Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon. Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano. Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya. Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International. “Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor. Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hin
Natutulog si Frank sa kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, kaya nagising siya.Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?”Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.”Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kumukulo niyang dugo—tila hindi nagsisinungaling si Peter!“Dismayado ako sa’yo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mong sabihin sa pagmumukha ko—bakit siniraan mo ang pamilya ko?”Hinimas ni Frank ang kanyang sentido nang sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na hindi ko ginawa ‘yun?”“Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ko?!” Ang tanong ni Helen. “Kinansela din niya ang partnership namin!”“Desisyon ‘yun ni Trevor at wala yung kinalaman sa’kin.”Kumbinsido si Helen na si Frank ay isang duwag at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at ma
Pow! Pow! Pow!Nagbitak ang hangin sa kwarto.Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara."Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun...""Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull.""Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako.""Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga dal
Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank nang makalabas siya sa villa ng mga Turnbull.Bumaba si Vicky, at nagtanong, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid?"Napaisip si Frank at napabuntong-hininga. "Balak ko lang sanang tumuloy sa isang hotel."Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya makakabalik sa Lane Manor pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Helen."Oh..." Napaisip si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung hotel sa Riverton. Hayaan mong maghanda ako ng isang suite para sa’yo, para maihatid ko sa’yo ang wonderroot pagdating nito."Napaisip si Frank at tumango. "Sige."Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa gate.“Anong problema?” Tanong ni Vicky."May humintong kotse sa unahan, at hindi ko alam kung para saan," reklamo ni Yara.Sumilip si Frank sa bintana ng kotse at napansin ang isang lalaking nakasuot ng suit na
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n
Whoosh!Inihampas ni Frank ang machete pababa ngunit huminto sa tapat ng mukha ng sanggano. Kaagad na natakot ang sanggano at naihi sa pantalon niya sa sandaling iyon. “Lumayas kayo!” Sigaw ni Frank na tumingin sa paligid—huminto lang siya dahil maraming mga estudyante sa paligid, at matatakot sila kapag pinagpapatay niya silang lahat. At nang dahil nakita nila kung anong nangyari naintindihan ng mga sangganong kayang lumaban ni Frank at baka nga isa pa siyang martial artist. Hindi magiging banta sa kanya ang mga mahihinang kagaya nila at malulumpo lang sila habangbuhay. Nang maisip iyon, nagsimulang tumakas ang bawat isang sanggano, nang hindi nababahala sa pagsigaw nang malakas ni Bill, “Tumigil kayong mga hayop kayo! Hindi ko kayo binayaran para maging duwag! Sugurin niyo siya!”Nahuli pa nga niya ang isa sa mga tumatakas na sanggano. Hinawakan niya siya sa manggas at pinigilan siya tumakbo. Nakatitig ang sanggano habang naglakad si Frank papunta sa kanya at tumitig na
“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya