Tumingin si Kim sa likod ni Frank noong sandaling iyon. “Nawala ba ang lahat ng chips mo, Mr. Lawrence? Mayroon pa ako dito—bakit hindi mo na lang kunin ‘to?”Agad na itinaas ni Frank ang kanyang mga kamay. "Ayos lang ako. Naglalaro lang ako para magsaya.""Anong ginagawa mo dito Kim?" may biglang nagtanong.Isang lalaking naka-suit ang dumating, at napagtanto ni Frank na si Jan iyon nang mas malapitan.Si Jan naman ay nagkunwaring nagulat nang makita siya. "Frank Lawrence? Hindi ko inaasahan na makikita kita dito.""Si Jan ang host ng party na ‘to," paliwanag ni Kim.Sumimangot naman si Frank—hindi niya alam na teritoryo pala ito ng Yaffe family.Lumingon si Jan kay Kim pagkatapos nun. "Tara na, Kim. Puntahan natin ang iba ko pang kaibigan.""Hindi," mahinang sabi ni Kim. "Hindi ko rin naman sila kilala."“Sige na, ikaw ang bida ngayon,” kinulit siya ni Jan. "At mas maraming pinto ang magbubukas kapag mas marami kanga kaibigan. Bilang future bride ko, walang masama kung makik
Suminghal si Jan, “Iniisip mo ba na pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa Riverton dahil lang nasa likod mo ang mga Turnbull?”Tinanguan lang siya ni Frank nang may pang-aalipusta. "So what? It's unlike you, who keep chasing Ms. White around you when she don't give a damn about you.""Ikaw..."Laging galit si Jan sa tuwing naaalala niya iyon, ngunit sa pagkakataong ito, pinipigilan niya ang sarili at ngumuso. "Hah! Eh ano naman? Magiging akin din siya sa huli—magagawa ko ang lahat ng gusto ko sa kanya kapag ikinasal na kami! Impiyerno, wala siyang magagawa kahit na may kasama akong iba pang babae sa Sa kabilang banda, ikaw ay mananatiling lapdog ng Turnbulls!"Napakamot ng ulo si Frank. "Madidismaya talaga si Ms. White kapag narinig niya ito."Tumawa si Jan sa abot ng kanyang makakaya. "Shut it! Kapag ang pamilya ko ay nakipag-alyansa sa White family sa pamamagitan ng kasal, kahit ang Turnbulls ay hindi na tayo mapipigilan! Ngayon ibigay ang Earthen Dragonheart, at maiisip kon
”Anong nangyayari dito?”Kababalik lang din nila Vicky at Yara sa loob, at nagmadali silang umakyat sa taas nang makita nila ang kaguluhan doon. Humarap si Jan kay Vicky noong sandaling iyon at sinabing, “Ms. Turnbull, ininsulto ng kaibigan mo ang Flying Sword Sect at sinira niya ang mga antique ng pamilya ko. Sinubukan ko siyang pigilan, at inatake niya ako—ikinalulungkot ko na kailangan niyong pagbayaran ‘to.”“Ano?!” Nagulat si Vicky at agad siyang lumingon kay Frank.Dahil madalas niyang makasama si Frank, sapat na ang pagkakakilala niya sa kanya upang pagdudahan ang mga sinabi ni Jan.“Anong nangyari dito, Frank?” Tanong ni Vicky.Itinupi ni Frank ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib habang sinasabi niya na, “Hinihingi niya ang Earthen Dragonheart. Tumanggi ako, kaya sinubukan niya akong atakihin. Bakit hindi ko siya sasaktan?”Nagpalitan ng tingin ang lahat, hindi sila sigurado kung sino ang paniniwalaan nila sa magkasalungat nilang testimonya.Natural pinani
Agad na sinabi ni Jan na, “Makinig ka sa'kin, Kim. Hindi totoo ‘yun—”Pak! Sinampal ni Kim si Jan sa mukha bago pa siya matapos sa pagsasalita. Kinagat niya ang labi niya habang nakatingin siya kay Jan, at nagalit siya, “Hindi ko alam na ganun ka kasama. Kalimutan mo na ang engagement natin.”“Hindi, huwag! Kim—sinisiraan niya lang ako! Gusto lang akong siraan ni Frank!” Sumigaw si Jan. Inabot niya ang balikat ni Kim, ngunit hinawi siya ni Kim at sinabing, “Sabihin mo ‘yan sa lolo ko.”At pagkatapos nun, naglakad siya palabas ng clubhouse, at nagmadaling sumunod sa kanya si Liv. “Hintayin mo ako, Ms. White…” “Kim…” Hahabulin sana ni Jan si Kim, ngunit nakaharang si Frank sa daan niya. “Malinaw na sinisiraan mo ako kanina, bata. Anong gagawin mo tungkol dito?”Nakatayo si Vicky sa tabi ni Frank, itinupi niya ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya habang sinasabi na, “Oo nga. Ipaliwanag mo yung mga ginawa mo.”Nagngitngit ang mga ngipin ni Jan habang nanlilisik ang tingi
Samantala, sa isang military barracks sa border ng Riverton, isang officer na nakasuot ng camo ang natutulog sa kanyang opisina. Noong biglang tumunog ang kanyang phone, suminghal siya sa inis habang inaalis niya sa mukha niya ang cap niya. “Sino ba ‘to? Kalagitnaan na ng hapon…”Nang ilabas niya ang phone niya, nagising ang diwa niya noong nakita niya kung sino ang nagpadala ng message.“Oh, shit…” Nagmadali siyang tumayo at sinigawan niya ang mga tauhan niya, “Magsitayo kayong lahat, dali!”-Maliban sa mga sundalo sa barracks, nagsimula na ding kumilos ang mga Quill.Hindi rin nag-aksaya ng oras si Vicky at tinawagan niya si Cliff Dixon, sinabihan niya siya na tipunin ang lahat ng tauhan nila at pumunta sila sa clubhouse.Hindi isang maliit na pwersa ang Flying Sword Sect—hindi kayang pantayan ng mga Quill ang bilang nila.Subalit, bago pa magawa ni Cliff ang inutos ni Vicky, biglang inagaw ni Susan Redford ang kanyang phone at kinagalitan si Vicky, “Anong ginagawa mo, Vick
Nabasag ang mga pintuang gawa sa salamin ng clubhouse nang dumating ang mga elite ng Flying Sword Sect dala ang mga espada nila.Mabilis nilang pinalibutan si Frank at ang iba pa, habang tuwang-tuwa namang sinigawan ni Jan si Frank, “Katapos mo na, hayop ka! Nandito na ang daddy ko!”“Pu*angina mo.”Nang makita ni Frank na dumadaldal pa rin si Jan, sinampal niya si Jan sa mukha, dahilan upang tumalsik ang dalawa sa mga ngipin ni Jan!Di kalaunan, nagbigay daan ang mga apprentice ng Flying Sword Sect para kay Kuno, na nakatitig kay Frank, Vicky, at Yara, at pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang anak na nakaluhod sa sahig.Dahil alam niyang nabigo ang plano niya na siraan si Frank, nagdesisyon siya na wala nang rason para magtago pa sila.“Pakawalan mo ang anak ko, Frank,” ang kalmado niyang sinabi.Ayaw niyang galitin si Frank, dahil alam niya na papatayin ni Frank kahit na sino kapag ginalit nila siya ng husto.Gayunpaman, suminghal sa galit si Frank. “Bakit ko naman gagawin ‘
Sumimangot si Robert, nagulat siya na ginalit nang husto ni Frank ang Flying Sword Sect.Gayunpaman, nilakasan ni Robert ang loob niya at sinabing, “Mr. Yaffe, pwede ba akong humingi ng pabor sayo at hayaan mong mabuhay si Mr. Lawrence?”Tumingin ng masama sa kanya si Kuno. “Hayaan siyang mabuhay? Hindi, governor, gumagawa na ako ng pabor para sayo sa pakikipag-usap ko sayo ngayon. Tapos gusto mo siyang mabuhay? Hindi pwede.”Tumawa si Robert. “Sige, sige… Pero, taliwas sa iniisip ng karamihan, isang mahalagang tao si Mr. Lawrence—magbabayad ka kapag tinuloy mo ang pagpatay sa kanya. Kabilang dito ang mga Turnbull, ang Flora Hall, ang pamilya ko, ang Skyblade Dojo, si Gerald Simmons… napakaraming tao ang may utang na loob kay Mr. Lawrence. Ikinalulungkot ko na may masasabi sila kapag pinatay mo siya.”Kumunot ang noo ni Kuno. “Pinagbabantaan mo ba ako?”“Hindi, nagkakamali…” Agad na itinaas ni Robert ang mga kamay niya. “Binibigyan lang kita ng suhestiyon—tapusin natin ‘to sa maka
Inilabas ni Kuno ang kanyang espada, humiwa siya na para bang hiniwa niya ang hangin, na nagdulot ng malalakas na hangin.Inilagay lamang ni Frank ang mga kamay niya sa likod niya, at mabilis niyang iniwasan ang mga pag-atake ni Kuno.Tila dumudulas lang sa balat niya ang bawat pag-atake ni Kuno at nagmimintis, habang tahimik siyang nakatayo ng parang isang tumbler.Habang patuloy na nagmimintis ang espada ni Kuno sa kabila ng lakas at pag-asinta niya kay Frank, nagsimulang mataranta si Kuno—masyadong mabilis si Frank!Biglang sumigaw si Jan, “Huwag mo siyang pagbigyan, Dad! Patayin mo na siya!”“Tumahimik ka!” Sumigaw sa galit si Kuno—alam niya ang gagawin niya!Hindi napigilang tumawa ni Frank. “‘Yun na ‘yun? ‘Yun na yung swordcraft ng Flying Sword Sect?”“Walang hiya ka… Ang lakas ng loob mo na maliitin kami!” Tumalim ang mga mata ni Kuno, naipon ang vigor niya sa mga pulso niya noong sandaling iyon.Pagkatapos, nang manginig ang kanyang mga pulso, winasiwas niya ang kanyang
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn
Sumama ang ekspresyon ni Zorn nang nakita niyang kayang harapin ni Gene ang kamatayan nang ganito kakalmado, trinato niya pa si Zorn na parang susunod siya sa lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam niya ay parang siya ang natalo kasi pinatay niya si Gene nang ganyan!At nang nakita ang kaseryosohan sa mga mata ni Gene, nagdalawang-isip siya. “Ah, naaalala ko kung paano ka nangakong susundan mo ko habangbuhay isang dekada ang nakaraan…” Biglang bumuntong-hininga si Gene nang inalala niya ito, nakangiti pa siya na parang binisita niya ang alaala ng sandaling iyon. “Matalik tayong magkaibigan simula noong mga bata pa tayo, at kahit na naghiwalay tayo sandali, lumapit ka sa'kin sa depression… may humahabol sa'yo. Kahit na ganun, pinagkatiwalaan kita nang walang kapalit. “Sa sobrang tapat ng mga salitang sinabi mo noon ay nakatatak ito sa alaala ko… Naaalala ko pa ito hanggang ngayon. Ikaw ang nag-iisang kaibigang pinagkatiwalaan ko sa buhay ko, tapos—”Habang mapait na tumatawa, pagt
“Ano?!”Hindi nakakibo kaagad ang martial artist na pinakamalapit kay Zorn at tumama ang kamao ni Zorn sa kanya. Sumabog ang ulo niya nang parang pakwan sa sandaling iyon, at nag-iwan ng kadiring pulang eksena. “Ano?! Ascendant rank siya?!”Kaagad na naramdaman ng ibang martial artist sa paligid ni Zorn na may mali. Lalo na't ang mga Ascendant rank ay mas malakas kaysa sa Birthright rank, kasama ng napakakapal na pure vigor nila na malaya nilang ginagamit. Natural na mayroong mga halimaw na kagaya ni Frank na hindi saklaw ng patakarang ito—nasa Birthright rank lang siya, pero karamihan ng mga nasa Ascendant rank ay mahihirapan sa kanya. Tanging mga nasa peak Ascendant rank ang kayang pumilit kay Frank na gamitin ang mga alas niya, at dahil iyon sa paghina niya tatlong taon ang nakaraan. Salamat sa pagdating niya sa Birthright rank nang dalawang beses, mas dumami at mas makapal ang pure vigor ni Frank, na walang binatbat sa mga nasa Ascendant rank. At ngayon, nakatago mism
Nang hindi nakakagulat, umiling si Gene sa pagkamuhi. “Oo,” kalmado niyang sabi. “Nobya ko siya, pero mabangis din siya… Nilason niya ako at nanood habang unti-unti akong nanghina hanggang sa araw na butasin ng mga insekto ang tiyan ko? Napakasama niya!”“Ako…”Sinubukang makipagtalo ni Zorn, ngunit wala siyang nasabi. Tahimik siyang yumuko, ngunit hindi nagtagal ay tumingala ulit siya nang determinado. “Ako ang nagplano ng lahat ng ito. Ako ang may kasalanan—ngayon, pakawalan mo si Rory. Pwede mong gawin ang kahit na ano sa'kin basta't pakawalan mo siya.”“Huli na ang lahat,” mahinang sabi ni Gene. “Kagaya ng sabi ko, tapos ko na siyang iligpit.”“Ano… Seryoso ka?!” Napanganga si Zorn at naglaho ang pag-asa sa mga mata niya. Pagkatapos, nagsimula siyang tumawa nang nahihibang at palakas ito nang palakas hanggang sa nakakabingi na ito. “Napakalamig mo talaga, Gene!” sigaw niya. “Hindi ako ang malamig dito. Kayo yun no Rory yun.” Nanatiling walang pakialam si Gene nang sum
Kahit na nagdala si Gene ng maraming martial artists, hindi sila magiging sapat kapag naipit si Zorn—baka baliktarin niya ang sitwasyon at ubusin sila. Kung kaya't nagpasya si Frank na magpaiwan nang mag-isa. Hindi niya hahayaang mapatay si Gene, kundi magiging imposible nang makuha ang mga loteng iyon. Nang isinantabi niya ang document folder niya, tahimik siyang pumuslit sa hallway. Ang hindi nakakagulat, nakita niya sina Zorn at Gene na nakatayo sa labas ng opisina. Malinaw na naramdaman ni Zorn ang poot laban sa kanya, ngunit nagtanong siya, “Mr. Pearce, sinabihan mo kong tignan ang mga numero ng Drenam Limited, di ba? Bakit ka nagpunta rito mismo at nagdala ng napakaraming tao?”Sa kabilang banda, maayos na sinanay ang mga tao ni Gene. Bago pa napansin ni Zorn, nakakilos na silang lahat para harangan ang lahat ng daan palabas. “Heh… Ngayong umabot na sa ganito ang lahat, magiging tapat na lang ako sa'yo, Zorn.”Nakangiti si Gene habang tinulungan siyang maglakad n
Dahil nasa Birthright rank si Zorn, natural na kailangang mag-ingat ni Gene at magtipon ng sapat na tao para tapusin siya. Sa maikling salita, bumangga si Frank sa isang pader. Masyadong maaga siyang dumating sa Drenam Limited bago pa natapos ni Gene si Zorn, kung kaya't nagkamali ng pagkakaintindi si Zorn at naisip niyang pumunta si Frank para manloko. “Siya si Gene Pearce,” sabi niya habang nakaturo sa sakiting lalaking kailangan ng tulong para makalakad.”“Siya yun? Mukha siyang… sakitin,” bulong ni Helen, kahit na nakikita ng kahit na sino na hindi malusog si Gene. “Oo. May ilang malapit na tao sa kanyang nanglason sa kanya gamit ng isang insekto. Ginamot ko siya kahapon, kaya pumayag siyang ipasa ang land deeds na yun sa'kin.”Nabigla si Helen. “Sinasabi mo bang hindi tumupad si Gene sa pangako niya?”“Hindi sa ganun—masyadong maaga ang dating natin, bago pa niya naayos ang personal na problema niya,” sagot ni Frank habang pinanood ang higit isang dosenang lalaking puma
“Maging pabigat sa inyo nang tatlong taon?”Natawa si Frank sa ideyang iyon, ngunit hindi siya nagsayang ng oras para makipagtalo kay Cindy. Sa halip, lumingon siya kay Helen nang may seryosong ekspresyon. Gusto niyang alamin ang opinyon niya. Tahimik sandali si Helen, ngunit hindi nagtagal ay mahina siyang nagsabi, “Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo at inisip mo yan, Frank… Pero sasabihin ko sa'yo nang walang pagdududa na huwag ka nang mag-iisip nang ganyan kahit kailan! Hindi kita iiwan, at walang makakapigil sa'kin!”Pagkatapos, inalis niya ang kamay ni Cindy at malamig na sumigaw, “Inuutusan kita, Cindy. Bumalik ka sa Riverton at sabihin mo kay mama na wag siyang mag-alala sa'kin. At ikaw naman, alam kong galit kang hiniwalayan ka ng nobyo mo, pero wala sa'min ni Frank ang pwede kong pagbuntunan ng galit mo, at hindi kailangan ng Lanecorp ng basurang kagaya mo na walang alam kundi magmayabang na akala mo kung sinong magaling.”“Ano?!” Napaatras si Cindy sa gulat. “Anon
“M-Maghintay ka lang!” Sigaw nina Bob at Rob, ngunit mabilis silang tumayo para tumakas sa opisina. Sa kabilang banda, kinilabutan si Zorn nang sinalag ni Frank ang atake niya. “Martial artist din siya?” bulong niya sa sarili niya. “Bakit di ko naramdaman ang vigor niya?”Higit pa roon, nakikita niyang sanay si Frank sa pakikipaglaban nang pinatumba niya sina Rob at Bob nang napakabilis. Kumbinsido siya kaninang simpleng tao lang si Frank, ngunit naramdaman na niya ngayon ang walang hugis na bigat na nakabalot kay Frank. Nag-ingat si Zorn sa bigat na ito at bigla siyang hindi nakasiguro kung kaya niyang talunin si Frank. Sa lakas niya sa kabila ng kabataan niya, talagang napaisip si Zorn kung saan siya nanggaling. Habang naningkit ang mga mata, umatras si Zorn at nagtanong, “Pwede ko bang matanong kung saang clan o sect ka nanggaling?”Gayunpaman, umiling si Frank at mahinang nagsabi, “Pangkaraniwang tao lang ako. Ano? Magpapatuloy ba tayo? Hindi ako magpipigil kung oo, at