Chapter 151: Pagtatampo"NA-TOUCH ka ba?"Natauhan si Skylar nang marinig ang malamig na boses ni Jaxon.Inilagay niya ang cellphone sa bag niya, saka tumingin kay Jaxon na halatang galit. Ngumiti siya, "Galit ka ba?""I-block mo sila!"Nag-utos si Jaxon nang matigas.Medyo natigilan si Skylar."Sino ang iba-block? Si Kris o si Zandra?"Mukhang lalong nainis si Jaxon sa tanong niyang iyon. Nanatili itong tahimik nang matagal, nakasimangot, hanggang sa halos makatulog na si Skylar. Saka lang ito muling nagsalita, biglang sinabi nang mabigat, "Iyong lalaki!""Pffft..." Hindi napigilan ni Skylar ang sarili at napahagikgik hanggang sumakit ang tiyan niya sa kakatawa.Si Kris ay hindi naman hayop, bakit ganito mag-react ang lalaking ito?Biglang bumagsak ang temperatura sa loob ng sasakyan dahil sa tawa niya. Sinulyapan siya ni Jaxon nang malamig ang mga mata, bahagyang sumikip ang mga mata nito. "Nakakatawa ba?"Ngumiti si Skylar at tumango, tapos mabilis na umiling para pigilan ang tawa.
Pagkatapos ng tanghalian, nagbasa muna ng libro si Skylar. Pero habang nagbabasa, bigla siyang nakaramdam ng matinding antok. Paulit-ulit siyang humihikab at kinukusot ang kanyang mga mata. Hindi na niya kinaya, kaya ibinaba niya ang libro at humiga sa kama para matulog.Nang magising siya, gabi na.Pagdilat ng mata niya, may narinig siyang kaluskos. Agad siyang bumangon at tumingin sa paligid. May isang maleta sa carpet ng kanilang walk-in closet. Si Jaxon, na naka-shirt lang, ay palakad-lakad sa loob habang kinukuha ang mga damit sa aparador at inilalagay sa maleta.Nagtaka siya at lumapit. "Hubby ko, bakit ka nag-iimpake? May business trip ka na naman?""Hindi," sagot ni Jaxon habang tumingin sa kanya. "Magbabakasyon tayo sa Denmark. Isasama kita."Hindi agad nakapag-react si Skylar. "Ha? Magbabakasyon? Paano naman ang trabaho ko?""Walang malaking problema sa kumpanya ngayon. Si Wallace ang magbabantay, kaya walang magiging aberya.""Oh, pero bakit sa Denmark? Sabi nila, nagyeyelo
Chapter 152: Uncle SantiNARAMDAMAN lang ni Skylar ang malamig na hangin na dumaan, ginulo ang kanyang buhok at tinakpan ang kanyang paningin. Napapikit siya at akmang aalisin ang buhok sa kanyang mga mata nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Jaxon."Wife, umalis ka diyan!"Napalingon si Skylar sa likod niya.Isang itim na Bentley Continental ang paparating sa kanya nang napakabilis, parang sasagasaan siya nang dire-diretso.Napanganga siya sa gulat at natulala sandali. Nang bumalik ang kanyang diwa at muntik nang lumundag para umiwas, biglang tumakbo si Jaxon at hinatak siya, itinulak siya pabagsak sa lupa. Gumulong sila ng ilang beses hanggang sa makarating sa damuhan sa tabi ng kalsada.Mahigpit siyang niyakap ni Jaxon, nakasandal ang mukha niya sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito, napakabilis, parang tambol. Alam niyang sobrang nag-alala at natakot ito."Hubby,huwag kang matakot, ayos lang ako..." Mahigpit niyang niyakap si Jaxon, ramdam ang init sa kan
Totoo ba iyon? Napakunot ang noo ni Jaxon. Bakit hindi niya ito kailanman narinig mula sa kanyang mga magulang?Nararamdaman ni Jaxon na kung totoong matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang si Dr. Santi, siguradong nabanggit na nila ito noon pa. Kung may nagkasakit sa kanilang pamilya, tiyak na ipapagamot nila ito kay Dr. Santi. Pero hindi iyon nangyari.Kailanman, hindi nabanggit ng kanyang mga magulang na mayroon silang kaibigang doktor na tanyag sa buong mundo."Young man, itong magandang babae na may magandang pangangatawan, asawa mo ba?" Ngumiti si Dr. Santi kay Skylar at sinuri siya ng mabuti."Hello, Uncle Santi, ako po si Skylar." Ngumiti si Skylar habang nagpapakilala. Ang pagtawag niya ng "Uncle Santi" ay tila nagpapatunay na totoo ngang kaibigan ng pamilya ni Jaxon ang doktor.Tila natuwa si Dr. Santi at pagkatapos ay tiningnan si Jaxon na may bahagyang pagkadismaya. "Mas mabait pa ang asawa mo kaysa sa 'yo."Hindi nagsalita si Jaxon, ngunit lalong humigpit ang kunot ng
Chapter 153: Panggugulo ni ZeynNARINIG ni Jaxon ang tinig ni Zeyn, kaya lumingon siya rito. Nasa mukha niya ang katahimikan, pero ang mga mata niya ay malamig na nakatingin sa bagong dating na lalaki. Si Zeyn naman ay may bahagyang ngiti sa labi."Aba, anong pagkakataon naman ito, Mr. Larrazabal, Mrs. Larrazabal, nagkita na naman tayo," sabi ni Zeyn.Napatingin si Skylar kay Zeyn at nakita niyang hindi abot sa mata ang ngiti nito. Hindi niya itinago ang pagkainis sa lalaki. "Parang multo ka talaga, hindi ka nawala-wala."Imbes na magalit, mas lalo pang ngumiti si Zeyn."Uncle Santi, parang hindi ako gusto ng dalawang bisita mong bagong dating.""Ikaw naman ang unang hindi nagustuhan kami," sagot ni Jaxon nang may malamig na tingin.Hindi naman bobo si Santi, kaya agad niyang napansin ang tensyon sa pagitan ng tatlo. Itinuon niya ang paningin kay Skylar, na sa tingin niya ang may pinakamalaking posibilidad na magsabi ng totoo."Anong nangyari, hija?" tanong niya."Uncle Santi, bago ka
Akala niya, si Santi ay isang simpleng doktor na magaling sa traditional medicine, pero hindi pala. Bukod sa pagiging malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang na sinasabi nito, hawak rin nito ang 3% ng shares ng JZ Group! Mukhang kilalang-kilala rin nito si Yorrick na biological father ni Skylar. Napaka-misteryoso ng taong ito. Alam niyang ang JZ Group ay isang family business, at hindi basta-basta nagpapapasok ng ibang tao sa kanilang kumpanya. Maliban na lang kung may espesyal na koneksyon si Santi sa isa sa mga shareholder ng Lacson Family, kaya nito nakuha ang mga shares.Napaisip si Jaxon. Sino nga ba talaga si Santi?Narinig ni Zeyn ang sagot ni Santi, pero hindi siya nagulat dahil hindi ito ang unang beses na tinanggihan siya nito. Ngumiti lang siya."Uncle Santi, pareho pa rin ang sasabihin ko. Seryoso kaming mag-ama sa pagbili ng shares mo. Kung sakaling maisipan mong ibenta ito, laging bukas ang pinto namin para sa 'yo."Tumingin si Santi sa relo niya."Zeyn, gabi na. Ka
Chapter 154: KapilyuhanNANG marinig ni Skylar ang biro ni Jaxon at namula siya. Umubo siya nang mahina, itinulak siya palayo, at mabilis na lumayo. "Maliligo na ako, matulog ka na muna."Nakita ni Jaxon ang mabilis na pagtakbo niya palayo, at muling lumitaw ang pilyong ngiti sa kanyang labi."Asawa ko, may limang daliri ang asawa mo, alam mo ba?""At may paraan din para sumigaw nang malakas... For example, using my mouth...""Tumigil ka na!"Ayaw na ni Skylar pakinggan pa ang kanyang malalaswang biro kaya mabilis niyang isinara ang pinto.Pagtingin niya sa salamin at naalala ang sinabi ni Jaxon, hindi niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano. Ang imahe ng mahahaba at matitikas nitong mga daliri ay umikot sa kanyang isipan.Isang kakaibang kiliti ang biglang gumapang mula sa kanyang dibdib pababa.Patay na.Napapikit siya, inipit niya ang kanyang mga hita, at pinukpok ang sarili sa noo."Skylar, napaka-walanghiya mo na talaga. Ang landi-landi mo!"Dahil lang sa sinabi ni Jaxon, nakara
Habang nagsisipilyo si Skylar, puno ng bula ng toothpaste ang kanyang bibig. Masama ang tingin niya sa lalaking nasa salamin, saka niya mabilis na binanlawan ang bibig para mawala ang bula. Pagkatapos, humarap siya at itinulak ito palayo."Paano mo nagawang sabihin 'yan? Tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Paano ako makakatulog nang maayos kung ganyan ka ka-wild, ha?"Hinila ni Skylar pabukas ang kwelyo ng kanyang damit at itinuro ang kanyang makinis na balat.Puno ito ng maliliit na marka na kulay asul at lila, mga bakas ng ginawa ni Jaxon kagabi.Lalo na sa may dibdib at tadyang.Ang kulay at hugis ay talagang kakila-kilabot.Ngumiti lang si Jaxon at hindi man lang nag-alala sa galit niya. "Binigyan kita ng pagpipilian, pero hindi mo ginawa kaya kinailangan kong gawin ito sa sarili kong paraan.""Anong pagpipilian?" Galit na galit si Skylar na pakiramdam niya ay sasabog na siya. "Isang kamay, isang bibig, bastos at baliw ka talaga!""You dumb head, kung ang asawa mo hindi na maging pi
At bukod pa roon, may kalayaan si Kris na pumili para sa sarili niya, at wala siyang karapatang makialam.Biglang ngumiti si Kris, pero may pait sa kanyang ngiti. Tapos seryoso siyang nagtanong, "Skylar, kung si Jaxon ang kaharap mo ngayon, sasabihin mo rin ba ang parehong bagay sa kanya? Kahit pa maging magkalaban kayo sa negosyo, magiging ganyan ka pa rin ba sa kanya katulad ng pakikitungo mo sa akin?""Hindi."Nang makita ni Kris ang diretsahan at siguradong sagot ni Skylar, parang bigla siyang nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag-asa."Bakit?"Si Kris kasi ay tipo ng tao na hindi sumusuko hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. Palagi niyang iniisip na may espesyal siyang lugar sa puso ni Skylar. Kahit hindi siya ang lalaking pinakamahal niya, dapat man lang ay isa siyang kaibigang mahalaga sa babaeng mahal niya. Gusto niyang malaman kung ano ang naging pagkukulang niya, bakit parang bigla na lang wala na siyang halaga kay Skylar bilang kaibigan.Itinaas ni Skylar
Chapter 169: PagsukoNAGKITA sina Skylar at Kris sa tanghali, sa isang simpleng kainan malapit sa dati nilang high school.Ang lugar ay maliit lang, halos wala pang 60 square meters ang sukat at may tatlong palapag lang. Pangkaraniwan lang ang kalinisan, pero sobrang dami ng tao at patok ang negosyo.Noong high school pa siya, madalas kumain si Skylar dito kasama ang mga roommate niya, pero ang mga kagaya nina Jaxon, Audrey, at Jeandric na galing sa mayayamang pamilya ay siguradong hindi pupunta sa ganitong lugar.Kaya nung makita niyang dito siya inimbita ni Kris sa Telegràm, medyo nabigla siya.Pareho kasi sina Kris at Jaxon, parehong galing sa maykayang pamilya, kaya mahirap isipin na papatol si Kris sa ganitong simpleng kainan.Sa mga taon na wala si Skylar sa Metro, sobrang nagbago na ang lugar. Maging itong restaurant ay na-renovate na rin at mas maayos na ang itsura.Nag-aalala si Kris na baka hindi mahanap ni Skylar ang lugar, kaya hinintay niya ito sa labas. Napakagwapo niya
“Hayop ka! Walang hiya ka! Anong lakas ng loob mong pumasok sa kuwarto ko habang natutulog ako!”“Aray! Aray! Audrey! Tama na! Ang sakit! Masakit talaga! I'm living good because of this face! Tama na, please!”Tinaas ni Jeandric ang mga kamay para takpan ang mukha niya habang paatras nang paatras.Sobrang galit ni Audrey na parang gusto na niyang sumuka ng dugo. Lumapit siya at hinawakan ang kwelyo ng damit ni Jeandric, mariing tumingin sa kanya at galit na sumigaw, “Sabihin mo ang totoo! Anong ginawa mo kagabi?! May nakita ka bang hindi dapat makita?! O may nahawakan ka bang hindi mo dapat hawakan?! Sabihin mo na! Bilis! Kung hindi, papatayin talaga kita!”Matagal na ring hindi nakita ni Jeandric si Audrey na ganito kataray. Simula nang pilit niya itong hinalikan dati, palaging iniiwasan siya ni Audrey. Kahit magkasama sila sa harap ng iba, laging malamig at pormal ang trato nito sa kanya.Ngayon lang ulit niya naramdaman ang pagiging totoo ni Audrey, ‘yung totoo niyang ugali noong m
Chapter 168: Drey at JeandricNASUGATAN si Audrey kaya madaling madali na umalis si Jeandric. Pagkaalis niya ng bahay, dumiretso agad si Jeandric sa airport at sumakay sa private plane niya papunta kay Audrey. Bandang alas-dos y medya ng madaling araw, lumapag ang eroplano ni Jeandric sa lungsod ng lugar kung nasaan ang babae. May mga tao na mula sa branch ng Larrazabal Corporation sa siyudad na iyon na naghihintay na sa labas ng airport na may dalang sasakyan.“Kumusta na ang imbestigasyon? Paano nasugatan si Audrey?” Tanong agad ni Jeandric sa taong sumalubong sa kanya.“Sabi po, may shooting sa isang scenic area. May eksenang may away at kailangan mag-harness. Ayaw daw po ni Miss Audrey gumamit ng double. Sa mismong eksena, aksidente niyang nasugatan ang braso niya. Nilapatan naman agad ng lunas at hindi naman daw po malala.”Kahit ganun, halatang hindi mapakali si Jeandric. Nakasimangot siya habang naglalakad papunta sa sasakyan. Agad namang binuksan ng kasama niya ang pinto. P
Bubukas na sana ang bibig ni Yssavel para magsalita, pero inunahan siya ni Skylar na may malamig na tono."Ms. Yssavel Larrazabal, tinitiis lang kita ngayong gabi dahil nanay ka ni Jaxon at nirerespeto kita bilang nakatatanda. Pero kung patuloy kang magiging hindi makatarungan sa mga susunod na araw, hindi ako magdadalawang-isip na putulin ang ugnayan namin sa pamilya ninyo ni Jaxon. Sa totoo lang, sa estado namin ngayon, pera at kapangyarihan, kahit umalis kami sa pamilya Larrazabal, kayang-kaya pa rin naming manguna sa mundo ng negosyo."Biglang dumilim ang mukha ni Yssavel at hindi siya nakapagsalita agad.Bago siya bumalik ng Pilipinas, pinaimbestigahan niya si Skylar. At totoo ngang hindi dapat maliitin ang kayang gawin ni Skylar sa larangan ng negosyo.Nang makita ni Skylar na hindi na kasing tapang si Yssavel katulad ng dati, nagbago siya ng paksa."Pero syempre, kung tatanggapin mo kami ni baby, ako at si Jaxon ay magiging masunurin at magalang sa 'yo. Kung magiging masaya at
Chapter 167: Pag-alis sa bahayANG biglaang pagbalik ni Yssavel sa Pilipinas ay ikinagulat nina Skylar at Jaxon.Lalo na si Skylar dahil nang magtagpo ang tingin nila ni Yssavel, biglang bumigat ang pakiramdam niya at parang awtomatiko siyang pumadyak pababa, gustong bumaba mula sa pagkakabuhat ni Jaxon.Pero hindi niya inaasahan na lalo pang hinigpitan ni Jaxon ang pagkakayakap sa kanya sa baywang at binti, para pigilan siyang makababa sa likuran nito. Nagulat si Skylar at napatingin kay Jaxon, halatang hindi niya inaasahan ang ginawa nito.Mayamaya, narinig niya ang mahinang boses ni Jaxon sa taas ng ulo niya, parang musikang marahan at malamig."Wag kang gagalaw."Sanay si Skylar na maging dominante si Jaxon. Dati, kapag ganito magsalita si Jaxon, nainis lang siya, pero ngayon, iba ang naramdaman niya. Para bang naging malambot ang puso niya at uminit ang pakiramdam. Parang ang sinabi ni Jaxon ay isang paalala na kahit bumalik si Yssavel, hindi magbabago ang pagmamahal nito sa kan
May isang binatang naka-itim na leather jacket na nakakita kay Skylar at dahil maganda ito, pumwesto siya sa likod niya nang parang manyakis, nakatitig dito na parang gutom na gutom.Lantaran ang malaswang tingin ng lalaki kay Skylar. Halatang-halata sa mukha niya ang pagnanasa at parang gusto na nitong lamunin si Skylar ng buo.Saktong nag-stop ang bus dahil sa pulang ilaw sa harap, at sinamantala ng manyakis ang pagkakataon. Nagkunwaring nadapa siya dahil sa preno ng driver at sinadyang bumagsak kay Skylar. Pero bago pa siya tuluyang makalapit, may mabilis na kumilos, isang matipuno at matigas na braso ang biglang yumakap kay Skylar at mabilis siyang pinapunta sa kabilang pwesto.Hindi agad naintindihan ni Skylar ang nangyari, pero naramdaman niyang may malakas na presensyang parang galit na mula kay Jaxon.Sino na namang malas ang nagpagalit kay Jaxon?Napatingin si Skylar sa paligid, lumabas mula sa pagkakayakap ni Jaxon, at sinundan ang tingin nito. Doon niya nakita ang isang lal
Chapter 166: PagsakayANG APOY ng galit, sa bilis na kayang makita ni Skylar ng kanyang sariling mga mata, ay kumalat sa madilim at malalalim na mata ni Jaxon.Mabilis ang pagkalat ng apoy, parang gustong sunugin siya hanggang sa maging abo.'Naku, mali na naman ang nasabi ko.'Medyo nagsisi si Skylar habang dinidilaan ang natirang alamang sa mangga na nasa gilid ng kanyang labi, saka nagsalita nang may paninindigan. "Haynaku! Simula nang matikman kita, wala nang ibang lalaki sa paningin ko!"Punong-puno ng galit si Jaxon. Pero nang marinig ang sinabi niya, unti-unting nawala ang malamig at kontroladong galit at unti-unting ngumiti ang kanyang manipis na labi: "Totoo ba 'yan?"Agad na tinaas ni Skylar ang kamay at nanumpa: "Nangangako ako sa anak natin sa tiyan ko! Kung nagsisinungaling ako, sana paglabas niya wala siyang balls at maging babae siya!"Sa narinig niyang panunumpa ni Skylar gamit ang bata sa tiyan, napuno ng linya sa noo si Jaxon. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o
"Ay grabe, si Jaxon pala, kagaya rin ng boyfriend ko! Kapag naghahalikan, mahilig ding ilagay ang kamay sa likod! Ang sweet nila sobra, sana ako na lang si Skylar!"Nang marinig 'yon, agad na itinulak ni Skylar si Jaxon at inayos ang suot niyang damit habang nakayuko.Pagkatapos ay tumingin siya kay Jaxon nang masama at siniko niya ito. Agad niyang tinakpan ang kalahati ng mukha niya gamit ang kamay at ngumiti nang pilit habang lumalabas ng elevator. “Excuse me po, makikiraan lang.”Sumunod si Jaxon sa kanya palabas ng elevator at tumayo sa gitna ng hallway, pinagmamasdan ang mabilis na pagtakbo ni Skylar papunta sa direksyon ng doktor. Napangiti siya ng pilyo, tingnan lang natin kung maglalakas loob ka pang humiling ng ibang lalaki sa susunod!"Ay grabe, ngumiti si Jaxon! Totoo ba ‘to?!"Isang babaeng kilig na kilig ang agad na kinuha ang cellphone niya para kuhanan ng litrato si Jaxon.Alam kasi ng lahat na si Jaxon ay kilalang cold and serious sa mga tao. Sa mga litrato sa business