Happy
Namimilog ang mga mata ko at nagmamadaling tumakbo palapit sa kaniya na para bang hinang-hina ang katawan.
“L-Liam…” nanginig ang boses ko nang nakalapit at mahawakan ang kaniyang braso.
“Please, just leave…” paanas niyang pagtaboy sa akin.
Napasinghap ako nang maramdaman na sobrang init ng kaniyang balat. Agad kong sinalat ang kaniyang leeg at sentido, namumula rin ito.
“Inaapoy ka ng lagnat, Liam. B-Bakit hindi mo sinabi…”
Hindi ko mapigilan ang sariling huwag mag-alala. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kaniya ngunit masyado siyang mahina.
I can’t leave him in this situation. I maybe hate him because of what happened between us but I’m not that heartless not to help him.
“Dadalhin kita sa hospital-”
“Damn, no!” tumaas ang boses niya at muling kinabig ang kamay ko.
“Liam ang init mo,” sambit ko.
“Just leave, Fiona! I don’t need you! I don’t need your help!” sikmat niya.
Dahan-dahan kong nabitawan ang kaniyang braso. May kung anong bagay na parang tumusok sa kalooban ko dahil sa pagtaas ng boses niya.
Saglit akong natigilan, natulala sa kaniya.
Ito pa lang yata ang kauna-unahang beses na nasigawan niya ako ng malakas. Hindi kagaya noon na kahit galit siya ay hindi niya nagagawang magtaas ng boses sa akin.
Pumikit ang kaniyang mga mata at humugot ng hangin na wari’y kinakalma ang sarili. Ilang segundo ang lumipas nang dahan-dahan siyang nagmulat.
“Umalis ka na. Kaya ko ang sarili ko…” naging mahinahon ang boses niya ngunit bakas ang panghihina.
Titukod ang dalawang kamay sa sahig at sinubukang tumayo. Napataaras ako nang nakaya niyang tumayo mag-isa. Inayos niya ang jacket na nakabalot sa katawan bago ako tinalikuran.
Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang pinapanood siyang kinakayang maglakad mag-isa, pero maya-maya lang ay aksidente niyang nabangga ang flower vase sa gilid ng lamesa.
He was trying to save the vase but it's already fallen on the floor, nabasag iyon kaya umalingawngaw ang ingay sa loob ng bahay. And at the same time he slipped on the floor. Napatayo ako at nagmamadali siyang nilapitan.
“Fuck, shit,” I heard him cursing nonstop.
“D-Dadalhin na kita sa hospital-” napahinto ako sa pagsasalita nang naalalang, sa lahat ng lugar hospital ang pinaka ayaw niyang puntahan.
Pinilig ko ang ulo ko at muli binalik sa kaniya ang atensiyon. Inaalalayan ko ang kaniyang braso patayo at sa puntong ito hindi na siya nagprotesta. Mas lalo pang umiinit ang kaniyang pakiramdam.
“Tutulungan lang kita papunta sa kuwarto mo tapos aalis na ako…” sabi ko.
Nanatili siyang tahimik at hinyaan akong aalalayan siya. The ambiance between us is getting awkward.
Nabalot kami ng katahimikan nang basagin ko ito.
“Kailan ka pa may sakit?”
“Last night…” his voice tone lowered.
“Uminom ka na ba ng gamot?” tanong ko at lumingon sa kaniya.
Umiling lamang ang kaniyang ulo habang diretsong nakatingin sa harapan.
“Bakit?” usisa ko.
Hindi na siya sumagot kaya hindi na rin ako nagtanong. Maingat ko siyang inalalayan paakyat sa hagdanan at ininda ang mabigat niyang brasong nakaakbay sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na akala mo’y lumilipat sa akin.
Makalipas ang ilang minuto nang nakarating kami sa harap ng kaniyang kuwarto ay binuksan ko agad ang pinto. Napasinghap ako nang nakita ang nagkalat na gamit sa loob.
“I’m okay here, y-you can go now…” aniya.
Umawang ang labi ko nang lumingon sa kaniya. Dahan-dahang kumunot ang aking noo dahil bigla siyang lumayo sa akin.
Pasuray siyang naglakad at pabagsak na humiga sa kama.
“Leave now. You can also pack your things in the office,” anito.
Natigilan ako.
May parte sa akin na ayaw umalis at may parte sa akin na natutuwa dahil sa wakas ay wala na akong alalahanin.
I took a deep breath as I stared at him intently. Hindi ko alam kung bakit naging ganito siya. Isang linggo palang ang lumipas pero nakakapanibago.
“Please turn off the aircon and leave…” muli niyang pakiusap.
Napakurap-kurap ako bago inabot ang remote ng aircon na malapit sa kinaroroonan ko at in-off iyon. Sunod na umikot ang paningin ko sa loob ng kanyang kuwarto.
Ang kalat ng sahig. May mga damit na nagkalat at magulo. May mga basag din na bote at kung ano-ano pa. Bumalik ang tingin ko kay Liam.
Lumapit ako sa kaniya at muling sinalat ang kaniyang noo. Naguguluhan ako kung anong gagawin nang tinabig niya muli ang kamay ko.
“Leave, Fiona!” naging malamig ang kaniyang boses at mabilis na sumubsob ang mukha sa unan.
Agad akong lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa kusina. Nagsalubong ang kilay ko nang nakitang iilan na lang ang gamit na nandoon.
Kumuha ako ng maliit na planggana at nilagyan ng tubig pampunas sa kaniya. Iniwan ko muna saglit iyon para tingnan ang puwedeng lutuin pero nagulantang ako nang nakitang walang kahit anong laman na pagkain.
Nagmadali kong sinilip ang freezer ng ref nagbabakasali na may kahit anong frozen meat doon pero wala ring laman.
“A-Anong kinain niya kung ganoon?”
Kumunot lalo ang noo ko at sa hindi malaman na dahilan ay biglang nanikip ang dibdib. Pinilig ko ang ulo at patakbong naglakad pabalik sa kuwarto ni Liam.
Naabutan ko siyang nakahiga ng maayos at mukhang lumalalim na ang paghinga.
I slowly walked toward him. I put the small basin in the side table as I stepped to his cabinet. Kumuha ako ng isang labakara na gagamitin pang punas sa kaniya.
Humugot ako ng hangin bago siya muling nilapitan sa gilid ng kama. Itinuksaw ko ang labakara sa tubig at piniga iyon bago inumpisahan siyang punasan.
“Shit,” he cussed as if she was surprised.
“Pupunasan lang kita ang init mo…” sabi ko nang dumilat siya bigla.
“I’m fine-”
“Puro ka fine ng fine, halata naman na nanghihina ka,” asik ko dahil sa tigas ng ulo niya.
“What do you care about? You shouldn’t care about me anymore,” supladong aniya.
“Aalis din ako kapag tapos ko rito,” sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Dahan-dahang pumipikit ang kaniyang mga mata.
Makalipas ang halos bente minutos tuluyan nang lumalalim ang kaniya paghinga. Medyo humupa na rin ang init ng kaniyang katawan nang napunasan.
Tumayo ako at bahagyang napangiti at napatiitg sa kaniya. Para siyang maamong tupa habang nakahiga at walang malay.
At kahit nakapikit, makaagaw pansin pa rin ang hugis ng kaniyang chinitong mga mata.
I suddenly shook my head when I realized that I was almost praising his physical appearance.
Iniwan ko ang maliit na labakara sa kaniyang noo at akmang lalabas na ng silid nang narinig ang malakas na pagtunog ng kaniyang sikmura.
Napasinghap ako at napaisip.
Kung kagabi pa siya may sakit at wala ring pagkain ang ref, panigurado na hindi pa siya kumakain.
Nailing-iling ang ulo ko nang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa living room upang tumawag sa landline pero putol ang internet niya. Bumalik ako sa kuwarto para gamitin ang cellphone niya.
Inabot ko iyon na nasa gilid ng kaniyang kama nang nakitang lowbat iyon.
Napatampal ako sa sariling noo dahil hindi ko rin hawak ang cellphone ko. Binalingan ko ng ulo si Liam bago ko naisipang lumabas.
“Kung wala lang kaming pinagsamahan, iniwan ko na siya!”
Dumiretso ako grocery store at bumili ng kakailanganin na rekado para sa lulutuin. Binilisan ko lamang ang pamimili ng manok at iba pa kahit na kakabukas lamang ng grocery store.
Pagkatapos mamili ay nag commute lang ako ng taxi pabalik sa penthouse niya. Dumiretso ako sa kusina at inumpisahang magluto ng masabaw na pagkain.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ay nagagawa ko pang magmalasakit sa kaniya. Pinilig ko ang ulo ko nang nakitang kumukulo na ang sabaw. Agad kong sinilip iyon at tinikman.
Napangiti ako dahil hindi ako pumalpak. Considering that he's a chef, kaya alam kong hindi ko maabot ang panlasa niya.
Makalipas nga ang halos isang oras nang matapos akong magluto ng pagkain ay inihanda ko na iyon para iakyat sa kuwarto niya.
Dinalhan ko na rin siya ng gamot para mabilis siyang gumaling.
Pagpasok ng kuwarto ay ganoon pa rin ang kaniyang posisyon at mukhang mahimbing ang tulog sa kabila ng masamang pakiramdam.
Maingat kong nilapag ang tray sa lamesa at nilapitan siya para gisingin at saktong muli na naman nagreklamo ang kaniyang sikmura.
"Liam…" I gently patted his shoulder.
Mahina siyang d*****g kaya muli ko siyang ginising at hindi naman na ako nahirapan dahil dumilat ang kaniyang mga mata.
His eyes were both red and seemed sleepy. "I… I thought you left already."
Napatitig ako sa kaniya.
There’s a strange emotion in his eyes when he met mine. Agad kong pinutol iyon dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Nagluto ako. Kumain ka muna tapos uminom ng gamot," sabi ko.
Dahan-dahan siyang umupo habang nakatitig pa rin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at kinuha ang tray ng pagkain. Nilapag ko iyon sa gilid ng kama at inangat ang bowl ng sabaw.
"Kumain ka muna habang mainit ang sabaw ng tinola…"
Nanginig ang kaniyang kamay at tahimik na tinanggap iyon. Sunod niyang hinawalan ang kubyertos pero mas lalo lang siyang nanginig.
He swallowed and I could see how his adam's apple moved intensely. Mukhang nagpipigil lamang siyang magreak.
I sighed as I got back the bowl.
"Ako na…"
He shook his head. "No, I can do it."
I sighed. "Ako na Liam. Pagkatapos ko rito aalis na rin ako."
Natahimik siya at nilihis patagilid ang ulo.
Lalong tumambol ng malakas ang dibdib ko kaya inumpisahan ko nang subuan siya at hinayaan niya naman akong gawin iyon.
“O-Okay lang ba? Hindi ko kabisado ang gusto mo-”
“It’s fine,” aniya.
Tumango ako at muling sumandok ng sabaw na hinaluan ng kanin. Hinipan ko iyon at muling sinubo sa kaniya.
Binilisan ko ang galaw ko dahil tumatagal na naman ang titig niya. Naiilang ako.
“Ayoko na…” aniya bigla.
“Konti pa lang nakakain mo,” takang sabi ko.
“I’m full and sleepy...”
Napatango na lamang ako. Hindi ko rin napigilan ang madismaya. Siguro hindi niya lang nagustuhan ang luto ko.
Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan niya. Sunod kong pinainom sa kaniya ang gamot. Inabot ko iyon sa kaniya at inalalayan na makainom ng tubig sa baso bago bumalik sa pagkakahiga.
"Aalis ka na ba?" tanong niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin at muling binalik sa ginagawa.
"Pagkatapos ko ligpitin ang kalat sa kusina mo aalis na ako,” tugon ko.
Tumango lamang siya. "Thank you…"
I took a deep breathe when I remember something. “Bakit nga pala wala kang stock ng pagkain? Putol din ang landline mo kaya hindi ako makatawag sa restaurant.”
He smiled weakly. “I threw a small party for a children's charity. Pinaubos ko lang lahat ng pagkain, and about the internet I cut it "
"Bakit?" nagtataka pa rin ako.
Nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin at hindi na ulit nagsalita kaya hindi na rin ako nag-usisa pa.
Lumabas ako ng kuwarto patungo sa kusina at niligpit lahat ng nagamit ko sa pagluluto.
Napatingala ako saglit, napapikit ang mga mata. Nagdadalawang isip kung aalis na ba ako at tatawag na lamang ng puwedeng magbantay sa kaniya.
Napatampal ako sa sariling noo. Kusang humakbang ang mga binti ko na animo’y may mga sariling buhay na naglalakad pabalik sa kinaroroonan ni Liam.
Nanginig ang kamay ko at akmang hahawakan ang nakaumang na pintuan ng kaniyang kuwarto ngunit natigilan ako dahil sa narinig kong boses niya.
“Maybe tomorrow, I’m not feeling well…” si Liam.
I bit my lower lips as I clenched my fist. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit paiba-iba ang nararamdaman ko.
Napalunok ako nang muli siyang magsalita.
“Yeah, I won’t, okay?” anito sa nanghihinang tinig.
Nanatili ako sa labas ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong kakababa niya lang ng kaniyang cellphone na mukhang naka-off lang pala kanina.
He took a deep breath before he covered himself with a thick blanket. Bumaluktot ang kaniyang katawan na animo’y nilalamig.
I waited for how many minutes when I assume that he already fell asleep.
I slowly entered the room as I walked silently. Dumiretso patungo sa kaniya ang mga paa ko at umupo sa kama.
Ramdam kong nanginginig ang kaniyang katawan kaya inayos ko ang makapal na kumot patakip sa kaniya at tanging mukha lamang ang nakikita.
I blinked as I checked his forehead next to his neck. Mainit pa rin iyon pero hindi na gaano dahil siguro ay nakainom na siya ng gamot.
“U-Uuwi na ako. Dadaan na lang ako sa resto para magpa-deliver ng pagkain mo…” bulong ko.
Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya kaya inaasahan kong tulog na siya. Tumayo ako at muling inayos ang kumot niya pero bigla siyang nagmulat at hinawakan ang kamay ko.
“Liam!” napasigaw ako nang masubsob ako sa kaniyang dibdib.
Mas lalo kong naramdaman ang init ng kaniyang katawan. He then hugged me tightly which made me stunned for a moment.
"I'm… I'm sorry for being careless…" he whispered.
“Liam…”
Pinilit kong tanggalin ang kamay niya dahil para akong napapaso nang nagdampi ang balat namin.
Napasinghap ako nang humigpit pa ang kaniyang yakap sa akin.
"Liam…"
"Please forgive me. I was so asshole for letting it happen to us. I'm sorry…" he kept on apologizing.
May magbabago pa ba sa nangyari? Kahit naman baliktarin pa namin ang mundo, hindi maikakaila na nagkasala kaming dalawa.
A drop of tears suddenly fell from my eyes.
"S-Shall we forget about what happened?" I stuttered. “G-Gusto ko na matahimik, Liam…” nabasag ang boses ko at pumikit ang mata..
He took a profound breath as he caressed my hair gently. "Y-Yes… and please be happy. Be happy with him, Fiel…"
My chest was surprisingly tightened by his words. And I was about to utter when he loosened his embrace.
Dumilat ako at umangat ang mata sa kaniya na unti-unting pumipikit. Napatungo ako. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon.
“Be happy with my best friend, Fiel…”
Those were the last words I heard from him before he finally fell asleep. My mouth opened a bit as I slowly looked at him. My chest tightened more as I slowly removed his hands from me.
I should be happy for what he said… pero bakit ngayon hindi ko maramdaman.
RuleTulala ako sa kawalan habang nasa veranda ng aking kuwarto. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba at itim kong buhok. Suminghap ako at hindi mapigilan ang mangilid ang luha sa mga mata. Ilang araw na mula nang mag-usap kami ni Liam tungkol sa nangyari.It was a calm conversation as if we both wanted to get rid of it. We had a small talk about what happened between us, about my resignation, and about his flight after he felt better.He already ended our connection with each other as I asked him to forget everything.I took a deep breath, feeling heavy in my heart. Although we are finally good after our mistakes, my conscience still bothers me.Natatakot ako.Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ken ang lahat. I know anytime soon, kapag kinasal na kami ay malalaman niya rin ang totoo.He indeed respects me while we are together. He's even scared to touch me because he might not control himself.But… in just one night, I lost it. I lost myself, my purest with his best friend
Think“Fiona,” si Ayesha na pumukaw sa aking kaisipan at nagpabalik sa sariling huwisyo ng saglit akong matigilan.Napalingon ako sa kaniya at tipid na ngumiti."I have to go, Yesha. Until next time," I said as I walked fast without glancing in Liam's direction.Lihim akong napakuyom ng kamao dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. At kahit na umiikot ang paningin dahil sa pagkabitin ng inumin ay nagtuloy-tuloy akong maglakad paalis.Maybe they're right. The two causes of alcohol in the body are when you feel dizzy.It might be, bitin o sobra.But in my case nabitin ako dahil hindi naman ako tinatamaan agad ng alak lalo na't konti lang ang nainom ko. It just a wine not a hard drinks. Nang nakalabas ako ng bar ay agad akong napahinto sa harap ng pamilyar na sasakyan. Umawang ang labi ko at napa kurap-kurap ang mga mata ng makilala ang sasakyan.Hindi ako pwedeng magkamali. It was Daddy's car. I still remember when mommy bought it for him. My chest tightened as I saw the two people ju
SurpriseAfter more than three hours of flight, I finally arrived at the province airport. I smiled widely when I suddenly felt excited to see our rest house. I was just 17 years old when I visited there once together with Mommy and Daddy. At simula noon ay hindi ko na nadalaw dahil mas naging busy ako sa pag-aaral. Hindi ko na rin alam kung anong itsura nito ngayon. Pero ang sabi ni Mommy, pinapalinis niya iyon buwan-buwan kay Aling Marites kaya malinis naman daw at puwedeng bakasyunan anong anong araw. Nang nakalabas ng airport ay agad akong pumara ng taxi na nakaparada sa gilid at nagpahatid na sa Casa Valencia. I don't know the history of this place, but according to Mommy. There are lots of resorts here. At magaganda rin ang mga tanawin kaya naisipan niyang dito kumuha ng rest house.Habang nasa loob ng sasakyan ay palinga-linga ako sa paligid na aming nadaraanan.Hindi ko maitago ang saya habang nadaanan namin ang mga luntiang paligid at sumasayaw pa ang mga dahon ng puno da
Guilty“L-Liam, stop…” I mumbled breathlessly when he tried to deepen the kiss between us. I'm trying to push him with all my strength but it’s still not enough. “Fiel, I miss you,” bulong niya.“Please, stop. This is wrong Liam,” I gasped. “And you’re drunk,” komento ko nang maamoy ang kaniyang amoy alak na hininga.“I don’t care if it’s a mistake. I am willing to commit a mistake repeatedly with you,” aniya.Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nakaharang na luha. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naninikip ang dibdib ko at may parte rin na nagagalak.Halo-halo, hindi ko mawari ang totoong pakiramdam. Namalayan ko na lamang na unti-unti niya akong binbuhat at sunod na bumagsak ang katawan sa malambot na kama habang nanatiling nakalapat ang kaniyang labi at mahigpit na nakayakap.“Fiel…”Napasinghap ako. Nagsitayuan ang balahibo sa aking batok nang humagod ang mainit niyang hininga sa aking leeg.Biglang nag-init ang buong sistema ko animo’y binubuhay ang pamilyar na sens
CancelI woke up in the morning feeling something heavy on top of me. Dahan-dahan akong nagmulat at tumambad sa akin ang pamilyar na ulo ang nakapatong sa aking tiyan.Mahina akong tumikhim kaya agad na umayos siya nang pagkakaupo bago lumingon sa gawi ko.“Did I wake you up?”Umiling ako.He chuckled as he nodded.“Anyway, good morning, Fiel,” he greeted cheerfully as if we had done nothing last night.As if it’s just normal to do that.Hindi ko alam kung babati ba ako pabalik o ano. Nang hindi ako sumagot ay tumayo siya kaya napayuko ako.Doon ko lang napansin na nakasuot na ako ng disenteng damit. Napalunok ako at tiningnan ang bagahe kong dala ngunit wala na ito.“I already arrange your clothes in the cabinet,” anito.Napabaling ako sa kaniya, nahihiya.Nakasuot lamang siya ng simpleng sando na maluwang at board shorts at may hawak na ngayong tray.“I cooked our breakfast. The soup is still hot, you should try this, Fiel. This is my newly invented recipe from last week so I decide
Was“What? Wait, where are you?” I could sense his worry. “I’m sorry, Ken. I’m really sorry. I… I made a mistake,” I said more as I silently cried. “What are you talking about? Why so sudden Fiona? Is there any problem? Is your daddy-”“No, Ken. This is my choice. My parents doesn’t know this…” tuluyan nang namalabis ang aking luha.He breathed out heavily but he didn’t say anything.Nabalot kami nang saglit na katahimikan pero maya-maya lang ay binasag niya iyon.“Why?” his voice changed into serious.“I’m sorry, Ken…”“Will you be happy if I set you free?”Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang sasabihin niya.My heart clenched at the same time, happy. “I know you’re not happy with me anymore. And thank you for being honest this time, Fiona,” he said. “Ken?”He sighed. “If you want to be free then I will let you go. But I just don’t want what you did for cheating behind my back, Fiona. I felt insulted.”“Ken…” my mouth opened a bit
Dream Kabanata 12DreamI never thought that in just a blink of an eye, everything about us would change abruptly.Ang akala kong tao na makakasama ko habang buhay ay hindi pala ang taong pinangarap ko noong bata ako.I was mistaken by what I saw. And maybe they’re right. Not all we can see are true because we have feelings. Feelings that would tell the truth more than what we see. Our mouths could say falsehoods, but our eyes and feelings can't lie.Nakadungaw ako sa teresa ng aking kuwarto habang pinapanood ang mga makinang na bituin sa kalangitan.Madilim ang kalangitan ngunit napakagandang tingnan dahil sa maliit na nagniningning na mga bituin.And I felt comfy while watching those stars.It’s already late at night but I still awake. Tumayo ako at tahimik na naglakad pabalik sa kama kung nasaan siya natutulog.Kanina pa ako nakatitig sa kaniya habang minememorya ang kaniyang mukha pero heto na naman ako umuulit.Umangat ang kamay ko upang haplusin ang kaniyang mukha. Marahan iyon
Undecided“Fiona, mahamon nga itong kasintahan mo kung gaano kalakas sa inuman?” bungad ni Mang Tanyo sa akin nang tumawag ito sa mula sa bakuran.“Tay, masiyado pa pong maaga,” pagdadahilan ko. Sumulyap ako kay Liam na naiwan sa sala habang inaayos ang mga dadalhin sa lakad namin.Mahigit isang oras pa lang mula nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan namin. Pero hindi iyon nagtagal at napawi rin.Napabalik tingin ako kay Mang Tanyo nang magsalita itong muli.“Abay mas maganda nga iyon, Ineng. Matira matibay,” panghahamon nito habang nakangisi.I glanced back at Liam who was smiling now. Maybe he heard what Mang Tanyo's said.He has a high tolerance when it comes to alcoholic beverages but the liquor in the province was a bit different from his usual drinks.At alam naman natin na kapag hindi nakasanayan ng tao ang inumin ay tatamaan ito.Napadiretso nang tindig si Liam habang umiiling bakas ang ngiti sa labi. He then slowly walked towards us."Sige ho ba. Walang problema sa akin. Pe
Happy “Baby, come over here,” tawag ko sa kambal habang naglalaro sila ng card games sa living room. “Why mommy?” Vincent asked but he didn’t mind glancing in my direction. They just continued playing. “Can you taste Mommy's dish? I want to hear your comment,” I said while waiting for them to stand up. Sabay silang napalingon sa akin at parehong inilapag ang mga card games na hawak. Magkasabay din silang tumayo at patakbong lumapit sa akin na nasa bungad ng kusina. “What did you cook, Mom?” Vixon asked. Saglit ko pa silang pinakititigan at hindi maikakaila na halos nakuha nila lahat sa ama nila. Lalo na ang mga singkit nitong mga mata. They might twins but there are still some differeces in between them. Mas makapal ang kilay ni Vixon kumpara kay Vincent na panganay. Napapnsin ko rin madalas na mas tahimik ni Vixon lalo na kung nagtatampo ito kapag hindi napagbibigyan ang nais. And on my visioned, he looks more serious in some aspects. Unlike Vincent na halos napaka-jolly na
RingI’m amazed and felt ecstasy while eyeing the sunset. “This place is really amazing. The comforting ambiance won’t change, still refreshing and feeling serene,” I commented while slowly spreading my arms to welcome the cold air slapping my face. Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin hanggang sa maramdaman ko ang mga brasong yumayapos sa aking baywang. I then heard him tenderly laughing. “The first time we went here you were not that happy,” he said.“No, I’m happy,” I pouted. “What I mean is, you are not that genuinely happy. But yeah, I’m glad that you were,” he chortled. Dahan-dahan bumaba ang kamay ko at ipinatong iyon ss kamay niyang nakayakapos sa akin. “Masaya naman ako no’n. Siguro naguguluhan pa ako kasi magulo talaga ang situwasyon natin kung paano tayo nag umpisa.”“Pero ngayon okay na. Everything is now cleared and enlightened. And I’m so proud of you for being a brave woman to face all those struggles. There are things tha
Peace“We didn't grow up with our real mother's side. Iba rin ang kinilala at kinalakihan naming magulang ni Gino. At kagaya mo hindi rin namin lubos maisip na hindi kami tunay na anak dahil hindi naman nagkulang si Mommy Vienna sa pag-aalaga sa amin,” pagsisimula niya sa kuwento.Pareho kaming nakadungaw sa ataol nang namapayapa naming tunay na ama. A-Ama… it was so painful that I didn't have a chance to talk to him even just a second. To hug him, kiss him for the last moment of his life.The only memories I have for him were that he wanted to reach out of my hands yet… It's too late.My chest is in pain right now and my heart shattered into tiny pieces and felt regretful. I felt useless as well.“Pero mas masuwerte pa rin kami kasi ilang taon naming nakasama si Daddy. He may not be the perfect example of father but he was trying his best to fulfill all his outcomings,” pagpapatuloy niya habang patuloy akong nakikinig.Palipat-lipat ang tingin ko sa ataol at kay Krizza. Magkatabi kam
Results“Mommy! Mommy!” halos maghesterikal na ako patakbo papasok sa loob ng hospital. “Nasaan si Mommy?!” hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa labis na pag-aalala.“Fiona, calm down…”“How can I calm down? Si Mommy!”“Pero walang mangyayari kung-”“Hindi mo kasi naiintindihan Liam! Kritikal si Mommy! Kritikal!” napahagulgiol muli ako.“Please, calm down. Naiintindihan kita, iintindihin kita…” he whispered and hugged me.“S-Si Mommy… hindi ko kayang mawala siya…”“Hindi siya mawawala. Palaban si Tita ‘di ba? Nakayanan niya ang sakit niya noon kaya malalampasan niya ito…”I know his words trying to comfort me pero hindi ko magawang kumalma. Gusto kong makita si Mommy. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.Gusto kong sabihin hindi ako galit sa kaniya na pinapatawad ko na siya… pero paano?She’s in the operating room.“Tita will survive, she’s a fighter right? Kakakayanin ‘to ni Tita…”“Bakit lagi na lang ganito ang nangyayari? Nalaman ko nga ang totoo pero nangyari naman ‘to…”Napat
RevelationHabang nakatanaw sa harapan sa dalawang taong kinakasal, all my attention is on Krizza. Since the day I met her, hindi na ako nilubayan ng ganitong pakiramdam.Yes, hindi lang kami magkahawig dahil magkamukhang-magkamukha kami kahit hindi namin kilala at isa’t-isa.Kung walang kulay ang buhok ko, mapagkakamalan talaga na iisa lang kami. My heartfelt heavy yet happy. I don’t know what’s on me but it feels like I found something missing in the half part of my existence.My eyes travelled to his brother, Gino. He looks like a hard man in physical appearance and he has a tan skin. Hindi ko maisip na kambal siya ni Krizza dahil sa kulay ng balat palang ay magkaiba na.“You okay?” puna ni Liam.Nang lingunin ko siya ay doon ko lang namalayan na halos dumiin na ang pagkakahawak ko sa kaniya.“W-What do you think about me and Krizza?” tanong ko sa kaniya.His brows furrowed.“Well, you guys maybe really look alike but still different,” he chuckled. “Mas maganda ka pa rin sa mga mat
Someone“Ah!”“Ma'am, isa pa po, malapit na.”“Oh, God! Please don't make it hard for her!” I could hear Liam's voice outside the room seem hysterical. “D-Don't hurt her…”Tagaktak ang pawis sa noo ko, hirap-hirap na ako. I am almost losing my breath but I have to do it.Napahawak ako nang mahigpit sa matress ng kama at buong lakas na umere kahit na parang hinugot na lahat ng lakas ko.“Ahhh!” buong lakas kong sigaw.At sa muling pag-ere ko ay kasabay nito ang malakas na iyak ng bata. Nanghihina ko iyong sinulyapan at parang napawi ang sakit nang nakita ang paslit.I was about to touch the baby when I heard a female voice.“Mrs. may isa pa,” anito.Muli akong humugot ng lakas at muling ynere ng malakas sa abot ng aking makakaya hanggang sa muli kong marinig ang iyak nito.Bumagsak ang luha sa mga mata ko nang narinig at nakikita ang nagsasabay nilang pag-iyak.Malakas na bumukas ang pinto.“What happened now— oh..” Liam's reaction is priceless when I glance at him.The nurses put my b
Mood“Mom, you can stay with us. Wala namang problema kay Liam. Kailangan pa kitang obserbahan,” pangungulit ko.“Fiona, you already took care of me and I appreciate it so much. Despite what I have done, you never left me. And I am already happy with it.”I stared at her intently. “Mommy…”“I’ll stay here in New York. If you want to go back to the Philippines there’s no problem with me. Basta kumustahin n’yo pa rin ako ah?”“Puwede ka naman sumama sa amin, Mom. Mas maganda ‘yon para mabantayan kita,” pangungumbinsi ko ngunit patuloy ang pagtanggi niya sa amin.“Buhay n’yong mag-asawa iyan, Fiona. Labas na ako sa buhay ninyo. Pero kung kailangan n’yo ako, anytime puwede ninyo akong tawagan,” buong loob na sinabi niya.“Tita, you can come with us. Isn’t that good if you’ll be with your daughter?” Liam's voice tried to convince my mother. “She’s pregnant and needs her mother’s assistance.”“You can do it, Liam. Alam kong hindi mo papabayaan ang anak ko.”“Mommy…”Mahina siyang tumawa at
FreeMy stomach is prickling right now so I immediately stood up. I felt irritated without reason. Ngunit nang nakita siyang nakahiga, hubad ang katawan at tanging boxer brief ang suot ay napangisi ako.Ang sarap ng tulog niya pero gusto ko siyang makitang gising. Mulat ang mata at nakatingin sa akin.Araw-araw kong nararamdaman iyon sa mga nakalipas na linggo. Ang bilis ng panahon ang halos 12 weeks na akong buntis pero kahit ganoon ay hindi pa rin maumbok ang tiyan ko.Kapag dumadalaw ako kay Mommy, either naka loosen dress ako o maluwag na tee shirt ang suot ko dahil iyon ang gusto ni Liam at mukhang hindi naman napapansin ni mommy.Madalas ko siyang panggigilan kaya parang nangangayayat siya dahil sa ginagawa ko.“Liam, Liam, wake up…” yugyog ko.“Baby, it’s too early, I’m still sleepy,” he hoarsely whispered.“Nagugutom ako Liam…”“May pagkain sa ref. Wait just a minute…”Imbis na makaramdam ng inis ay mas lalo akong nakaramdaman ng tuwa. The way his face struggled to open his ey
PerfectFlowers, chocolates, stuffed toys, and a lot of things I always received every time I go home from school. But those kinds of stuff have no name. But some of them are coming from Trevious. Maybe the reason why I started liking him it’s because he knows what I like.And seems like I started falling in love with whoever sent me this all.“Fiona, you have another gift from Trevious. Look baby, kit’s cute,” ani Mommy kaya nilapitan ko siya diretsong tiningnan ang inabot niyang stuffed toy.I saw the small note written there with Trevious name. Pero arang mandalas kong mapansin na sticky notes lang iyon at parang minsan ko nang nakita iyon sa kuwarto ni Mommy.Nangunot ang noo ko at nilingon siya.“Why does he always give me these? He just often shows up,” takang tanong ko.“He’s busy Fiona. He is already handling their business. But can’t you appreciate it? He always remembers you…”Ang daming naglalarong katanungan sa isip ko pero hindi ko na inusisa pa. I’m still grateful about