"Irish, alam mo bang ayaw kong mawala ka rin sa akin? Mahalaga ka na sa akin kaya hindi ko alam kung paano kita mapanatili sa buhay ko. Kung ayaw mong maging kaibigan ako, sa paanong paraan pa kita mapapanatili sa buhay ko? Sa ngayon, iyon lang ang kaya kong maibigay dahil nga nandiyan na si Janna. Marami tayong mga bagay na dapat isaalang-ala."Huminga nang malalim si Irish. Nagsalita siya ngunit hindi na niya binuksan pa ang mga mata. "Alam mo ba kung bakit ayaw kong maging magkaibigan tayo? Kasi paano naman ako makakamove-on kung lagi kitang nakikita at nakakasama bilang bodyguard o kaibigan ko. Mas gugustuhin ko pang tuluyan ka munang mawala hanggang sa makalimutan ko yung nararamdaman ko sa'yo kaysa yung kaibigan kita at araw-araw ko namang sinasaktan ang sarili ko dahil hindi ka magiging akin.""Paano kung kahit magkaibigan tayo at may ganu'n pa rin. Papayag ka ba?" desperadong tanong. Huli na nang gusto niyang bawiin."Anong ganun pa rin?"Kailangan ba niyang subukan ang idea n
"Anong kondisyon, Ma’am?""Stop addressing me, Ma’am. Gusto ko kasing mapanatili natin yung pagiging bestfriend natin sa probinsiya. Yung ikaw at ako na di kumikilala sa pagkasino. Walang gap, walang estado sa lipunan. Iyon ay kung tayo lang at walang nakaharap sa atin na dignitaries. Well, hindi iyon para sa akin kundi para na din sa part mo. Baka kasi mapagsabihan ka ng commanding officer mo kung marinig nilang tinatawag mo lang ako by my first name. Okey lang ba sa'yo 'yun?""Ok lang ho ba?“Oo nga.”“Sige, kung okey lang sa inyo. Salamat ha!" itinaas niya ang kaniyang palad para makipagkamay."Great!" Hindi tinanggap ni Irish ang palad ni Christian ngunit niyakap niya ang bestfriend ng mahigpit na mahigpit."Thank you for saving my life! Thanks for always being there lalo na nang mga sandaling pakiramdam ko hindi ko na kaya." Mahina ang pagkakasabi no'n pero madamdamin. "I want you to report the soonest kaya sasabihin ko kaagad kay Dad ito, okey?"Pagkatapos niyang tinapik ang bal
"Pakipunasan nga ang likod ko?"Huminga ng malalim si Daniel. Lumapit at kinuha niya ang bimpo sa kamay ng President’s Princess. Sandaling nagkatitigan sila sa salamin."What?" tumaas ang kilay ni Irish."Anong what?""Bakit ganyan ka makatingin?""Wala lang, naisip ko lang kung babalik ka na sa dating ikaw?""Nakilala mo na yung tunay na ako, Daniel, ang nakikita mong ako ngayon at yung noon bago tayo pumunta sa probinsiya, iyon yung pinili kong maging ako para mas kayanin yung mga dumadating na sakit, na pagkabigo.""Why?"Lumunok si Irish.Huminga ng malalim."Para tapatan ang mga kagaya mo!""Ipagpapalit mo na ba ako kay Kurt?""Bakit ko kailangang palitan ang di naman talaga naging akin? Wala akong papalitan Daniel. Pinatutunayan ko lang sa'yo na ang basura sa paningin mo, ginto sa iba. Nasa malambot ka nang kama, pinili mo pa ring humiga sa sahig."Huminto ang pagpupunas niya sa likod ni Irish. Humawak siya sa magkabilang baywang saka siya ito tinignan sa malaking salamin."May
Nang maihatid nila si Irish sa Malakanyang ay kitang-kita ni Daniel ang mabilis at patagong paghalik ni Kurt sa labi ni Irish. Noon ay hindi na siya nakadiskarte para pigilan pa iyon. May kung ano siyang naramdaman inis. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matigil na ang lahat ng ito. Ngunit paano? Mukhang nahihirapan na siyang mapaamo pa si Irish. Bumabalik na ito sa dating mataas nitong estado.Pagpasok ni Irish sa Malakanyang ay ang Mommy lang niya ang noon ay masayang sumalubong sa kaniya. Niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. Noon lang niya naramdaman ang saya na makitang muli ang Mommy niya. Parang ang lahat ng pinagdaanan niyang pangungulila sa baryo ay tuluyang napawi sa pagkasabik na ipinakita ng isang ina sa katulad niyang nawalay ng isang buwan. Katulad ng kaniyang inaasahan wala na naman ang Daddy niya to welcome her. Nasa labas ng bansa ang Daddy niya para sa Asean Summit at mamayang madaling araw pa o bukas ng umaga pa
Huminga ng malalim si Daniel. Kung magiging Bodyguard siya ni Irish, mas mababantayan niya ito. Magagawan niya pa ng paraan na ilayo ito kay Kurt."Okey lang sir. Sa ngayon, kailangan pa ng bagong PSG ni Ma’am Irish ang training."Lihim na natuwa si Irish. Hindi pa siya tapos kay Daniel. Nakakakita pa kasi siya ng pag-asa at habang naroon pa ang pag-asang iyon, gusto pa niyang ilaban ang kaniyang nararamdaman. Si Daniel din naman ay urong sulong pa. Naiintindihan naman niya ito kung nalilito pa. Hangga't hindi pa naman siya kasal kay Janna, may pag-asa pang sila ang magkakatuluyan at kung bibitaw siya ngayon, ibig sabihin ay isinusuko na niya ang kaniyang pagmamahal. Alam niya kung kailan sumuko at kung kailan niya ilalaban ang huling baraha. Sa ngayon, kainitan pa ng laban. Di pa siya handang maglet-go."Ano, Dad? Okey na ba?""Yes but in one condition.""I knew it, kapag nanghingi ako, laging may kapalit. What is that condition, Dad?""Stay here with us and cancel your plan to stay
"Dave, i think it's time for us to...""It's time for us to break-up!" Malinaw ang sinabing iyon ni Irish.Nanlaki ang mga mata ni Dave.Ngunit hindi na narinig ni Daniel pa iyon, hinila niya kasi agad si Daniel mula sa pagkakaupo nito kaya nagulat din si Irish sa mabilis na ginawang iyon ni Daniel. Iniharang ni Daniel ang katawan niya kay Irish."Anong ginagawa mo!" bulong ni Irish."May nakita akong pulang laser na tumama sa mismong dibdib mo. Kailangan na nating umalis dahil baka may nagtatangka sa buhay mo dito Ma’am!" tuloy ang pagdadrama niya. Ang mahalaga noon ay hindi matuloy si Irish sa pagproprose kay Dave."Laser? Nasaan?" Hindi magawang matakot ni Irish sa sinabing iyon ni Daniel. Halata kasi talaga sa mukha nito ang pagsisinungaling.Napakamot si Daniel."Basta. Nakita ko kanina!"Tumayo si Dave na namumula ang mukha sa galit. Hinawakan nito ang basong may lamang juice. Tumitig siya sa noon nakatayong si Irish sa likod ni Daniel. Walang balak si Daniel na iharap pa si Iri
"Tama, oh ano ngayon? Gusto mong solohin siya? Baka mas bagay sa'yong maging single. Konting-konti na lang di ko na natitiis pa ang lahat ng ito!""Ibig sabihin nakabuntot ang mga 'yan kahit saan tayo pupunta."Kaya nga bodyguard e! Tanga!""May problema ba sa kanila. Puwede ko naman silang palayuin sila sa atin kung naiilang ka.""Then, please! Utang na loob. Parang lahat ng sinasabi ko may nakikinig lalo na 'yang isang 'yan oh! Ang sama ng tingin eh!.""Huwag kang pumayag, Irish! Huwag mo akong paalisin dito! Bakit ba pinag-iinitan ako ng espasol na 'to e, nanahimik na nga kaming nakatayo.""Daniel, Christian, pwede bang lumayo muna kayo? Okey na kami dito." nakangiting pakiusap ni Irish sa kanila."Sigurado ka, Ma’am?" nagdadalawang isip na tanong ni Daniel."Oo, naman. Sigurado ako."Mabigat man sa loob ni Daniel ay lumayo sila ni Christian. Mula sa di kalayuan, kahit di na niya naririnig ang usapan ng dalawa ay parang may kung anong kurot sa dibdib niya na makitang masaya na sa i
"See, wala ka na naman sa sarili mo. Irish, anong nangyayari? Just please be honest, do you still love me?"Mabilis siyang tumango. "Yes! I still do, Bob.""Show it! Kasi hindi ko na maramdaman yun sa'yo ngayon.""Well, let me prove it to you. Bukas, out of town tayo. Let's go to the beach in Batangas?""I like that, but wait, don't tell me na kasama pa rin sila?" inginuso niya sina Christian at Daniel."Oo naman.""Damn it!" Huminga nang malalim si Kurt. Uminom ng tubig."Sa beach lang naman, we still have our privacy in our hotel room.""Hindi ba talaga puwedeng tayo lang?""Di ako papayagan ni Daddy na umalis na wala ang mga 'yan.""Talaga? Bakit noon pwede naman ah. Nakakatakas ka pa nga. Pero ngayon, napakarami nang arte. I don't intend to be inquisitive. Perhaps, more on curiosity, kailangan ba talaga dalawang guwapo ang bodyguard mo? Hindi ka ba nagkagusto man lang sa dalawang 'yan?""Come on Bob! Don't be ridiculous!" palusot niya dahil sa totoo lang kinabahan siya sa tanong n
CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at
CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h
CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni
Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy
"Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig