Share

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)
Author: iampammyimnida

Kabanata 1| Governor Chua

last update Last Updated: 2022-07-20 19:45:40

“Congratulations, Ms. Chua!”

Malaki ang ngiti ni Amanda dahil siya ang hinirang na Gobernador sa bayan ng Alfonso kung saan siya ipinanganak. Landslide ang nasabing eleksyon dahil halos lahat ng tao sa Alfonso ay s’ya ang binoto.

Marami ang natuwa dahil siya ang naging Governor ngunit iilan din ang nagalit lalong-lalo na iyong nagboto sa kalaban niya. Ngayon ang unang araw ng kaniyang termino kaya dapat lang na maging produktibo ang araw na ito.

“Salamat sa suporta niyo, hindi ako mananalo kung wala kayo,” ngiting sambit ni Amanda sa kaniyang ka-alyado.

“Kayo lang ang nakikita naming walang halong bahid ng korapsyon at puro ang paglilingkod sa bayan kaya deserve niyo ang posisyong ito,” saad ng isa sa mga trabahante sa kapitolyo.

Ngumiti lamang si Amanda sa sinabi nito at magalang na tumango. Masaya siya dahil siya ang nanalo ngunit mayroong kaba pa rin sa puso niya dahil mas malaki na ang responsibilidad kaysa dati. Dati ay nasa munispyo lamang siya ngunit ngayon ay sa buong lalawigan na ng Alfonso. Naging city mayor din kasi siya bago tumuntong sa taas.

Pumunta na siya sa kaniyang bagong opisina kasama ang sekretarya niya at assistant.

“May meeting po kayo Ms. Amanda mamayang alas nuebe para sa nalalapit na fiesta rito sa atin kasama ang mga nasa posisyon,” saad ng kaniyang sekretarya sa kaniya.

“Iyon lang ba ang schedule ko ngayong araw?” tanong niya sa babae.

“Yes, Governor. Pagkatapos noon ay puwede na po kayong mag-out,” sambit nito kaya napatango siya.

Kailangan din kasi niyang bumisita sa puntod ng kaniyang ama, ngayon kasi ang death anniversary nito. Namatay ito sa isang engkwentro at hanggang ngayon hindi pa rin alam kung sino ang mga suspek sa kasong iyon. Isa sa mga dahilan kung bakit siya tumakbo ay matukoy ang suspek na pumatay sa kaniyang ama. Naniniwala siyang makapangyarihan ito, minsan na ring narinig niya na may balak na tumakbo ang kaniyang ama at maraming mga kaalyado nito ang hindi sumangayon.

Nang pumatak ang alas nuebe ay agad siyang nag-ayos ng kaniyang sarili at pumunta sa kung saan sila mag-me-meeting. Naroon na ang mga nasa mababang posisyon. Lahat ng mga tao roon ay nakatingin lamang sa kaniya habang papalapit siya sa harapan. Siya ang mas may kapangyarihan sa lahat kaya nasa gitna siya.

“Magandang umaga, Ms. Governor!” bati ni Mr. Gidon, nanalo bilang Bise niya sa lalawigan. Kaalyado ng kalaban sa pagka-Governor.

Tumango lamang siya at ngumiti. Alam niyang nakikipag-plastikan lang ito sa kaniya. Lahat naman siguro roon ay ayaw na ayaw sa kaniya. Alam nila kasing malinis ang kaniyang record at walang kurap samantalang halos lahat siguro ng katiwalian dito sa lalawigan ng Alfonso ay involve sila. Pinangako niya sa kaniyang ama bago mamatay ay tutugisin niya ang lahat ng mga katiwalian sa lalawigan at hindi siya magiging pareho sa kanila. Ang lalawigan ng Alfonso at mga nasasakupan nito ang pinaka mahalaga para sa kaniya.

Ilang suhestyon ang binigay sa kanya ng grupo na kanya namang sinang-ayunan. Ang hindi niya lang ma-aprubahan ay iyong pinipilit ni Mr. Gidon na magpatayo ng sabungan malapit sa kapitolyo. Natatawa na lang siya dahil sa naiisip ng Bise, alam niyang ilegal iyon kaya hindi siya pumayag.

“Alam mo bang ilegal ang sabong Mr. Gidon?” seryosong tanong niya sa lalaki. Nagsitinginan ang lahat sa kanila animo’y natutuwa dahil sa magaganap na mainit na sagutan nila ng lalaki.

“Oh, fiesta naman kasi Ms. Chua kaya pagbigyan mo na ang mga tao sa Alfonso. Alam kong gusto rin nilang magkaroon dito ng sabungan. Iyan ang suhestyon ng ibang mga tao sa amin noon,” paliwanag ni Mr. Gidon sa kanya ngunit hindi niya talagang magawang sumang-ayon sa lalaki.

“Kahit pa, hindi ako papayag na bahiran niyo ng ilegal ang termino ko, ito ang tandaan mo, Mr. Gidon hinding-hindi ako papayag na mamayani ang mga kurap at ilegal dito sa lalawigan ng Alfonso,” seryosong sambit niya sa lalaki. Tumawa lang ito nang mahina at napailing.

“Mukhang magkakasundo tayo, Ms. Governor. Ayaw ko rin ng kurap na politiko,” halakhak na saad nito sa kanya at alam niyang may pagka-sarkastiko iyon. Umirap lamang siya sa matanda at hindi na nagsalita pa.

"Manang-mana ka talaga sa iyong ama. Matapang at sobrang loyal sa mga tao sa Alfonso. Hindi mo ba alam na iyan ang nakapagbagsak sa tatay mo? Marami siyang binangga lalo na ang nakakataas. Sana huwag ka ring magaya sa ama mo."

Kumuyom ang kaniyang kamo dahil sa sobrang galit na nararamdaman sa lalaki. Tiningnan niya ito ng masama.

"Huwag na huwag mong isasama sa usapan ang aking ama, Mr. Gidon. Wala sa usapan natin iyan kaya kung maari, itikom mo na lang iyang bibig mong walang sinabi kung 'di mga bagay na wala namang kuwenta."

Marami ang nagbubulungan at napatawa ng mahina dahil sa sinabi niya ngunit nanatili lamang siyang seryoso at matikas an postura. Wala namang nagawa ang matanda kung 'di ay bumulong at sinamaan siya ng tingin.

Natapos ang meeting at kasalukuyan siyang nasa loob ng kotse papuntang libingan ng kanyang ama. Bago muna siya nakarating sa sementeryo ay bumili muna siya ng bulaklak para sa ama. Hindi niya kasama ang kanyang ina dahil may malubhang sakit ito, mula nang nawala ang kaniyang Daddy ay napabayaan na ng kanyang ina ang sarili na ikinabagsak ng katawan nito.

“Kumusta ka na, Daddy?” Napangiti siya nang maalala niya ang mukha ng kanyang ama.

“Alam kong masaya ka ngayon dahil natupad na ang minimithi mo. Isa na akong Governor ng Alfonso at gagawin ko ang lahat para maging maunlad ang lalawigan natin. Hahanapin ko ang pumatay sa’yo at ipapahalik ko sa kanya ang rehas, gagawin ko ang aking makakaya para magkaroon ka ng hustisya, Daddy,” naiiyak niyang sambit sa puntod nito. Inalis niya ang mga naghuhulugang dahon sa puntod nito at hinawakan ang pangalan na nakasulat doon.

“Emmanuel D. Chua.”

Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay muling sumariwa ang engkwentrong nagpabago sa kanyang buhay.

“Anak, malapit na ang graduation mo. Ano ang gusto mong regalo? Balita ko ay Cum Laude ka raw?” tanong ng kaniyang ama habang nag-dri-drive ng kotse nila. Galing silang magpamilya sa isang restaurant at doon nag-dinner. Halos every week kasi ay nag-bo-bonding sila. Iyon kasi ang gusto ng kanyang ama, sa sobrang busy kasi nito araw-araw ay minsan na lang siyang nakakauwi sa bahay nila. Palagi itong nasa munisipyo at busy sa paper works na nakakalimutan na nitong may pamilya siya. Hindi naman sila nagrereklamo dahil sanay na sila, kahit papaano kasi ay nagagampanan pa rin nito ang pagiging ama at asawa kagaya ngayon ay nag-bonding sila.

“Oo, Dad. Gusto kong ikaw ang magsabit sa akin ng medalya, palagi na lang kasing si Mom eh, simula elementarya at sekondarya. Dapat ngayong patapos na ako ng kolehiyo ay ikaw na, please Dad!” pilit niya sa kanyang ama na ikinahalakhak nito.

“Sige, anak. Pangako ko sa’yo na ako ang magsasabit ng medalya sa graduation mo. Sobrang proud na proud ang Daddy sa’yo, Cum Laude ang anak ko! Alam kong susunod ka sa yapak ko!” masiglang sambit ni Dad sa kanya. Nawala ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi naman kasi niya gusto ang kursong Public Ad. subalit napilitan siya dahil iyon ang gusto ng kanyang ama. Gusto niyang maging isang doktor kagaya ng kanyang tiyahin na nasa Amerika.

“S-Salamat, Dad. Para sa inyo ito kaya pinag-iigihan ko lagi,” saad niya.

Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang. Halos araw-araw ay nasa kwarto lang siya nag-aaral, ayaw niya kasing ma-disappoint sila lalo na ang ama. Sa una, hindi niya alam kung paano nga ba sasabihin na ayaw niya sa kursong iyon kaya mas pinili na lang niyang mahalin ang Public Ad. na sa katagalan ay napamahal na rin sa kanya.

Malaki ang ngiti nilang pamilya habang tinatahak ang kalsada papunta sa kanilang mansyon nang biglang may humurang sa kanilang kotse. Lumabas ang mga ‘di kilalang armado sa loob ng van kaya kinabahan siya.

“BABA!” sigaw ng lalaki kaya napayakap silang mag-anak.

“Dad, h-huwag kang bababa,” natatakot niyang sambit sa kanyang ama ngunit ngumiti lang ito ng maluwag.

“Ikaw na muna ang bahala sa mga anak natin, Ofelia. Huwag kayong mag-aalala, ako na ang bahala sa lahat. Huwag na huwag kayong lalabas!”

Iyon lang ang narinig nila sa kaniyang ama, kinuha nito ang baril sa dashboard ng kotse at isinuksok iyon sa kanyang pantalon. Humagulhol sila dahil sa sobrang takot. Nakikita kasi nilang may mga hawak na armas ang mga ito.

“Luhod!” sigaw ng isa, kitang-kita nila ang ama na pinakikiusapan ang mga kalalakihan ngunit mabilis siyang hinampas ng dala-dala nilang baril. Sumigaw siya dahil sa sobrang galit kaya napalingon ang dad sa kanya. Umiling lamang ito na para bang sinasabi na huwag makialam. Kitang-kita niya ang tumulong luha ng kanyang ama sa pisngi. Roon ay kinabahan siya. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng koste ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. Umiling ito.

“Magtiwala ka sa ama mo,” saad ng mom niya.

“Pasensiya na, Mayor Chua! Napag-utusan lang…”

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa gitna ng kadiliman. Sumigaw ang kanyang ina at napahagulhol kaya agad niyang nilingon ang kinaroroonan ng ama. Tumulo ang kanyang luha dahil nakita niyang nakahandusay na ang ama at puno ito ng dugo.

Sa isang igla ay nawala ang armadong kalalakihan at umalis sa kinaroroonan nila. Agaran siyang lumabas sa kotse at mabilis na inakay ang Dad niya.

“Oh gosh! Dad! Huwag niyo po kaming iwan!”

“Emmanuel! Mahal, huwag kang susuko, idadala ka namin sa hospital,” sambit naman ng kaniyang ina sa naghihingalo niyang asawa. Wala s’yang pakialam kung puno na ng dugo ang kanyang damit. Sobrang sakit makita na nasa ganitong estado ang ama niya.

“A-Anak… P-Pasensya k-ka n-na m-mukhang h-hindi na naman m-makakapunta s-sa g-graduation m-mo s-si D-Daddy. Huwag k-ka sanang m-magtampo, i-ikaw n-na ang b-bahala sa m-mom a-at k-kapatid mo. I-Ikaw l-lang a-ang pag-asa n-nila. L-Lahat ng tinuro k-ko sa iyo ay sa-sanay baunin at s-sundin m-mo. P-Pasensiya ka n-na at…”

“N-No Dad, huwag na po kayong magsalita, please! Parating na ang ambulansya, kunting tiis na lang at ligtas na kayo,” hagulhol niyang sambit sa ama ngunit dahan-dahan itong umiling.

“A-Alam kong a-ayaw m-mo… ng kursong g-gusto ko. S-Sorry k-kung pinilit k-ka ni D-Daddy. I-I d-don’t w-want you t-to b-be l-like m-me anymore. J-Just g-go w-with your d-dreams. I-I’m s-sorry anak,” saad nito at napaubo ng dugo.

“M-Mahal na m-mahal k-ko kayo…”

Iyan ang huling sinabi ng ama niya sa kanya at hinding-hindi niya iyon malilimutan. Mas pinili niyang sundin ang gusto nito, naging Governor nga siya at hahanapin niya ang pumatay sa Daddy niya.

Related chapters

  • The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)   Kabanata 2| Save by a stranger

    RAMDAM niya ang malamig na simoy ng hangin na bumalot sa kaniyang katawan. Napaigtad siya nang marinig ang kulog sa madalim na kalangitan. Hindi niya napansin na ilang oras na rin pala siyang nakatambay sa puntod ng kaniyang ama. Dali-dali siyang nagpaalam at sumakay sa kotse para hindi siya abutan ng malakas na ulan. Ayaw niyang magkasakit dahil kinabukasan ay may duty siya sa kapitolyo. “Shit!” mura niya nang saktong bumuhos ang ulan habang pinapaandar niya ang kaniyang kotse. Aalis na sana siya ngunit para bang may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mata, parang pigura ng isang tao, nakatingin ito sa loob ng sasakyan niya. Nang lumingon siya sa deriksyong iyon ay bigla itong nawala. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niyang maging kalmado. Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lamang pinansin ang taong nakita. Siguro ay guni-guni niya lang iyon. Tama, sobrang dami lang kasi ng iniisip niya kaya kung ano-ano na ang nakikita niya. Nang makarating siya sa isang intersection

    Last Updated : 2022-08-02
  • The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)   Kabanata 3 | Pierre Quintavious De La Fontaine

    NAGISING siya dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang pisngi. Bigla siyang umungol dahil sa matinding sakit sa katawan. Nilibot niya ang kaniyang paningin, nagulat siya dahil nasa kwarto na niya siya. Bigla siyang napabalikwas dahil sa kalituhan. Bakit nasa sariling kwarto na siya? Hindi ba nasa bahay siya ng isang estranghero? At ano nga ulit ang pangalan niya? Bigla niyang tinampal ang kaniyang noo dahil nakalimutan niyang tanungin ang lalaki. “Diyos ko, anak! Bakit mo naman tinatampal ang noo mo? Hindi ka pa okay alam mo ba iyon?” tanong ng kaniyang ina kaya nagulat siya. Eksato kasing pagpasok nito ay nakita siyang tinampal niya ang sarili niya.“P-Paano po ako n-nakauwi rito?” tanong niya sa kaniyang ina. Napahinga ito ng malalim at napaiwas ng tingin. “Mas mabuti pang kumain ka na muna ng almusal, mamaya na natin iyon pag-usapan,” seryosong wika ng kaniyang ina ngunit nagmatigasa siya. “Mom, gusto ko pong malaman ang totoo ngayon na,” saad niya ngunit hindi siya pina

    Last Updated : 2022-08-04
  • The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)   Kabanata 4 | Banat

    Ngayon idinaraos ang fiesta sa bayan ng Alfonso. Hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa sobrang dami ng mga events at palaro. Halos lahat ay sobrang busy lalong-lalo na ang bagong Mayor ng Alfonso na si Amanda. Samantalang si Pierre na kaniyang bodyguard ay palaging nakabantay sa babae. Sobrang pogi nito sa kaniyang black suit attire na bumagay sa lalaki dahil halatang-halata ang muscle ay kaseksihan nito. Halos hindi nga maalis sa isipan ng babae ang porma nito kahit na sobrang busy siya sa kapitolyo. Buong araw rin siyang naiinis sa mga babaeng tingin ng tingin sa bodyguard niya at panay bulungan. Halos naiirita na ang kaniyang tainga dahil sa paulit-ulit na sinasabi ng kababaihan. 'Ang Hot at ang pogi ng kaniyang kasama' Nakasalubong ni Amanda si Mr. Gidon habang pabalik siya sa kaniyang opisina. Nakangisi ang lalaki at huminto muna para batiin siya. "Magandang hapon, Mayor. Bakit parang badtrip ka ngayon?" tanong nito. Napatingin si Gidon sa kaniyang likod at nagtanong ulit. "A

    Last Updated : 2023-02-02

Latest chapter

  • The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)   Kabanata 1| Governor Chua

    “Congratulations, Ms. Chua!” Malaki ang ngiti ni Amanda dahil siya ang hinirang na Gobernador sa bayan ng Alfonso kung saan siya ipinanganak. Landslide ang nasabing eleksyon dahil halos lahat ng tao sa Alfonso ay s’ya ang binoto. Marami ang natuwa dahil siya ang naging Governor ngunit iilan din ang nagalit lalong-lalo na iyong nagboto sa kalaban niya. Ngayon ang unang araw ng kaniyang termino kaya dapat lang na maging produktibo ang araw na ito. “Salamat sa suporta niyo, hindi ako mananalo kung wala kayo,” ngiting sambit ni Amanda sa kaniyang ka-alyado. “Kayo lang ang nakikita naming walang halong bahid ng korapsyon at puro ang paglilingkod sa bayan kaya deserve niyo ang posisyong ito,” saad ng isa sa mga trabahante sa kapitolyo. Ngumiti lamang si Amanda sa sinabi nito at magalang na tumango. Masaya siya dahil siya ang nanalo ngunit mayroong kaba pa rin sa puso niya dahil mas malaki na ang responsibilidad kaysa dati. Dati ay nasa munispyo lamang siya ngunit ngayon ay sa buong lal

DMCA.com Protection Status