Nagulat ang karamihan sa mga tao sa paligid nang nakita nila ang mukha ni Burt dahil isa siyang sikat na tao. Ang katotohanang nandito siya ay nangangahulugang may malaking bagay na mangyayari!Isang babaeng may makapal na makeup ang bumuntong-hininga mula sa gitna ng dance floor. “Tapos na ang palabas. Sasabihin ko pa lang na medyo gwapo ang batang yun, pero kinailangan niyang saktan si Tuck. Katapusan na niya ngayon—kaibigan ni Tuck si Burt.”“Narinig ko ang mga taong inaaresto niya ay nauusong halos patay na. Minalas ang batang to na makasalubong siya ngayong araw.”“Tch. Kasalanan niya at nilandi niya ang babae ni Tuck…”“Buksan mo ang mga mata mo. Yung babae ang lumalandi sa kanya…”Kahit nang nagtatalo ang mga tao sa paligid, nanginig si Aria sa takot. Si Burt Yorkman, ang top enforcement officer ng Riverton na kilala sa pagiging malakas at mabangis. Isa man siyang college student, pero napakaaktibo ng nightlife niya. Nalaman niya ang tungkol kay Burt, at higit pa roon
Nang nakita ni Frank na kinukurap ni Aria ang makikinang na mga mata niya kay Burt, kinawayan niya siya. “Kailangan kong makipag-usap kay Officer Yorkman nang kaming dalawa lang. Umalis ka na at unuwi.”“Sige.” Sumimangot si Aria, nag-aalinlangan siya pero hindi siya tanga. Malinaw na may pag-uusapang mahalaga ang mga lalaki at magagalit lang si Frank kapag nangialam siya. Dahil dito, kailangan niyang umalis sa The Dynasty nang hindi natutuwa. Habang hinila niya ang handbag niya at humakbang palabas, minura niya si Winter nang pabulong, “Oh Winter, ahas ka!”Hindi sinabi ni Winter na sa sobrang galing pala ni Frank ay kakapitan siya ng top law enforcement officer ng Riverton. Ano, takot ba si Winter na gapangin niya siya?Natural na sinisi ni Aria si Winter nang walang dahilan. Kahit si Winter ay hindi alam na ganun kalaki ang impluwensya ni Frank, naniwala lang siyang sinusuportahan lang si Frank ng mga Turnbull bilang isang executive na nagtatrabaho sa ilalim ni Vicky at
Talagang nagtaka si Frank sa sinabi ni Burt. “Kung ganun, anong ibig mong sabihin…?”Misteryosong ngumiti si Burt. “May hula ako na hindi pa ginawang pills ang Goldeater Cane na kinuha sa'kin ng Sage Lake Sect. Napakaliit lang na usbong ito, at kung hindi ito kailangan kaagad, malamang ay pinalusog nila ito gamit ng mga mahahalagang materyal para tiyaking mananatili itong buhay.”“Higit pa roon, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat—nang bumisita sina Quinn Ocean at Drakon Salazar sa mga Salazar kamakailan, ang intensyon nila ay ang magpakasal. Si Sal Ocean, ang matandang pinatay mo, ay ang dapat na magiging opisyal para sa kasal.”Sumigla ang mga mata ni Frank. “Ibig sabihin nito…”“Oo. Ibinigay siguro ng Sage Lake Sect ang Goldeater Cane sa mga Salazar bilang dote, at malamang ay nasa kanila pa rin ito ngayon.”Nang inisa-isa ni Burt ang mga punto, kumunot ang noo ni Frank kahit na umasa siya. “Tiyak na hindi ibebenta sa'kin ng mga Salazar ang Goldeater Cane sa lahat ng sama ng loob
Sa katunayan, narating ni Burt ang posisyon na mayroon siya ngayon sa pamamagitan ng sarili niyang pagsisikap at ikinagulat ito maging ng Sage Lake Sect.Dahil dito, may ilang miyembro ng sekta na naging maingat sa pagsikat ni Burt sa kapangyarihan.Samantala, parehong umiinom sina Frank at Burt habang nanatili sila sa The Dynasty pasado hatinggabi, na naubos ang napakaraming bote na maging ang mga waiter at waitress ay nagsimulang matakot."Mr. Lawrence, hayaan mo akong ihatid ka pauwi," alok ni Burt.Hindi siya uminom ng mas maraming bilang Frank dahil siya ay humihingi ng kanyang mga tagubilin at higit pa o hindi gaanong matino."H-Hindi..." mahinang sabi ni Frank. "Kailangan ko lang sumakay ng taksi... Umuwi ka na... Alalahanin mo ang mga teknik na itinuro ko sa iyo at magsanay ng maayos. Pagnilayan ito.""Oo!" Si Burt ay taimtim na nagpapasalamat, dahil ang pagtrato sa kanya ni Frank ay isang milyong beses na mas mahusay kaysa sa Sage Lake Sect.Habang tinutulungan niya si
Pagkatapos ay kinapa ni Frank ang kanyang sarili at napagtanto niya na wala siyang damit, gaya ni Aria na nasa ilalim ng kumot."Anong nangyari? Anong..." Nasapo niya ang kanyang noo habang sinusubukan niyang alalahanin, ngunit naalala lang niya na lasing siya kahit na tinuruan niya si Burt ng martial arts at umalis sa bar kasama niya... at wala nang iba pa."Frank..." biglang gumalaw si Aria, hawak ang kumot sa sarili habang nakatitig sa kanya ng mahina. Pangalan lang niya ang sinabi niya at wala nang iba, at ang tingin sa mga mata niya ay parang ang animal side niya ang pumalit at pinilit ang sarili sa kanya.Nakaramdam lamang ng pagkabigo si Frank, tulad ng hindi niya maiwasang maghinala na talagang nawala siya sa linya.Pero bakit wala siyang maalala?Sa kabilang banda, nakita ni Aria na nag-iisip siya at mabilis na ipinagpatuloy ang kanyang walang magawa. "It's alright, Frank. I was willing, and I'll talk to Winter myself. Wala kang responsibilidad."Tinitigan siya ni Fran
Nag-aalinlangan si Frank kung dapat ba niyang tanungin si Helen kung anong problema, ngunit biglang nagsimulang magsalita si Gina mula sa kabilang linya, “Ano pang ginagawa mo diyan, Helen? Natawagan mo na siya at nasabi mo na ang dapat mong sabihin, at ‘yun lang ang kailangan mong gawin. Hinihintay ka ni Mr. Graves sa baba! Hindi siya papayagang pumunta dito kung hindi lang dahil sa lolo mo!”Beep.Binaba ni Helen ang tawag, habang si Frank naman ay umiiling sa sarili, hawak pa rin ang kanyang telepono.Gayunpaman, naamoy niya ang pagkain noon at lumabas sa hapag kainan.Gayunpaman, ito ay naging isang awkward table ng apat kasama si Frank mismo, isang nagulat na Carol, isang tahimik ngunit nakasimangot na Winter, at si Aria, na nakangiti sa tainga.Sa kalaunan, sa kabila ng awkward vibes, tumingala si Winter sa kanyang kaibigan at nagtanong, "Anong ginagawa mo rito, Aria?""Sinabi sa akin ni Frank na pumunta ako." Hinawakan ni Aria ang isang tinidor sa kanyang mga labi, mukhang
Hindi alam ni Frank na miserable si Winter dahil inagaw ni Aria ang pinakamamahal niya.Ipinagpalagay lamang niya na ang kanyang lasing na pangungulila ay gumawa ng mga bagay sa pagitan nina Winter at Aria, at tiyak na wala siyang mga salita ng kaaliwan para doon.Dahil dito, lalo lang nadagdagan ang kanyang pagkadismaya habang pinakikinggan niya ang mga hikbi ni Winter.Sa tabi niya, si Aria ay pumapalibot sa kanya, naglalagay ng pagkain sa kanyang plato habang dumudulas ang mga matalim na tingin sa direksyon kung saan umalis si Winter.Hindi niya napigilan—si Frank ay kasing yaman ng kanyang tagumpay, at hindi masisisi ni Winter ang sinuman na kinuha siya dahil hindi siya nahuli nito.-Ang libing ni Henry Lane ay ginanap kinabukasan.Si Vicky ay tumawag ng madaling araw upang ipaalam kay Frank na siya ay abala at dapat itong dumalo bilang kinatawan ng Grande Pharma.Hindi ito pinansin ni Frank at dinala si Aria sa Grande Square upang pumili ng ilang damit na angkop para sa l
Tiningnan ng masama ni Aria si Jean habang paalis siya at sumigaw siya, “Hindi na kami magkaibigan ngayon!”Hindi lumingon si Jean bagkus ay itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo para ibigay kay Aria ang gitnang daliri."Sige na, huwag ka nang maingay." Hinarang ni Frank si Aria at mabilis na umalis sa Grande Square habang nakatingin ang mga tao.Nawala lang ang pagkunot ng noo ni Aria matapos siyang bilhan ni Frank ng isang sampung milyong dolyar na kwintas na diyamante.Nahuhumaling pa rin siya sa berdeng brilyante na palawit na ibinigay ni Frank kay Winter sa mga araw na iyon at gusto niya ang lahat ng mayroon si Winter!-Nakahiga si Henry sa isang kabaong sa loob ng Lane Manor.Si Helen, nakasuot ng itim na damit na may puting bulaklak na brooch, ay panay ang tingin dito.Sinubukan ni Gina, Chaz Graves, at lahat ng iba pa na ilipat siya, ngunit tumanggi siyang gumalaw.Nakangiti pa si Chaz habang nakayuko sa tabi niya. "Huwag kang mag-alala, Helen. I've asked my d
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n
Whoosh!Inihampas ni Frank ang machete pababa ngunit huminto sa tapat ng mukha ng sanggano. Kaagad na natakot ang sanggano at naihi sa pantalon niya sa sandaling iyon. “Lumayas kayo!” Sigaw ni Frank na tumingin sa paligid—huminto lang siya dahil maraming mga estudyante sa paligid, at matatakot sila kapag pinagpapatay niya silang lahat. At nang dahil nakita nila kung anong nangyari naintindihan ng mga sangganong kayang lumaban ni Frank at baka nga isa pa siyang martial artist. Hindi magiging banta sa kanya ang mga mahihinang kagaya nila at malulumpo lang sila habangbuhay. Nang maisip iyon, nagsimulang tumakas ang bawat isang sanggano, nang hindi nababahala sa pagsigaw nang malakas ni Bill, “Tumigil kayong mga hayop kayo! Hindi ko kayo binayaran para maging duwag! Sugurin niyo siya!”Nahuli pa nga niya ang isa sa mga tumatakas na sanggano. Hinawakan niya siya sa manggas at pinigilan siya tumakbo. Nakatitig ang sanggano habang naglakad si Frank papunta sa kanya at tumitig na
“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya