Chapter 56: PananakotHINDI na nagulat si Julia nang kusang-loob na nag-resign si Skylar dahil alam nitong hindi talaga dito ang lugar kung saan si Skylar dapat lumipad nang mataas.Kaya naman, nang makita ni Julia lumabas si Skylar sa TV station wala pang dalawampung minuto matapos pumasok, hindi na ito nagulat. Sa halip, isang ngiting tila matagal na nitong inaasahan ang lumitaw sa labi ni Julia. Pumasok si Skylar sa kotse at umupo sa passenger seat. Hindi na siya kasing-relax tulad noong sinibak niya ang boss niya."Julia, sinibak ko ang boss ko." Napangiwi siya at tila naubusan ng sasabihin. "Nakakainis. Isa na naman akong palaboy. Ilang taon na, wala pa ring trabahong nagtagal sa akin.""Kasi hindi ka ipinanganak para magtrabaho sa iba," nakangiting sagot ni Julia."Ah ganun? Ipinanganak akong maging boss?""Oo." Tumango si Julia.Napairap si Skylar, halatang naiinis. "May nakita ka na bang boss na kasing-palaboy ko?"Lumaki si Julia sa isang lumang bayan sa labas ng siyudad. Na
Pero si Yannie, hindi na nakapagtimpi. Tumayo ito at sumigaw. "Skylar, sino ka ba para pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko? Gusto mo bang hindi ka na makalabas ng bahay na ‘to ng buhay?!""Naniniwala ako." Nakangiting sinuklian ni Skylar ang matalim na tingin ni Yannie. "Pero tingin ko wala kang lakas ng loob para gawin sa akin 'yan."Swabe at banayad ang boses ni Skylar pero puno ito ng kumpiyansa—isang klaseng kumpiyansa na nakakagigil sa sinumang kalaban niya."Skylar!" galit na sigaw ni Yannie. "Nasa bahay kita!""Oo, alam ko," nakangiting sagot ni Skylar habang tumango. "Kaya nga lalo akong magiging mayabang para malaman mong hindi ko kailanman binigyan ng halaga ang pamilya n’yo."'Masyado kang mayabang!'"Ikaw—!" Tumayo si Yannie, handang sugurin si Skylar."Yannie, umupo ka at makipag-usap nang maayos. Hindi maganda ang ganyan sa harap ng bisita," bahagyang pinagalitan ito ni Jessie, tapos bumaling kay Skylar na may nakangiting mukha. "Miss Skylar, napaka-busy mong tao kaya nak
Chapter 57: Sasabog sa galitPUMIKIT si Jessie, pilit pinakalma ang sarili at nilunok ang kaba niya.Tumikhim siya at pilit na nagpakita ng composure. Tumingin siya nang diretso kay Skylar. "Miss Skylar, hindi ko alam ang sinasabi mo."Pero hindi siya pinayagang magpanggap ni Skylar. Umayos ito ng upo, tapos tamad na nagkwento ng mga detalye tungkol sa SEE3 accident."Ang SEE3 ay isang bagong gamot na dinevelop ng Rodriguez Pharmaceuticals limang taon na ang nakalipas para sa mga may cerebral palsy. Pagkatapos ma-develop ang gamot, nanghikayat kayo ng mga pasyente at ginamit ang mga buhay na tao bilang test subjects. May siyam na sumali sa clinical trial at lahat sila namatay dahil sa matinding side effects ng gamot."Nang marinig ito, nagsimulang manginig ang mga kamay ni Jessie.Kaunti lang ang may alam sa clinical trial accident na ito. Para maitago ang katotohanan, binayaran ng pamilya Rodriguez ang forensic examiner para baguhin ang time of death ng mga biktima at palabasing natu
Biglang nanigas si Philip. Wala itong sinabi, pero halatang sumiklab ang galit sa katawan nito. Dahan-dahang lumapit si Skylar, kinurap-kurap ang mga mata at malambing na nagsalita. "Sigurado akong magwawala si Jaxon at ipaghihiganti ako. At si Pocholo? Well… baka patay o baldado na siya sa loob ng isang linggo."Isang malinaw na pagbabanta iyon galing kay Skylar. Matalim ang tingin ni Philip kay Skylar. "Hindi si Jaxon maglalakas-loob!"Ngumiti si Skylar, puno ng pagmamalaki. "Walang bagay sa mundong ‘to ang hindi kayang gawin ng boyfriend ko."Nanginginig sa galit si Philip. Sumasakit na ang dibdib niya sa inis. Hindi niya akalain na isang maliit na tao lang tulad ni Skylar ang magpapaligaya sa kanya ng ganito."Mr. Rodriguez, pirmahan mo na agad ang share transfer agreement. Kapag naayos na ‘to, baka matulungan pa kitang sabihin ng ilang magagandang bagay kay Jaxon para hindi niya patàyin ang anak mo."Pero syempre, mas maganda kung maging baldado ang lalaking iyon. Ang usapan l
Chapter 58: PampalakasNAPATINGIN lang si Jaxon kay Skylar nang malamig, tila nagdududa pa sa IQ ng babae. Kumunot ang noo ni Skylar. "Sinundan mo ako?"Hindi siya sinagot ni Jaxon agad. Tinitigan lang siya, matigas ang ekspresyon ng mukha.Pagkatapos ng ilang segundo, malamig si Jaxon na nagsalita, "Bakit, wala ba akong karapatan?"Napakagat-labi si Skylar. Binitiwan niya ang braso ni Jaxon at tinitigan siya nang masama. "Duwag ka."Naningkit ang mga mata ni Jaxon, matalim ang tingin, parang yelo. Nakakatakot.Pero imbes na matakot, bahagya lang ngumiti si Skylar. "Ngayon mo lang ba nalaman na hindi ako nahihiya?"Huminga nang malalim si Skylar, pilit pinakalma ang sarili saka tumingin nang diretso kay Jaxon. "Kapag ganyan ka pa rin, mawawala ako sa’yo balang araw."Nanigas ang katawan ni Jaxon. Pero sa halip na sumagot, tumawa siya nang malamig. "Ang taas naman ng kumpiyansa mo. Ano bang akala mo sa sarili mo? Isa ka lang bed slave kaya bakit ko ikakabahala kung mawala ka?"Aray.N
Bahagyang ngumiti si Skylar. "Nagbago na ang pangarap ko. Ngayon, gusto kong magtayo ng sarili kong kumpanya. Magkaroon ng sarili kong team.Gusto kong maging katulad ni Audrey... para kapag humarap ako sa mga magulang mo balang araw… may kumpiyansa akong tatayo sa harap nila."Nanigas si Jaxon. Hindi niya inasahan na marinig ‘to kay Skylar. Hindi niya inakalang ginagawa ni Skylar ang lahat ng ‘to—para manatili sa tabi niya. At doon niya napagtanto…Wala nang ibang babaeng kasing halaga nito sa buhay niya. Biglang may kislap ng liwanag sa madilim na mata ni Jaxon. Bahagyang lumabas ang ngiti sa manipis niyang labi—isang mapanuksong ngiti."Kung ganun, bakit ka pumunta sa bahay ng mga Rodriguez?""May hawak na ebidensya si Julia laban kay Philip kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para ipakita na hindi ako basta matatapak-tapakan lang nila."Naningkit ang mga mata ni Jaxon.May hawak na ebidensya si Julia laban kay Philip? Hindi niya inaasahan ‘yon."Tandaan mo ‘to. Kapag wala ak
Chapter 59: Another victim of BarbaraTHIS IS PUNISHMENT. Mukhang papatayin nga siya ni Jaxon. Nakatitig si Skylar sa buong lamesa ng puro pampalakas ng katawan at biglang nawala ang gana niyang kumain. Napahawak siya sa noo, parang gusto na lang tumakas. Napansin ni Jaxon ang ekspresyon niya at bahagyang tumaas ang kilay. "Anong problema? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" tanong niya, malamig ang tono.Umiling si Skylar. "Hindi naman... mainit lang siguro ang panahon, parang na-heatstroke ako at medyo masama ang tiyan ko."Alam niyang si Jaxon mismo ang nagpaayos ng pagkain kaya kung tatanggihan niya, siguradong magagalit ito."Kumain ka na lang ng kaunti." Hindi na siya pinilit ni Jaxon.Tinanggal nito ang kanyang suit jacket at iniabot sa waiter. May isa pang waiter na mabilis na hinila ang upuan para sa kanya.Napabuntong-hininga si Skylar. Wala na siyang ligtas.Uupo na siya at kakain... ng pampalakas ng katawan na hindi naman niya kailangan."Skylar, ang swerte mo naman kay Mr.
Nanginginig ang katawan ni Yannie, parang adik na hindi mapakali at kung saan-saan humahawak sa lalaking may bitbit sa kanya.Mukhang sobrang lakas ng gamot.Kahit dalawampung minuto na ang lumipas, hindi pa rin ito natatapos.Kasunod nilang lumabas ang lalaking may hawak na camera. Hawak nito ang gadget at punong-puno ng kasiyahan ang mukha ng lalaki."Tangina, tapos na! Lalabas na ‘to sa wakas, ha!""Pahinaan mo boses mo!" Galit na lumingon ang lalaking may bitbit kay Yannie. Napatahimik ang cameraman, mabilis na tinakpan ang bibig nito. Pagkatapos, dinala nila na si Yannie sa accommodation department ng Shangri-La Hotel.Samantalang ang cameraman, yumuko para alisin ang “Under Maintenance” sign sa pinto ng banyo. Pagkatapos, pasipol-sipol pa itong naglakad papunta sa dining area, mukhang tuwang-tuwa.Tahimik itong sinundan ni Skylar. Kung tama ang hinala niya, may pupuntahan itong sponsor para ibenta ang scandalous photos at videos ni Yannie.At hindi nga siya nagkamali."Miss Bar
Gusto ni Audrey na marinig kung anong matatamis na salita ang sasabihin ng lalaking ‘to na parang walang alam sa tamang pakikitungo.Makitid ang mga mata ni Jaxon habang nakatingin sa mukha niya. Bahagyang bumuka ang manipis niyang labi at may kaakit-akit na tono sa boses niya habang nagsalita, “Kaysa bumili ako ng napkin para sa’yo, mas gusto ko pa na ako na lang ang magpalit ng napkin mo.”Walang masabi si Skylar. Alam naman niyang medyo manyak talaga si Jaxon at utak-babae ang pinapairal. Aasahan mo pa ba na may matinong lalabas sa bibig nito? Huwag na siyang mangarap!...Katabi lang ng hotel ang isang maliit na supermarket. Hindi pa umaabot ng sampung minuto ay bumalik na si Jeandric. Pagbalik niya, nasa banyo pa rin si Audrey.Tinapunan niya ng tingin ang plastic bag na may lamang panty at napkin. Hindi maganda ang ekspresyon niya. Unang beses pa lang niyang bumili ng panty para kay Audrey, tapos ‘yung nabili pa niya, parang pinaka-pangit na estilo ng “auntie” underwear.Sa toto
Chapter 175: Paglalaba ni JeandricSERYOSO ba talaga ang naririnig ni Jeandric? Si Audrey ba talaga ang humiling kay Jeandric na bumili ng napkin at panty para sa kanya?Sa mismong pag-iisip pa lang nun, nanlaki agad ang mga mata ni Jeandric na parang mababaliw na.Magulo ang expression niya, at biglang tumaas ang boses niya: “Drey naman, ‘yung ganitong bagay, hindi ba pwedeng ‘yung assistant mo na lang? Bakit ako pa? Lalaki ako! Paano na lang kung may makakita sa akin? Paano pa ‘ko makakalabas ulit nang maayos?”Halos mabaliw si Jeandric. Kahit ano pa, puwedeng pag-usapan, pero ‘tong bagay na ‘to, talagang labag sa loob niya.“Eh ikaw rin naman nagsabi na gusto mong manatili para alagaan at protektahan ako!”Hindi nakaimik si Jeandric nang marinig ‘yon mula kay Audrey. Nagpatuloy pa si Audrey sa pang-aasar.“Tapusin mo na ‘yang pinili mong landas, kahit paluhod pa. Kung ‘yang simpleng bagay hindi mo kayang gawin para sa akin, paano mo pa masasabi na kaya mo akong alagaan at mahalin?
Pagkasabi niya nun, agad siyang tumalikod at iniwas ang malamig niyang mukha sa lahat ng staff at umalis.Nakatitig si Jeandric sa likod ni Audrey habang palayo ito na halatang galit, saka niya dahan-dahang inangat ang kamay at hinawakan ang labi niya na may bakas pa ng halimuyak ni Audrey. Napangiti siya habang nakapikit ang mga mata.Sulit na sulit ang pagpunta niya rito sa Pampanga.Sumakay si Audrey sa mamahalin niyang van, huminga nang malalim, at unti-unting humupa ang galit sa puso niya.Hindi niya alam kung bakit sobrang galit siya kanina. Dahil lang ba sa halik ni Jeandric sa harap ng maraming tao?Pero alam naman niya na hindi lang ‘yon ang dahilan.Bumalik sa isip niya ang itsura ni Jeandric na nakasuot ng ancient costume. Naaalala niya ang sandali na tumalikod ito at tiningnan siya, bumalik agad ang kakaibang tibok ng puso niya.Galit siya sa sarili niya dahil nagpakilos siya ng damdamin para sa ibang lalaki bukod kay Jaxon.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at ki
Chapter 174: Iisang kwartoNANG makita ng director na nakatayo lang si Audrey at hindi sumasagot sa linya ng matagal, agad siyang nagbigay ng stop gesture, sumilip mula sa gilid ng camera at nagtanong, “Drey, bakit hindi ka sumasagot sa linya? Anong problema?”Ayaw talagang makipag-kissing scene ni Audrey kay Jeandric kaya’t medyo nainis siya at tinaas ang kilay. “Pwede bang palitan niyo na lang ako ng double? Ayokong umarte kasama ang taong ‘to.”“Ah eh…” Napatingin ang director kay Jeandric, halatang nahihirapan. Pero tiningnan siya ni Jeandric na parang sinasabi ng mga mata nito na: ‘Subukan mo lang akong palitan, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa industry ng pelikula at telebisyon.’Agad na umiwas ng tingin ang director at kinausap si Audrey, “Drey, pagtiyagaan mo na muna. Yung double ng male lead, nasa ospital na rin. Pareho silang may sakit sa tiyan. Baka mamaya pati ako, kailangan nang pumunta sa ospital.”Malinaw na pahiwatig ito, si Jeandric ang dahilan kung bakit
"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang sabihin ng manager sa akin na may buntis na nakikipag-away sa itaas?"Medyo nanginginig ang boses ni Jaxon habang nagsasalita. Huminga siya ng malalim at muling nagsalita."Hindi ko kayang isipin kung anong maaaring mangyari sa atin kung may masamang nangyari sa baby natin habang nagkakagulo kanina."Nang marinig ni Skylar ang sinabi ni Jaxon, doon lang niya napagtanto kung gaano siya naging pabigla-bigla sa pananakit kay Barbara. Tama si Jaxon, kung may masamang nangyari sa baby nila, siguradong mababaliw silang dalawa."Sorry..." Malungkot na sabi ni Skylar habang hinahawakan ang braso ni Jaxon. Paos ang boses niya. "Honey, kasalanan ko. Parusahan mo ako. Kahit mabigat pa, tatanggapin ko."Sa isip niya, kailangan niyang maparusahan nang mabuti para matuto at hindi na maulit.Nang makita ni Jaxon ang luha ng pagsisisi sa mga mata ni Skylar, napabuntong-hininga siya nang masakit sa dibdib. Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng kalsada at pinunas
Chapter 173: Anak ba talaga siya? ALAM ni Yssavel na hindi na niya maitatago pa ang mga nangyari kay Jaxon. Nasa harap na kasi ang mga ebidensya. Kahit hindi siya magsalita, siguradong ikukuwento rin ito ni Skylar kay Jaxon. Kaya’t nagsalita na rin siya agad."Umiinom ako ng kape noon, at gusto ko sanang tumulong, pero ang galing talaga ni Skylar makipag-away. Ilang galaw lang, bugbog na si Barbara at hindi na ako nakasabat."Napangiti lang ng kaunti si Jaxon, pero halatang may halong lungkot at pagkadismaya sa mata niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Skylar at mabilis na lumakad palayo.Habang naglalakad, parang laging may bumabara sa dibdib niya, mabigat at masakit.Yung mga lolo na kilala niya noon, kahit hindi nila gusto ang manugang nila, mahal na mahal pa rin nila ang apo. Pero ang nanay niya, nandoon lang at pinanood ang apo niya na muntik nang mawala, hindi man lang gumawa ng paraan para tumulong. Dahil dito, sobrang nadismaya si Jaxon at bigla niyang napaisip kun
Bilang asawa ni Jaxon, alam niyang siya lang ang pinakakilala sa ugali nito, lalo na kung gaano ito ka-seloso at kung gaano siya naiinis kapag nalalaman na magkasama sila ni Kris. Kaya noong pinakita ni Barbara ang video kay Jaxon, hindi lang ang mga tao ang inakalang tapos na siya, pati siya, akala niya sasalubungin siya ng matinding galit ni Jaxon.Pero laking gulat niya nang kampihan siya nito at ibigay sa kanya ang buong tiwala.Nawala ang gulat sa mga mata niya at unti-unting napalitan ng emosyon. Bahagyang tumaas ang mga sulok ng labi niya at napangiti siya ng konti, masayang ngiti.Ang pinaka-tamang desisyon na ginawa niya sa buhay ay ang pakasalan si Jaxon.Tiningnan siya ni Jaxon at sinabayan ng pag-irap, “Pag-uwi natin, sisingilin kita. Hindi sa pinapalampas ko o wala akong pakialam, kundi dahil bilang asawa mo, sa ngayon, kailangan kitang protektahan sa harap ng ibang tao.”Uh...Ramdam ni Skylar ang babala sa mata ni Jaxon, kaya hindi na siya nakatawa.Nang makita ni Yssav
Chapter 172: TiwalaHINDI inakala nina Yssavel at Skylar na biglang darating si Jaxon sa mga oras na 'to. Kita sa mga mata nila ang pagkagulat, habang si Barbara naman ay halatang takot at kusa nang nagtago sa sulok.Matapos ang ilang segundong pagkabigla, humarap si Skylar kay Jaxon na kalmado ang itsura.Naka-dark blue na coat si Jaxon ngayon. Habang naglalakad siya gamit ang mahahaba niyang mga binti, umaalon ang laylayan ng coat niya na parang may texture. Kasunod niya sina Wallace, Xalvien at Jun, na pawang nakasuot din ng makakapal na damit. Lahat sila ay gwapo, kaya nang lumitaw silang apat, naging parang tanawin silang lahat sa mata ng mga tao.Agad na nagbigay-daan ang mga nakikiusyoso sa kanila.May isa pa ngang napa-comment, “Grabe! Ang gwapo ni Jaxon! Deserve niya talaga maging number one sa listahan ng mga national husband. Parang hihinto paghinga ko nung nakita ko siya!”Napangiti si Skylar at mahina niyang sinabi, “Nagpapapogi nanaman. Kahit saan siya magpunta, parang l
May isa pang nainis na kostumer na nagtulak sa waiter at tinanong, “Nasaan manager niyo? Ang gulo sa private room na ‘yan! Walang lumalabas para awatin sila? Paano kung may masaktan nang todo o mamatay pa diyan sa loob?”“Wala ‘yan. Nang marinig ng manager ng café na ang nangbugbog ay asawa ng presidente ng Larrazabal Group, halos magtago na lang siya. Paano pa siya magkakalakas ng loob na makialam?”Nang makita ni Yssavel na lumalakas ang paghusga ng mga tao kay Skylar, ngumiti siya ng mayabang at tumingin kay Skylar na may hamon sa mga mata, tapos nagsalita siya na parang umiiyak.“Skylar, tigilan mo na ang pamilya namin. Hindi na namin kayang tiisin ‘to. Basta pumirma ka lang sa kasulatan ng divorce, kahit magkano pa ang kailangan, itatago ko na lang ang iskandalong ginawa mo ngayon, yung halos patayin mo ako sa bugbog at yung palihim mong pakikipagkita sa ibang lalaki habang may asawa ka na.”May sumigaw mula sa mga nakikiusyoso, “Grabe, ang kapal! Bulag siguro si Jaxon at napanga