Natural na ito ay walang iba kundi si Jet, na sinundan ng maraming Turnbull Elders at executives.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jet?!” Galit na sigaw ni Vicky habang mabilis na dumampot ng belo para takpan ang mukha niya. Kwarto niya ito—sinong mananatiling kalmado kapag may sumipa sa pinto niya?!Mabuti na lang at nakadamit siya. Paano kung may ginagawa sila ni Frank?!Sa kabila ng galit niya, isang matandang lalaking halos kasing-edad ng lolo ni Vicky ang lumapit at sumigaw, “Nandito kami dahil sa hayop na yan!”Ang lalaking iyon ay si Tamon Turnbull, ang kapatid ng lolo ni Vicky na ang branch family ay nakatayo sa Jarden. At sa kabila ng edad niya, puno siya ng sigla—at galit para kay Frank. Lumapit din ang dalawang anak na lalaki ni Tamon. Tinuro nila si Frank at sumigaw, “Ang kapal ng mukha mong patayin si Sif Lionheart?! Lumuhod ka ngayon din, at sumama ka sa'min para humingi ng tawad sa mga Lionheart!”“Tama! Humanda ka!”Habang sinigawan rin ng ibang Turnbull e
Nang makitang nag-alangan ang ilang Turnbull blackguards, mabilis na nagpanggap na makatarungan si Tamon. “Wag ka nang magmatigas, Vicky!” sigaw niya. “Babagsak ang pamilya natin kapag hindi natin isusuko si Frank Lawrence! Ayos lang sa'kin kung mananatili si Glen sa pamumuno, pero hindi ko mapapatawad si Frank! Hindi natin kakayanin ang kasalanan ng pagpatay sa isang direktang tagapagmana ang mga Lionheart! Anong gagawin natin kapag sumugod si Simon Lionheart sa mga bahay namin kasama ng martial elites niya?! Mamamatay tayong lahat dahil lang sa hayop na yan!”“Hindi, hindi kami ganun kahina,” kalmadong sagot ni Vicky. “Tao ka, Granduncle. Tigilan mo na ang pagiging ingrato—mas masahol ka pang tignan kaysa sa hayop.”Pagkatapos, bumunot siya ng kutsilyo mula sa ilalim ng kama at diniin ito sa leeg niya. “Maraming beses na tayong nailigtas ni Frank. Kung gusto niyo siyang kunin, mamamatay muna ako!”“Vicky!!!” Sinara ni Tamon ang mga kamao niya sa galit sa radikal na sagot ni Vick
Nang matanggap ang mga utos ni Tamon, sumenyas si Jet sa mga blackguard na sumugod para hulihin sina Frank at Vicky. “Lumayo kayo!”Mabangis na sumigaw si Vicky nang nakalapit sila at bumunot ng isang itim na baril mula sa ilalim ng kama niya, na itinutok naman niya kay Jet. “Babaril ako kapag humakbang ka pa!”Pagkatapos ay lumingon siya kay Tamon. “Simula sa'yo, tanda!” “Hinahamon mo ba ako?!” Galit na sigaw ni Tamon. “Ibaba mo ang baril mo!” Sigaw din ni Quentin. “Wag ka nang gumawa ng mas malaking pagkakamali kaysa sa una mong nagawa!” Sa kabilang banda, tumatawa si Wes habang naglakad siya papunta kay Vicky. “Hah! Patayin mo ko kung kaya mo. Duda talaga akong babaril ka!”Bang!Natulala ang lahat sa gulat nang binaril ni Vicky si Wes sa dibdib. Hindi man lang napansin ng lalaki na nabaril siya hanggang sa tumingin siya sa baba at nakita niya ang isang butas sa dibdib niya. Dumudugo siya direkta mula sa puso. Bumagsak siya sa lapag sa sandaling iyon nang bakas ang g
Mabuti na lang at handa si Jet—binalot niya ang sarili niya ng pure vigor niya sa abot nang makakaya niya at napigilan niya ang bala ni Vicky. Gayunpaman, tinamaan pa rin siya sa dibdib. Nabasag ang isang tadyang niya at miserable siyang bumagsak. Sa wakas ay nakita ni Tamon na hindi natinag si Vicky at nagpasyang magpalit ng taktika. Lumayo siya nang tingin kay Vicky para lumingon naman kay Frank at sumigaw, “Frank Lawrence! Pinatay mo si Sif Lionheart, ang heiress ng main Lionheart family! Dapat bang dalhin naming mga Turnbull ang kasalanang iyon para sa'yo?!”“Tama na yan.”Sa wakas ay kumilos na si Frank, ngunit hinawakan niya ang baril ni Vicky at umiling sa kanya. Kapag nagpatuloy ito, talagang wala nang atrasan. Naintindihan niya rin ang intensyon ni Vicky, pero mas gugustuhin niya pa ring hindi siya pumatay nang marami. “Hindi ko pinatay si Sif Lionheart… Pero kaya ko at handa akong akuin ang sisi,” sabi niya sa Turnbull elders at executives habang tinaas ang isan
“Pakiusap, Glen…” nangatwiran si Tamon. “Pinatay niya si Sif Lionheart, isang anak ng mga Lionheart! Susugurin nila tayo! Kailangan mong makita ang buong sitwasyon rito!”“Ang buong sitwasyon…”Huminto si Glen, ngunit di nagtagal ay tumawa siya sa pagkamuhi at iniabot kay Tamon ang isang nabuksan nang sulat. “Bakit di mo basahin ang sulat na'to na pinadala ng Martial Alliance ngayon lang?”“Ipinapaalam nito na humihingi ng tawad ang mayor ng Morhen sa pagbibintang sa Turnbull family…”Habang nagpatuloy na magbasa si Tamon, nanigas ang mukha niya at bumagsak sa lapag nang nakita niya ang personal na pirma ng mayor ng Morhen sa ibaba. Natulala siya. Mabilis na nagtanong si Quentin, “Papa, kanino galing ang sulat na yan? Anong sabi nito?”“M-Mula ito sa mayor…”Lumunok si Tamon. “Nalaman niya ang lahat at inamin ng mga Lionheart ang totoo habang ipinasa ang lahat ng sisi kay Sif… Sinasabi nilang pinatay siya ni Titus para makabawi, at pinadala pa niya ang bangkay niya sa bahay ng
Nang napansin ang pagpapasalamat ni Walter, ngumiti si Frank ngunit umiling siya—wala lang ito. Kahit na ganun, nakaramdam siya ng pagsisisi para kay Silverbell. Tiyak na pinagbayad siya para sa paghawak niya kay Walter. Sa kabilang banda, mabilis na ipinahayag ng Turnbull elders at executives ang pagtutol nila sa pagpapasalamat ni Walter kay Frank. “Walter, dahil kay Titus Lionheart kaya nakabalik ka nang ligtas! Pinatay niya ang sarili niyang kapatid sa ngalan ng hustisya at binunyag ang katotohanan. Kung hindi ay nakakulong ka pa rin!”“Oo nga! Bakit mo papasalamatan si Frank? Kung hindi nilinaw ni Titus ang hindi pagkakaintindihang ito, hindi ka makakabalik sa'min.”“Nakakuha siguro siya ng magandang salita mula sa mayor.”“Tsk, tsk. Mukhang seryoso si Titus kay Vicky at sa pamilya natin. Pinatay niya ang sarili niyang kapatid sa ngalan ng hustisya!”“Siguro kasi si Walter ang tatay ni Vicky, di ba?”“Oh, ang tapat niya talaga! Sayang naman, Vicky…”“Heh. Hindi kagaya
Nagpatuloy si Walter, “Nang kinuha ako ng Martial Alliance, si Mr. Lawrence ang kumilos. Pinagbantaan niya ang chief nilang si Lady Silverbell, sinabi niyang lalabanan niya sila roon kapag tumanggi silang protektahan ako!”“At pumayag dito si Lady Silverbell, kahit na mangangahulugan itong mahaharap siya sa galit ng mayor ng Morhen. Habang hawak nga niya ako, marami siyang kwinento sa'kin tungkol kay Mr. Lawrence, at napansin kong tayo pala ang hindi nararapat para sa kanya.”Habang lumingon siya at namomroblemang tumingin kay Frank, pinunasan ni Walter ang luha niya habang nagtanong siya nang may humihikbing boses, “Pasensya na, pero pwede ba kitang asahang magaan si Vicky mula ngayon? Ayos lang bang hilingin ito mula sa'yo?”“Syempre naman ayos lang.” Ngumiti si Frank habang paulit-ulit na tumango. “Oh, salamat…” bumuntong-hininga si Walter. “Anomang mangyari ngayon, Frank… May tahanan ka saan man ako mapunta.”“Sige,” tumango si Frank habang nakaramdam siya ng init sa puso niy
Mag-isang umalis si Frank sa Turnbull Estate sa sumunod na araw. Wala siyang sinabihan kung saan siya pupunta habang mag-isa siyang nagmaneho sa labasan ng Morhen. Maliit lang ang mansyon pero nakatayo ito sa gitna ng maliit na gubat—isang tahimik at malinis na lugar malayo sa maingay na siyudad. Kumalma ang puso ni Frank makita niya lang ito, at umapak siya siya sa front door. Naamoy niya ang bango ng tsaang nagmumula sa drawing room. Isang sinauna at pamilyar na boses ang nagmula sa pinto niya. “Ah, nandito ka.”“Oo,” sagot ni Frank habang pumasok siya para makita ang ama niya, ang Lord of Southern Woods, na nakaupo nang maayos. Mayroon siyang antigong tasa sa tabi ng mga daliri niya at naamoy ni Frank ang bango nito kanina. “Maupo ka.” Isang magandang anino ang lumitaw mula sa kung saan dala ang isa pang tasa ng tsaa at magalang itong nilapag sa kabilang dulo kung saan nakaupo si Godwin Lawrence. Lumingon si Frank para makitang siya ay walang iba kundi si Silverbell,
Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D
Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos
Nakadagdag lang sa karisma ni Clarity ang nunal sa ilalim ng mata niya. Ang totoo, maraming lalaki ang hindi makakatiis sa kanya. “Anong problema, Frank?” Para bang naramdaman ni Helen na may mali sa screen at bahagyang kumunot ang noo niya. “Wala lang.” Umiling si Frank nang nag-aalangang bumitaw kundi ay tiyak na magseselos at magkakamali ng akala si Helen. Ngunit sa kanila ng kaba niya, hindi siya sasayaw sa tono ni Clarity. Naintindihan niyang habang mas maganda ang babae, mas lalo silang mapanganib. Kagaya nito, tiyak na may binabalak siya kapag mukha siyang intresado sa isang tao. At nilinaw ng pagpunta sa kanya ni Clarity nang dalawang beses na hindi ito nagkataon lang, at may binabalak siya. Samantala, binuksan ni Helen ang presentation file sa kabilang linya at pinakilala ang proyekto nang may propesyonal na script. “Ms. Clarity, gumuhit kami ng mga plano at blueprint para sa resort na hinihiling mo. Tignan niyo…”Inabot nang mas mababa sa sampung minuto ang u
Umubo si Helen at nagsabing, “Ipapadala ko sa'yo ang address. Pwede ka nang pumunta roon. Tandaan mo, pipirma ka ng kontrata, pero pagkatapos lang ng video conference. Naiintindihan mo?”“Oo,” tango ni Frank, pagkatapos ay lumingon sa mapayapang mansyon at bumuntong-hininga. Lumabas na bumiyahe siya nang ganito kalayo para ang sa tsaa…Kahit na ganun, hindi siya nagpaligoy-ligoy at nagmaneho papunta sa address na binigay sa kanya ni Helen sakay ng Maybach niya. Nang pumasok siya sa itinakdang café kalahating oras ang nakalipas, nakita niya ang isang pamilya na mukha roon at nagulat siya. “Ikaw yung nasa Waver Street…”Si Clarity nga iyon. Nakasuot siya ng hapit na itim na palda at blouse na may mababang kwelyo at eleganteng umiinom ng kape niya. Ngumiti ang mga pulang labi niya nang nakita niya si Frank, tapos dinilaan niya ang mga daliri niya habang makarisma siyang nagsabi, “Nagulat akong ang aga nating nagkita, pogi.”Hindi napaatras si Frank, kundi nagulat lang siya. Tu
Sumuko na sa wakas si Frank sa pagtataka niya at kumunot ang noo niya. “Tinawag mo ko rito para lang uminom ng tsaa?!”Inisip niyang maigi ang tatay niya sa biyahe papunta rito, ang nagsusumamong mga mata niya at ang pagsasabi niyang nabibilang na ang mga araw niya…“Ano, may problema ba?”Ngumiti si Godwin pagkatapos uminom ng tsaa niya. “Magaling magtimpla ng tsaa si Silverbell. Pwede mo siyang utusang magtimpla nito para sa'yo mula ngayon.”“Bahala ka sa buhay mo!” Suminghal si Frank at tumalikod para umalis. Inisip niyang kahit papaano ay ipapaliwanag ng tatay niya ang sarili niya, ngunit trinato na naman siya nitong parang bata kagaya ng kadalasan niyang ginagawa, at walang sinabi. Nanood si Silverbell habang umalis siya at nag-aalalang tumingin kay Godwin, “Ayos lang ba talaga to?”“Ano namang hindi ayos dito?”Ngumiti si Godwin at uminom ulit ng tsaa. “Wag kang mag-alala—iniwan ko na ang lahat ng dapat kong iwan sa kanya, at kagaya ng sabi nila, masaya ang walang nalal
Mag-isang umalis si Frank sa Turnbull Estate sa sumunod na araw. Wala siyang sinabihan kung saan siya pupunta habang mag-isa siyang nagmaneho sa labasan ng Morhen. Maliit lang ang mansyon pero nakatayo ito sa gitna ng maliit na gubat—isang tahimik at malinis na lugar malayo sa maingay na siyudad. Kumalma ang puso ni Frank makita niya lang ito, at umapak siya siya sa front door. Naamoy niya ang bango ng tsaang nagmumula sa drawing room. Isang sinauna at pamilyar na boses ang nagmula sa pinto niya. “Ah, nandito ka.”“Oo,” sagot ni Frank habang pumasok siya para makita ang ama niya, ang Lord of Southern Woods, na nakaupo nang maayos. Mayroon siyang antigong tasa sa tabi ng mga daliri niya at naamoy ni Frank ang bango nito kanina. “Maupo ka.” Isang magandang anino ang lumitaw mula sa kung saan dala ang isa pang tasa ng tsaa at magalang itong nilapag sa kabilang dulo kung saan nakaupo si Godwin Lawrence. Lumingon si Frank para makitang siya ay walang iba kundi si Silverbell,