Louelle's POV Hindi na ako umattend ng klase ko buong maghapon. It was a boredom anyway. Kaya sumama na lang ako kay Dale. Yung mga unggoy na binugbog ko naman ay iniwan lang namin doon. May point nga naman si Dale na mas better kung hahayaan na lang silang matakot para di na umulit. Tsk. Takot lang nila. Isinama niya ako sa opisina niya para doon na lang daw magpalipas ng oras. May mga libro naman ito dito kaya hindi ako maiinip. "Lou, what do you think of this proposal?" Tanong sa akin ni Dale na inilapit sa akin ang isang limang pahinang bond paper. It was a shipping line proposal by the Gallego Corp. Balak ng mga itong mag-expand sa shipping lines and wanted the Soriano's to be one of the investors in these projects. "I am quite undecided with this one," Dale said. "Because I heard your Father and cousin one time that they will want to open a shipping line here in the Philippines. I know your cousin she has a great foothold when it comes to businesses, it won't be hard for her
Nana Celia's POV Mag-aalas sais na nang mapansin kong wala pa pala si Ms. Louelle. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng batang iyon pero sana naman ay di siya mapahamak. Baka kapag nalaman ng ama nito na nasa poder ko siya'y kung ano ang mangyari. Isang malaking pagkakasala ang pag-alis ng walang pahintulot lalo pa at anak siya ng leader. Leader ng isang mafia. Oo, anak si Ms. Louelle ng isang mafia boss. At takot ako sa batang yun kahit na sabihin nya na wala akong dapat ikatakot. Kilala ko ito, ako na halos ang nagpalaki dito ng ilang taon bago napagdesisyunan na umuwi ng Pilipinas. Hindi maitatago na prinsesa ito ng Mafia na kinabibilangan. Sana lamang ay maging maayos ito. Inaayos ko ang ilang gamit na meron siya at napansin na kokonti lang ang damit na pambahay at pang-alis nito. Halatang naglayas talaga. Napabuntong-hininga ako. Nang inaayos ko na ang higaan niya'y humahangos namang pumasok si Susan sa loob. "Nana Celia, pinatatawag po kayo ni Sir Anghel sa salas," kinakabaha
Louelle's POV Nang makauwi na kami ni Dale sa mansion ng mga Soriano ay inihatid lang niya ako sa quarter's bago pumunta sa Mansion. Napansin ko naman na maayos ang mga gamit ko. Inayos siguro ni Nana Celia. Nagpahinga muna ako ng konti at iniisip ang nangyari kanina. They bullshitted me bigtime and I won't allow them to do it again. Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ko at nang lumingon ako'y nakita ko si Nana Celia na pawisan at namumutla. "Nana, ano pong problema niyo?" Nag-aalalang tanong ko. Para kasi itong nakakita ng multo. Nagmamadali itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ms. Louelle, totoo bang nagkita na kayo ni Sir Dale?" Kabadong tanong nito. Tiningnan ko si Nana Celia. She's nervous and shaking. Bumuntong-hininga ako. "Hindi niyo kailangang isipin ang pagkikita namin, Nana," wika ko na hinawakan ang kamay niya. "P..pero paano kapag----." "Nana, kilala ko si Dale. Hindi niya ako ilalaglag," I said pacifying her. Talagang kabado ito dahil alam d
Third Person's POV Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Louelle. Maganda ang gising niya kaya naman naisipan na niyang bumangon. Naghilamos siya at nagtoothbrush bago nagbihis ng damit na pantrabaho. Bago siya lumabas ng kwarto ay tumingin muna siya sa salamin, nilagyan ng ponytail ang buhok at ngumisi. "It's showtime!" She said bago lumabas ng kwarto matapos kunin ang kailangan. Dumaan muna siya sa kusina para i-check si Nana Celia. Wala naman ito doon kaya dumerecho na siya sa mansion. Nangako kasi siya kay Nana na tutulong na sa pag-aasikaso kaya ginawa na niya. Nang makapasok siya ay si Ate Susan lang nakita niya. Seryoso itong nagpupunas ng mga vase at picture frames sa gilid ng receiving area. "Ate Susan, si Nana Celia po?" Tanong niya kay Ate Susan na mukhang nagulat sa kanya. "Mahabaging langit, ginulat mo naman ako, hija!" Sabi nito sa medyo mataas na boses. May punto kasi ang pagsasalita. "Naku, ay maagang umalis iyon at malayo ang pupuntahan. May inutos sa kan
Anghel's POV Les. My Angel. Iyon siya sa mundo ko. Siya ang babaeng nagligtas sa amin ng mga panahong nagmamayabang ako sa kakayahan ko. Muntik ko na siyang makalimutan kung hindi lang dahil sa nerd na iyon. But never! Kailangan kong malaman at kumpirmahin kung si Les nga ba talaga ang Angela Patricio na iyon. I have to know! Nagmamadali akong magshower para matanggal nandin ang glye sa buhok ko at nagbihis ng uniform namin. Bumababa na ako at napansin na wala na sina Elrick sa living room. Kaya dumerecho na ak sa garahe. I chose my newest collection. The red Lambhorgini. I drive it outside saktong nakasunod sina Elliot sa akin. Nilagay ko na sa tenga ko ang earpiece ko para tawagan sila. "Details," tanong ko habang nagdadrive. "Angela Patricio, 17 years old. Anak nina Enrico at Alyana Patricio. Isang business mogul galing Japan pero mga pure Filipino. Hindi literal na lumaki doon pero tatlong taon na silang naninirahan sa Japan. I also heard na si Enrico Patricio ay myembrong is
Elliot's POV Haysst. Di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano aayusin ang pagmumukha nitong lider namin. Hindi naman sa kailangang ayusin pa pero kanina pa madilim awra nito. At ngayong lunch na pinagset sila sa canteen ng table ni Elrick para makapag-usap. Hindi ko alam kung bakit pero bakit sa canteen? I mean may tambayan kami pwede namang doon sila private na mag-usap. Nakaupo na si Anghel doon habang hinihintay si Angela Patricio. Sana nga ito na si Les na matagal ng hinahanap ni Anghel. Anghel is maybe in love with her for all those years na hinahanap niya. We owe her a lot alright. Kung hindi dahil sa kanya baka patay na kami ngayon pero di sapat yun para mainlove kami sa kanya. Di tulad ni Anghel. Nakaabang lang naman kami mga fpur tables away from them. In case na may hindi magustuhan si Anghel. Maya-maya lang ay dumating na si Angela Patricio may kasamang dalawang alipores na akala mo'y mga Clown sa sobrang kapal ng make-up. Balak sana ng dalawa na makiupo s
Louelle's POV Pakiramdam ko lumilipad ako. Parang umiikot ang mundo ko nang magmulat ako mg aking mga mata. I felt quite disoriented by this feeling. Medyo malabo pa ang paningin ko, tanging napansin ko lang ay ang liwanag at puti. D*mn! Langit na ba ito? In the middle of my disoriented facade, I heard a familiar voice. "Almost 3hours na ah. Bakit hindi pa siya gumigising," I heard the voice of Dale. Or am I just dreaming. "Sir, huwag po kayong magpanic," narinig kong turan ng isang di pamilyar na boses ng babae. "Maswerte po na pumutok ang blood clot sa ulo ni Ms. Magbanua dahil kung hindi po ay baka magkaroon siya ng internal bleeding," paliwanag ng sa tingin ko ay doktor kay Dale. "How about her scans?" Tanong ni Dale, medyo focus na ako kaya kita kong magkatabi ang dalawa at nakafocus sa kung ano. "Her scans are okay, wala namang bleeding sa utak niya. All we have to do is wait, Mr. Soriano," mahinahong wika ng doktor. "But---," Dale wanted to say but I cutted it off by
Gabe's POV Madilim ang awra ni Anghel habang naglalakad kami sa lobby ng ospital. We learned that Ms. Nerd is here. Hindi ko alam kung bakit nga kami nagpunta dito samantalang magkaaway naman ang dalawa. Magkakasunod kaming lima na naglalakad. Mukha namang alam ni Anghel kung saan pupunta. Tapos na naman ang mga klase namin kaya pwede na kami magpunta kahit na saan. Sumakay kami sa elevator para makarating sa 3rd floor kung saan pinindot ni Anghel. Siguro nandun yung kwarto ni Louelle a.k.a. Ms. Nerd. "Anghel, why are we here?" Hindi na napigilang tanong ni Simon na tumabi na sa akin. Lalong dumilim ang hitsura niya. "I just want no complications. Baka isisi pa niya sa akin ang pagiging stupid niya," sabi nito bago tumigil sa isang kwarto. Tahimik lang doon parang walang tao. Kumatok si Elliot pero walang sumagot. Unti-unti ni Anghel buksan ang pinto. Hindi namin tuloy alam kung tulog ba o gising ang tao dito. Pero direcho lang ang pasok ni Anghel na para bang kwarto niya iyon.
Third Person's POV ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Les, tanging pagod ang naramdaman niya matapos ang mga pangyayari. Sinapo niya ang sintindo at marahan na hinilot ito. Her mind just can't cope with what she has done. She just wanted to end everything. Kesedohang tapusin niya ang sariling buhay para matapos na ang nararamdaman niyang pagod. But No! She just can't. Alam niyang may mas mahalaga pa siyang kailangan na gawin at pagtuunan ng pansin. She just sighed once again. Napansin naman ng bagong pasok na butler nila ang pagbuntong-hininga niya. Umiling-iling ito at dumerecho ng pasok habang dala ang tea na ginawa at dahan-dahan na inilapag ito sa harapan ng tila namomroblemang mistress. 'Ojōsama, nani ga mondai no yōdesu ka?' narinig ni Les na tanong ng butler na nasa harapan na pala niya. Hindi na niya ito namalayan dahil sa mga iniisip. "Nani mo shinpai suru hitsuyō wa arimasenga," wika ni Les na muling bumuntong hininga ulit bago siya kumuha ng tea na gi
Louelle's POV What's wrong with him? Tsk. Gusto ko lang naman na maging friends na talaga kami. I don't want to have anymore conflict with him. Umiling-iling na lang ako sa kaweirduhan nito at tiningnan ang oras sa phone ko. Napangisi naman ako dahil may oras pa ako para pumunta sa condo. Isesend ko na din kay Dale ang mga files na kailangan niya. And also to know how my half-sister is. I just can't believe that she's suffering her life now. Sana lang ay maging okay ito. I am happy that Cousin Cristine found my half-sister. I just hope na Papa will do everything to protect her and get her out of her misery. Unlike me who don't need it. Napahinga na lang ako ng malalim bago naglakad palabas ng Soriano Mansion, kailangan kong pumunta sa condo ngayon para malaman ang gagawin namin sa party. At kung sino ang makakasama ko doon. Kailangan mas prepared kami dahil hindi ako sigurado kung ano ang nasa loob ng misteryoso na club na yun. Bukod pa dun gusto kong malaman kung sino ang misteryos
Louelle's POV For the mean time, I forgot about my frustration when I've learned about my half sister. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kapatid at kay Papa pa talaga. He's known from being strict and disciplined. Who would have thought that he also has that side of him. Hindi ko na din alam kung paano ako nakauwi basta binilinan kami ni Cristine na huwag munang guluhin ang mga plano nina Dale. Darating din naman daw kami sa araw na magkakakila-kilala kami. Pumasok na ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Nana Celia na hindi mapakali na nagpapaikot-ikot sa sa paglalakad. "Nana," tawag ko dito nang hindi ko na makayanan ang pag-ikot nito. Lumapit ako dito para hawakan ito. Nagulat naman ito sa pagtawag at paghawak ko dito. Muntik pa akong tamaan ng sampal niya kundi lang mabilis ang reflexes ko. Nagulat din ako sa bilis ng reflexes nito. Pero alam ko kung bakit, hindi ito nagtagal sa family namin kung wala itong natutunan doon. "Lady Les!" Gulat na turan nito na humawak p
Elliot's POV Agad naming dinala si Anghel sa ospital nang makaalis na Sina Matsuo at Louelle. Wala na din akong naging oras para isiping Kung ano ang relasyon ng dalawang iyon. Mas mahalaga na naasikaso agad si Anghel dahil ito na ang pangalawang beses na nawalan Ito ng Malay. Para pala talagang amazona magalit ang Need na iyon. The last we didn't see how he was punched but now. Tsk. Baliw itong so Anghel lagi na lang ginagalit si Nerd. Hindi ko ba naman maintindihan dito sa bestfriend kong ito dahil lagi nitong inaasar si Louelle. Hindi ko na nga agad naisip kung anong relasyon nito kay Matsuo Takego, isa sa mga head leader ng Andrade Mafia Organization. It is quite weird na nandito ito sa Pilipinas and to see Louelle? Sino ba talaga ito para pahalagahan ng ganun nito. Anong relasyon nila sa isa't isa at parang close na close pa ang dalawa. At hindi ko naman maintindihan dito kay Anghel kung bakit nawalan na naman ito ng kontrol at inaway na naman si Louelle. This man was a pain in t
Third Person's POV Hindi ini-expect ni Louelle ang tutulong sa kanya. Ni hindi niya ini-expect na nandito pala ang lalaking ito sa Pilipinas. To think that he's here in La Sangre. He is surely doing something for the organization. Bukod pa doon, bihira itong umalis ng bansa dahil doon siya nagtetraining. *Flashback* Tumawag siya sa opisina ni Cristine pero wala agad sumagot. Inintay niya pa ang pangalawang try bago may sumagot. "The Queen's office, who's this?" Narinig niyang turan ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Hindi lang niya mapinpoint kung sino ito. Maybe her hearing skills has turned rusty. "May I speak with the Queen?" She asked as she opened the car window. Matino pa naman siya dahil ayaw niyang ma-suffocate. "May I know why?" Tanong pa nito. Medyo naiinip na ang dalaga kaya naman naiinis na siya. "Tell her, I'm outside La Sangre. I'm trapped in a car in the parking lot," wika niya sa kausap. "Oh, okay, I'll be there," hindi naman napansin ni Louelle an
Louelle's POV Hindi ko talaga maintindihan ang kaweirduhan ng lalaking ito. Kasalukuyan na kaming nakasakay sa kotse nito. Nagdadrive na pauwi ng mansyon nila. Napaisip naman ako dahil hindi ko pala naibigay kay Stanford ng number ko. In case na may kakailanganin ako, hihingi na lang ako ng permission kay Cristine. Wala naman kaming imikan ni Anghel dahil mainit ang ulo niya base na din sa pagkuyom ng kamao niya sa manibela ng kotse at ang nakakunot niyang noo. This guy is really weird pabago-bago ng mood niya. Tsk. "May mga kailangan ba tayong gawin sa club bukod sa nabanggit mo kanina?" I suddenly asked. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tanungin siya noon. I just felt the need to, I guess? Hindi naman niya ako sinagot sa halip ay napansin kong lumampas kanu sa entrance ng subdivision nila. "Hey, where are we going?" I asked but he still doesn't answer. Ano na naman kayang problema ng lalaking ito? Pati ako dinadamay sa kainitan niya ng ulo eh. Nakauniform pa man din kami.
Anghel's POV I actually don't know what I'm up to. To just warmed up to her. Maybe because Dale told me to? And why do I find her beautiful without her eyeglass on a while ago? Napatingin ako kay Louelle na namimili ng gusto niyang milktea. Inayos nito ang suot na eyeglass na kabibili lang namin. "Miss, a cup of matcha and okinawa milk tea please then pa-add ng extra pearls," turan nito habang may kinukuha siya sa bag niya. "Would that be all, Maam?" Turan ng cashier sa kanya. Hindi ko naman agad namalayan na nakatitig na din pala sa akin si Louelle. Saka ko lang siya napansin nang makita ko na nakataas na ang kilay niya sa akin. "What's your order?" Tanong nito sa akin. "I'll have what you order," tanging sagot ko lang dito at umiwas na ng tingin. Medyo na-awkward na din ako sa babaeng ito eh. Tsk. Not so me. Bakit nga ba ako nag-eeffort sa babaeng ito? Eh una pa lang naman ay mainit na ang ulo namin sa isa't isa. Nang makita ko na nakuha na nito ang orders namin ay nauna na a
Louelle's POV Ipinagkibit ko na lang si Anghel. He's being weird but it works for me. Aayusin ko sana ang salamin ko pero naalala kong nalaglag pala ito nung magkabunggo kami ni Abegail. Sh*t, nakita ako ni Anghel na walang salamin. That's the only disguise that would do for me. Napabuntong-hininga na lang ako. Pwede siguro akong magpasama sa weird na iyon sa mall para bumili ng bagong eyeglass. Nagmadali na akong kinuha ang mga papers sa club room bago dumerecho sa pwesto ni Anghel. "Let's go," nakangiti kong wika dito bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Tinanggal ko ang suot kong ponytail kanina dahil wala na naman ang eyeglass ko pero mas bet ko pa din ang nakalugay talaga kahit may salamin ako. "Okay," composed na turan na nito. Hawak nito ang phone at tila ba may tinetext. Baka sina Gabe. Makikikopya na lang ako sa kanila kapag may sinulat o kung ayaw naman nila may mga naging acquaintances naman ako sa room sa ilang buwan ko ng estudyante, may mga mababait naman
Louelle's POV Nakahinga na ako ng maluwag ng lumipas ang isang linggo. Wala namang kakaibang nangyari at parang wala ding ginagawang kalokohan ang Classic 5. Inaayos ko na ang gamit ko para sa last class nang may tumigil sa desk ko. Pagtingin ko sa harapan ay si Anghel lang pala. Inayos ko lang ang salamin ko at kinuha na ang bag ko. "Louelle," tawag nito sa akin. "What?" Nakabusangot na tanong ko dito pero direcho lang din ako sa paglalakad. Alam ko naman na kasunod ko lang ito. "Are you free after last class? Dale told me to pick you up," wika nito pero parang normal lang naman ang pagsasalita nito hindi tulad ng nakaraan na laging mainit ang ulo. Tumigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na parang sinusuri siya. Lumapit ako dito at kinapa ang noo niya. "May lagnat ka ba?" Tanong ko dito pero hinawi lang nito ang kamay ko. "Wala, okay," turan nito na tumingin sa may window. Napansin ko naman ang pamumula ng tenga nito kaya naisipan kong asarin pa ito. "Why ar