BAGO sila umuwi sa condo na tinirhan nila dito sa Baguio ay dumaan sila sa night market. Inaliw nila ang kanilang mga sarili sa pamamasyal at pagbili ng mga mumurahing pagkain sa iilang mga vendor. "Uy, may isaw oh!" pagkakita ni Hailey ng isaw sa isang vendor ay hinatak niya si Troy patungo roon. Nagulat pa si Troy pero nagpadarang na lang. "Magkano po Kuya?" "Ten pesos lang para sa'yo, binibini." wika naman ng tindero. "Sige po, bibili ako ng bente na piraso." paborito talaga ni Hailey ang isaw, at ewan ba niya, bakit ang dami niyang binili kung pwede rin naman siyang bumili ng ibang klase ng BBQ. "Sige, kuha ka lang diyan Binibini." Kumuha si Hailey ng isang piraso at isinawsaw iyon sa sawsawan pagkatapos ay nilantakan. Sarap na sarap si Hailey sa kinakain, to the point na napapakanta pa siya. Natawa na lang si Troy at kumuha na rin ng isa pang piraso. Sinawsaw niya iyon sa sawsawan at iniumang kay Hailey. Kinain naman ni Hailey ang isaw na hawak ni Troy."Ang sarap pala kapa
Sa kabilang banda naman ay kakababa lang ng sinasakyang van si Miranda at Heather. Abala ang kasama nilang boy sa pagkuha ng dala nilang bagahe. "Hi, son! Kamusta ang bakasyon niyo ni Hailey?" malakas ang hangin sa port kaya kinailangan lakasan ni Miranda ang boses. Abala naman si Troy sa kabilang linya sa pag load ng mga gamit nila sa car trunk. Si Hailey ay nauna ng pumasok sa kotse at do'n na lang naghintay. "We're good. Why are you calling by the way?" Humagikhik si Miranda at napapasulyap kay Heather, "Nasa Quezon kami, son. Dumaan na kayo dito at sasakay tayo ng cruise papuntang Japan."Nangunot ang noo ni Troy, "We're on our way home na, mom. Hailey is tired already.""Alam ko, anak. Pero malapit lang naman ang Quezon. Ilang oras na drive lang 'yan. Tiyaka, sayang naman 'tong invitation ng Kuya Tres mo." Chikkang-chikka ang ina ni Troy na para bang may pasabog na ibabalita. Isinarado na ni Troy ang car trunk at umikot papunta sa driver's seat, sinilip pa niya si Hailey sa lo
"Mom, nandito na kami sa barko. Where are you? Pupuntahan na namin kayo." Because the boat is huge, Troy decided to call his mom . Mahirap maghanap kapag walang exact part. While Troy is occupied, inaliw-aliw na muna ni Hailey ang pagtingin-tingin sa paligid. Kung hindi niya lang alam na isa itong barko, baka mapagkamalaman niya itong hotel. Mula sa theme na kulay ginto, light brown at chocolate brown na sahig na kumikintab pa sa sobrang linis, isama pa ang mala Cinderella na double long staircase at malaking chandelier sa gitna mismo ng sinasabing dance floor. For sure, hindi lang ang floor na ito ang may ganito. May mas maganda pa bukod rito. Naalala niya tuloy ang telenobela na Titanic. Ganitong-ganito ang ayos nito, lahat ng nasa paligid ay nagsusumigaw ng elegance. First floor pa lang sila, ngunit sinalubong na sila ng ganito ka gandang tanggapan. Hindi lang 'yun, napansin niya rin ang mga kasuotan ng mga tao na nagsusumigaw sa karangyaan. Mula sa alahas, damit at pakikipaghal
"Wala namang problema sa panlasa mo, hija. You may be feeling uncomfortable with it just like now, but natural lang talaga 'yan kapag nagdadalang tao." nakangiting wika ng doctor na kanilang in-approach. Dahil sa pag-aalala ni Hailey, dinala na ni Troy ang nobya sa doctor para mawala na ang pagkakabahala nito. "Hindi man ako isang OB expertise, but with your case, I'm certain na kasama sa pagbubuntis ang pagbabago ng lasa." Nakakunot ang noo ni Hailey habang nakikinig, "Talaga po?" "Yes, at dahil 'yun sa nagsisimula ka ng mag lihi. Sooner or later, mag crave ka ng mga pagkain na hindi mo usual na kainin. Mostly, ang mga maasim na pagkain ay nagiging matamis para sa mga kagaya mo." salit-salitan silang tiningnan ng doktor, at maging si Troy ay nahiwaga sa kaniyang nalaman. "Ang weird naman po no'n..." wala sa sariling sambit niya. "Gano'n talaga 'yun." binalingan ng tingin ng doktor si Troy, "The only advise na maiibibigay ko sayo, Mister. Kung may gusto mang kainin itong si Misis
"Maigi ko na 'tong pinag-isipan. Gusto kitang pakasalan. Pero bago 'yun, gusto muna kitang tanungin kung pwede ka bang maging bride ko?" Tila tumigil na ng tuluyan ang pagtakbo ng oras sa paligid ni Hailey. Wala siyang ibang nakikita, maliban na lang sa seryosong mukha ni Troy na ngayon ay hinihintay siyang sagutin ang proposal nito. Para siyang nanaginip. Hindi niya naman hiniling na mapunta ang lahat sa ganito. Kampante na sana siya sa paunang kasunduan nila ni Troy at hindi na nag assume na lalawak pa ang samahan nila. Kung baga, sobra-sobrang biyaya ito sa kaniya. Troy is the typical guy naq pinangarap niya, na handang tumanggap sa kaniya ng buong-buo. Kahit na ang anak niya ay handa nitong tanggapin. Masaya din naman siyang kasama ito. Nag-aaalala din siya para dito. Kung makita niyang bothered ito o kaya tahimik, tila baliw din ang isipan niya kakahula ng maaari nitong pino-problema. Tingin niya, nasasanay na din siya sa presensya nito at hindi rin gusto na mawala si Troy m
Tumunog bigla ang cellphone ni Troy, kaya bigla ring naitulak ni Hailey ang nobyo. Mukha namang ayaw pang itigil ni Troy ang paghalik sa kaniya, kaya kusa siyang dumistansya at nahihiyang nag iwas ng tingin. "Is there something wrong?" nag-aalala na tanong ni Troy sa kaniya. "S-Sagutin mo na muna ang tawag." nauutal niyang sambit nang hindi mapansin ni Troy ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Mukhang pareho silang nalulong sa halikan nila. "Oh?" tanging bulalas nito at kinapa ang cellphone mula sa inside pocket ng kaniyang jacket. "It's mom." paalam nito sa kaniya bago tuluyang sinagot ang tawag. Habang ang atensyon ni Troy ay nasa cellphone, muling binalikan ni Hailey ang pakiramdam na masyadong pamilyar sa kaniya. Naaalala niya 'yung gabi na binenta siya nila Vanessa sa isang grupo ng lalake, bago siya nawalan ng malay. Galit ang nangingibabaw sa kaniya. Galit na naging takot, dahil sa gabing alaala na walang awa at kalaban-laban siyang ginahasa. Ito 'yung parte ng kaniyang buh
"Tita, ano po ang meron?" naguguluhan na tanong ni Hailey nang dalhin siya ni Miranda sa isang exclusive fitting area and make up space. Miranda smiled sweetly to Hailey, "We'll be attending a midnight ball tonight here in the cruise ship, hija." sshe said as she invited Hailey to sit on the single Queen type sofa. "P-Po?" gulantang naman si Hailey nang malaman ang purpose kung bakit sila nandito ng ina ni Troy. Miranda caressed her hair lightly. "Don't worry, hija. You'll be fine, okay?" even though Troy's mom was consoling her to calm down, ay hindi pa rin niya magawang kumalma. "H-Hindi po ako marunong maki socialize sa ibang tao, Tita..." Nasabi niya lang 'yun dahil hindi naman talaga siya marunong makihalubilo sa mga tao, isa pa, hindi rin siya marunong sumayaw. "Hindi mo naman kailangan maki-socialize sa ibang tao, hija. You will be fine with Troy alone. Walang batas na kailangan mong makihalubilo sa iba. Kaya, malaya kang maging ikaw. Don't mind them and just be who you ar
Eksaktong pagtungtong ng hating gabi ay nakalabas sila sa elevator. Pero ang nakakapagtaka, wala man lang silang narinig na ingay ng kasiyahan o kaya musika na bumubuhay sa sinasabing event na dadaluhan nila. "Hindi kaya... nagkamali tayo ng floor na pinuntahan?" Nagtatakang tanong ni Hailey kay Troy habang naka-angkla ang kaniyang kamay sa braso nito. "I don't think so. Ito 'yung floor na sinasabi ni mommy." nakakunot noo namang salita ni Troy at napatigil saglit sa paglalakad para aninagin ang madilim na floor. Actually, malapit na sila sa baba-baang hagdan na usually ginagamit ng mga guests na gustong sumali sa ball. "Mukha namang walang tao, Troy." komento ni Hailey habang abala din sa pagtingin-tingin sa paligid. "Let's investigate furtherly, kung ma kompirma natin na walang tao... we'll leave the place." suhestyon naman ni Troy na sinang-ayunan na lang din ni Hailey. Habang naglalakad sila ay inabala nila ang mga sarili sa pag-uusap sa isa't-isa. "Hindi kaya niloloko lang t