Umirap si Vicky. “Talaga? Sa tingin mo ba ikaw lagi ang masusunod dahil lang engaged ako kay Titus Lionheart?”Nagalit si Susan, “Hindi natin pag-uusapan ang tungkol dito ngayon. Matulog ka na.”"Sige." Ngumuso si Vicky at bumalik sa itaas.Nakaupo si Frank sa pagmumuni-muni habang nakapikit ang kanyang mga mata sa kanyang silid ngunit malinaw na naririnig ang lahat ng sinasabi sa labas.Si Vicky ay maaaring maging isang tunay na komedyante minsan.-Samantala, nakaupo si Donald Salazar sa kanyang pag-aaral, nagpaplano para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.Pagkatapos ng lahat, kumbinsido siya na ang recipe ng Rejuvenation Pill ay nasa bag na kasama ang kanyang anak sa gawain.Hindi nagtagal, tumakbo si Viola sa kanyang pag-aaral at mabilis siyang nagtanong, "So, tapos na ba?"Gayunpaman, mukhang takot na takot si Viola. "Hindi, Dad..."Ang kanyang takot na reaksyon ay nagpabilis ng tibok ng puso ni Donald.May nangyari ba sa anak niya?!"Viola, sabihin mo sa akin kung ano
Pagkatapos ay nagtanong si Donald, “Ms. Ocean, fiance mo si Drakon—hindi mo ba siya ipaghihiganti?”“Kailan ko ba sinabing hindi?” Malamig na singhal no Quinn. “Imposibleng uupo na lang ako lalo na't miyembro siya ng Sage Lake Sect ngayon. Kapag naipaalam ko na’to sa tatay ko, magpaplano tayo.”Nakahinga ang maluwag si Donald—sa tulong ng Sage Lake Sect, tiyak na mas mataas ang tyansa nilang magtagumpay na ipaghiganti ang anak niya!“Syempre, Ms. Ocean. Sa iyo ang pamilya ko—gagawin ko ang kahit na ano para ipaghiganti ang anak ko.”-Maagang umalis ng Turnbull Villa si Frank kinabukasan dahil hindi niya talaga gustong manatili roon pagkatapos magdusa sa kasungitan ni Susan Redford sa agahan. Medyo inaantok pa si Vicky pagkatapos ng lahat ng kasabikan kahapon kaya personal siyang hinatid ni Walter papunta sa front gates. “Sana wag kang magalit sa asawa ko, Mr. Lawrence,” sabi niya. “Medyo sakim siya sa kapangyarihan… Makakaasa kang palagi akong tatanaw ng utang na loob sa'yo.”
Lumapit si Frank upang tingnan ang head injury ni Brenda, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Tiningnan siya ng malamig ni Frank."Isa akong manggagamit,” ang sabi niya bago siya humarap kay Brenda. "Umupo ka, at huwag kang gagalaw. Gagamutin ko ang sugat mo.”Subalit, biglang hinablot ni Jade ang braso niya. "Kung manggagamot ka, yung anak ko muna ang asikasuhin mo!”Tumingin naman si Frank kay Luna.Bagaman hindi na niya gusto sila Jade at Luna dahil sa kayabangan nila, marahan niyang sinabi na, "Dislocated lang ang joint ng anak mo. Maliit na bagay lang ‘yun.”Subalit, nagalit lamang ang dalawang babae sa mga sinabi niya, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Maliit na bagay?! Na-dislocate ang braso ng anak ko, tapos sasabihin mo maliit na bagay lang ‘yun?!”Humagulgol naman si Luna, "Oo nga, ang sakit-sakit… Tulungan mo na ako."Sumimangot si Frank at tinuro niya si Brenda. "Sinasabi mo ba na mas malala ang kondisyon ng anak mo kaysa sa babaen
Gayunpaman, nagsimulang sumigaw sa sakit si Luna noong hinawakan siya ni Janet, “Argh!!! Ang braso ko!!! Ang braso ko!!!”Nang marinig ni Jade ang mga sigaw ng kanyang anak, agad na tumalon si Jade papunta kay Janet at itinulak niya siya papunta sa sahig habang nag-aalalang nagtanong kay Luna, "Ayos ka lang ba, Luna?""Sobrang sakit, Mom!" Humihikbi si Luna.Lalong nagalit si Jade nang marinig niya ang pag-iyak ni Jade, at humarap siya kay Janet habang sumisigaw, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba isa kang manggagamot?! Paano mo nagawang saktan ang anak ko?"Kumunot ang noo ni Janet. "Inaayos ko ang buto niya. Normal lang na makaramdam siya ng sakit...""Mom, ayaw ko ng tulong niya," humagulgol si Luna noong sandaling iyon. "Sobrang sakit..."Pinandilatan ni Jade si Janet habang sumisigaw, "Bakit nakatayo ka lang diyan?! Humingi ka ng tawad sa anak ko ngayon din!""H-Humingi ng tawad...?" Halos maluha si Janet.Gayunpaman, patuloy na nagalit sa kanya si Jade, "Walanghi
Subalit, nang makita niya na nagalit sa kanya ang mga tao, agad na sumakay si Jade sa kotse niya at umalis, hindi na siya huminto upang humingi ng kabayaran mula kay Brenda o sa kahit sino.Nakahinga ng maluwag si Janet at lumingon siya kay Frank. "Maraming salamat.""Hindi mo kailangang magpasalamat sa’kin," tumawa si Frank. "Sa totoo lang, saan nanggaling yung mga maharlikang ‘yun? Makatwiran ang galit na naramdaman ng mga tao."Lumapit si Brenda kay Frank noon at yumuko. "Maraming salamat, iho. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi dahil sayo.""Sobra-sobra na ‘yang sinabi mo, ma'am," ang sabi ni Frank sa kanya. "Wala ‘yun."Labis ding natuwa si Janet at ngumiti, "Ma'am, pwede kang magpahinga sa Flora Hall.""Hindi na, ayos lang ‘yun." Agad na itinaas ni Brenda ang kanyang mga kamay. "Ayos lang ako, at kailangan ko pang magtrabaho. Sa totoo lang, napakabait niyong dalawa... sana maging maganda ang buhay niyo. Magpakasal at magkaroon ng maraming anak..."Natural, inakala niy
Nagsalita si Luna, “Kailangan mo siyang hanapin, Mom. Parurusahan ko siya para sa paglapastangan sa pamilya natin.”Agad na sinabi ni Gina sa kanila na, "Huwag kang mag-alala, Luna. Ang sinumang nang-agrabyado sayo ay inagrabyado rin kami—siguradong ipaghihiganti kita."Pinagmasdan ni Jade si Gina. "Ganun ba kalawak ang impluwensya ng pamilya mo? Mayabang yung walanghiyang ‘yun at malamang marami rin siyang koneksyon."Agad na ngumiti si Gina, hindi siya nagpadaig. "Maimpluwensya kami dito sa Riverton. Oh, at nakalimutan ko—kasosyo ng Turnbull family si Helen. Alam mo, yung isa sa mga nangungunang pamilya sa capital.""Talaga? Mukhang may silbi naman pala kayo kahit paano." Mayabang na suminghal si Jade, mababa pa rin ang tingin niya sa pamilya ni Gina. "Oo nga pala, narinig mo na ba ang tungkol sa hundred-year old drakeroot ng Fielden family?""Oo naman." Agad na tumango si Gina, bagama't narinig din niya na ito ay isang pamana ng pamilya para sa mga Fieldens."Kaya nga ako pumu
Sumimangot si Frank. “Nababaliw na ba talaga ang mga Turnbull?! Nasaktan ka sa gitna ng tungkulin mo, tapos ngayon gusto ka nilang patayin!?”"Hindi..." Ang pilit na sinabi ni Frida, "Sinubukan akong gahasain ni Neil, pero pumalag ako at sinaktan ko siya... At ngayon gusto niya akong patayin."Nagalit si Frank sa narinig niya. "Yung walanghiyang ‘yun... Alam ba ni Vicky ang tungkol dito?""Hindi." Umiling si Frida. "Muntik na akong hindi makarating dito—wala akong oras na tawagan siya.""Naiintindihan ko. Magpahinga ka na muna at ipaubaya mo na sa’kin ang lahat." Tumango si Frank at binitbit niya si Frida papunta sa sopa.Noong sandaling iyon, binasag ng mga tauhan ni Neil ang mga bintana habang papasok sila sa mansyon, at nakahinga sila ng maluwag nang makita nila si Frida.Sinabi ni Neil sa kanila na hulihin ng buhay si Frida hangga’t maaari.Sabi ng isa sa kanila, "Sumama ka na lang sa’min, Frida. Baka hayaan ka pa ni Mr. Turnbull na mabuhay—ipapahamak mo lang ang sarili mo
Ang sabi ni Frida, “Salamat, Mr. Lawrence. Iniligtas mo nanaman ako.”“Dito ka lang,” sagot ni Frank. “Tatawagan ko si Vicky—aasikasuhin niya ‘to.”“Salamat…”-Galit na galit si Vicky pagkatapos siyang tawagan ni Frank at sabihin sa kanya kung ano ang ginawa ni Neil, at dumiretso siya sa Skywater Bay.Nagsimulang yumuko si Frida, na para bang nakasanayan na niya ito. "Ms. Turnbull—""Tumigil ka. Tumayo ka ng tuwid." Nagmadali si Vicky na tulungan si Frida na tumayo. "At wala kang dapat ipag-alala—kakampi mo ako sa bagay na ito."Determinado si Vicky, o maraming tauhan ang mawawala sa kanila. Sino pa ang maglilingkod sa kanila mula ngayon kapag kumalat ang balita tungkol dito?Higit sa lahat, magagamit niya rin ito laban kay Neil!"Salamat, Ms. Turnbull. Alam kong hindi ako susukuan ng pamilya niyo," emosyonal na sinabi ni Frida."Syempre naman," seryosong sinabi ni Vicky, naantig ang damdamin ni Frida dahil dito. "Nasaktan ka dahil sa’kin—hindi kita iiwan ngayon."Pagkatapo
Habang umaasang tumingin sa'kin si Peter, nilapag niya ang phone at bumuntong-hininga. “Kalimutan na natin yun. Binenta ko ang lupang iyon, at ayoko nang makuha ito ulit, dahil—”Limang bilyon ang pinag-uusapan natin dito, Tita Gina!” Sigaw ni Cindy sa sandaling iyon, na nakakaalam sa nangyari, ngunit masyado lang talagang makapal ang mukha niya. “Sa limang bilyon, pwede nating gawin ang kahit na anong gusto natin habangbuhay! Hingiin mo na lang yun kay Frank—ibibigay naman niya yun sa'yo para kay Helen, eh. Alam mo kung gaano niya kagustong magyabang sa harapan niya.”Nagsimulang matinag si Gina sa sandaling iyon. Kagaya ng sabi ni Cindy, limang bilyon ito—ano pa bang gugustuhin niya sa buhay pagkatapos nun?Sa kabilang banda, initsa ni Peter ang sarili niya sa kama ni Gina at nagsimulang umiyak, “Ma, kailangan mong mabawi ang lupang yun mula kay Frank, kundi ay mamamatay ako!”Napatalon sa gulat si Gina. “Ano? Mamamatay ka?”Si Cindy, na nakita na ang binabalak ni Peter, ay ma
Sabi ni Gina pagkatapos, “Sasama ka sa'kin sa Lanecorp. Magmakaawa tayo at luluhod sa kanya para tulungan ka. Wag mo lang banggitin ang lupang iyon…”“Hindi mangyayari yan!” Biglang nagwawalang sumigaw si Peter. “Patayin niyo na lang ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magmakaawa kay Frank!”“Pero…” Nag-alangan si Gina sa katigasan ng ulo ng anak niya. Nagsalita si Cindy sa sandaling iyon. “Ano ka ba, Tita Gina, sa huli, pera lang ang gusto ni Kit Jameson. Dapat kang mag-isip ng plano para mabawi ang lupang yun mula kina Frank at Helen, pagkatapos, babayaran natin si Mr. Jameson para mabawi si Peter. Pagkatapos nun, pwede nating paghatian ang pera—yun lang yun!”Mabilis na sumang-ayon si Peter, na biglang hindi na umiiyak habang ngumisi siya. “Iba ka talaga Cindy! Ang talino mo!”Umirap si Cindy sa sandaling iyon. “Hey. Sabi ng handa akong saktan kanina.”“Ang lupa? Pero…” Halatang nag-aalangan si Gina. “Pag-isipan mo to, Tita Gina.” Nagpatuloy si Cindy na tuksuhin siya.
Tinaas ni Cindy ang lahat ng daliri niya habang sumigaw siya, “Sampung beses, Tita Gina! Hindi, baka higit pa nga! Binenta natin to ng limandaang milyon, pero ngayon, nagkakahalaga na ito ng limang bilyon! Limang bilyon, Tita Gina!”Nang marinig ang numerong iyon, nanigas si Gina matapos niyang mapaupo, at hindi siya nakapagsalita. “Dali… Dali!” sigaw niya pagkatapos tumulala nang matagal, sabay iniunat ang kamay niya kay Cindy. “Ibigay mo sa'kin ang phone ko. Tatawagan ko si Frank!”“Sige!”Talagang sabik na sabik si Cindy—tiyak na makakakuha siya ng parte kapag mabawi ni Gina ang lupang iyon. Gayunpaman, nang nakuha ni Gina ang phone niya at tinignan ang contact list niya para hanapin ang pangalan ni Frank, nanigas siya bago niya siya natawagan. “Anong problema, Tita Gina? Tawagan mo siya!” Sigaw ni Cindy, na halatang mas kabado kaysa kay Gina. Ganun rin si Peter, na pinilit si Gina sa sandaling iyon, “Tawagan mo siya, Ma. Bakit ka nagdadalawang-isip?”“Ako…”Natulala si
Nagpatuloy na magyabang si Peter, “Hayaan mo siyang kumapit kay Frank kung gusto niya. Mamalasin din sila sa huli at magmamakaawa sa paanan natin!”“Tama! Talagang nagtitino na ang anak ko!”Nakahinga nang maluwag si Gina na marinig ang mga salitang iyon, ngunit kaagad na nailang ang mukha niya. “Kahit na ganun… Naibenta ko na ang lupang yun.”“Ano?!”Tumalon si Peter nang parang pusang naapakan ang buntot. “Ma… Ano? Nabenta mo na yun kaagad?! Sino namang bibili nun sa'yo?!”Naiilang na napakamot ng ulo si Gina, naramdaman niya ang konsensya niya dahil sa reaksyon ng anak niya. “Medyo nag-alala ako pagkatapos ka naming hindi matawagan, kaya binenta ko to kay Frank.”“Kay Frank?! Binenta mo to kay Frank?!”Para bang sasabog si Peter. Kahit na ganun, kumapit siya sa huling pag-asa niya at pinilit na ngumiti habang kalmadong nagtanong, “Magkano mo to binenta sa kanya?”“Limandaang milyon.” Nakangisi si Gina habang tinaas niya ang mga daliri niya. “Ayos lang, Peter. Gusto niyang
Nanlumo ang mukha ni Gina sa sandaling nakita niya si Peter, at sumigaw siya, “Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong ipakita ang mukha mo rito!”Talagang pinasakay siya ni Peter. Napakasama na siguro ng nangyari sa kanya kung hindi binili ng talunang si Frank ang bulok na lupa sa mga kamay ni Gina. Ang habulin ng mga loan shark at mawala ang Lane Manor? Naisip pa lang ito ni Gina ay napangiwi na siya. Nanginig siya sa galit habang tinitigan niya nang masama ang may gawa nito at dinuro si Peter habang sumigaw siya, “Walanghiya kang basura ka! Balak mo bang ipapatay ang nanay mo?! Tapos ang kapal pa rin ng mukha mong pumunta rito?!”“Ano ka ba, Ma. Sobra naman yan.” Kinamot ni Peter ang ulo niya ay mapagpaumanhing ngumiti. Sinubukan niyang ilagay sa mesa ni Gina ang mga bouquet na binili niya, ngunit hinawi niya ito. Nalaglag ang mga bulaklak habang sumigaw siya, “Layas! Ayaw kitang makita! Wala akong anak na lalaki—hindi yung sinusubukang lokohin pati ang sarili niyang nanay!”Nanl
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n