Share

Kabanata 1225

Penulis: Chu
Nakaupo si Gina sa lapag habang nagsisinungaling nang walang katapusan. “Oh, kawawa naman ako! Hindi lang tumanggi ang anak kong tulungan ako pagkatapos ko siyang palakihin, pero pinilit niya rin akong isuko ang lupa ko!”

“Tama! Siya na ngayon ang board chairwoman ng isang malaking kumpanya, pero inabandona niya ang pamilya namin ngayong matagumpay na siya! Nakipagsabwatan niya pa sa ibang tao para bugbugin ang nanay ko!”

Walanghiyang sumali rin si Peter, nang nakaturo sa mga benda sa ulo ni Gina.

Ang mga bodyguard ng Zomber Group ang tunay na nanakit kay Gina, at si Peter mismo ang nagsabi sa kanilang gawin iyon. Malinaw na gagawin niya ang kahit na ano para lang mabawi ang lupang iyon, kahit na ipasa niya ang sisi kina Frank at Helen!

“Tignan niyo! Ito ang ginawa ng girlboss na si Ms. Lane at ng boyfriend niya!”

Sumigaw din si Cindy. “Mga walanghiya! Pareho silang sinungaling! Bumili sila ng lupa mula kay Gene Pearce?! Kasinungalingan ang lahat ng iyon!”

Halatang may sama pa r
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
A Naxel Der
tapusin nyo ang kwentong ito dahil habang tumatagal wala ng kwenta
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1226

    Habang inisip ni Gina na makapaghihintay ang lahat pagkatapos niyang mabawi ang lupa niya, may biglang sumigaw, “Shh, manahimik kayo! Nagbalik na si Ms. Lane!”“Heh. Mapagpanggap pa rin talaga siya.”“Tinatawag niyang anak ang sarili niya? Aalis na ko sa trabahong ito kung hindi lang mataas ang sahod dito.”“Nakakababa ng moral.”“Itatakwil ko siya kung anak ko siya!”Sa kabilang banda, tumunog ang stiletto ni Helen habang pumasok siya, habang nagmadaling lumapit sa kanya si Lily nang may nahihirapang ekspresyon. “Sinubukan ko silang pigilan, Ms. Lane, pero…”Naintindihan ni Helen—hindi pwedeng gumamit ng dahas sina Lily at ang mga gwardya dahil pamilya niya sina Gina, Cindy, at Peter, at wala silang nagawa kundi hayaan ang tatlong iyon sa ginagawa nila. “Wag kang mag-alala. Ako nang bahala rito.” Tinapik ni Helen si Lily sa balikat, sabay tumango sa mga gwardya bago naglakad sa gitna ng mga tao. Habang naglakad siya, narinig niya ang mga salitang sinabi ng sarili niyang mga

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1227

    Napaturo ang mga empleyado ng Lanecorp kay Helen dahil sa mga sigaw nina Cindy at Peter. “Totoo yan. Urgh, hindi ko inakalang ganun pala talaga siya.”“Siguro mahirap lang talagang mangilatis ng tao!”“Bahala na. Magreresign na ako mamaya—nakakahiyang magtrabaho para sa kagaya niya.”“Oo nga. Nakakahiyang humarap sa kahit na sino kapag kumalat ang balita.”“Magsusulat na ako ng sulat ngayon din.”“Ako rin.”Rinig na rinig ni Helen ang mga pambabatikos at pagkamuhi nila. Bigla siyang sumigaw, “Gina Zonda!”Napaatras si Gina, habang nabigla ang mga empleyado ng Lanecorp habang sumigaw si Helen, “Ano bang nagawa ko sa'yo?! Bakit kailangan mo tong gawin sa'kin?!”Pagkatapos ay tinuro niya sina Peter at Cindy nang sumisigaw, “Sinong nagplano nito? Nagsisikap akong magtrabaho nang maraming taon, at nabuhay kayo nang parang mga hari dahil doon! Bakit palagi niyo kaming pinapahirapan ni Frank?!”Kahit na kagat ni Helen ang labi niya at halos mukhang walang pakialam ang ekspresyon ni

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1228

    Suminghal si Bob. “Akala ko pa naman talaga isa kang malakas at matatag na babae at hinangaan kita. Hindi ko alam na ganito ka pala kasama!”“Oo nga. Pinabugbog mo ang sarili mong nanay sa ibang tao?! Mas masahol ka pa sa hayop!”“Hindi, mas malala ka pa kaysa kay Kallum Gaetz!”“Hah! Ayokong maugnay sa mga taong kagaya mo. Iisipin ng mga tao magkapareho tayo kapag nalaman nilang nagtatrabaho ako para sa isang ingratong kagaya mo!”“Aalis na ako sa trabahong to!”“Ako rin!”“Anong kinabukasan ang mayroon sa pagtatrabaho para sa masamang tao?!”Lumapit ang iba pang emosyonal na empleyado at tinanggal ang employee ID nila kagaya ni Bob para ilayo ang mga sarili nila sa Lanecorp. Ang mas malala pa roon, si Lily, ang sekretarya ni Helen, ay lumapit kay Helen. “Ms. Lane, nagtatawag nag board ng isang emergency meeting…”Malinaw ang layunin ng meeting na iyon—handa na siyang iboto paalis ng board. “Hindi, makinig kayo sa'kin. Hindi yun ganun…” Mahinang katwiran ni Helen, ngunit m

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1229

    Si Peter ang pinakakinakabahang tao roon. Lalo na't kung hindi niya mababawi ang lote na iyon, mamamatay siya kahit na bumagsak si Helen at maging palaboy. “Si Frank…”Nanahimik si Helen bago siya nakaisip ng palusot dahil isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa malayo. “Tama na yan!” Naglakad ang matangkad na lalaki para tumayo sa tabi ni Helen, pagkatapos ay inakbayan siya habang nakatitig nang masama sa kanilang lahat. Natural na siya ay walang iba kundi si Frank mismo. “Mga hangal!” malamig niyang sabi. “Hindi niyo man lang napansing pinapaikot lang kayo! Alam niyo ba talaga kung anong nangyari? Binabatikos at sinusumpa niyo ang superior niyo dahil sa lang sa kwento ng iba—sa nakikita ko, mga basura kayong lahat! Hindi kayo pipigilan ng Lanecorp kung gusto niyong umalis! Sige lang, nandiyan ang pinto!”Habang nanahimik ang lahat lobby sa mga striktong salita niya, natural na mayroong mga mapanlaban. “Hah!” Suminghal si Bob. “Manipulatibo at wala sa katwiran ang he

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1230

    “At ngayon, itinatakwil ko na si Helen. Hindi na ako manghihingi ng kahit na ano mula sa inyong dalawa simula ngayon! Pareho kayong mga baboy na nararapat na maloko! Ngayon, lumayas na kayo!”Natapos ang recording doon, at nanahimik ang kwarto habang dahan-dahang ibinalik ni Frank ang phone niya sa bulsa niya. Kasabay nito, napangiwi ang mga empleyado ng Lanecorp sa pagkailang o sa pagsisisi. Nilinaw ng voice recording na nagsinungaling si Gina sa kanila. Sinabi niyang nagtulungan sina Frank at Helen para agawin ang lupang iyon mula sa kanya. Gayunpaman, pinatunayan ng recording na ibinenta niya ito kay Frank, habang trinato niya siyang parang isang talunan at kinutya siya sa lahat ng paraan. Gayunpaman, nanatiling kalmado at mapapakiusapan si Frank, ngunit sinigawan siya ni Gina, at tinawag siyang baboy pati ang sarili niyang anak. At matibay ang ebidensya—nanatiling ebidensya ang recording kahit na ano pang gawing pangangatwiran pa ang gawin ng kahit na sino para rito.

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1231

    “Bakit ka nagpapanggap, Cindy? Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Kung hindi ka lang ganid at gusto mong maghiganti kay Helen nang sabay, hindi ka pupunta rito! Tapos ngayon sinusubukan mong tumakas? Pwes, huli na ang lahat!”Sa sandaling nakita ni Peter na handa nang tumakas si Cindy, hinawakan niya siya kaagad at galit na sumigaw, “Kayong lahat, tignan niyo siya! Siya ang may pakana ng lahat ng ito—minanipula niya kaming lahat na gawin ito!”Nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat, nataranta si Cindy at lumingon para sampalin si Peter. “Hayop ka!” sigaw niya. “Tumakbo ka sa sandaling naloko mo si Tita Gina, at hindi ka babalik kung hindi tumawa ang halaga ng loteng iyon at hindi ka pinilit ni Kit Jameson! Intindihin mo to—walang mawawala sa'min kung susukuan namin ang lupang iyon, pero mamamatay ka kapag di mo yun nabawi!”“Sinampal mo ba ako?!” Sigaw ni Peter at nakipagbunuan kay Cindy habang nanood ang lahat. Wala na siyang pakialam sa pagiging maginoo sa sandaling iyon.

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1232

    Kahit na ganun, walang magagawa si Frank kundi umasa na magbabago na talaga si Gina. Hindi siya aswang magiging santa si Gina, pero kahit papaano ay pwede siyang huminto sa paggawa ng problema para kay Helen at iwan siyang nasasaktan. Tumango siya at bumuntong-hininga. “Sige.”"Hmph."Sa kabilang banda, walang sinabi si Cindy, na suminghal lang sa dismaya bago tumalikod para umalis kasama ni Gina. Sinubukan rin iyon ni Peter, pero hinablot siya ni Frank sa likod ng kwelyo niya. “Sinabihan ba kitang umalis?”Nagpapalit-palit ang gulat at takot sa ekspresyon ni Peter dahil sa malamig at malagim na yan ko ni Frank, hanggang sa sinubukan niyang ngumiti nang pilot. “Bro—”Sinampal siya ni Frank sa mukha bago pa siya nakatapos, at nakakita siya ng bituin habang tumalsik siya at gumulong sa lapag. Namaga ang pisngi niya nang may malalim na pasa sa sandaling iyon, at umupo siya nang nahimasmasan siya. “Hindi, teka lang… Frank, wag—”Lumitaw ulit ang takot sa mga mata niya habang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1233

    Sa kabilang banda, nanigas kaagad si Peter. Alam niyang isang nakakatakot na martial si Frank, eto ang Zomber Tower—ang office building ng Zomber Group—ay lungga ng mga ahas… ito ang base ng Blood Wolves bago sila nagkahiwa-hiwalay!Kahit na walang mas malakas sa kanila kaysa sa Hansen brothers, marami pa rin silang martial artists. Kasama ng iba pa nilang mga tauhan, umabot sila ng isang libo—na kayang labanan si Frank gamit ng dami nila!Kahit na ganun, napalunok si Peter dahil takot siyang magsalita at direktang tanggihan si Frank, at sa halip ay umupo siya sa lapag at umiling. Pinapakita niyo na wala siyang tapang na gawin iyon. “Sige, lumayas ka na pala. Wala na akong kailangang gawin rito.” Tumawa si Frank habang tumalikod siya para umalis. “Hahabulin ka rin naman nila kung hindi mo mabawi ang lupa para sa kanila.”Natulala si Peter at nanginig nang bigla niyang naalala ang mabangis na mga mata ni Kit. Tama si Frank—kamatayan lang ang naghihintay kay Peter kung hindi

Bab terbaru

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1352

    Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1351

    Agad na nakarating ang kotse ni Frank sa labas ng Zamri, at hindi siya nagtagal sa paghahanap ng sirang templo.Gayunpaman, hindi pa siya nakapasok nang maramdaman niya ang malupit na presensya ng kamatayan, na nagpatunog ng lahat ng alarma sa kanyang isipan.Kung tama ang kutob niya, ang mga taong bumihag kina Nash at Carol ay siya ang target mula pa sa simula… O ang spiritron vein, kung tutuusin.Naramdaman ni Frank ang panghihinayang nang maisip niya iyon—napakalaking bagay ng spiritron vein na iba't ibang pangunahing faction sa bansa ang kumikilos.Mga martial elites na nag-cultivate ng mag-isa, mga pangunahing sekta… pati mga opisyal ng gobyerno tulad ng alkalde ng Morhen ay nasasangkot sa labanan na ito.At kung maabot siya ng Cloudnine Sect, maabot din siya ng iba.Habang si Frank at ang Lanecorp ang nagiging sentro ng bagyo, kahit ang mga nasa anino ay darating o magmamasid upang makita kung paano magpapanatili ang mga bagay.Ang pagkakaroon ng spiritron vein ay maaaring

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1350

    Kung tutuusin, tila inaasahan na ni Sienna ang tugon na iyon mula kay Frank, at siya ay ngumiti."Sa ganang iyon, ako'y magpapakumbaba.""Oo."Pinanood ni Frank si Sienna habang umaalis, malalim ang iniisip dahil pinapaalala nito kay Frank ang maraming bagay.Maraming panganib ang nagkukubli sa Draconia, at tiyak na makakakuha siya ng malaking atensyon pagkatapos niyang patayin si Kilian Lionheart.At si Sienna ay nagbigay pa ng pahiwatig na ang mga pangunahing manlalaro ay handa nang kumilos laban sa kanya.Habang hindi natatakot si Frank, nag-aalala pa rin siya na baka kumilos sila laban sa mga tao sa paligid niya.Kahit na pumasok sa kanyang isipan ang ideya, tumunog ang kanyang phone.Sumagot siya kay Kat Yego na sumisigaw, "Master Lawrence! Masama ito… may dumukot sa tatay ko at kay Madam Zims!""Ano?!"Sa tabi niya, tumalon si Winter sa kanyang mga paa sa takot, dahil si Madam Zims ang kanyang amang inang si Carol.Alam nila na si Carol at ang ama ni Kat na si Nash Yego a

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1349

    Nagpumiglas si Winter at umupo sa tabi ni Frank matapos itong magpaliwanag, at tinupi niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib habang hinihintay niyang makita kung sino ang darating na kagandahan."Greetings, Mr. Lawrence."Isang ginang na nakadamit nang maayos sa isang konserbatibong damit ang pumasok, binati si Frank ng isang ngiti.Medyo natulala sandali si Frank—napakaganda ng kanyang mukha, ang kanyang mga kilos ay banayad at elegante, at may isang nunal sa kanyang mukha na nagbigay sa kanya ng isang napakagandang anyo.Bukod sa kanyang malambot na anyo, walang lalaking makaalis ng tingin sa kanyang kapansin-pansing cleavage."Wow… ang ganda-ganda mo…"Kahit si Winter ay napapanga at humihingal sa ganda sa kabila ng kanyang inggit kanina."Hehe. Salamat." Tumango ang babae bago humarap kay Frank."Mr. Lawrence, ako si Sienna Noirot, pangalawang nakatatanda ng Hall of Flowers, isang denominasyon ng Cloudnine Sect. Nang marinig ko ang iyong mga kamakailang tagumpay, nagpunt

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1348

    Humarap si Frank kay Chelly, na nakayuko, at kay Stella, na nagbigay sa kanya ng taimtim na nagmamakaawang tingin.Huminto siya, nilingon ang kanyang ulo at inihayag, "Ang buong alitang ito sa pagitan natin ay pinasimulan ng mga Bearson!"Sa mga salitang iyon, umalis siya sa entablado kahit na umubo siya ng dugo, na nagtatapos sa mataas na labanan sa Zamri Square na may isang pambihirang baluktot ng kwento.Ang madla ay tiyak na hindi nasiyahan sa mediocre na pagtatapos, lalo na pagkatapos na ang laban ay pinasikat ng napakalaking publicity!Hindi ito laban ng mga martial elites, kundi isang kakaibang pagtatanghal sa entablado.Gayunpaman, ang nasabing produksyon ay nagdala pa rin ng malubhang mga kahihinatnan.Para sa mga Favonis, si Jaden ay nanatiling walang malay, ang kanyang kapalaran ay hindi alam habang si Stella at ang iba pa ay dinala siya pabalik sa Norsedam.Habang nananatili pa rin ang kanyang pwesto bilang pangalawa sa Skyrank, bumagsak ang kanyang reputasyon, tulad

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1347

    "Akala mo ba na kaya mong labanan ang Lionhearts at Volsung Sect ng mag-isa?!"Si Kilian Lionheart ay malamig na nagmura, "Sumuko ka na! Ang kapangyarihan ni Simon Lionheart ang namumuno sa lupang ito, at ikaw ay magiging pira-piraso kung siya mismo ang makialam!""May sampung segundo ka," simpleng bulong ni Frank, walang emosyon habang pinupunasan ang dugo sa sulok ng kanyang labi.Gayunpaman, halatang hindi nag-aalala si Kilian sa banta ni Frank at patuloy na pinapaniwalaan siya, "Dapat kang lumuhod sa akin, Frank Lawrence! Aaminin kong kahanga-hanga ka, at baka patawarin ko ang iyong mga pagkakamali, kahit na imungkahi pa ang isang lugar para sa iyo sa Volsung Sect!""Ang Volsung Sect ay sa huli ay maghahari sa Draconia at sa buong mundo!"Ang landas ng martial arts ay simula pa lamang… Wala kang ideya kung saan talaga patungo ang landas na ito!Ngayon, ibaba mo ako at yumuko sa akin, at sasabihin ko sa iyo ang pinakamalaking lihim na hindi kailanman nasabi—""Ubos na ang oras."

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1346

    "Oof!"Hindi na tumatawa si Kilian.Hindi niya naramdaman ang anumang pahiwatig ng purong lakas na nagmumula sa kamao ni Frank—iyon ay nangangahulugang ginagamit ni Frank ang purong pisikal na lakas upang sirain ang kanyang carapace armor, habang pinapapalayas siya na parang isang laruan!"H-Hindi posible! Paano magagawa ito ng isang Birthright rank… hindi, baka nag-improve siya? Pero hindi ito dapat nangyayari kahit na nag-improve siya—"Bago pa man makabawi si Kilian, naramdaman niyang may malaking kamay na humahawak sa kanyang leeg, pinapahirapan siya.Sa kanyang mga meridiano, ang kanyang dalisay na sigla ay biglang huminto.Masakit na masakit, pero hindi niya maipapahayag ang kanyang purong lakas para lumaban kahit gusto niya.Kahit na nagsimula nang mag-ikot ang mundo sa paligid niya, napagtanto niyang hindi rin niya kayang talunin si Frank sa purong pisikal na lakas, dahil hindi niya talaga maalis ang mahigpit na pagkakahawak ni Frank sa kanyang leeg!At sa mismong sandal

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1345

    "Ito ang Soulbleeder—isang espesyalidad ng Hundred Bane Sect na mabibili sa black market.”Tumingala si Frank, kumikislap ang kanyang mga mata habang pinupunasan ang mantsa ng dugo sa sulok ng kanyang mga labi.Nawala ang ngiti sa mukha ni Kilian noon din—paano nalaman ni Frank ang pangalan ng lason?!Ito ay isang lihim na mahigpit na itinagong kahit sa black market, at halos walang nakakaalam nito.Kahit si Kilian mismo ay nalaman ito sa pamamagitan ni Troy!"Hehe… blargh!"Ngumisi si Frank kahit na sumuka siya ng isa pang bungkos ng dugo."Naguguluhan ka ba kung bakit alam ko? Well, yan ang tanong na kailangan mong itanong sa isang tiwaling tao sa Hundred Bane Sect na aking pinatay. Iniwan niya ang isang kopya ng Hundred Bane Anthology, kaya walang anumang bagay sa imbentaryo ng Hundred Bane Sect ang magiging epektibo laban sa akin.""Talaga?"Kumambyo si Kilian at sumulyap sa paligid niya at ngumisi kay Frank nang makita niyang nag-aalab ang lakas ni Frank sa kanyang katawan."Hi

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1344

    Gayunpaman, ang halakhak ni Kilian ay agad na naging malakas at masayang tawanan."Hahaha! Nakuha ko na!""Ano'ng nangyari sa kanya, Ginoong Lionheart?" nagtanong si Troy nang may pag-aalala, dahil abala si Kilian sa pagtawa at hindi makasagot sa kanyang tanong.Hehe… Sinubukan ng batang iyon na maging matalino, pero siya mismo ang napahamak!Ngumiti si Kilian kahit na pinapanood niyang humihingal si Frank."Ang kanyang sigla ay sumalpok sa kay Jaden nang harapin niya ang suntok ni Jaden, at ang lason na nagsimula nang kumilos sa loob ng katawan ni Jaden ay nakaapekto rin sa kanya! Ang lason na ginamit mo ay idinisenyo laban sa mga martial elite na may purong sigla, hindi ba?""Oo, tama." Tumango si Troy, nalilito pa rin."Well, bagay na bagay yan." Kilian ay nagmura nang masama."Hindi naisip ni Frank na siya rin ay maaapektuhan kung ang lasong lakas ni Jaden ay umabot sa kanya!""Hahaha! Ang galing niyan!" Kumislap ang mga mata ni Troy.Wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ni K

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status