Hindi nagpatinag si Helen at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Henry.Ang silid na may mga antigong kasangkapan ay umiikot na ngayon sa amoy ng gamot, na may iba't ibang kagamitang pang-emerhensiyang medikal na dinala sa silid.Dalawang nurse ang abala sa pagtatrabaho, at si Helen ay tumakbo kay Henry at nakita niya na naghihingalo na siya."Lolo..." mahinang bulong niya."Frank? I-Ikaw ba yan?" Dahan-dahang iminulat ni Henry ang kanyang mga mata, sa pag-aakalang siya si Frank."Ako ito, si Helen," mabilis na sabi ni Helen."Helen?" Mukhang nagulat si Henry at inipon ang kanyang espiritu upang magpatuloy, "Nandito ka? Nasaan si Frank? Bakit hindi mo siya kasama...""Lolo, hiwalay na kami," alanganing sabi ni Helen. "Hindi siya darating."Naputol ang paghinga ni Henry at naging apurado ang kanyang tono. "Helen... Hindi mo dapat hiniwalayan si Frank... Hindi mo dapat..."Nagulat si Helen sa kanyang reaksyon. "Pakiusap, Lolo. Tinatakot mo ako... huminahon ka!"Napabuntong-hinin
Talagang hindi sumang-ayon si Gina sa kanya. "Anong ibig mong sabihin sa ibang tao? Napakalaki ng naitulong ni Mr. Wesley satin!"Sumang-ayon si Peter. "Para sakin, mas mabuti siyang bayaw kaysa kay Frank.""Tumahimik ka na lang," pinandilatan siya ni Helen at tumanggi nang magsalita pa.-Dumating si Frank sa loob ng isang oras, ngunit walang bumati sa kanya dahil mas mababa ang halaga niya kaysa sa isang manugang.Si Helen lang ang gumawa, bagama't may mga opinyon din siya laban sa kanya dahil sa nangyari noon. "Hoy."Agad na nagtanong si Frank, "Kamusta si Lolo?"“Hindi maganda ang lagay niya.”Tumango si Frank. "Pupuntahan ko siya."Pagkatapos nun, nilampasan niya ang mga tao at tumungo sa silid ni Henry."Kumusta ka na Lolo?" Ang tanong niya nang makita si Henry.Kanina pa naghihintay ang lalaki at agad na tumingala sa pamilyar na boses ni Frank. "Nandito ka talaga, Frank."Hinawakan ni Frank ang kanyang kamay habang kinukuha ang kanyang pulso. "Oo, ako nga ito."Si H
Bigla na lang, bumukas ang pinto at sumugod papasok sina Gina at ang pamilya niya. Sa sandaling nakita niyang nakaunat ang kamay ni Frank kay Henry, mabilis siyang sumugod para pigilan siya. “Anong ginagawa mo?!” Kumunot ang noo ni Frank. “Pinapagaling ko siya.”“Pinapagaling mo siya?!” Napuno ng pagkamuhi ang mukha ni Gina sabay tinulak niya si Frank. “Ang isang mababang uring kagaya mo? Layas!”“Ano…” Walang nasabi si Frank. Kumunot ang noo ni Henry. “Tinutulungan ako ni Frank.”“Ano bang alam niya?” Suminghal si Gina. “Wala kang dapat ipag-alala ngayon. Gumastos si Sean Wesley ng malaking halaga para bumili ng isang super pill nang narinig niya ang nangyari.”Suminghal si Henry sa pagitan ng ngipin niya. “Hindi kinakailangan yan. Sabihan mo siyang umalis.”“Anong sinasabi mo? Sobra tayong tinulungan ni Mr. Wesley at interesado siya kay Helen,” mayabang na sabi ni Gina. “Pakakasalan niya rin siya.”“Ano…” Hinimatay si Henry sa mga salita ni Gina at nagulat ang lahat!“
Napatalon ang puso ni Sean. Ang totoo, narinig niya lang ang tungkol sa Ichor Pill habang nakikipag-inuman siya kay Tidus kahapon—walang natira roon maliban sa ininom ni Gerald. Nang narinig niyang may sakit si Henry, bumili lang siya ng vitamin pills na hindi talaga makakatulong. Tinawag niya itong Ichor Pills dahil hindi naman nakakasakit ang vitamin pills. Iyon ang kontribusyon niya kung gumaling si Henry, pero kung hindi gumaling si Henry, sadyang oras na lang niya talaga. Hindi talaga inasahan ni Sean na direktang sasabihin ni Frank na isa itong peke!Gayunpaman, bago siya makapagsalita, nagwawala na si Gina, “Manahimik ka! Pinagdududahan mo ba si Mr. Wesley? May alam ka ba sa medisina?!”Sa tabi niya, tinitigan siya nang masama ni Peter. “Tama. Ano bang karapatan mong pagdudahan si Mr. Wesley?”Haha!Sobrang natuwa si Sean—habang nandiyan ang mga Lane, hindi man lang niya kailangang mag-isip ng palusot!Tinitigan sila nang masama ni Frank. “Hindi ako magsasayang ng
Kahit si Helen ay gulat na nakatingin kay Sean. Medyo nahiya ang lalaki mismo dahil hindi rin siya makapaniwala—hindi kaya nabili niya ang tunay na Ichor Pill?Siguro sapat bumili pa siya sa susunod at ipunin niya ito…“Haha! Basta't ayos lang si Henry.” Tumawa si Gina bago tinignan si Frank. “Kita mo? Hindi ba tinatawag mong peke ang Ichor Pill kanina? Anong masasabi mo ngayong magaling na si Henry?”Sumali si Peter nang walang pakundangan. “Ano ba, Mom. Iniisip mo ba talagang nagmimiraglo siya?”Umirap si Frank. Hindi niya gustong magpaliwanag—hindi naman sila maniniwala sa kahit na anong sabihin niya ngayon kahit na ang dahilan kung bakit gumaling si Henry ay hindi ang pekeng pills. Ngunit nang tumalikod siya para umalis, kaagad siyang pinigilan ni Henry. “Saan ka pupunta, Frank? Pwede kang manatili rito kahit hanggang hapunan lang…”Nasasaktang ngumiti si Frank. “Di muna. Kailangan mo nang umalis—marami pa akong gagawin.”“Hindi.” Hindi niya siya gustong paalisin at sin
Nang tumindi ang tensyon sa pagitan nina Sean at Frank, dumating ang taxi ni Frank. Hindi kumilos si Sean at sa halip ay ngumiti. “Mag-iingat ka sa daan sa gabi, bata.”Suminghal si Frank. “Ganun din ang sasabihin ko sa'yo.”“Putangina mo,” nagmura si Sean habang nagmaneho siya paalis. -Samantala, hindi pinansin ni Henry sina Gina pagkatapos umalis ni Frank. Nilapitan ni Gina si Helen sa sandaling iyon, “Anak, di ba may sakit din si Lyndon McCoy ng Big Bright?”Tumango si Helen. “Oo. Anong meron?”Ang Big Bright ay isang distributor ng construction materials at palaging bumibili sa kanila ang Lane Holdings sa makatwirang halaga. Higit pa roon, kilala si Lyndon bilang isang matapat na lalaki.Mabilis na nagsabi si Gina, “Dahil nagdala si Mr. Wesley ng dalawang Ichor Pills, may isa pang natitira… Hindi ba magkakautang na loob sa'yo ang mga McCoy kapag tinulungan mo si Lyndon? Magiging mas madali nang makipag-usap sa kanila pagkatapos nito!”Napaisip si Helen—may punto ang n
Higit pa roon, ininom ni Henry ang pill at ayos na siya. Walang makakapeke roon. Pagkatapos ay nagtanong si Lyndon, “At anong balak mong gawin rito, Miss Lane?”Bahagyang ngumiti si Helen. “Gusto kong ibigay ito sa'yo, Mr. McCoy.”Kaagad na naging maingat si Lyndon—walang kahit na anong libre sa mundo, tapos bibigyan siya ni Helen ng isang mahimalang pill?“At mayroon ka bang kondisyon, Ms. Lane?” tanong niya. “Ang totoo, walang masyadong kapital ang Lane Holdings,” direktang sabi ni Helen. “Ngayong nakuha namin ang West City project, kailangan namin ng napakaraming building materials. Umaasa akong mabibigyan mo kami ng rebate, Mr. McCoy. Kasunod nito, ang building materials niyo lang ang eksklusibo naming gagamitin para sa West City project.”“Pwede ko kayong bigyan ng isa pang ten percent rebate dagdag sa lahat ng kasalukuyang rebates niyo,” sabi ni Lyndon. “Thirty,” striktong sabi ni Helen. “Twenty.”“Twenty-five,” sabi ni Helen. “Mr. McCoy, isa tong long-term project.
Sumugod si Rocco kay Helen at hinila siya sa kwelyo. “Anong pinainom mo sa tatay ko?!”“A-Ang Ichor Pill!” Sigaw ni Helen sa pagtataka. “Manahimik ka!” Galit na sumigaw si Rocco. “Kung ganun, paano mo maipapaliwanag ang nangyari sa tatay ko?”Kinagat ni Helen ang labi niya—hindi niya rin alam kung anong nangyari!Bigla na lang, lumapit si Gina at nagsabing, “Pakiusap, Mr. McCoy. Mayroon yatang hindi pagkakaunawaan dito. Hindi siguro ang pill iyon!”Maswerte sila at nakakapag-isip pa si Rocco. “Kapag may nangyari sa tatay ko,” malamig niyang sabi, “wala sa inyo ang makakaalis dito nang buhay.”Mula rito, inutusan niya ang family bodyguards na ikulong sila sa guest room habang mabilis na tinawagan ng mga tauhan si Dan Zimmer mula sa Flora Hall. Naglakad nang pabalik-balik si Helen sa kwarto habang nakaupo naman si Gina sa kama nang hawak ang ulo niya, “Oh, katapusan na natin… masama talaga ito. Hindi ba dapat natulungan ng Ichor Pill si Lyndon McCoy? Iyon ba talaga ang isyu r