(TFD) Chapter 23"He's manipulating your life, Athena."Inungol ko ang pagtatanong sa sinabi niya. Kalahati ng isip ko'y nasa nagsasalita at ang kalahati ay hinahatak na ng kadiliman para magpahinga."I like you first..."Mainit na palad ang naramdaman ko na humahaplos sa aking pisngi at ibabang labi."If not just because of him... You might be my girlfriend now..."Someone was whispering near my ear. I felt a gentle kiss on the side of my lips. Then the kiss went to the tip of my nose. I knotted my forehead and muttured a moan in protest when I felt his small kisses ran on my cheek and back to the side of my lips. Mararahang halik at iniiwasan na mahalikan ang labi ko."Athena..."Someone whispered my name then I heard a knock on my dream."Is she asleep, Calix?"Naramdaman ko ang pagtayo ng kung sino at pagbukas ng pinto."Yes, Sir. I just helped her get comfortable.""Hayaan mo na muna siyang magpahinga riyan. Gigisingin ko na lang siya mamaya kapag pauwi na."Sumarado ang pinto. N
(TFD) Chapter 24Hindi ako mapakali sa kwarto. Lalo na nang marinig ko na natahimik sila sa ibaba. Pabalik balik ang lakad ko sa tapat ng study table. Uupo ako para manuod sa laptop pero nasa malayong parte naman ang isip ko. Kaya itinigil ko na lang ang panunuod.I don't know but I was really feel irritated and uncomfortable thinking that Penny was downstairs with Silas. There's a pinch in my heart while thinking of them being together."Athena! Merienda?" Nagdilang anghel si Neth nang marinig ko siyang kumatok at pababain ako para sa meryenda. Mabuti at nagkaroon ako ng dahilan na bumaba at makita kung ano ang ginagawa ng dalawa."Nagluto ako ng sopas."Sabay na kami sa hagdan na bumaba. Mayroon siyang sinasabi sa akin tungkol sa mga kaibigan niya pero ang tingin ko ay nasa dalawang naglalampungan sa sala. Sinusubuan pa ni Penny si Silas na nakangisi naman at nagpapasubo rin. Pumait ang pakiramdam ko. Gusto kong mapairap sa isip ko dahil sa eksena nila na naabutan ko."Wala si Ate
(TFD) Chapter 25"Hindi ka iinom?""Ayaw ng kuya mo. Mapapagalitan ako," sabi ko pagkatanggi sa basong may alak na inaalok niya.Nagsisimula na silang magluto ng pagkain na hinain ni Neth. Naka-ilang palit na rin sila ng butane gas. Napapanuod ko ito sa mga palabas kaya familiar sa akin pero hindi ko pa nasubukan kumain nito sa mansion dahil hindi naman namin nakasanayan ni Grandpa. Ang mas madalas na pagkain doon ay mga lutong ulam ni Manang Lupe."Ganito!"Napapangiti ako sa ginagawa ni Calix. Ikinuha niya ako ng luto na karne at ibinalot iyon sa dahon kasama ng ilan sa mga side dish katulad ng sa mga napapanuod ko. I don't mind eating these kind of foods but I mind it if he is beside me and preparing a bite for me while all their eyes are on us. Nakakahiya."Ako na," natawa ako at pilit inaagaw ang pagkain na gusto niyang isubo sa akin."No. Let me. Just open your mouth."Nagkakatawanan na dahil sa pagpipilit niya kaya ibinuka ko na lang ang bibig para matapos na sa pang-aasar ang
(TFD) Chapter 26"We were rehearsing, Silas! Why do you have to go there and make a scene? You even threatened Calix and Sir Ortiz!"Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagpaalam ako kay Sir para kausapin si Silas. Ipinatigil na rin niya ang rehearsal sa araw na ito kaya naman pinayagan na rin akong umuwi. Maaga naman daw kami na dumating lahat kaya ayos lang kung maaga rin kaming makakauwi lahat. Pero ang totoo, alam ko na dahil iyon kay Silas. Ako lang naman din kasi ang lumabas at lahat sila'y naiwan pa sa stage."Rehearsing?! Rehearsing what?! Rehearsing how to kiss?!"Sinasabi niya iyon habang hinahabol niya ako dahil padabog akong bumaba ng sasakyan niya pagkarating na pagkarating ng sasakyan sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Neth pero wala siya sa sala kaya diretso ang takbo ko paakyat sa third floor."Athena! Kinakausap kita!"He harshly pulled me by my arm before I get to touch my door knob, he's red and raging as he pinned my arm against the wall beside my bedroom door. Nas
(TFD) Chapter 27"Bakit tumawag? Ano ang sinabi ni Ate, Kuya?"Pinipigilan ko mapatingin kay Silas. Napapangiti kasi siya kapag nagtatama ang tingin namin. Baka makahalata si Neth."Lilinisin 'yung likod ng bahay. Nagpaalam lang na aalisin muna ang mga gamit ko.""Kailan ka ba babalik doon? Umalis na si Ate Elle kasi magtatrabaho. Nabanggit niya ba sa 'yo?""Yup." Tumango si Silas at napangiti nang magtama ang tingin namin.Sumubo ako ng pagkain at iniwas ang tingin. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Mabuti na lang din at mukhang wala naman pakialam sa paligid si Gineth."Kuya, sasama ako sa bahay nila Raff. Hindi kami natuloy sa kanila kaya ngayon siya nagyaya," nakalabi si Neth at nagmamakaawa ang mukha."Okay," sabay abot sa ulam ni Silas.Napanganga si Neth. Parang hindi makapaniwala sa mabilis na pagpayag ng kuya niya."Mag-iinom kami, Kuya?""Just don't drink too much," walang tingin na sagot niya sa kapatid.Lalong nagulat si Gineth at pinanlalakihan ako ng mga mata. Gulat na g
(TFD) Chapter 28"Napipilitan ka lang ba? Dapat hindi na tayo tumuloy!" Kunwari na reklamo ko pero ang totoo gusto kong matawa sa pagsusungit niya."You are saying that because you know we are already here!" Iritado na bawi niya.Natanaw ko na kasi ang parking lot nang sabihin ko iyon. Na ang ibig sabihin lang ay nasa shooting range na kami. Kung kanina ko pa sinabi baka talagang ibalik niya. Pero dahil nandito na, wala na siyang magagawa.Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng tatlong motor at dalawang sasakyan. Pagkababa namin, nakaabang kaagad ang nag-aalala na tingin niya."Don't babysit me, Silas! Nakakahiya sa mga kaibigan mo!""I don't think this is a good idea.""But we're already here!""We can go back home anytime-"Naputol ang sinasabi niya pagkalabas ni Nilo at makita ako. Sa akin siya unang napatingin kaya napangiti ako. Nakatalikod sa kanya si Silas. Sa akin nakaharap si Silas kaya nagtataka niya akong pinangunutan ng noo bago nilingon sa likod si Nilo na nginitian ko."
(TFD) Chapter 29Dumating ang mga kaibigan niya pagkatapos kong matamaan ang pinaka-gitna sa target. Maging si Nilo naroon na rin. Hindi ito nag-e-ensayo pero pinapanuod niya kami ni Silas. Mas matiim ang titig niya ngayon kaysa kanina bago sila umalis. Tinuruan pa ako ni Silas sandali. Mula nang turuan niya ako hanggang sa makauwi, hindi sumakit ang ulo ko."Sinasadya mo ba na paalisin si Neth?" Tanong ko pagkatanto na madalas wala si Neth kaya mas madalas din kaming nakakapag-solong dalawa.He narrowed his eyes playfully. Nasa hardin kami. Nakaupo ako sa stone bench na katabi ng fountain at nagbabasa. Siya naman nakahiga at nakaunan sa hita ko. Ginugulo niya ako at hinahawi ang libro na binabasa ko sa tuwing natatakpan ko ang mukha niya at hindi niya ako makita.We often stayed outside. Sa hardin o sa mga kainan sa labas. Gusto niyang napapag-isa kami at pinapaalis si Neth kapag wala kaming pasok pero hindi niya gustong nasa loob lang kami ng bahay. Delikado raw dahil kung mauulit p
(TFD) Chapter 30"Something's bothering you?"Inilipat ko ang tingin sa kanya mula sa pagkakatulala sa bintana ng sasakyan. Pinag-aaralan niya ang katahimikan ko nang panandaliang matigil ang sasakyan dahil sa nag-u turn na isang sasakyan."Silas...""Hmm?"He glanced at me and reached for my hand to play with my fingers. I opened my mouth. He glanced at me again. Palipat-lipat sa kalsada at sa akin ang tingin niya."Are we...incest?" I asked hesitatedly.Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Binitiwan niya ang kamay ko at tahimik na pinaandar ulit ang sasakyan."Why are you suddenly asking me that?"Pinagmasdan ko ang hawak niya sa manibela. Mahinahon ang boses niya pero ang kamay niya na nagmamaneho'y naglalabasan ang ugat dahil sa mariin na pagkakahawak. Hindi ko na lang inulit ang tanong at hindi na nang-usisa. Kahit hindi naman niya ako sagutin alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong. Pagkauwi sa bahay, nalibang ako dahil may mga pagkain na niluto si Silas."Saan ka