Pagkatapos ay nagtanong si Donald, “Ms. Ocean, fiance mo si Drakon—hindi mo ba siya ipaghihiganti?”“Kailan ko ba sinabing hindi?” Malamig na singhal no Quinn. “Imposibleng uupo na lang ako lalo na't miyembro siya ng Sage Lake Sect ngayon. Kapag naipaalam ko na’to sa tatay ko, magpaplano tayo.”Nakahinga ang maluwag si Donald—sa tulong ng Sage Lake Sect, tiyak na mas mataas ang tyansa nilang magtagumpay na ipaghiganti ang anak niya!“Syempre, Ms. Ocean. Sa iyo ang pamilya ko—gagawin ko ang kahit na ano para ipaghiganti ang anak ko.”-Maagang umalis ng Turnbull Villa si Frank kinabukasan dahil hindi niya talaga gustong manatili roon pagkatapos magdusa sa kasungitan ni Susan Redford sa agahan. Medyo inaantok pa si Vicky pagkatapos ng lahat ng kasabikan kahapon kaya personal siyang hinatid ni Walter papunta sa front gates. “Sana wag kang magalit sa asawa ko, Mr. Lawrence,” sabi niya. “Medyo sakim siya sa kapangyarihan… Makakaasa kang palagi akong tatanaw ng utang na loob sa'yo.”
Lumapit si Frank upang tingnan ang head injury ni Brenda, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Tiningnan siya ng malamig ni Frank."Isa akong manggagamit,” ang sabi niya bago siya humarap kay Brenda. "Umupo ka, at huwag kang gagalaw. Gagamutin ko ang sugat mo.”Subalit, biglang hinablot ni Jade ang braso niya. "Kung manggagamot ka, yung anak ko muna ang asikasuhin mo!”Tumingin naman si Frank kay Luna.Bagaman hindi na niya gusto sila Jade at Luna dahil sa kayabangan nila, marahan niyang sinabi na, "Dislocated lang ang joint ng anak mo. Maliit na bagay lang ‘yun.”Subalit, nagalit lamang ang dalawang babae sa mga sinabi niya, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Maliit na bagay?! Na-dislocate ang braso ng anak ko, tapos sasabihin mo maliit na bagay lang ‘yun?!”Humagulgol naman si Luna, "Oo nga, ang sakit-sakit… Tulungan mo na ako."Sumimangot si Frank at tinuro niya si Brenda. "Sinasabi mo ba na mas malala ang kondisyon ng anak mo kaysa sa babaen
Gayunpaman, nagsimulang sumigaw sa sakit si Luna noong hinawakan siya ni Janet, “Argh!!! Ang braso ko!!! Ang braso ko!!!”Nang marinig ni Jade ang mga sigaw ng kanyang anak, agad na tumalon si Jade papunta kay Janet at itinulak niya siya papunta sa sahig habang nag-aalalang nagtanong kay Luna, "Ayos ka lang ba, Luna?""Sobrang sakit, Mom!" Humihikbi si Luna.Lalong nagalit si Jade nang marinig niya ang pag-iyak ni Jade, at humarap siya kay Janet habang sumisigaw, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba isa kang manggagamot?! Paano mo nagawang saktan ang anak ko?"Kumunot ang noo ni Janet. "Inaayos ko ang buto niya. Normal lang na makaramdam siya ng sakit...""Mom, ayaw ko ng tulong niya," humagulgol si Luna noong sandaling iyon. "Sobrang sakit..."Pinandilatan ni Jade si Janet habang sumisigaw, "Bakit nakatayo ka lang diyan?! Humingi ka ng tawad sa anak ko ngayon din!""H-Humingi ng tawad...?" Halos maluha si Janet.Gayunpaman, patuloy na nagalit sa kanya si Jade, "Walanghi
Subalit, nang makita niya na nagalit sa kanya ang mga tao, agad na sumakay si Jade sa kotse niya at umalis, hindi na siya huminto upang humingi ng kabayaran mula kay Brenda o sa kahit sino.Nakahinga ng maluwag si Janet at lumingon siya kay Frank. "Maraming salamat.""Hindi mo kailangang magpasalamat sa’kin," tumawa si Frank. "Sa totoo lang, saan nanggaling yung mga maharlikang ‘yun? Makatwiran ang galit na naramdaman ng mga tao."Lumapit si Brenda kay Frank noon at yumuko. "Maraming salamat, iho. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi dahil sayo.""Sobra-sobra na ‘yang sinabi mo, ma'am," ang sabi ni Frank sa kanya. "Wala ‘yun."Labis ding natuwa si Janet at ngumiti, "Ma'am, pwede kang magpahinga sa Flora Hall.""Hindi na, ayos lang ‘yun." Agad na itinaas ni Brenda ang kanyang mga kamay. "Ayos lang ako, at kailangan ko pang magtrabaho. Sa totoo lang, napakabait niyong dalawa... sana maging maganda ang buhay niyo. Magpakasal at magkaroon ng maraming anak..."Natural, inakala niy
Nagsalita si Luna, “Kailangan mo siyang hanapin, Mom. Parurusahan ko siya para sa paglapastangan sa pamilya natin.”Agad na sinabi ni Gina sa kanila na, "Huwag kang mag-alala, Luna. Ang sinumang nang-agrabyado sayo ay inagrabyado rin kami—siguradong ipaghihiganti kita."Pinagmasdan ni Jade si Gina. "Ganun ba kalawak ang impluwensya ng pamilya mo? Mayabang yung walanghiyang ‘yun at malamang marami rin siyang koneksyon."Agad na ngumiti si Gina, hindi siya nagpadaig. "Maimpluwensya kami dito sa Riverton. Oh, at nakalimutan ko—kasosyo ng Turnbull family si Helen. Alam mo, yung isa sa mga nangungunang pamilya sa capital.""Talaga? Mukhang may silbi naman pala kayo kahit paano." Mayabang na suminghal si Jade, mababa pa rin ang tingin niya sa pamilya ni Gina. "Oo nga pala, narinig mo na ba ang tungkol sa hundred-year old drakeroot ng Fielden family?""Oo naman." Agad na tumango si Gina, bagama't narinig din niya na ito ay isang pamana ng pamilya para sa mga Fieldens."Kaya nga ako pumu
Sumimangot si Frank. “Nababaliw na ba talaga ang mga Turnbull?! Nasaktan ka sa gitna ng tungkulin mo, tapos ngayon gusto ka nilang patayin!?”"Hindi..." Ang pilit na sinabi ni Frida, "Sinubukan akong gahasain ni Neil, pero pumalag ako at sinaktan ko siya... At ngayon gusto niya akong patayin."Nagalit si Frank sa narinig niya. "Yung walanghiyang ‘yun... Alam ba ni Vicky ang tungkol dito?""Hindi." Umiling si Frida. "Muntik na akong hindi makarating dito—wala akong oras na tawagan siya.""Naiintindihan ko. Magpahinga ka na muna at ipaubaya mo na sa’kin ang lahat." Tumango si Frank at binitbit niya si Frida papunta sa sopa.Noong sandaling iyon, binasag ng mga tauhan ni Neil ang mga bintana habang papasok sila sa mansyon, at nakahinga sila ng maluwag nang makita nila si Frida.Sinabi ni Neil sa kanila na hulihin ng buhay si Frida hangga’t maaari.Sabi ng isa sa kanila, "Sumama ka na lang sa’min, Frida. Baka hayaan ka pa ni Mr. Turnbull na mabuhay—ipapahamak mo lang ang sarili mo
Ang sabi ni Frida, “Salamat, Mr. Lawrence. Iniligtas mo nanaman ako.”“Dito ka lang,” sagot ni Frank. “Tatawagan ko si Vicky—aasikasuhin niya ‘to.”“Salamat…”-Galit na galit si Vicky pagkatapos siyang tawagan ni Frank at sabihin sa kanya kung ano ang ginawa ni Neil, at dumiretso siya sa Skywater Bay.Nagsimulang yumuko si Frida, na para bang nakasanayan na niya ito. "Ms. Turnbull—""Tumigil ka. Tumayo ka ng tuwid." Nagmadali si Vicky na tulungan si Frida na tumayo. "At wala kang dapat ipag-alala—kakampi mo ako sa bagay na ito."Determinado si Vicky, o maraming tauhan ang mawawala sa kanila. Sino pa ang maglilingkod sa kanila mula ngayon kapag kumalat ang balita tungkol dito?Higit sa lahat, magagamit niya rin ito laban kay Neil!"Salamat, Ms. Turnbull. Alam kong hindi ako susukuan ng pamilya niyo," emosyonal na sinabi ni Frida."Syempre naman," seryosong sinabi ni Vicky, naantig ang damdamin ni Frida dahil dito. "Nasaktan ka dahil sa’kin—hindi kita iiwan ngayon."Pagkatapo
Tumango si Frank at nagpalit siya ng jacket bago siya sumakay sa kotse ni Vicky.Hindi gaanong malawak ang impluwensya ng pamilya ng mga Fielden sa Riverton. Si Paul Fielden, ang pinuno ng pamilya, ay isang venture capitalist.Dumaan sa hirap ang pamilya niya at komokonti na ang bilang nila, ngunit napanatili nila ang maraming mga kayamanan mula sa kanilang mas kilalang mga ninuno. Isa ang drakeroot sa mga ito.Si Vicky, na naging kasosyo niya noon, ay sumakay sa kotse sa tabi ni Frank upang tawagan si Paul nang maaga."Hello, Mr. Fielden? Si Vicky ‘to." Tumawa siya habang nakikipag-usap kay Paul bago niya sinabi ang punto niya. "So, iniisip ko lang kung nasa bahay ka? Bibisita sana ako ngayong araw."Nabigla si Paul sa kabilang linya.Gumawa ng ingay ang mga Turnbull sa Riverton kamakailan, at naglaan talaga ng oras ang tagapagmana ng mga Turnbull upang bisitahin siya?Kahit may kutob siya na may gustong makuha si Vicky, wala siyang dahilan para tumanggi.Pagkaraan ng ilang s
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H