NAGISING siya dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang pisngi. Bigla siyang umungol dahil sa matinding sakit sa katawan. Nilibot niya ang kaniyang paningin, nagulat siya dahil nasa kwarto na niya siya. Bigla siyang napabalikwas dahil sa kalituhan.
Bakit nasa sariling kwarto na siya? Hindi ba nasa bahay siya ng isang estranghero? At ano nga ulit ang pangalan niya? Bigla niyang tinampal ang kaniyang noo dahil nakalimutan niyang tanungin ang lalaki.“Diyos ko, anak! Bakit mo naman tinatampal ang noo mo? Hindi ka pa okay alam mo ba iyon?” tanong ng kaniyang ina kaya nagulat siya. Eksato kasing pagpasok nito ay nakita siyang tinampal niya ang sarili niya.“P-Paano po ako n-nakauwi rito?” tanong niya sa kaniyang ina. Napahinga ito ng malalim at napaiwas ng tingin.“Mas mabuti pang kumain ka na muna ng almusal, mamaya na natin iyon pag-usapan,” seryosong wika ng kaniyang ina ngunit nagmatigasa siya.“Mom, gusto ko pong malaman ang totoo ngayon na,” saad niya ngunit hindi siya pinansin ng ina bagkus sinubuan pa siya nito ng isang kutsara.“K-Kaya k-ko na po,” mahinang sambit niya ngunit hindi man lang siya pinansin nito at pilit na sinusubuan. Ilang subo pa ay napahinga ito ng malalim at ipinatong ang lugaw sa mesa.“Sabi ko naman sa iyo, mali ang desisyon mong umupo sa pagkaka-Governor. Tingnan mo ang nangyari sa iyo ngayon, Amanda? Hindi ka pa nga nakaka-isang araw muntik ka nang mamatay dahil diyan sa posisyon mo. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon, hindi ko na kayang mawalan ng pamilya lalo nang anak.” Napahagulhol ang kaniyang ina dahil sa sobrang frustrations. Napaiwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makitang nasasaktan ito.Halos ito ang palaging pinag-aawayan nila ng kaniyang ina. Ayaw na ayaw nitong pumasok siya sa politika lalo na ang pagka-Governor sa lalawigan nila dahil iniisip nito na baka may magtangkang patayin na naman siya kagaya sa nangyari sa kaniyang ama.“Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa, Mom.”“Oo alam ko, para mapabuti ang Alfonso at malaman kung sino ang pumatay sa ama mo. Pero matagal na iyon, anak. Wala tayong laban sa kanila, sinabi ng ama mo na huwag ka nang tutuloy at sundin mo ang gusto mo. Hindi ba gusto mo naman ang maging Doctor? Hindi pa naman huli ang lahat para roon, huwag lang ganito. Nag-aalala ako,” naiiyak na saad ng Mom niya.Umiling lamang siya.“Mom, simula noong nawalan po ako ng ama ay kinalimutan ko na ang pangarap kong maging Doctor. Isa lang naman po ang aking gusto— ang mahanap ang siyang pumatay sa ama ko na asawa mo kaya huwag mo po akong pigilan. Nasa termino na ako at paninindigan ko ito. Ngayon, sino ang nagdala sa akin dito?” tanong niya.“H-Hindi namin kilala, basta nakita ka lang ng guard na nasa labas ng mansion at nakahiga. Ano ba ang nangyari? Naaksidente raw ang kotse mo sabi ng Kuya mo?” tanong ng kaniyang ina. So, hindi alam ng Mommy niya ang tunay na nangyari sa kaniya, napangisi siya. Mabuti naman at hindi na pinaalam ng Kuya David niya.“Mom kunting scratch lang naman at naalala ko na po kusa po akong naglakad papunta sa mansion, hindi na kasi umaandar ang kotseng sinasakyan ko,” palusot niya. Panalangin niya lang na sana makalusot ito sa striktang nanay niya.Napahinga ito ng maluwag hula niyang gumana ang palusot niya.“Pinagsisisihan ko talagang hindi ka pinatapon sa America. Palagi ka na lang nasa peligro, kung hindi aksidente, engkwentro naman.” Napailing ang Mommy niya habang pinupunasan ang natuyong luha sa pisngi nito. Pati siya ay napapailing narin dahil sa kakulitan nito.“Mom, okay lang po ako at masaya ako sa trabaho ko, can’t you see?” Sinamaan lang siya nito ng tingin.“Masaya ka nga, eh palaging nasa peligro naman ang buhay mo,” inis nitong sambit sa kaniya kaya niyakap niya ito ng mahigpit. Mula noong nawala ang Tatay niya ay naging mas close pa silang magkakapamilya. Sino ba naman kasi ang magdadamayan kung ‘di sila lamang ‘di ba?“Kaya ko ang sarili ko Mom, ilang taon din naman akong namalagi sa Military training sa iba’t-ibang bansa. I already mastered all the skills lalo na’t kung paano humawak at mag-asinta ng baril, I’m a black belter sa taekwondo, a brown belter in Karate, na-master ko na rin ang archery. Lahat ng self defense ay inaral ko, kaya don’t worry, Mom okay?” pangungumbinsi niya sa kaniyang ina. Simula noong nawala ang ama nila ay lahat ng self defense inaral niya talaga for future purposes.“Oh siya, wala na akong magagawa, sobrang tigas pa rin talaga ng ulo mong bata ka. Kitain mo raw ang Kuya David mo kapag magaling ka na, may mahalaga raw kayong pag-uusapan,” saad nito sa kaniya at mabilis na umalis sa kwarto niya.Hindi naman siya nag-atubiling pumunta agad sa office ng Kuya David niya. Isang special agent ang Kuya niya at siya rin ang tumutulong sa kaniya sa pag-trace ng mga illegal transactions sa Bayan ng Alfonso.Masakit pa rin ang mga kasu-kasuan niya sanhi noong engkwentrong nangyari kagabi. Hindi niya alam kung panaginip lang ba iyong may sumagip sa kaniya o ano but she’s really sure na totoo iyon pilit niyang kinukumbinsi sa sarili na may lalaking sumagip sa kaniya kagabi.Nang makapasok siya sa office nito ay hindi pa rin nawawala ang kamanghaan na nararamdaman niya. Sa bawat pagpasok kasi niya ay kitang-kita ang lahat ng machines at computers na nakahilera roon. May isang white board din na napakalaki kung saan doon ito nagsusulat. May mga pictures na nakahilera roon at mga arrow na para bang dinugtong-dugtong ang mga larawan.Napakunot siya nang makita ang salitang MAFIA sa pinakataas ng board. Naroon ang ilang mga pictures ng tao subalit hindi niya mga kilala iyon. Doon lang niya napansin ang isang maskarang suot-suot ng isang lalaki. Kapareho ng suot na maskara ng lalaking gustong pumatay sa kaniya.“Sis, why are you here? Hindi ba’t nagpapahinga ka ngayon sa mansyon?” Napalingon siya nang makita ang Kuya David niya na kakalabas pa lang ng kwarto. Naka-topless lang ito kaya napakunot ang noo niya.“Anong mayroon bakit naka-topless ka?” Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang may ma-realize.“Huwag mong sabihing may babae rito sa bahay mo? Kuya naman, hindi ba sinabi ni Mom na bago ka makipag-sex sa babae ay ipapakilala mo muna ito sa amin?” tanong niya sa lalaki. Napakamot naman ito sa ulo at napailing.“Sis, it was only a one night stand aalis din naman iyan mamaya.” Napahilamos siya ng mukha nang hindi ma-take ang pagkababaero ng kaniyang kapatid. Napapailing na lamang siya."Huwag mong sabihing virgin iyon malalagot ka talaga!" Kita niya ang pag-iwas ng tingin ng lalaki kaya alam na niya ang sagot.“Anyway, bakit mo pala ako pinatawag? At paano ako napunta sa gate ng mansion? Nakita mo ba kung sino ang nagdala sa akin doon?” Nakita niyang kinuha ni David ang damit nito at mabilisang sinuot. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.“Iyong lalaki, kilala mo ba iyon?” tanong nito sa kaniya.“Huh? Sinong lalaki?” Napakunot siya ng noo dahil hindi niya alam kung sino iyong lalaking tinutukoy ng kaniyang kapatid.“Fuck! Sinasabi ko na nga ba! Mabuti na lamang at ikinulong ko siya at pinabugbog sa tauhan ko para magsalita, sinabi ba namang niligtas ka raw niya. Imposible naman iyon dahil alam kong kaya mong ipaglaban ang sarili mo—”Agad na pinutol niya ang Kuya David niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki.“WHAT? Nasaan na kuya ang lalaking sinasabi mo? Damn! Sinagip niya nga ako, siya ba ang nagdala sa akin sa mansyon? Kuya naman bakit hindi mo ako hinintay magising bago ka gumawa ng dahas!” naiinis na saad niya sa kapatid dahil hindi man lang ito nag-isip.“Eh, nag-iingat lang ako, Sis at isa pa nakita kitang duguan kasama niya kaya hind ako nag-atubiling imbestigahan siya, kunting suntok lang naman. Ang tigas kasi dahil hindi man lang ito nagsasalita, tanging pangalan mo lang ang tinatawag nakakairita,” paliwanag ng kaniyang kapatid ngunit malakas niya itong binatukan sa ulo.“Nasaan ang lalaking iyon?” Naiiyak niyang tiningnan si David. She felt bad sa lalaki, siya na nga ang nagligtas sa kaniya tapos siya pa itong nabugbog. Damn it!“Nasa underground. Nakakulong,” saad ng Kuya David niya kaya mabilis siyang umalis sa office. Rinig niya ang pagtawag nito sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin. Agad na pinuntahan niya ang underground kung saan doon nila dinadala ang mga taong kriminal para parusahan at paaminin ng kasalanan. More like, it’s a torture room.Binati siya ng mga tauhan ng Kuya niya lalo na ang Bestfriend nitong si Logan.“Hi, Ms. Beautiful ang aga-aga nakabusangot ka, anong problema?” tanong ni Logan sa kaniya kaya napairap siya. Nakasuot ito ng unipormeng kadalasan sinusuot nila at may baril din sa tagiliran. Kung tutuusin gwapo rin naman ito subalit hindi niya ito type. Babaero rin kasi kagaya ng Kuya niya.“Tigilan mo ako, Logan ah. Masasapak kita. Nasaan ang lalaking dinala rito ni Kuya kagabi?” tannong niya sa lalaki.“Ah, iyong mayabang na lalaki na iyon? Nasa dulo nakakulong. Talaga bang sinagip ka noon?” takang tanong ni Logan ngunit hindi siya umimik. Agad siyang tumakbo papunta sa pinakadulo ng kulungan. Sobrang nag-aalala siya para sa lalaki. Alam niyang malaki ang pangangatawan nito at kaya nitong lumaban pero iyong skills ng mga tao rito ay iba kumpara sa lalaki. Lahat ng mga tauhan dito sa underground ay hindi naiiba sa kaniya na master ang lahat ng mga skills ng self defense.Kung tutuusin ay hindi niya na kailangan ng Bodyguard, itong Mom niya lang ang mapilit. Pilit siyang kinukulit na kumuha ng Bodyguard para may magbantay sa kaniya.Napakagat siya ng labi nang makita ang lalaking nasa gilid ng kulungan. Nakahiga ito na para bang namimilipit sa sakit. Naiiyak siya dahil sa natamong sugat at pasa nito sa mukha. Bigla siyang nakaramdam ng sakit sa dibdib at hindi niya iyon maintindihan. Siguro dahil sa awa sa lalaki.“M-Ms. G-Governor…” tawag nito sa kaniya.“Hindi ako ang bumugbog niyan ah , ang Kuya mo,” rinig na palusot ni Logan sa kaniya ngunit hindi siya naniniwala.“ Shut up! Akin na ang susi, iuuwi ko siya sa apartment ko at gagamutin. Huwag kayong makialam, totoong niligtas niya ako kagabi,” inis na sambit niya kay Logan. Kaagad namang sinunod nito ang utos niya at ibinigay ang susi sa kaniya siguro ay nakonsensiya sa ginawa nila. Mabilis niyang binuksan ang selda at nilapitan ang lalaki.“Uuwi na tayo, huwag kang mag-alala hindi ka masasaktan kapag kasama mo ako,” naiiyak na sambit niya sa lalaki ngunit tumawa lang ito ng mahina.“Kikiligin na ba ako sa sinabi mo, Ms. Governor?”Nainis siya dahil nagawa pa nitong magbiro kita na’t nag-aalala pa rin siya.“At nagawa mo pa talagang magbiro, mabuti nga’t ganiyang lang ang tinamo mo at baka lumabas ka rito ng wala nang daliri!”“Hindi naman ako takot sa kanila. Hindi lang ako makapanlaban dahil nakaposas ako,” ngiting sambit ng lalaki sa kaniya habang inaalalayan niya itong tumayo. Kinuha niya ang braso nito at sinampay niya sa balikat niya at naglakad.“Tulungan ko na kayo, Amanda.” Sinamaan niya lang ng tingin si Logan kaya napaatras ito.“Pakisabi kay Kuya, humanda siya mamaya dahil isusumbong ko siya kay Mom dahil may dinala siyang babae rito sa mansyon at for sure papakasalan niya iyong babaeng iyon dahil sasabihin kong may nangyari na sa kanilang dalawa!” Nanlaki ang mga mata ni Logan sa sinabi niya. Sa lahat ng ayaw kasi ng Kuya David niya ay matali sa isang babae subalit hindi naman puwedeng takasan niya ang babaeng iyon lalo na't virgin ito nang nakuha ito ng kuya niya.Mabilis siyang umalis kasama nitong estrangherong sumagip sa kaniya. Medyo mabigat ito ngunit keri lang. Sanay na sanay na rin kasi siya. Idinala niya ang lalaki sa loob ng kotse at kaagad na pumasok at umupo sa driver seat.“Pupunta tayo sa apartment ko at gagamutin ko iyang sugat mo.”Seryoso niyang tinitigan ang lalaki na ngayon ay nakapikit na. Humahangos pa rin naman ito. Lumambot ang kaniyang puso dahil sa nakitang mga galos sa gwapo nitong mukha. Napakuyom siya ng kamo at sinisisi ang sarili kung bakit nagkaganoon ang lalaki.“P-Pasensiya ka na at napunta ka pa sa ganitong sitwasyon. Nabugbog ka pa tuloy ikaw na nga itong sumagip sa akin,” naawa niyang saad sa lalaki. Ngumiti ito at minulat ang mga mata. Napalunok siya nang makita ulit ang nakakaakit na asul na mata nito. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kilig sa tuwing tinititigan siya ng lalaki.“O-Okay lang, Bodyguard mo na rin naman ako ‘di ba? Kaya nasa trabaho ko na rin ang ganito…” Kinagat niya ang kaniyang labi dahil sa nararamdaman niya ngayon. Darang na darang sa lalaking nakilala niya kagabi lamang.“Hindi pa naman ngayon ang umpisa ng trabaho mo. Nevermind."Nang makaratring sila sa building ay agad niya itong inalalayan ulit. Hanggang sa nakapasok sila sa loob ng apartment niya. Bigla siyang nahiya dahil sa mga nagkakalat na papeles sa loob.“P-Pasensiya ka na, sobrang makalat, ilang araw na rin kasi akong hindi nakakauwi rito kaya hindi ko pa nalilinisan,” paumanhin niya sa lalaki. Tumango lamang ito. Umupo ito sa sofa, kaagad niyang kinuha ang first aid kit nito.Nang bumalik ay napakunot siya ng seryoso itong nag-oobserba sa paligid.Tumikhim siya sa lalaki kaya agad itong lumingin sa kaniya.“M-Mukhang gustong-gusto mo ang kulay rosas. Halos lahat ng mga gamit dito ay iyon ang kulay. Hindi halata sa personalidad mo,” nakangising sambit ng lalaki sa kaniya ngunit inirapan niya ito. Umupo siya sa harap nito at sinimulang ginamot ang sugat.“Alam mo, babae rin naman ako at pakialam mo ba kung paborito kong kulay ay rosas?” tanong niya sa lalaki ngunit tumawa na naman ito.“Wait, hindi ko pa alam kung ano ang iyong pangalan. Ano ang pangalan mo?” tanong niya sa lalaki. Nawala ang ngiti nito sa labi at nag-iwas ng tingin.“Pierre… Pierre Quintavious De La Fontaine.”Naiwan sa ere ang kamay niya at napanganga nang marinig ang apelyidong iyon. Biglang kumabog ang kaiyang puso dahil sa gulat. Paano nga ba niya makakalimutan ang apelyidong minsan nang pinasakitan ang puso niya.“K-Kapatid mo b-ba si Donovan Quiten?” tanong niya sa lalaki. Tumango lang ito sa kaniya.Shit! Kapatid nito ang ex niya?Bakit hindi man lang sila magkamukha? Hindi ba mayaman ang mga De La Fontaine? Isa nga ito sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Bakit siya naghahanap ng trabaho sa kapitolyo at bakit sa barong-barong ito nakatira?“Kung iniisip mong bakit pa ba ako maghahanap ng trabaho gayong mayaman naman ang pamilya ko, sila lang iyon at hindi ako. Isa akong bastardong anak ni Don Lucas De la Fontaine, anak ng isang hostess sa club.”Itinikom niya ang kaniyang bibig at napatikhim. Biglang tumahimik ang paligid. Agad niyang kinuha ang first aid kit box at isinilid ang mga nagamit niyang gamit."Magpahinga ka na muna, maghahanda na muna ako dahil may pasok pa ako sa kapitolyo." Iyan lang ang sinabi niya't umalis na. Napapikit siya ng mariin, paano niya pakikisamahan ang kapatid ng lalaking minsan niya na ring minahal ng lubusan at ang lalaking pinaglaruan lamang ang puso niya ilang taon na ang nakakaraan?Ngayon idinaraos ang fiesta sa bayan ng Alfonso. Hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa sobrang dami ng mga events at palaro. Halos lahat ay sobrang busy lalong-lalo na ang bagong Mayor ng Alfonso na si Amanda. Samantalang si Pierre na kaniyang bodyguard ay palaging nakabantay sa babae. Sobrang pogi nito sa kaniyang black suit attire na bumagay sa lalaki dahil halatang-halata ang muscle ay kaseksihan nito. Halos hindi nga maalis sa isipan ng babae ang porma nito kahit na sobrang busy siya sa kapitolyo. Buong araw rin siyang naiinis sa mga babaeng tingin ng tingin sa bodyguard niya at panay bulungan. Halos naiirita na ang kaniyang tainga dahil sa paulit-ulit na sinasabi ng kababaihan. 'Ang Hot at ang pogi ng kaniyang kasama' Nakasalubong ni Amanda si Mr. Gidon habang pabalik siya sa kaniyang opisina. Nakangisi ang lalaki at huminto muna para batiin siya. "Magandang hapon, Mayor. Bakit parang badtrip ka ngayon?" tanong nito. Napatingin si Gidon sa kaniyang likod at nagtanong ulit. "A
“Congratulations, Ms. Chua!” Malaki ang ngiti ni Amanda dahil siya ang hinirang na Gobernador sa bayan ng Alfonso kung saan siya ipinanganak. Landslide ang nasabing eleksyon dahil halos lahat ng tao sa Alfonso ay s’ya ang binoto. Marami ang natuwa dahil siya ang naging Governor ngunit iilan din ang nagalit lalong-lalo na iyong nagboto sa kalaban niya. Ngayon ang unang araw ng kaniyang termino kaya dapat lang na maging produktibo ang araw na ito. “Salamat sa suporta niyo, hindi ako mananalo kung wala kayo,” ngiting sambit ni Amanda sa kaniyang ka-alyado. “Kayo lang ang nakikita naming walang halong bahid ng korapsyon at puro ang paglilingkod sa bayan kaya deserve niyo ang posisyong ito,” saad ng isa sa mga trabahante sa kapitolyo. Ngumiti lamang si Amanda sa sinabi nito at magalang na tumango. Masaya siya dahil siya ang nanalo ngunit mayroong kaba pa rin sa puso niya dahil mas malaki na ang responsibilidad kaysa dati. Dati ay nasa munispyo lamang siya ngunit ngayon ay sa buong lal
RAMDAM niya ang malamig na simoy ng hangin na bumalot sa kaniyang katawan. Napaigtad siya nang marinig ang kulog sa madalim na kalangitan. Hindi niya napansin na ilang oras na rin pala siyang nakatambay sa puntod ng kaniyang ama. Dali-dali siyang nagpaalam at sumakay sa kotse para hindi siya abutan ng malakas na ulan. Ayaw niyang magkasakit dahil kinabukasan ay may duty siya sa kapitolyo. “Shit!” mura niya nang saktong bumuhos ang ulan habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse. Aalis na sana siya ngunit para bang may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mata, parang pigura ng isang tao, nakatingin ito sa loob ng sasakyan niya. Nang lumingon siya sa deriksyong iyon ay bigla itong nawala. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niyang maging kalmado. Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lamang pinansin ang taong nakita. Siguro ay guni-guni niya lang iyon. Tama, sobrang dami lang kasi ng iniisip niya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Nang makarating siya sa isang intersection
Ngayon idinaraos ang fiesta sa bayan ng Alfonso. Hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa sobrang dami ng mga events at palaro. Halos lahat ay sobrang busy lalong-lalo na ang bagong Mayor ng Alfonso na si Amanda. Samantalang si Pierre na kaniyang bodyguard ay palaging nakabantay sa babae. Sobrang pogi nito sa kaniyang black suit attire na bumagay sa lalaki dahil halatang-halata ang muscle ay kaseksihan nito. Halos hindi nga maalis sa isipan ng babae ang porma nito kahit na sobrang busy siya sa kapitolyo. Buong araw rin siyang naiinis sa mga babaeng tingin ng tingin sa bodyguard niya at panay bulungan. Halos naiirita na ang kaniyang tainga dahil sa paulit-ulit na sinasabi ng kababaihan. 'Ang Hot at ang pogi ng kaniyang kasama' Nakasalubong ni Amanda si Mr. Gidon habang pabalik siya sa kaniyang opisina. Nakangisi ang lalaki at huminto muna para batiin siya. "Magandang hapon, Mayor. Bakit parang badtrip ka ngayon?" tanong nito. Napatingin si Gidon sa kaniyang likod at nagtanong ulit. "A
NAGISING siya dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang pisngi. Bigla siyang umungol dahil sa matinding sakit sa katawan. Nilibot niya ang kaniyang paningin, nagulat siya dahil nasa kwarto na niya siya. Bigla siyang napabalikwas dahil sa kalituhan. Bakit nasa sariling kwarto na siya? Hindi ba nasa bahay siya ng isang estranghero? At ano nga ulit ang pangalan niya? Bigla niyang tinampal ang kaniyang noo dahil nakalimutan niyang tanungin ang lalaki. “Diyos ko, anak! Bakit mo naman tinatampal ang noo mo? Hindi ka pa okay alam mo ba iyon?” tanong ng kaniyang ina kaya nagulat siya. Eksato kasing pagpasok nito ay nakita siyang tinampal niya ang sarili niya.“P-Paano po ako n-nakauwi rito?” tanong niya sa kaniyang ina. Napahinga ito ng malalim at napaiwas ng tingin. “Mas mabuti pang kumain ka na muna ng almusal, mamaya na natin iyon pag-usapan,” seryosong wika ng kaniyang ina ngunit nagmatigasa siya. “Mom, gusto ko pong malaman ang totoo ngayon na,” saad niya ngunit hindi siya pina
RAMDAM niya ang malamig na simoy ng hangin na bumalot sa kaniyang katawan. Napaigtad siya nang marinig ang kulog sa madalim na kalangitan. Hindi niya napansin na ilang oras na rin pala siyang nakatambay sa puntod ng kaniyang ama. Dali-dali siyang nagpaalam at sumakay sa kotse para hindi siya abutan ng malakas na ulan. Ayaw niyang magkasakit dahil kinabukasan ay may duty siya sa kapitolyo. “Shit!” mura niya nang saktong bumuhos ang ulan habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse. Aalis na sana siya ngunit para bang may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mata, parang pigura ng isang tao, nakatingin ito sa loob ng sasakyan niya. Nang lumingon siya sa deriksyong iyon ay bigla itong nawala. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niyang maging kalmado. Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lamang pinansin ang taong nakita. Siguro ay guni-guni niya lang iyon. Tama, sobrang dami lang kasi ng iniisip niya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Nang makarating siya sa isang intersection
“Congratulations, Ms. Chua!” Malaki ang ngiti ni Amanda dahil siya ang hinirang na Gobernador sa bayan ng Alfonso kung saan siya ipinanganak. Landslide ang nasabing eleksyon dahil halos lahat ng tao sa Alfonso ay s’ya ang binoto. Marami ang natuwa dahil siya ang naging Governor ngunit iilan din ang nagalit lalong-lalo na iyong nagboto sa kalaban niya. Ngayon ang unang araw ng kaniyang termino kaya dapat lang na maging produktibo ang araw na ito. “Salamat sa suporta niyo, hindi ako mananalo kung wala kayo,” ngiting sambit ni Amanda sa kaniyang ka-alyado. “Kayo lang ang nakikita naming walang halong bahid ng korapsyon at puro ang paglilingkod sa bayan kaya deserve niyo ang posisyong ito,” saad ng isa sa mga trabahante sa kapitolyo. Ngumiti lamang si Amanda sa sinabi nito at magalang na tumango. Masaya siya dahil siya ang nanalo ngunit mayroong kaba pa rin sa puso niya dahil mas malaki na ang responsibilidad kaysa dati. Dati ay nasa munispyo lamang siya ngunit ngayon ay sa buong lal