Share

kabanata 4

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan pakiramdam ko ay unti -unting may nagbabago sa aking sarili

Madalas na Kasi akong nasusuka yung tipong kahit wala naman akong kinain nasusuka parin ako, tapos nasusuka rin ako sa amoy ng mga pabango ng mga kasamahan ko sa trabaho, hindi ko alam kung anong nangyayari saakin

Matapos ang work sa company nila Yorick nag decide akong pumunta sa malapit na ospital para mag pa check-up

Hindi ko kasama ngayon si Clarissa, Kasi hindi pa sya tapos sa trabaho nya sa kumpanya at kung sakali mang totoo ang aking hinala ayokong malaman munang ipaalam sa kanya

Na nginig AKO habang-hawak hawak ko ang resulta ng PT na binigay saakin ng doctor, Ng sabihin nya dito ko raw malalaman kung buntis nga ako, natatakot ako baka malaman ni Mama baka sya na mismo ang pumatay saakin

"Congratulations, Mommy kana" sabi ni doc at alam kong masaya sya base sa boses nya pero ako ay nanatili lang nakatingin sa hawak Kong PT

"3 months ka ng buntis, hindi lang masyadong halata unlike sa ibang mga buntis na halos Kasing laki na agad ng pakwan ang tiyan" hirit ni doc

"Baka kumain talaga sila ng buong pakwan doc" dahilan para matawa sya at mapagtakpan ko din ang aking pag aalala at ayokong makahalata si doc

"Sana mag mana sayo ang magiging baby mo,para parehas kayong kalog"

Bahagya akong natahimik ng sinabi ni doc ang mga bagay na iyon

"Sana nga, sana nga saakin sya magmana at hindi sa ama nyang walang pakialam saakin" sagot ko Kay doc na ako lang ang nakakarinig

Paikot-ikot ako sa malambot kong kama at iniisip Kung paano ko sasabihin Kay Mama at Kay Yorick na buntis ako

Hundred percent si Yorick ang tatay ng baby na nasa sinapupunan ko hndi ako pwedeng magkamali,dahil sa tanang buhay ko.....Kay Yorick ko lang binigay ang lahat-lahat at aksidente pa

Tumayo ako at kinuha ko ang dalawang PT na nasa loob ng bag ko, habang pinag mamasdan ito ay bigla nalang nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nakaharang sa aking mga mata

Hindi ko na malayan na lumuluha na pala ako, bakit ba kasi ako umiiyak nakaka inis naman eh,

"Anak kung sakaling maging ok na ang lahat mailabas na Kita sa mundong to, hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat...na Kung bakit wala kang daddy at bakit mommy lang ang meron Ka"

"Zeynep Jane Molina, lumabas kana dyan at kakain na" dinig Kong sigaw ni mama ganyan nya ako tawagin kapag pagod sya sa gawaing bahay

Si mama talaga nag moment pako dito, ganda ng emote ko dito eh

" Ma, Sana pag sinabi ko sayo ang totoo mapatawad mo AKO" mahina kung usal atsaka mbilis kong pinahid ang luha saaking mata

Yorick //POV

Yorick kailan Kayo magpapakasal ni Allen? alam mo namang hinihintay namin ng Lola mo ang aming magiging apo sainyo" Sabi ni lolo habang kumakain ng dinner

" Busy po si Allen sa pagiging fashion designer nya sa New York, pangarap po nya iyon kaya ayoko muna syang istorbohin" sagot ko naman

"11 yrs na kayo hindi kaba napapagod sa kanya na mag-hintay?" tanong naman ni Lola

"As long as mahal namin ang isa't-isa, hindi ako mapapagod"naka ngiting sagot ko

"Malapit na ang kaarawan ko Yorick gusto ko na ng apo sayo"

Bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa puso ng sinabi ni Lola ang bagay na nayon

Alam kong matagal na nya akong kinukulit na bigyan Kona sya ng apo para naman daw maalagaan pa nya magiging anak ko bago sya mawala, pero paano ko magagawa iyon Kung malayo saakin ang Girlfriend kong si Allen?

Matagal tagal ko naring pinapangarap na magkaroon ng anak at kay Allen lang mismo....

Kaya hinihintay ko sya gaano man katagal

Seryoso akong naglalakad dito sa loob ng kumpanya, at Panay bati saakin ng good morning ng mga empleyado namin

Habang nag-lalakad ako agaw pansin sakin ang bakanteng uupuan dahilan para mapatigil sa pag-lalakad

"Sinong nakaupo dyan?" tanong ko

" Ahh si Zeynep Jane Molina po sir" sagot nila

Lumapit ako sa desk at nakita ko ang isang picture na nakapatong sa ibabaw ng lamesa nya, litrato ng isang babae na may kasamang nanay nya siguro to,

Zeynep Jane pala ang pangalan nya

" Bakit absent sya ngyon?" muli kong pag-tatanong

"Madalas na Kasi suma-sama ang pakiramdam nya sir, Feeling po tuloy namin buntis sya " sagot naman ni Sarah

"B-buntis ?" usal ko

"Yes po sir , ang selan na nya kasi this few days"

Hindi kaya nag bunga ANG nang-yari saamin?

alam ko sa sarili kong may nangyari talaga saamin nung gabing iyon, base sa mantsa ng dugo sa kama nakita ko ito bago ako umalis ng hotel

Pero pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na wala talaga dahil ayaw kong saktan si Allen

Agad akong nanghingi ng impormasyon kung saan ba nakatira si Jane, at hindi nag tagal ay nalaman korin kung saang baranggay sya nakatira sa tulong ng mga kaibigan nya dito sa kumpanya.

" Manang alam nyo po ba Kung saan dito nakatira si Jane?" tanong ko sa isang babae

Nung una ay naka simangot ang mukha nya ng tawagin Kong manang, pero ng makita nya ako ay agad itong nawala at napalitan ng ngiti

" Naku pogi Walang Jane na nakatira" sagot nya sakin habang naka ngiti

"Zeynep Jane Molina po" sagot ko

" Ahhh si Zeynep ba?" Wala kasi masyadong tumatawag sa kanya ng Jane Kaya hndi ko agad nalaman na si Zeynep pala ang pakay mo"

so mahaba na pagdaldal nya sakin sa wakas tinuro din nya kung saan ang bahay nila Jane

"Ma sorry po " dinig Kong boses at halatang umiiyak ito

" Sorry buntis Ka! at ikaw mismo ayaw mong mag panagot sa lalaking naka buntis sayo"

Marahan akong sumilip sa pintuan at nakita Kong nakaluhod si Jane sa harap ng mama nya

"Kaya ko naman pong buhayin mag isa ang magiging anak ko, ok na po ang buhay nya masaya na sya wag na po nating guluhin" umiiyak na sabi ni Jane

"Sirain, eh ang buhay mo ba hindi nya sinira?"

"Ma may girlfriend sya at Mahal na Mahal nya ang girlfriend nya, kaya hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na mag Kakaanak na Kami"

"Bakit nag paka tanga Ka anak ang laki ng tiwala ko sayo hindi ko akalain na mangyayari sayo ito" sigaw ng nanay nya

Nakita Kong hahampasin si Jane ng nanay nya kaya agad ko itong pinigilan

"Sandali " pag-sasalita ko mula sa pintuan naiwan sa ere ang kamay ng nanay ni Jane at marahan na lumingon, napatingin ang mga mata ko kay Jane na nakatingin din saakin at halatang naguguluhan sya kung bakit nandito ako sa eksena nilang mag ina

Ibinaba ng nanay ni Jane ang kamay nya at saka humarap saakin samantalang si Jane naman ay nanatiling naka luhod

"Sino Ka?" seryosong tanong saakin ng nanay ni Jane

Huminga ako ng malalim atsaka lumakad palapit sakanya, hindi kona napigilan ang aking sarili lumuhod narin ako sa harapan nya na ikinagulat naman ng dalawa

"Sir Yorick" dinig kong usal ni Jane pero hindi ko iyon pinansin

"Sino kaba?" at bakit bigla-bigla Ka nalang lumuluhod dyan? tumayo Ka! " anang mama ni Jane

" Sorry po , ako po talaga ang may kasalanan... ako ang ----- ako po ang lalaking naka buntis sa anak nyo" pag aamin ko

Sa oras na Ito tanging takot at saya lang ang nararamdaman ko

Takot akong malaman ni Allen ang kaguluhang ginagawa ko, at saya naman dahil mag-kakaanak na ako at mabibigyan ko si lolo at Lola ng Apo

Continuation of Yorick // POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at agad akong nag madaling hanapin si Jane ng malaman kong buntis sya, at hindi lang yon ... ngayon naka luhod ako at umaamin sa harap ng kanyang nanay

Kabado akong naglalakad ngayon papasok Ng Mansion, pag bukas ko ng pintuan ay nasulyapan ko si Lolo at Lola na masayang nag-uusap sa may sala

Huminga ako ng malalim atsaka naglakas loob na lumapit sa Kanila, agad akong nag-mano ng makalapit na ako sa kanila

'Oh? bakit mukang pagod Ka ata? madami bang gawain sa kumpanya? pauwiin ko naba si Joud para matulungan ka nya?" tanong sa akin ni lolo

" Mas maganda kung wag nyo nalang syang pauwiin habang buhay" sagot ko

Si Joud ang nag iisang Kong pinsan, anak sya ng tito Ernesto ko nakapatid naman ni Papa..... nasa ibang bansa ngayon si Joud at nag babakasyon

"Lolo, Lola... may gusto sana akong sabhin sainyo pero wag kayong magagalit saakin?" usal ko

" Ano yun apo?" agad na tanong ni Lola

" Kung problema sa kumpanya yan, magagalit talaga ako ipinagkatiwala koyan sayo eh " ani naman ni lolo

" Hindi lo, hindi po Ito tungkol sa kumpanya "

" Eh ano nga kasi yun? pinapakaba mo naman ako" inis na na sabi ni Lola

" Huminga ako ng malalim bago ko sinabi ang totoo

" Lola, Lolo.." napahinto ako sa pag sasalita dahil hindi ko talaga kayang sabihin

"Yorick kung may problema Ka sabihin mona hanggat buhay pa Kami ng Lola mo" ani ni lolo

"Aksidente po akong naka buntis ng ibang babae, Patawarin nyo po ako" sagot ko atsaka lumuhod sa harapan nila

" What?" sabay na sabi ni Lolo at Lola agad napatayo si Lolo dahil sa gulat habang si Lola naman ay napa takip ng bibig

"Ngako po ako sa nanay nya na papakasalan ko sya pero hindi pa sa ngayon ayokong masaktan ng sobra si Allen"

" Ibig sabihin ba nito ay magkaka-apo na Kami Sayo?" nakatingin tanong ni Lola dahilan para tumango ako bilang tugon

" Pero Lo"

" Gamitin mo ang utak mo Yorick, ganyan din ang ginawa ng tatay mong si Erwin sa nanay mo noong nasa sinapupunan kapa"

Agad akong natahimik ng sabihin ni Lolo ang bagay na iyon, aksidente din Kasing na buntis ni Daddy si Mommy Kaya Naman sinabi nya kay daddy na bigyan nalang ng malaking halagang Pera si mommy para umalis dito sa Mansion at iwan ako sa puder ng mga Buenavista

Nung una ay galit ako sa ginawa nila, pero sa ngayon ay mukhang kailangan kona rin gawin alang-alang sa relasyon namin ni Allen at sa magiging Anak ko.... gusto ko syang bigyan ng magandang kinabukasan

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status