Kumurap si Vicky habang pinanood niyang magmaneho si Frank papunta sa parking lot nang walang pakialam. “Ano, talaga bang susukuan mo na si Helen?”Nanatiling tahimik si Frank habang hininto niya ang kotse at bumaba para dumiretso sa The Dynasty. Humarang si Vicky sa daan niya at ngumiti. “Matigas pa rin ang ulo mo? Alam mo—itinuturing kong karibal si Helen, pero nakakayamot na manalo nang ganito. Bumalik ka na sa kotse. At saka, interesado ako sa kung anong pinaplano ng Graves family.”“Umalis ka kung gusto mo.” Nagsimulang maglakad si Frank palampas sa kanya. Hinablot siya ni Vicky a braso. “Walang naaayos ang pagtakas sa problema. Sumama ka sa'kin—at saka, bodyguard kita, at kailangan mong magpaliwanag kapag nasaktan ako.”Napatango na lang si Frank sa maganda at pilyang ngiti niya—hindi niya talaga kayang manalo sa kanya. Ngayon, nagmaneho si Vicky at hindi nagtagal ay nahabol niya ang BMW ni Chaz sa kanto habang naghihintay sa ilaw trapiko. “Saan sila pupunta sa tingin
Gayunpaman, interesado talaga si Neil dahil talagang nakakatulong ang alok ni Chaz.Iyon ang dahilan kung bakit siya nandito para tiyakin ang mas maliliit na detalye. “Oo. Nakausap ko mismo ang mga Salazar, at pumayag silang lahat. Kukunin natin ang Grande Pharma, pababagsakin si Vicky Turnbull, at papatayin ang gigolo na yun.”Kahit na ganun, sumama ang mukha ni Neil. “Ang mga Salazar? Hindi ba bumagsak na sila? Si Drakon nga—ang panganay na anak ni Donald—ay namatay sa sandaling bumalik siya mula Sage Lake Sect at naglaho ang fiancee niya nang parang bula.”“Totoo yan,” nakakagising sabi ni Chaz. “Pero ginamit nila ang impluwensya nila para makausap ang mga Lionheart.”“Ang mga Lionheart?!” Nanlaki ang mga mata ni Neil sa gulat. “Anong binabalak mo?”“Wala naman.” Dinilaan ni Chaz ang labi niya at tusong ngumisi. “Pero sigurado akong hindi magpipigil si Titus Lionheart kapag nalaman niyang may kasintahan ang fiancee niya, di ba?”Tahimik si Neil dahil may pangbabanta sa tono
Pagkatapos ay nagsabi si Vicky kay Frank, “Sa kabila ng away mo sa mga Lane, sa tingin ko inosente si Helen. Wag mong ilagay sa panghabangbuhay na pagsisisi ang sarili mo dahil lang sa isang sandali ng katigasan ng ulo.”At pagkatapos ng mga salitang iyon, nagmaneho siya papalayo sakay ng Maybach niya nang napakabilis. Pinag-isipan ni Frank ang mga sinabi niya at nagpasyang amining tama si Vicky. Sinundan ni Vicky si Chaz kasama niya dahil hindi niya gustong may pagsisisihan siya. Ang totoo, hindi pa rin nakakalimutan ni Frank si Helen. Alam na alam niyang ganun din siya, pero hindi niya makita ang katotohanan at paulit-ulit siyang naloloko para gumawa ng maling desisyon. Tatlong taon silang kasal, at ang ganito kahabang pagsasama ay hindi ganun kadaling matapos. “Pasaway ka talaga…” Bumuntong-hininga si Frank habang naglakad siya papasok ng White Court Hotel. -Sa Room 808, tinulak ng mga bodyguard ni Chaz si Helen papasok sa banyo at binasa siya ng malamig na tubig.Lumi
Nagpapanggap pa rin si Chaz na mabuting tao noon, mapagpakumbaba at malumanay ang tono niya. “Oh, kung sana mas maaga kang nakilala ng anak ko.” Bumuntong-hininga si Gina sa phone. “Basta, umuwi kayo rito kaagad. Ipakasal na kita kay Helen kaagad.”“Sige, Mrs. Lane.”“Siya nga pala, makakabalik ba talaga kami sa main family? Pinagbabantaan kami ni Jade, sinasabi niya hindi niya kami hahayaang makabalik…”“Wag kang mag-alala, Mrs. Lane, may kapangyarihan ang salita ng pamilya ko sa Southstream…”“Magaling!”Beep.Nag-play ng isa pang recording si Chaz pagkatapos. “Oh, Chaz… Napakawalang kwenta ni Hughie, napatay siya ng kung sinong gigolo. Pumunta ka rito mamayang gabi. Ang lungkot-lungkot ko…” Malandi ang boses ni Cindy. “Haha! Pupuntahan kita pagkatapos ko sa pinsan mo, malandi ka!”“Pangako yan. Pumunta ka rito mamayang gabi… Siya nga pala, pwede rin ako kung kailangan mo ng tulong na pigilan si Helen…”Sa banyo, bumagsak ang puso ni Helen nang natapos ang mga recording
Natulala si Helen—hindi niya ito inasahan. Malinaw ang will ng lolo niya: iwan ang pamilya para makasama si Frank at sundan ang konsensya niya. Nabuo na nga ang isipan niya pagkatapos malaman ang tunay na ugali ni Chaz, ngunit nanlumo siya sa banta niya. Kapag tinanggihan niya si Chaz, hahabulin niya si Frank. Oo, lumalaban si Frank, pero kaya niya bang talunin ang lakas ng mga Lionheart?At sinusuportahan sila ng Volsung Sect na may daan-daang apprentices at napakaraming Skyrank elites sa ranggo nila. Imposible ito—mamamatay si Frank at madadamay din si Vicky. Hindi lang basta sila—ang pamilya niya at ang kumpanyang pinaghirapan niyang palaguin nang tatlong taon ay magiging abo. Tahimik si Helen at lumingon siya kay Chaz nang nanginginig. “K-Kapag pinakasalan kita, hindi mo ba sasaktan si Frank?”“Syempre! Mahal kita, Helen. Bakit ako mangingialam sa kanya kapag pinakasalan mo ko? Maginoo ako.” Ngumiti si Chaz. Nandiri lang si Helen sa ngiti niya—hindi niya inakalang
Nakanganga ang bibig ni Helen, ngunit di niya masabi kung anong bumubulabog sa isipan niya. Pagkatapos ay lumingon si Frank sa kanya at seryosong nagsabi, “Alam kong may hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, pero umaasa akong makikita mo ang katotohanan at hindi ka maloko ng iba. Pero, kailangan mo kong pagkatiwalaan… Nagtitiwala ka ba sa'kin, Helen?”Hindi pa nagsalita nang ganito si Frank kay Helen noon, at pwede siyang sumigaw ng oo. Nilagay niya ang kamay niya sa palad niya. Gustong-gusto na niyang ibato ang sarili niya sa mga yakap niya sa sandaling iyon!Gayunpaman, nang susuko na siya sa kagustuhan niya, ngumisi si Chaz at sinabihan siya. “May nakakalimutan ka ba, Helen?”Oo… Naroon si Chaz mismo at si Titus. Nanlumo si Helen—gustong-gusto niyang umalis kasama ni Frank, pero ano naman?Alam niya ang init ng ulo ni Frank at hindi siya susuko—kahit na kapalit nito ay kamatayan. Para naman sa kanya, dapat ba niyang piliin ang pagibig at magdala ng kamatayan sa lalaking
Tinitigan ni Frank si Helen nang hindi makapaniwala. “Sinampal mo ba ako?”“Ako…”Nanginig ang palad ni Helen habang tinitigan niya ang bakas ng palad na naiwan sa mukha ni Frank at kumirot ang puso niya. Pero hindi siya makahingi ng tawad—sa halip, sumugod siya sa kanya na para bang nababaliw, sabay tinulak siya habang hinarangan si Chaz kahit na luhaan siyang sumigaw, “Tama na! Pinatay mo ang loko ko—tapos papatayin mo rin ang fiance ko?! Lumayas ka na rito! Maghihiwalay na tayo ng landas ngayon at ayaw na kitang makitang muli!”Pinanood ni Frank ang pagwawala niya. Lumuwang ang mga kamao niya habang pinilit niyang ngumiti. “Helen, pinagbabantaan ka niya, tama? Sabihin mo lang sa'kin at aayusin ko to. Magtiwala ka sa'kin.”Yumuko si Helen para iwasang tumingin sa mga mata niya sa takot na mawalan siya ng kontrol. “Walang nagbabanta sa'kin! Desisyon ko ang lahat ng ito! Wag ka nang magpantasya at umalis ka na!”“... Sige.”Hinigpitan ni Frank ang mga kamao niya habang tumaliko
Hindi na bata si Trevor, pero handa siyang mamatay sa pagsisilbi kay Frank. Nagngitngit ang ngipin niya habang dinampot niya ang isang bote ng red wine at ininom ito, ngunit pulang-pula na siya hanggang sa tainga pagkatapos niyang makakalahating bote. Sa kabilang banda, ayos lang si Frank kahit na naubos niya ang bote niya at pinanood niya si Trevor na gumiwang na parang malapit nang bumagsak. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, Trevor.”“Hindi… Wag, Mr. Lawrence… Ang buong pagkatao ko… ay dahil sa…” bulong ni Trevor na malinaw nang wala na sa wisyo. Umiling si Frank sa pagod at sinenyasan ang bodyguard ni Trevor na nakatayo sa pintuan. “Ihatid mo siya pauwi,” sabi ni Frank. “Pinapagod niya ang sarili niya sa pag-aalala sa'kin—dapat siyang magpahinga nang maayos.”Nanlaban si Trevor kahit nang hinila siya papalayo, habang naiwang nakaupo nang mag-isa si Frank at dinaan sa inom ang kalungkutan niya sa malawak na booth. Hindi nagtagal, may mga hilera na ng bote sa me
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na