Habang naka confine si Hailey sa ospital ay hindi naman siya iniwanan ni Troy. Napaka hands on nito sa kaniya at alagang-alaga siya. Siguro 'yung nagagawa niya na lang ay ang para sa sarili niya, at 'yun ay ang maligo, mag banyo, mag sipilyo at pakainin ang sarili. "Kailan ka natutong mag laba?" Nakatayo ngayon si Hailey sa hamba ng pintuan ng banyo at pinapanood si Troy na naglalaba shirts nito. Paano ba kasi ay hindi ito nagdala ng extra. Akala kasi nito ay makakalabas siya agad. "I am a independent man, shempre natuto ako no'ng bumukod ako and that was in highschool." Anito habang tinitingnan siya mula sa repleksyon ng salamin. "Ngayon ko lang alam." Si Hailey na walang ibang masagot at napapahilig sa pinto. Sinulyapan siya saglit ni Troy bago bumalik sa paglalaba, "You did not ask for it.""Kaya nga."He shrugged and turned on the faucet. "But at least alam mo na ngayon. How about you? Kailan ka natutong maglaba?" Like her, hindi niya rin alam ang tungkol sa bagay na 'yon kay
MABILIS na lumipas ang mga araw, na discharged na si Hailey at kasama niya si Troy na umalis ng hospital. "I'll bring you to my house and that's final." Pinalidad na sambit ni Troy at binuksan ang pintuan ng kotse para kay Hailey. "Troy, sa amin na lang ako uuwi, please?" Pangungulit ni Hailey. Nahihiya kasi siya kay Troy dahil hindi naman nito dapat ginagawa ang mga mabubuting bagay sa kaniya. "I insist, Hailey. No matter how many times you are going to complain, I will not reconsider." Bagsak ang mga balikat ni Hailey na pumasok sa kotse. Isinara ito ni Troy at umikot papunta sa driver's seat. Binalingan niya ng tingin si Hailey bago tuluyan paandarin ang kotse, but it seems like Hailey is being stubborn again dahil hindi na naman nito sinuot ang seatbelt. Kinailangan pa niyang umuklo at e buckle ang seatbelts nito bago sila umalis. "Hailey, are you mad?" Nakatingin si Hailey sa labas, pinapanood ang mga nadadaanan nila. Tahimik lang at inabala ang sarili sa pagitan no'n. Nang
Ngunit, huminto ang kaniyang paningin sa kinaroroonan ni Troy. Nasa sofa ito at pinagkasya ang malaking katawan sa hindi kalakihang couch. She suddenly felt that soft hand caressed her heart. Talagang nagbibigay space ito para lamang sa kaniya, para sa kaniya na magiging komportable sa pag tulog at walang inaalala na pagkailang o ano pa man. He's very thoughtful and kind in his own ways. Bumaba si Hailey sa kama at dinampot ang kumot na gamit niya. Wala ba naman kasi itong kumot at tanging mga braso lang ang pinantabil sa dibdib. "Bakit dito siya natulog? Hindi ba siya nakaramdam ng lamig?" Aniya sa sarili at maingat na kinumutan si Troy. Inayos niya rin ang mga binti nito, at bago siya umalis, napapatitig siya sa mukha nito. Kahit hindi pa niya itanong, alam niya na rin kung bakit. Mas lalo lang siyang napapahanga sa guwapong taglay na meron ito. Ni hindi niya mapigilang abutin ang tungki ng matangos nitong ilong at hawakan. Pati na rin ang kaakit-akit nitong jawline. Everything
AFTER nilang kumain ay SI Troy na ang naghugas ng pinggan, samantalang si Hailey ay naligo at naghanda sa pag-alis. Troy was fast to catch up as well, kaya alas otso pa lang ay nakaalis na sila. Ang unang destinasyon nila ay ang Mirador Hill and Eco Park. Ito yung spot kung saan may Japanese themed environment. The goal of this spot is to make you feel na nasa Japan ka, kahit na nasa Pinas ka. And it is located in a Hill, meaning hiking spot din ito, kung saan pwede mong madalaw ang limang spots na nauukol sa isang bundok. The Rock Gardens, the Pandemic Healing Memorial, the La Storta Garden, Ifugao Houses, and the Circular Seismic Chamber. "Hindi mo naman sinabi na mag hiking pala tayo." Nakanguso na wika ni Hailey. Naka tsinelas lang naman kasi siya. "Nawala sa isip ko, but I can give you my shoes. Let's switch soles." Huminto sila sa Rock Gardens at naupo saglit sa isang pwesto na hindi masyadong mainit. "Huwag na, malaki masyado ang paa mo, tapos maliit naman size ng paa ko."
BAGO sila umuwi sa condo na tinirhan nila dito sa Baguio ay dumaan sila sa night market. Inaliw nila ang kanilang mga sarili sa pamamasyal at pagbili ng mga mumurahing pagkain sa iilang mga vendor. "Uy, may isaw oh!" pagkakita ni Hailey ng isaw sa isang vendor ay hinatak niya si Troy patungo roon. Nagulat pa si Troy pero nagpadarang na lang. "Magkano po Kuya?" "Ten pesos lang para sa'yo, binibini." wika naman ng tindero. "Sige po, bibili ako ng bente na piraso." paborito talaga ni Hailey ang isaw, at ewan ba niya, bakit ang dami niyang binili kung pwede rin naman siyang bumili ng ibang klase ng BBQ. "Sige, kuha ka lang diyan Binibini." Kumuha si Hailey ng isang piraso at isinawsaw iyon sa sawsawan pagkatapos ay nilantakan. Sarap na sarap si Hailey sa kinakain, to the point na napapakanta pa siya. Natawa na lang si Troy at kumuha na rin ng isa pang piraso. Sinawsaw niya iyon sa sawsawan at iniumang kay Hailey. Kinain naman ni Hailey ang isaw na hawak ni Troy."Ang sarap pala kapa
Sa kabilang banda naman ay kakababa lang ng sinasakyang van si Miranda at Heather. Abala ang kasama nilang boy sa pagkuha ng dala nilang bagahe. "Hi, son! Kamusta ang bakasyon niyo ni Hailey?" malakas ang hangin sa port kaya kinailangan lakasan ni Miranda ang boses. Abala naman si Troy sa kabilang linya sa pag load ng mga gamit nila sa car trunk. Si Hailey ay nauna ng pumasok sa kotse at do'n na lang naghintay. "We're good. Why are you calling by the way?" Humagikhik si Miranda at napapasulyap kay Heather, "Nasa Quezon kami, son. Dumaan na kayo dito at sasakay tayo ng cruise papuntang Japan."Nangunot ang noo ni Troy, "We're on our way home na, mom. Hailey is tired already.""Alam ko, anak. Pero malapit lang naman ang Quezon. Ilang oras na drive lang 'yan. Tiyaka, sayang naman 'tong invitation ng Kuya Tres mo." Chikkang-chikka ang ina ni Troy na para bang may pasabog na ibabalita. Isinarado na ni Troy ang car trunk at umikot papunta sa driver's seat, sinilip pa niya si Hailey sa lo
"Mom, nandito na kami sa barko. Where are you? Pupuntahan na namin kayo." Because the boat is huge, Troy decided to call his mom . Mahirap maghanap kapag walang exact part. While Troy is occupied, inaliw-aliw na muna ni Hailey ang pagtingin-tingin sa paligid. Kung hindi niya lang alam na isa itong barko, baka mapagkamalaman niya itong hotel. Mula sa theme na kulay ginto, light brown at chocolate brown na sahig na kumikintab pa sa sobrang linis, isama pa ang mala Cinderella na double long staircase at malaking chandelier sa gitna mismo ng sinasabing dance floor. For sure, hindi lang ang floor na ito ang may ganito. May mas maganda pa bukod rito. Naalala niya tuloy ang telenobela na Titanic. Ganitong-ganito ang ayos nito, lahat ng nasa paligid ay nagsusumigaw ng elegance. First floor pa lang sila, ngunit sinalubong na sila ng ganito ka gandang tanggapan. Hindi lang 'yun, napansin niya rin ang mga kasuotan ng mga tao na nagsusumigaw sa karangyaan. Mula sa alahas, damit at pakikipaghal
"Wala namang problema sa panlasa mo, hija. You may be feeling uncomfortable with it just like now, but natural lang talaga 'yan kapag nagdadalang tao." nakangiting wika ng doctor na kanilang in-approach. Dahil sa pag-aalala ni Hailey, dinala na ni Troy ang nobya sa doctor para mawala na ang pagkakabahala nito. "Hindi man ako isang OB expertise, but with your case, I'm certain na kasama sa pagbubuntis ang pagbabago ng lasa." Nakakunot ang noo ni Hailey habang nakikinig, "Talaga po?" "Yes, at dahil 'yun sa nagsisimula ka ng mag lihi. Sooner or later, mag crave ka ng mga pagkain na hindi mo usual na kainin. Mostly, ang mga maasim na pagkain ay nagiging matamis para sa mga kagaya mo." salit-salitan silang tiningnan ng doktor, at maging si Troy ay nahiwaga sa kaniyang nalaman. "Ang weird naman po no'n..." wala sa sariling sambit niya. "Gano'n talaga 'yun." binalingan ng tingin ng doktor si Troy, "The only advise na maiibibigay ko sayo, Mister. Kung may gusto mang kainin itong si Misis