Napatalon ang puso ni Sean. Ang totoo, narinig niya lang ang tungkol sa Ichor Pill habang nakikipag-inuman siya kay Tidus kahapon—walang natira roon maliban sa ininom ni Gerald. Nang narinig niyang may sakit si Henry, bumili lang siya ng vitamin pills na hindi talaga makakatulong. Tinawag niya itong Ichor Pills dahil hindi naman nakakasakit ang vitamin pills. Iyon ang kontribusyon niya kung gumaling si Henry, pero kung hindi gumaling si Henry, sadyang oras na lang niya talaga. Hindi talaga inasahan ni Sean na direktang sasabihin ni Frank na isa itong peke!Gayunpaman, bago siya makapagsalita, nagwawala na si Gina, “Manahimik ka! Pinagdududahan mo ba si Mr. Wesley? May alam ka ba sa medisina?!”Sa tabi niya, tinitigan siya nang masama ni Peter. “Tama. Ano bang karapatan mong pagdudahan si Mr. Wesley?”Haha!Sobrang natuwa si Sean—habang nandiyan ang mga Lane, hindi man lang niya kailangang mag-isip ng palusot!Tinitigan sila nang masama ni Frank. “Hindi ako magsasayang ng
Kahit si Helen ay gulat na nakatingin kay Sean. Medyo nahiya ang lalaki mismo dahil hindi rin siya makapaniwala—hindi kaya nabili niya ang tunay na Ichor Pill?Siguro sapat bumili pa siya sa susunod at ipunin niya ito…“Haha! Basta't ayos lang si Henry.” Tumawa si Gina bago tinignan si Frank. “Kita mo? Hindi ba tinatawag mong peke ang Ichor Pill kanina? Anong masasabi mo ngayong magaling na si Henry?”Sumali si Peter nang walang pakundangan. “Ano ba, Mom. Iniisip mo ba talagang nagmimiraglo siya?”Umirap si Frank. Hindi niya gustong magpaliwanag—hindi naman sila maniniwala sa kahit na anong sabihin niya ngayon kahit na ang dahilan kung bakit gumaling si Henry ay hindi ang pekeng pills. Ngunit nang tumalikod siya para umalis, kaagad siyang pinigilan ni Henry. “Saan ka pupunta, Frank? Pwede kang manatili rito kahit hanggang hapunan lang…”Nasasaktang ngumiti si Frank. “Di muna. Kailangan mo nang umalis—marami pa akong gagawin.”“Hindi.” Hindi niya siya gustong paalisin at sin
Nang tumindi ang tensyon sa pagitan nina Sean at Frank, dumating ang taxi ni Frank. Hindi kumilos si Sean at sa halip ay ngumiti. “Mag-iingat ka sa daan sa gabi, bata.”Suminghal si Frank. “Ganun din ang sasabihin ko sa'yo.”“Putangina mo,” nagmura si Sean habang nagmaneho siya paalis. -Samantala, hindi pinansin ni Henry sina Gina pagkatapos umalis ni Frank. Nilapitan ni Gina si Helen sa sandaling iyon, “Anak, di ba may sakit din si Lyndon McCoy ng Big Bright?”Tumango si Helen. “Oo. Anong meron?”Ang Big Bright ay isang distributor ng construction materials at palaging bumibili sa kanila ang Lane Holdings sa makatwirang halaga. Higit pa roon, kilala si Lyndon bilang isang matapat na lalaki.Mabilis na nagsabi si Gina, “Dahil nagdala si Mr. Wesley ng dalawang Ichor Pills, may isa pang natitira… Hindi ba magkakautang na loob sa'yo ang mga McCoy kapag tinulungan mo si Lyndon? Magiging mas madali nang makipag-usap sa kanila pagkatapos nito!”Napaisip si Helen—may punto ang n
Higit pa roon, ininom ni Henry ang pill at ayos na siya. Walang makakapeke roon. Pagkatapos ay nagtanong si Lyndon, “At anong balak mong gawin rito, Miss Lane?”Bahagyang ngumiti si Helen. “Gusto kong ibigay ito sa'yo, Mr. McCoy.”Kaagad na naging maingat si Lyndon—walang kahit na anong libre sa mundo, tapos bibigyan siya ni Helen ng isang mahimalang pill?“At mayroon ka bang kondisyon, Ms. Lane?” tanong niya. “Ang totoo, walang masyadong kapital ang Lane Holdings,” direktang sabi ni Helen. “Ngayong nakuha namin ang West City project, kailangan namin ng napakaraming building materials. Umaasa akong mabibigyan mo kami ng rebate, Mr. McCoy. Kasunod nito, ang building materials niyo lang ang eksklusibo naming gagamitin para sa West City project.”“Pwede ko kayong bigyan ng isa pang ten percent rebate dagdag sa lahat ng kasalukuyang rebates niyo,” sabi ni Lyndon. “Thirty,” striktong sabi ni Helen. “Twenty.”“Twenty-five,” sabi ni Helen. “Mr. McCoy, isa tong long-term project.
Sumugod si Rocco kay Helen at hinila siya sa kwelyo. “Anong pinainom mo sa tatay ko?!”“A-Ang Ichor Pill!” Sigaw ni Helen sa pagtataka. “Manahimik ka!” Galit na sumigaw si Rocco. “Kung ganun, paano mo maipapaliwanag ang nangyari sa tatay ko?”Kinagat ni Helen ang labi niya—hindi niya rin alam kung anong nangyari!Bigla na lang, lumapit si Gina at nagsabing, “Pakiusap, Mr. McCoy. Mayroon yatang hindi pagkakaunawaan dito. Hindi siguro ang pill iyon!”Maswerte sila at nakakapag-isip pa si Rocco. “Kapag may nangyari sa tatay ko,” malamig niyang sabi, “wala sa inyo ang makakaalis dito nang buhay.”Mula rito, inutusan niya ang family bodyguards na ikulong sila sa guest room habang mabilis na tinawagan ng mga tauhan si Dan Zimmer mula sa Flora Hall. Naglakad nang pabalik-balik si Helen sa kwarto habang nakaupo naman si Gina sa kama nang hawak ang ulo niya, “Oh, katapusan na natin… masama talaga ito. Hindi ba dapat natulungan ng Ichor Pill si Lyndon McCoy? Iyon ba talaga ang isyu r
Sabi ni Henry, “Ako? Ayos lang ako. Anong meron?”Nakahinga nang maluwag si Helen—hindi talaga ang Ichor Pill ang problema. “Wala, nagtatanong lang ako.”“At bakit ka naman biglang magtatanong?” Nagtataka si Henry—ilang oras pa lang simula nang nagkita sila. Hindi tama ang ganitong pag-aalala kahit na mula pa kay Helen. Sa pagkakasabi niya, para bang ilang buwan na silang di nagkikita! “Binigay ko kay Lyndon McCoy ang isa pang Ichor Pill,” inamin ni Helen. “Lumala ang kondisyon niya pagkatapos nito… Hindi ko alam kung dahil ba sa pill o sadyang masyado na talagang malala ang kondisyon ni Lyndon.”Pinalo ni Henry ng hita niya sa mga sinabi niya. “Tiyak na yung pill yun.”Nagtaka si Helen. “P-Pero ininom mo yun.”“Pfft.” Namumuhing tumawa si Henry. “Kalokohan. Si Frank ang nagligtas sa'kin, hindi ang kung sinong yan. Nasaan ka ngayon?”“Kinulong kami ng mga McCoy,” pag-amin ni Helen. “Malamang di nila kami pakakawalan kung di gumaling si Lyndon.”“Ikaw talaga…” Bumuntong-hin
Sumigaw si Rocco, “Guards! Sugurin niyo siya!”Sa boses niya, kaagad na pinalibutan si Frank ng mga bodyguard ng mga McCoy. Tinignan niya sila nang nakakunot ang noo, “Ano to?”Pinakita ni Rocco ang kahoy na kahon sa kanya at nagwala, “Sinaktan ng asawa mo ang tatay ko, tapos ngayon tatapusin mo ang trabaho niya? Ipapabugbog kita ngayon din!”Bumuntong-hininga si Frank. “Kayang iligtas ng pill sa loob nito ang ama mo.”“Manahimik ka!” Sigaw ni Rocco. “Sugurin niyo siya!”Sa utos ni Rocco, nilabas ng mga bodyguard ang sandata nila para saktan si Frank, ngunit isang kotse ang pumasok sa compound papunta sa kanila. Napatakbo ang mga bodyguard para umilag bago bumukas ang pinto. Bumaba si Dan at mabilis na sumigaw, “Sandali, Rocco!”Sumugod siya pagkatapos matanggap ang tawag ng mga McCoy. Nagulat siyang malaman na nasa merkado na ang pekeng Ichor Pills sa loob lang ng ilang araw. Tiyak na kailangan niyang pigilan si Rocco nang dumating siya at nakita niyang sasaktan nito si Fr
Hindi lang niya kayang pagalitan si Rocco—kaya ring sampalin ni Dan si Rocco at hindi siya manlalaban!Umiling si Frank. “Hindi, naiintindihan ko ang nararamdaman ng bata. Wala akong dahilan para sisihin siya. Ang dapat niyang sisihin ay si Helen sa pagbigay niya kay Lyndon ng pekeng Ichor Pill, kaya naniwala si Rocco na bibigyan siya ni Frank ng isa pang peke kahit na tunay ang dala niya. Natural na walang dahilan para magalit kay Rocco. Lumapit si Dan kay Frank nang mukhang napakamarespeto, “Talagang naiiba ang pang-unawa mo sa iba… at saka kung may oras ka, bakit di mo bisitahin ang Flora Hall ko? Pwede tayong magpalitan ng kaalaman pagdating sa medisina.”Ngumiti si Frank. “Wag kang mag-alala, Mr. Zimmer. Kakailanganin ko rin ang tulong mo dahil kailangan ko ng maraming medicinal ingredients sa susunod. Mang-aabala ako nang marami.”Natuwa si Dan sa mga salita ni Frank—ayos lang na abalahin niya siya. Ang mas pinag-aalala niya ay hindi bumisita si Frank. Lalo na't kailan