Araw ng huwebes, papasok si Hailey sa school nang may makita siyang pinagkukumpol-kumpolan ng mga estudyante sa grounds. Ano kaya ang meron? Nagtataka niyang tanong sa likuran ng kaniyang isip. Imbes na makiusyuso ay nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa department niya. Ang kaganapan na nangyayari ay isang 'pickup the thing in the mud race' kung saan public na gumagapang ang apat na babae na si Bianca, Dyanica, Jamaica at Fiona habang may kagat-kagat na bagay sa kanilang mga ngipin. Para itong mga baboy na naliligo sa malapot na putik, at habang pinagpipyestahan rin ng lahat ang nasabing patimpalak.Sa kabilang banda, tahimik lang na sinisilip ng isang lalake ang nangyayaring ganap, at nang makita nito si Hailey na dumaan at hindi man lang sumilip ay agad niyang nilisan ang kaniyang puwesto para tahimik na sundan ito. —Naabutan ng lalake si Mia na tahimik na kinukuha ang baonan nito. Mukhang wala pa itong kain at napakaputla pa. 'What happened to her? Bakit siya namumutla?' tanong
Napalingon si Hailey at napaangat ng tingin dito. At gano'n na lang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makita niya ang lalake na nakasagupa niya no'n sa elevator. "Okay po, sir." At tinanggap na ng tindera ang bayad. Nataranta naman si Hailey at, "Teka lang, ate. Ako na po–""Tinanggap na niya ang pera ko, just let it be the payment." Wika ni Troy kay Hailey. Hindi makapaniwala si Hailey sa naging turan nito. "Kahit na, hindi mo dapat–"Napabuntong hininga si Troy at binalingan ng pansin ang bata, "Kid, you can take the change of the money, okay? Gamitin mo 'yun pambili ng pangkain niyo ng pamilya mo." Naputol sa pagsasalita si Hailey nang dineadma siya ni Troy at nakipagusap sa bata. "Wow! Salamat, kuya pogi!" Lubos naman na natuwa ang bata kaya hindi na umangal si Hailey at itinikom nalang ang kaniyang bibig. Matapos nila sa tianggean ay sinamahan pa nila ang bata na mamili ng mga pagkain na dadalhin sa pamilya nito. Tahimik lang si Troy habang inooserbahan ang dalawang ka
Natutop ni Hailey ang kaniyang bibig, lalo na no'ng maghiyawan ang mga tao dahil kilig na kilig ang mga ito. Anong nangyayari? Bakit siya nag po-proposed sa'kin? Nahihiya na pinapatayo niya si Troy, pero nagmatigas ito at nanatili sa gano'ng ayus. "Oi, ano 'tong ginagawa mo?" Pabulong niyang tanong kay Troy dahil mas nakakaramdam pa siya lalo ng hiya. Hindi kasi siya sanay na tinitingnan ng lahat. "Tumayo ka na, please..." "Hindi ako tatayo dito kung hindi mo tinatanggap ang proposal ko. I told you earlier, hindi ako tumatanggap ng rejection." Tila binagsakan ng langit at lupa si Hailey dahil sa kabaliwan ni Troy, nangangati na nga ang kaniyang mga paa na umalis doon. "Hindi ito tama, Sir. Ang ibig kung sabihin kanina ay kaya kong gawin lahat, pero maliban sa ganito. Pwedeng iba na lang? Hindi ito laro-laro lang, alam mo ba 'yun?" Nag-iba ang aura ni Troy, "So, are you rejecting my proposal?" Biglang nakaramdam ng kaba si Hailey, napakagat labi siya. "H-Hindi naman sa gano'n–"
She was out of words at ni hindi niya alam kung ano ang kaniyang masasabi. Masyado siyang na-sorpresa at hindi niya inaasahan 'yun. Kung papaano nakilala ni Troy ang mama niya, 'yun ay ang hindi niya alam. "Anak, ikaw ba 'yan?" Tanong ng kaniyang mama na sobrang namamangha sa kaniyang ganda. Kakarating lang nila ni Troy no'n sa meeting place nila ng mother nito, and the twist is, hindi niya alam na pati pala mama niya ay kikitain niya. "Opo, ma. Napakaganda ko ba, ma?" Ngumingiting tanong ni Hailey sabay bigay ng masuyong yakap sa ina. Hinagod ng ina niya ang kaniyang likod. "Sobra, anak. Halos hindi na nga kita makilala kanina." Simpleng napasulyap ang ina ni Hailey kay Troy na nasa likod lang ni Hailey. "Kung hindi lang dahil dito kay Troy ay hindi kita makilala eh. Or worst baka mapagkamalan pa kitang dayuhan." Natawa si Hailey sa biro ng kaniyang ina. "Grabe ka naman, ma. Magkasing ganda nga lang tayo eh." "Hindi ako nagbibiro, nak." Tanggi ng kaniyang ina. "Nga pala anak,"
"Yes, ma'am. I'm Hailey. Pasensya na po kayo kung naabala ko kayo at ako'y nagkamali ng pinasukan. Excuse me." Natataranta na si Hailey dahil baka iba ang pupuntahan ng usapan. Kailangan na niyang makaalis."Sandali, Miss Hailey." Tumayo si April at nilagay ang baso sa center table. "Hindi ka nagkamali ng pinasukan." Napamaang si Hailey. "Po?" April smiled meaningfully to Hailey as she strode towards her. "Actually, kaya ako nandito ay ikaw talaga ang sadya ko." At with that kind of smile, Hailey felt uncomfortable. Napapatingin siya kay Iori and just like April, ngumiti lang si Iori sa kaniya. "Iori is my brother, I told him to fetch you so that we can talk." Humakbang ng isang beses paatras si Hailey, habang siya'y nagugulohan na napapatitig kay April. "Usap? Para saan? At hindi ba't napaka-unreasonable naman kung nagpunta ang isang sikat na modelo na kagaya mo, para lang sa'kin. Hindi ba?" She was not trying to be sarcastic, she was just stating the truth because it is hard to
Kakalabas lang ni Hailey sa gate nang biglang biglaang umilaw ang isang sasakyan na hindi niya napansin na naroon pala. Siya'y nasilawan at napatakip sa kaniyang mga mata. "Uwian pa ba 'to ng isang desenteng babae?" Tanong ni Troy matapos bumaba sa sasakyan at naglakad palapit kay Hailey. Mariin siyang napalunok nang masilayan niya si Troy, kapagkuwan ay lumihis ng daan. "May tinapos lang ako, at hindi ko napansin ang oras. Pero natapos ko naman ang kinailangan kong tapusin at uuwi na rin." Sinsero niyang pagpaliwanag. Dahil hindi iya ugali ang magsungit, natural na sa kaniya ang magpaliwanag. Lalo na kay Troy. "Saan ka pupunta?" Pano ba kasi ay naglakad na siya paalis. "Uuwi na." Tipid niyang sagot. She never thought that Troy would follow her at hawakan siya sa kamay upang isakay sa kotse nito. "I'll take you home." "Hindi na kaila–""From this time on, ihahatid-sundo na kita and I will not take no for an answer." Pinal nitong usal at isinara na ang pintuan ng front seat. Nata
"Let's meet up." Myerkules ng gabi, nag text si Troy kay Hailey. Kakauwi pa lang ni Hailey at hindi pa nakapagbihis nang mabasa niya message ni Troy. "Kailan?" After replying ay tumakbo siya sa banyo at nag half bath. "Now." Reply ni Troy habang naghihintay sa kaniyang kotse. Pero lumipas na lang ang sampung minuto ay wala siyang natanggap na reply galing kay Hailey. "Hey?" Tinext niya ito ulit at tatlong minuto ang nagdaan ay wala pa ring reply. Nagsimula na siyang mainip. This time, he decided to call her. Kaya lang... *The number you have dialed is currently unavailable, please try again later* Hailey's not picking up. How dare she ignoring him?!He unbuckled his seatbelts and went out of his car. Total nasa kanto lang naman siya naghintay kay Hailey malapit sa bahay nito ay napagdesisyonan niyang puntahan ito sa bahay. There's no way na umalis ng bahay si Hailey because he's there, makikita niya kung aalis man ito. "You'll be dead once I caught you purposely ignoring me, wom
Simpleng alugbati na may sardinas ang niluto ni Hailey, natutuwa siyang inihain iyon sa mesa."What's that?" Pero ang nag-iisang audience niya ay panira ng moment. Kung Maka ano yan, ay parang tae ang kaharap eh. "Pagkain?" She guessed."Tch, what I mean is what cuisine did you serve?" At ito na naman nagsusungit ulit. "Ahh, alugbati na may sardinas yan. Tikman mo, di'ba masarap yan." Nagkasalubong ang mga makakapal nitong kilay habang puno ng pagsususpitsya na tiningnan siya. "Kung iniisip mo na may lason 'yan, wala akong pakealam nilagay, you may rest assured." Pero mukhang hindi pa rin ito natinag kaya napagdesisyonan niyang bawiin nalang ang inihain niya. Pero nahuli ni Troy ang kaniyang palapulsuhan bago pa man niya mahawakan ang bowl. "What are you doing?" Napakurap-kurap siya, "Ayaw mo nito, di'ba?" Yun kasi ang tingin niya rito base sa expressions nito. "Sinabi ko ba na ayaw ko?" Pamimilosopo nito sa kaniya na ikinalunok niya ng mariin."Eh kasi–" Hindi pa siya natuloy s