis na Labi at makapal na kilay na iisipin mong iginuhit ng isang pintor na nabuhay

Kulot külot na mahabang buhok, idagdag mo pa dito ang kanyang 5'5 na taas

Nag lagay lang sya ng konting pulbos at manipis na lipstick, ganito sya ka simple mag ayos ngunit lutang parin ang kanyang kagandahan

Biglang pumasok ang kanyang ina sa kwarto habang sya ay nag aayos ng kanyang mukha

"O-oh anak bihis na bihis ka ata saan ba ang lakad mo at gabi na " usisa ng kanyang INA

Biglang napa hinto sa ginagawa, nakalimutan nya palang sabhin sa kanyang ina na may lakad sila ng kaibigan dahi sa sobrang pagod sa trabaho kahapon at kanina Lang din nya na alala ang usapan ng kaibigan, Kung hindi pa Ito tumawag sa kanya para paalalahanan na susunduin sya ng alas 9:00 ng kaibigan

" A-ay mama sorry po nakalimutan Kong sabihin susunduin po ako ni Clarissa nag-yaya po sya na lumabas " sagot sa ina

" A-ah ganon ba? Walng problema anak mag enjoy ka Lang para Naman hndi ka puro trabaho Lang " habang naka ngiti ito sa kanya

Ilang taon puro trabaho si Zeynep dahil sa pag sosoporta sa kanyang ama nung ito ay nag kasakit ng cancer sa dugo, lahat ng kanyang kinikita sa trabaho ay napupunta sa ospital, gamot at chemotherapy nito, sa kagustuhang ma dugtungan ang buhay ng ama

Ngunit sa huli ay binawian din ito ng buhay dahil, unti unting ng hina ang pangangatawan simula ng sumailalim ito sa chemotherapy

Clarissa // POV

"Kuya saglit lang tatawagin ko lang ang kaibigan tapos ihatid mo Kami sa Eutopia Resto Bar sa Magallanes Makati" pakiusap ni Clarissa sa taxi driver

"Sige po ma'am paki dalian Lang po at baka madaanan ako ng traffic enforcer bawal po Kasi mag parada ng matagal dito" sagot naman nito Kay Clarissa

" Pinsan dito ka muna ha " paalam nito

Nagmadaling bumaba ng taxi sai Clarissa at diretso ito sa bahay ni Zeynep naka dalawang katok lamang sya agad syang pinag buksan ni aling Myrna,

Pag bukas ng pinto nakita nya agad si Zeynep at umaktong hihimatayin,

Natawa Naman si Zeynep at hinampas nya ang kanyang bag sa kaibigan sabay banggit " Tara na nga para Kang sira dyan"

"Kasi Naman Bess bakit naging babae pako sana naging lalaki nalang ako para niligawan kita". biro nito sa kaibigan

"Naku naku umalis na kayo at para makauwi agad kayo ng maaga" sumali sa usapan ang ina ni Zeynep

"Hala aling Myrna hndi pa Kami nakaka alis gusto mo bumalik agad Kami saka maaga pa naman po wala pang gaanong tao sa bar " sabay silang nag tawanan sa biro ni Clarissa

"O-oh sya basta mag iingat kayo wag mag paka lasing alam mo naman itong si Zeynep mahina sa alak "paalala ni aling Myrna sa magkaibigan hindi nito hinigpitan si Zeynep dahil alam nya na responsableng anak ito

"Hala bess dalian natin s Almira at si manong driver nag aantay satin sa labas " biglang nitong na sambit

Kaya nag madali ng lumabas ang magkaibigan humalik muna si Zeynep sa kanyang Ina

Yarick // POV

Sa airport

Pag Baba ng eroplano diretso sa luggage area para kunin ni Yorick ang kanyang bagahe, Pag katapos agad itong lumabas dahil nag hihintay ang kanyang matalik na kaibigan na si Alfred

Si Alfred ay galing sa mayamang angkan, nag iisang tagapag mana ng mga Sandoval malawak ang Hasienda Ng kanyang pamilya sa Palawan at may negosyo din sa Manila, Sabay sila nag aral at nakapag tapos sa kolehiyo Ng kursong Business Management ni Yorick sa America

Pag ka graduate bumalik si Alfred sa Pilipinas at tumulong sa mga magulang at sya ang namahala ng negosyo sa Manila

Samantalang si Yorick ay nanatili sa America at nag trabaho sa isang kumpanya

Kung tutuusin hindi nya kailangan mamasukan sa ibang kumpanya dahil may sarili silang kumpanya sa Pilipinas

Dahil sa kagustuhan nyang manatili sa America at ayaw nyang iwan ang kanyang girlfriend, Kung hindi dahil sa pakiusap Ng kanyang lolo na may sakit hindi ito Babalik sa pilipinas.

Pag labas ng airport agad namang nakita ni Yorick ang kanyang kaibigan na nag aantay sa kanya

"Hey bro what's up?" Tawag ni Yorick sa kaibigan sabay tabig sa balikat

"Hey ang tagal mo naman isang ora's nako dito" reklamo ni Alfred

" Sorry Bro delayed flight wag kana mag reklamo Tara na !" Sabay buhat Ng maleta at inilagay sa likurang sasakyan ng kaibigan at sumakay na agad ito

"So saan mo ako dadalhin?" tanong ni Yorick

"Saan mo ba gusto?" sagot nito sa kanya

"Bar muna Tayo na miss ko night life dito sa pilipinas,para makapag unwind muna bago sumabak sa trabaho" sabay tingin nya Kay Alfred

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status