(TFD) Chapter 27"Bakit tumawag? Ano ang sinabi ni Ate, Kuya?"Pinipigilan ko mapatingin kay Silas. Napapangiti kasi siya kapag nagtatama ang tingin namin. Baka makahalata si Neth."Lilinisin 'yung likod ng bahay. Nagpaalam lang na aalisin muna ang mga gamit ko.""Kailan ka ba babalik doon? Umalis na si Ate Elle kasi magtatrabaho. Nabanggit niya ba sa 'yo?""Yup." Tumango si Silas at napangiti nang magtama ang tingin namin.Sumubo ako ng pagkain at iniwas ang tingin. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Mabuti na lang din at mukhang wala naman pakialam sa paligid si Gineth."Kuya, sasama ako sa bahay nila Raff. Hindi kami natuloy sa kanila kaya ngayon siya nagyaya," nakalabi si Neth at nagmamakaawa ang mukha."Okay," sabay abot sa ulam ni Silas.Napanganga si Neth. Parang hindi makapaniwala sa mabilis na pagpayag ng kuya niya."Mag-iinom kami, Kuya?""Just don't drink too much," walang tingin na sagot niya sa kapatid.Lalong nagulat si Gineth at pinanlalakihan ako ng mga mata. Gulat na g
(TFD) Chapter 28"Napipilitan ka lang ba? Dapat hindi na tayo tumuloy!" Kunwari na reklamo ko pero ang totoo gusto kong matawa sa pagsusungit niya."You are saying that because you know we are already here!" Iritado na bawi niya.Natanaw ko na kasi ang parking lot nang sabihin ko iyon. Na ang ibig sabihin lang ay nasa shooting range na kami. Kung kanina ko pa sinabi baka talagang ibalik niya. Pero dahil nandito na, wala na siyang magagawa.Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng tatlong motor at dalawang sasakyan. Pagkababa namin, nakaabang kaagad ang nag-aalala na tingin niya."Don't babysit me, Silas! Nakakahiya sa mga kaibigan mo!""I don't think this is a good idea.""But we're already here!""We can go back home anytime-"Naputol ang sinasabi niya pagkalabas ni Nilo at makita ako. Sa akin siya unang napatingin kaya napangiti ako. Nakatalikod sa kanya si Silas. Sa akin nakaharap si Silas kaya nagtataka niya akong pinangunutan ng noo bago nilingon sa likod si Nilo na nginitian ko."
(TFD) Chapter 29Dumating ang mga kaibigan niya pagkatapos kong matamaan ang pinaka-gitna sa target. Maging si Nilo naroon na rin. Hindi ito nag-e-ensayo pero pinapanuod niya kami ni Silas. Mas matiim ang titig niya ngayon kaysa kanina bago sila umalis. Tinuruan pa ako ni Silas sandali. Mula nang turuan niya ako hanggang sa makauwi, hindi sumakit ang ulo ko."Sinasadya mo ba na paalisin si Neth?" Tanong ko pagkatanto na madalas wala si Neth kaya mas madalas din kaming nakakapag-solong dalawa.He narrowed his eyes playfully. Nasa hardin kami. Nakaupo ako sa stone bench na katabi ng fountain at nagbabasa. Siya naman nakahiga at nakaunan sa hita ko. Ginugulo niya ako at hinahawi ang libro na binabasa ko sa tuwing natatakpan ko ang mukha niya at hindi niya ako makita.We often stayed outside. Sa hardin o sa mga kainan sa labas. Gusto niyang napapag-isa kami at pinapaalis si Neth kapag wala kaming pasok pero hindi niya gustong nasa loob lang kami ng bahay. Delikado raw dahil kung mauulit p
(TFD) Chapter 30"Something's bothering you?"Inilipat ko ang tingin sa kanya mula sa pagkakatulala sa bintana ng sasakyan. Pinag-aaralan niya ang katahimikan ko nang panandaliang matigil ang sasakyan dahil sa nag-u turn na isang sasakyan."Silas...""Hmm?"He glanced at me and reached for my hand to play with my fingers. I opened my mouth. He glanced at me again. Palipat-lipat sa kalsada at sa akin ang tingin niya."Are we...incest?" I asked hesitatedly.Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Binitiwan niya ang kamay ko at tahimik na pinaandar ulit ang sasakyan."Why are you suddenly asking me that?"Pinagmasdan ko ang hawak niya sa manibela. Mahinahon ang boses niya pero ang kamay niya na nagmamaneho'y naglalabasan ang ugat dahil sa mariin na pagkakahawak. Hindi ko na lang inulit ang tanong at hindi na nang-usisa. Kahit hindi naman niya ako sagutin alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong. Pagkauwi sa bahay, nalibang ako dahil may mga pagkain na niluto si Silas."Saan ka
(TFD) Chapter 31Pagkalabas niya'y sinilip ko ang pinto at gate. Walang nasira pero ang gate, nakabukas dahil binangga niya. Nakatanaw ako sa bintana at inantabayanan ang kanyang pag-uwi. Ngunit nakatulog na lang ako na hindi siya dumating. Dalawang magkasunod na araw ganoon. Hindi ko alam kung saan siya natulog dahil hindi ko siya nakita kinagabihan.Hindi ko alam kung late lang siyang umuuwi o hindi talaga siya dito natutulog. Sa gabi kasi kapag oras na ng tulog, wala siya. Kapag ganitong oras naman na maliwanag pa, narito siya. Hindi ko rin naman naririnig na umaalis ang sasakyan niya't wala ding ingay sa kwarto niya. Kaya hindi ko alam kung saan siya nagpupunta.Pabalik balik ang silip ko sa bintana, tinitingnan kung ano na ba ang ginagawa nila. Galit siya at malamig. Kahit sa hapagkainan hindi niya ako sinusulyapan. Magkaharap kami pero nagagawan niya ng paraan para maiwasan ako.Nagsisi na ako na nagpadala ako sa mga narinig ko. I want so bad to talk to him but I couldn't get th
(TFD) Chapter 32Mahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan at sobrang bilis ng patakbo. Napapapikit ako at napapadasal na lang na sana hindi kami maaksidente sa kabila ng mabilis niyang pagmamaneho.The veins on his arms protuded because of his tight grip on the steering wheel. He's fuming mad right now and I think I know why. Hindi ko alam na naroon siya at nanuod sa play. Hindi ko rin alam na hahalikan ako ni Calix. I didn't plan to let him kiss me, but I did. I let him and I kissed him back. Not just a peck, but a torrid kiss."Damn it!"Napatalon ako sa upuan sa sabay na sigaw niya at paghampas sa manibela. Namumula siya sa galit pero hindi ako sinisigawan. Nagmumura lang siya at panay ang hampas sa manibela.Hinagis niya ang isang balot ng wipes sa akin. Tinitigan niya ako ng masama kaya kumuha na ako ng wipes at pinunasan ng mariin ang labi ko. Pati ang manipis na lipstick na suot ko natanggal na.Itinigil niya ang sasakyan hindi pa man iyon naipaparada ng maayos. Padabog
(TFD) Chapter 33"You want some?" He asked me in his playful tone. Inaasar ako.I glanced into the kitchen and then shook my head. Pinigilan kong mapalunok nang maamoy ang pamilyar na aroma ng manok. Gutom ako pero hindi ako kakain. Naiinis ako sa kanya."I'm fine. I'm not hungry," I rolled my eyes mentally as I heard his sarcastic laugh."Okay." Ngumisi siya. "Sabi mo, e."Tuluyan akong napairap nang makita na natatawa siya. Parang hindi niya ako inalok kung makakain siya habang magkasama kami na nanunuod sa sala. Iginilid ko ang mata ko at sinubukan silipin ang ginagawa niya. Magana niyang ini-enjoy ang pagkain. Nadaragdagan ang gutom ko sa tuwing naririnig at nakikita kung gaano kalutong at ka-juicy ang kinakain niya na manok. Napapalunok ako pero hindi pa rin ako nanghingi sa kanya. Paninindigan ko na hindi ako gutom.Dumating si Penny kanina kasama ang kuya nito na kaibigan ni Silas. Si Penny naman ang lumalapit at hindi naman katulad noon na nagyayakapan sila. Kaya lang, pumapai
(TFD) Chapter 34He went back to the bathroom just like as he said before he left. After an hour, we both went down to the living room. Pareho pa kami na basa ang buhok kaya nag-alinlangan akong samahan si Neth sa sala kung hindi lumabas si Silas.He plans to stop smoking. He promised that he would only smoke once a week this month and next month he would really quit. Kaya nasa labas siya ngayon pagkatapos magpaalam na maninigarilyo siya. Mula nang may mangyari sa amin ngayon lang ulit siya nanigarilyo kaya hinayaan ko siya."Isasama ka ni Kuya?""Saan?""Pinapapunta yata siya sa rest house kaya tumawag si Ate Laura kanina."I looked at the main door. Natatanaw ko mula sa rito si Silas. Nakasandal siya sa madalas niyang pwesto habang naninigarilyo at mayroon katawagan. Nagsasalita siya habang nilalakad ang tingin sa loob ng bahay. Tinaasan niya ako ng kilay nang magkatinginan kaming dalawa. I just smiled at him and shook my head."I think he's leaving alone. Matagal pa ang bakasyon ka
"I'm flying! We're flying!"Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro."Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya."Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila."What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me."A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa
Silvanus POV 04"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinip
Silvanus POV 03Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya."Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan."What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table. Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana
Silvanus POV 02She's almost thirteen and I was seventeen when we were kidnapped.Akala ko malakas na ako para maprotektahan siya. Ngunit wala akong binatbat sa mga dumukot sa amin. They are many and bigger than me. They have guns, I don't have. They are trained, I'm not.I tried to protect her with just my fists. I shouted at her to run. When I saw that she had escaped, I was relieved. Napanatag ako nang makalayo na siya. Kahit pa may posibilidad na sa kalsada mismo ay patayin nila ako dahil sa paglaban na ginawa ko sa kanila. Hindi ko iyon ininda. Hindi na iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang kaligtasan ko, ang kanya na lang."Bakit hindi na lang natin patayin ito! Hindi naman ito ang kailangan natin!"Huling sigaw at tadyak bago ako tinutukan ng baril. Nakapikit na ang isang mata ko at alam ko na ilang suntok na lang ay bibigay na ang katawan ko."Mas malaki ang makukuha natin kung kasama iyan! Bugbugin niyo na lang at huwag niyo munang papatayin!"Nakita ko siya na naka
Silvanus POV 01"Who is she?"I was fourteen years old when I first saw her. Nakikipaglaro siya sa ibang mga bata na kamag anak namin. Kauuwi lang namin galing sa Manila at naimbitahan kami ni Uncle na dumalo sa salo-salo sa mansion nila."Agatha's daughter," sagot ni Lolo na katabi ko sa pabilog na lamesa."Ate Agatha? I thought their daughter died with them in States?" Nagtataka na tanong ko.Namatay si Ate Agatha na pinsan ko at ang asawa niya sa ibang bansa. Naging sikreto iyon sa karamihan dahil alam ni Uncle na mayroon nagpapatay sa anak niya. Patago ang pag-i-imbestiga at paghahanap sa tao na may gawa."Nakaligtas ang anak nila. Pagkatapos ng isang taon. Dumating ang yaya ni Agatha na si Lupe at mayroon bitbit na bata.""What? After a year? Are you sure she's Ate Agatha's daughter?""Si Lupe ang may dala at hindi kung sino sino lang," sabi niya at para bang sapat na iyon na dahilan.I shrugged my shoulders. Lolo has a point. Matagal nang taga-silbi si Manang Lupe ng mga Alvarez
(TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi
(TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag
(TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c
(TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako