Nagalit ang mga siga sa pangungutya ni Aria, pero di siya natakot. Nang nakita niyang lumaban si Frank, alam niyang hindi mananalo ang mga sigang ito laban kay Frank, at naroon rin ang maraming koneksyon niya!Gustong-gusto talaga ni Aria na makuha ang isang lalaking mayaman, gwapo, at may maraming koneksyon. Kung hindi sa malakas na pagtanggi ni Winter para sabihin sa kanya kung saan siya nakatira, lilitaw siya sa pintuan ni Frank para akitin siya. At ngayong nakasalubong niya siya, hindi niya susukuan ang perpektong pagkakataon!Ang isang sigang kagaya ni Tuck ay bulate lang kumpara kay Frank! Tinitigan naman nang masama ni Tuck si Frank. “Huling babala na'to, bata. Lumayas ka dito kung alam mo kung anong makakabuti sa'yo.”Kumunot ang noo ni Frank at tumingin kay Aria na nasa tabi niya. Masama ang timpla niya at patuloy siyang binubulabog ng mga pesteng ito. Pero hindi niya maiwasan si Aria, kaya kailangan niyang tibayan ang sarili niya at palayasin ang mga siga. “Magha
Lumapit si Frank kay Tuck at nanatiling walang emosyon nang nagsalita siya, “Binalaan kita, pero di ka makinig. Hindi mo ko masisisi.”“Sinaktan niya si Tuck! Sugod!”Mabilis ding dumampot ng mga bote ang dalawang kaibigan ni Tuck mula sa mesa. Gayunpaman, nahampas na ni Frank ang mga ulo nila gamit ng tig-isang bote, at naiwan silang nakahandusay sa lapag nang may basag at duguang ulo. Habang hawak ng isa ang mukha niya habang tumulo ang dugo sa noo niya, sumigaw siya, “Sinaktan mo si Tuck! Katapusan mo na!”Sa kabilang banda, masayang pumalakpak si Aria nang nakita niyang mabugbog ang tatlong siga. “Ang galing-galing mo, Mr. Lawrence! Dali, patayin mo ang mga hayop na yan!”Tinitigan naman siya nang masama ni Frank, at naging takot ang saya ni Aria. Lalo na't hindi naman siya guguluhin ng tatlong pesteng iyon kung hindi siya gumawa ng gulo mula sa wala. Ibinato niya ang sirang boteng hawak niya at nagsimulang umalis… at nagulat siya nang may hinablot ni Tuck, na nakahandusa
Nagulat ang karamihan sa mga tao sa paligid nang nakita nila ang mukha ni Burt dahil isa siyang sikat na tao. Ang katotohanang nandito siya ay nangangahulugang may malaking bagay na mangyayari!Isang babaeng may makapal na makeup ang bumuntong-hininga mula sa gitna ng dance floor. “Tapos na ang palabas. Sasabihin ko pa lang na medyo gwapo ang batang yun, pero kinailangan niyang saktan si Tuck. Katapusan na niya ngayon—kaibigan ni Tuck si Burt.”“Narinig ko ang mga taong inaaresto niya ay nauusong halos patay na. Minalas ang batang to na makasalubong siya ngayong araw.”“Tch. Kasalanan niya at nilandi niya ang babae ni Tuck…”“Buksan mo ang mga mata mo. Yung babae ang lumalandi sa kanya…”Kahit nang nagtatalo ang mga tao sa paligid, nanginig si Aria sa takot. Si Burt Yorkman, ang top enforcement officer ng Riverton na kilala sa pagiging malakas at mabangis. Isa man siyang college student, pero napakaaktibo ng nightlife niya. Nalaman niya ang tungkol kay Burt, at higit pa roon
Nang nakita ni Frank na kinukurap ni Aria ang makikinang na mga mata niya kay Burt, kinawayan niya siya. “Kailangan kong makipag-usap kay Officer Yorkman nang kaming dalawa lang. Umalis ka na at unuwi.”“Sige.” Sumimangot si Aria, nag-aalinlangan siya pero hindi siya tanga. Malinaw na may pag-uusapang mahalaga ang mga lalaki at magagalit lang si Frank kapag nangialam siya. Dahil dito, kailangan niyang umalis sa The Dynasty nang hindi natutuwa. Habang hinila niya ang handbag niya at humakbang palabas, minura niya si Winter nang pabulong, “Oh Winter, ahas ka!”Hindi sinabi ni Winter na sa sobrang galing pala ni Frank ay kakapitan siya ng top law enforcement officer ng Riverton. Ano, takot ba si Winter na gapangin niya siya?Natural na sinisi ni Aria si Winter nang walang dahilan. Kahit si Winter ay hindi alam na ganun kalaki ang impluwensya ni Frank, naniwala lang siyang sinusuportahan lang si Frank ng mga Turnbull bilang isang executive na nagtatrabaho sa ilalim ni Vicky at
Talagang nagtaka si Frank sa sinabi ni Burt. “Kung ganun, anong ibig mong sabihin…?”Misteryosong ngumiti si Burt. “May hula ako na hindi pa ginawang pills ang Goldeater Cane na kinuha sa'kin ng Sage Lake Sect. Napakaliit lang na usbong ito, at kung hindi ito kailangan kaagad, malamang ay pinalusog nila ito gamit ng mga mahahalagang materyal para tiyaking mananatili itong buhay.”“Higit pa roon, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat—nang bumisita sina Quinn Ocean at Drakon Salazar sa mga Salazar kamakailan, ang intensyon nila ay ang magpakasal. Si Sal Ocean, ang matandang pinatay mo, ay ang dapat na magiging opisyal para sa kasal.”Sumigla ang mga mata ni Frank. “Ibig sabihin nito…”“Oo. Ibinigay siguro ng Sage Lake Sect ang Goldeater Cane sa mga Salazar bilang dote, at malamang ay nasa kanila pa rin ito ngayon.”Nang inisa-isa ni Burt ang mga punto, kumunot ang noo ni Frank kahit na umasa siya. “Tiyak na hindi ibebenta sa'kin ng mga Salazar ang Goldeater Cane sa lahat ng sama ng loob
Sa katunayan, narating ni Burt ang posisyon na mayroon siya ngayon sa pamamagitan ng sarili niyang pagsisikap at ikinagulat ito maging ng Sage Lake Sect.Dahil dito, may ilang miyembro ng sekta na naging maingat sa pagsikat ni Burt sa kapangyarihan.Samantala, parehong umiinom sina Frank at Burt habang nanatili sila sa The Dynasty pasado hatinggabi, na naubos ang napakaraming bote na maging ang mga waiter at waitress ay nagsimulang matakot."Mr. Lawrence, hayaan mo akong ihatid ka pauwi," alok ni Burt.Hindi siya uminom ng mas maraming bilang Frank dahil siya ay humihingi ng kanyang mga tagubilin at higit pa o hindi gaanong matino."H-Hindi..." mahinang sabi ni Frank. "Kailangan ko lang sumakay ng taksi... Umuwi ka na... Alalahanin mo ang mga teknik na itinuro ko sa iyo at magsanay ng maayos. Pagnilayan ito.""Oo!" Si Burt ay taimtim na nagpapasalamat, dahil ang pagtrato sa kanya ni Frank ay isang milyong beses na mas mahusay kaysa sa Sage Lake Sect.Habang tinutulungan niya si
Pagkatapos ay kinapa ni Frank ang kanyang sarili at napagtanto niya na wala siyang damit, gaya ni Aria na nasa ilalim ng kumot."Anong nangyari? Anong..." Nasapo niya ang kanyang noo habang sinusubukan niyang alalahanin, ngunit naalala lang niya na lasing siya kahit na tinuruan niya si Burt ng martial arts at umalis sa bar kasama niya... at wala nang iba pa."Frank..." biglang gumalaw si Aria, hawak ang kumot sa sarili habang nakatitig sa kanya ng mahina. Pangalan lang niya ang sinabi niya at wala nang iba, at ang tingin sa mga mata niya ay parang ang animal side niya ang pumalit at pinilit ang sarili sa kanya.Nakaramdam lamang ng pagkabigo si Frank, tulad ng hindi niya maiwasang maghinala na talagang nawala siya sa linya.Pero bakit wala siyang maalala?Sa kabilang banda, nakita ni Aria na nag-iisip siya at mabilis na ipinagpatuloy ang kanyang walang magawa. "It's alright, Frank. I was willing, and I'll talk to Winter myself. Wala kang responsibilidad."Tinitigan siya ni Fran
Nag-aalinlangan si Frank kung dapat ba niyang tanungin si Helen kung anong problema, ngunit biglang nagsimulang magsalita si Gina mula sa kabilang linya, “Ano pang ginagawa mo diyan, Helen? Natawagan mo na siya at nasabi mo na ang dapat mong sabihin, at ‘yun lang ang kailangan mong gawin. Hinihintay ka ni Mr. Graves sa baba! Hindi siya papayagang pumunta dito kung hindi lang dahil sa lolo mo!”Beep.Binaba ni Helen ang tawag, habang si Frank naman ay umiiling sa sarili, hawak pa rin ang kanyang telepono.Gayunpaman, naamoy niya ang pagkain noon at lumabas sa hapag kainan.Gayunpaman, ito ay naging isang awkward table ng apat kasama si Frank mismo, isang nagulat na Carol, isang tahimik ngunit nakasimangot na Winter, at si Aria, na nakangiti sa tainga.Sa kalaunan, sa kabila ng awkward vibes, tumingala si Winter sa kanyang kaibigan at nagtanong, "Anong ginagawa mo rito, Aria?""Sinabi sa akin ni Frank na pumunta ako." Hinawakan ni Aria ang isang tinidor sa kanyang mga labi, mukhang
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na