Share

kabanata 5

Zeynep // POV

"Mag iingat sa Mansion ha Zeynep, at wag kang mag-papaapi sa kanila, at ipaalala mo palagi Kay Yorick yung pangako nyang papakasalan Ka nya....

dahil kung nabubuhay lamang ang iyong ama alam ko yun din ang kanyang nanaiisin anak"

"Wag po kayong mag-alala ma, Kaya ko na po ang sarili Ko" nakangiti kong sagot upang maalis ang pag aalala nya sakin

Mga ilang ora's ang lumipas at dumating ng nga si Yorick para sunduin ako at ihatid SA mansion nila.... SA totoo lang ay hindi ko alam ano bang dapat kong naramdaman hayss.

" Bakıt ang dami mong dala ?" gagawin mo bang basurahan ang Mansion?" tanong ni Yorick pero wala saakin ang tingin nya kundi sa dinaraanan namin

"Mga gamit ko yan sa kumpanya naisip ko Kasing mag trabaho parin sa kumpanya nyo, kailangan ko parin kasing tulungan si mama" sagot ko Kay Yorick

" Hindi kana papasok sa company" seryo nitong sabi saakin ngunit hindi parin ako tinatapunan ng tingin

"H-huh? bakit naman?" tanong ko

"Paano pag nalaman nila ang tungkol saatin? alam na nila na b-buntis Ka and what if they asked you Kung sino ang ama?" sagot nya na may pagaalala sabay tingin saakin ni Yorick

"Wag kana mag alala Yorick magaling ako nag tago ng sikreto sikreto... Diba baby?" usal ko atsaka kinausap ko si baby sa tiyan ko na parang bata.... pansin ko naman ang pag iling-iling ni Yorick

Siguro Kung hindi lang ako buntis kanina pa nya ako sinipa palabas ng kotse nya, dahil halata namang na pilitin lang sya sa pag sundo saakin, makalipas ng mahabang oras nakarating narin Kami sa mansion ng mga Buenavista sobrang laki at sobrang ganda

"Welcome!" nakatingin sabi ng isang matandang babae habang sinasalubong kami ni Yorick

Niyakap ako ng matandang babae dahilan para magulat matapos nya akong yakapin ay hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi, napatingin ako kay Mr .Buenavista baka tingin lang din ito saakin

"Lola, Lolo....sya po si Zeynep Jane ang babaeng sinasabi ko sainyo, Jane sila naman ang Lolo't Lola ko " ani ni Yorick

"Parang nakita na Kita?" pag-sasalita ni Mr. Buenavista

" Nag tatrabaho po sya sa kumpanya natin Lolo" sagot ni Yorick dahilan para magulat si Mr. Buenavista pati narin ang lola ni Yorick

"Kung nag-tatrabaho sya sa company p-paano ka........

"It's a long story short lolo, ayoko na pong alalahanin pa iyon" pag-sasalita ni Yorick

Halos gusto Kong maiyak ng mga oras na iyon ngunit pigil hininga ako para wag tumuloy ang luhang nag babadyang pumatak sa saaking mga mata, pakiramdam ko talagang galit sya saakin, hindi ko naman ginusto na ipag pilitan ang sarili ko sa kanya sa dahilang na buntis ako kung tutuusin sya itong lumuhod at nangako kay Mama na papakasalan ako

'Halika Zeynep Jane sumunod ka saakin at ililibot kita dito sa Mansion" anang Lola ni Yorick kaya naman wala nakong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya

Ang mga dala ko namang maleta at isang box ay kinuha ng mga katulong wala akong idea Kung saan nila dadalhin yön, wag naman sanang iutos ni Yorick na itapon dahil base sa kanya puro basura ang dala ko

"Lola sino po yung mga kasama nyo sa picture?" tanong ko habang nakaturo sa isang malaking family picture na Maka dikit sa dingding

"Ahh yan ba?" aniya atsaka muling ngumiti yung mga ngiti na walang halong ka plastikan

"Ako si Eduard, katabi ko si Erwin at katabi naman ni Eduard si Ernesto, nasa likod naman ni Ernesto si Joud at nasa likod ni Erwin si Yorick " sagot ni Lola

" Tatay po ba ni Yorick si Sir Erwin?" muling kong pag tatanong

" OO si Joud naman ang pinsan ni Yorick anak ni Ernesto si Joud'' sagot saakin ni Lola

"Eh nasan po si Joud''?" bakit hindi kopo sya nakikita dito sa Mansion?" pag tatakang tanong ko

"Pansamantalang nag babakasyon sa Japan"

" Last na tanong na po Lola, nasaan po si Sir Ernest at Sir Erwin?" muli kong pag tanong pansin kong ngumiti ng mapakla si Lola bago tumingin saaking

"Matagal na silang wala, mga bata palang si Joud'' at Yorick ng namatay ang tatay nila.... nasawi ang dalawa Kong anak dahil sa isang insidente"

"Papunta na sana sila sa isang Event pero nawalan sila ng preno Kaya naman dumiretso sila sa bangin" muling pag sagot ni Lola sa tanong ko napansin ko naman ang mabilis nyang pag punas sa tumtutulo nyang luha

At dahil sa bigla akong nakaramdam ng lungkot nag decide akong yakapin sya at I cheer up

" Ok Lang po yan Lola, alam naman nating masakit at mahirap ang tanggapin sa umpisa pero habang tumatagal ay unti-unti na nating matatanggap sa sarili natin na wala na talaga sila" ani ko

Gusto ko pa sanang mag itanong kay Lola bakit wala ang nanay ni Yorick at Joud sa picture pati narin dito sa Mansion pero nag naisip ko baka lalong sumama ang pakiramdam ni Lola sa kakatanong ko kaya wag nalang

"Ano kaya magiging buhay ko dito SA Mansion? mukang ok naman kami ni Lola, alam na kaya ni Allen ang tungkol dito? Hayss sana pag-labas ni baby ok na ang lahat at wala ng problema

********Continuation of Zeynep // POV********

" Loka loka ka beshie nag tatampo nako sayo!" ani ni Clarissa Habang naka nguso

" Kaya nga sorry na Diba?"

" Kaibigan mo AKO bakit Hindi mo sinasabi saakin na buntis Ka at ang ama ay yung Buenavista na Yun!?"

"Bakit parang galit ka sa kanya?" natatawa Kong tanong

"Aba syempre Naman, hindi porqué guwapo sya at yummy ay kakalimutan kong yung sinabi nya sayo na kalimutan nalang ang nangayri sainyo?"

Kahit chismosa at malandi tong kaibigan ko alam ko namang tunay sya saakin

" OO na, pero? may kapatid ba si Sir Yorick? ireto mo naman ako" aniya sabay tawa ko SA sinabi nya malandi talaga

"May pinsan sya, irereto kita pag umuwi na sya dito sa Pilipinas " sagot ko

"Sige aasahan ko yan ha"

Natapos ang mag-hapon tulad nung mga nakaraang araw ay mabilis ko ulit natapos ang mga gawain ko, bago ako umuwi ng Mansion ay dumiretso muna ako sa bahay para kamustahin si Mama, ang sabi nya ok lang naman daw sya at wag akong masyadong mag-alala

kanina sa trabaho panay ang tanong nila saakin kung totoong bang buntis ako, at syempre sinabi ko sa Kanila ang totoo.... sınabi ko na buntis ako 3 months na

Tapos tinatanong din nila ako kung sino daw ang ama, kaya nag dadahilan nalang ako na nasa abroad ang ama doon nag tatrabaho

Tahimik akong naka upo ngayon sa mahabang upuan dito sa loob ng kwarto ni Yorick, dito kasi dinala ng mga katulong yung mga gamit ko nung una kong dating dito sa mansion

wala pa si Yorick hanggang ngayon kaya ako lang mag isa dito sa kwarto nya

Bawat sulok ng kwarto ni Yorick ay puno ng mga litrato nila ng Girlfriend nya, alam Kong niloloko kolang sarili ko kung sasabihin Kong Hindi talaga mahal ni Yorick si Allen

Base kasi sa makikita ko sa bawat litrato, mukhang matagal na silang magkarelasyom, agaw pansin saakin ang isang Magazine na nakapatong sa ibabaw ng lamesa Kaya naman tumayo ako at kinuha ito para tingnan

Agad akong namangha ng makita ko ang magagandang Gown at Dress nung buklatin ko ang Magazine

"Sino kaya nag design nito" tanong ko sa sarili

Habang tinitingnan ko isa-isa ang iba't -ibang design ng Gown at Dress ay hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng Magazine

Isasarado kona sana ang Magazine ng agaw pansin saakin ang nakasulat sa likod

" Allen Villaruel " mahina Kong pag kabasa

Big sabahin girlfriend ni Yorick ang nag design ng lahat ng Ito?

matipid Kong ngiti

"Parehas pala kami ng pangarap, pangarap korin maging isang Fashion Designer .... pero alam kong kay Allen palang talo na ako

Pakasalan man ako ni Yorick pero ang puso nya naman ay para Kay Allen lang, anong say-say non? pero meron akong isang bagay na pinanghahawakan..... "Balang araw matututunan karing mahalin ni Yorick" yan ang salitang binitawan ng Lola ni Yorick mayari ko syang yakapin nung oras na umiyak sya dahil sa naalala nya ulit ang dalawa nyang anak na nasawi

Yorick // POV

12:30 AM na at ngayon palang ako umuwi ng Mansion, tinapos kopa Kasi yung ibang trabaho na iniwan saakin ni Lolo nung nag resign sya bilang CEO ng kumpanya

Habang nag mamaneho naman ako ng sasakyan ay bigla kong narinig ang pag-kulo ng tiyan ko

Hayss nalipasan na naman ako ng gutom, magagalit na naman saakin si Allen pag nalaman nya

ilang oras ang lumipas at nakarating na nga ako sa Mansion..... at halos tulog na lahat ng Tao

Sumilip ako SA kwarto nila Lolo at Lola, nakita ko silang mag-kayakap habang natutulog dahilan para Hindi ko maiwasang mapangiti mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa

Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto nila Lolo at Lola Kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko

Pag pasok ko ay nadatnan kong tulog si Jane sa mahabang upuan, kaya kumuha ako ng unan at isang kumot atsaka ito hinagis sa mukha nya para magising at lumipat sya sa kama

Mag bibihis na sana ako sa CR ng marinig ko syang nag salita

" Dumating kana pala Yorick" aniya

" Y-yeah" ang tangi kong naisagot atsaka tuluyan ng pumasok sa CR para mag bihis

Paglabas ko ng CR ay nakita kong naka upo na si Jane

" Bakit bigla kang nagising?" tanong ko sa kanya

" Ikaw Kaya batuhin ng unan at kumot sa mukha Hindi ka magigising" sagot ko sa kanya ng naka simangot

" Ehh bakit kasi dyan ka sa upuan natutulog? matulog ka ulit humiga ka dyan sa kama, Teka kumain kanaba?" tanong nya saakin sabay tingin ko sa kanya

"I-imean si baby kumain naba?" pag tatama nya saakin

" Hindi pa, natatakot kasi akong bumaba at kumain mag İsa ang laki-laki ng bahay nyo, kaya hinintay nalang kita" sagot ko naman

"O-okay sige sumunod kana saakin bumaba ka narin mag papahanda ako ng makakain sa, susunod wag mo naakong hintayin wag mong gutumin ang bata dyan sa sa tiyan mo" malamig na tugon

" Talagang itong bata lang ang mahalaga para sakanya" paghihimutok ng aking isipan

Kaya tumayo narin ako saaking pagkakaupo at nag pasyang bumaba dahil gutom na gutom na talga ako

" I'm sorry Jane, tulad ng sinabi ko aksidente lang ang lahat kaya walang dapat tayong seryosohin " pag babasag nya sa aming katahimikan

"Tapos na akong kumain" sagot ko sa kanya at saka akong nagpasyang umalis sa dinning table at umakyat sa kwarto

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status