“Sa bawat panunungkulan ay hindi maiiwasan ang mga problema. May mga nilalang ka na makakasalamuha na aakalain mo ay kakampi, ngunit biglang ipapakita ang tunay nilang kulay. Ang mga akala mong kaalyansa ay bigla kang tatalikuran, at ang mga inakala mong makakatulong sa pagtagugod ng mundo ay ninanais na pala ang korona at posisyon mo. Sila ang mga dapat mong iwasan at kailangang pigilan,” saad ng ina ng aking amang hari na pumarito sa aking aklatan upang turuan ako. Naupo siya sa tabi ko at ngumiti.
“Sa iyong pag-upo sa pwesto ay palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mawalan ka man ng kakampi at mga kaalyansa, at matirang lumaban ng nag-iisa ay manatili ka pa rin sa tamang landas at isipin kung bakit ka nga ba nasa posisyon na iyan,” dugtong niya. Tumango ako sa kanya at nginitian siya pabalik.
“Palagi ko po iyang isasaisip,”sagot ko sa kanya. Mas lumuwang ang ngiti niya sa akin at sinuklay ang buhok k
Ang pagdampi ng malamig na bagay sa mukha ko ang kasalukuyan kong nararamdaman. Para bang may nagpupunas nito na hindi ko alam kung bakit at para saan. Ginigising ba ako nito? Ngunit kahit gising na ang diwa ko ay hindi ko nais na buksan ang mga mata ko at makita na nasa kabilang buhay na ako. Malinaw na malinaw sa aking isipan ang lahat. Kung paano nagtapos ang buhay ko sa ginawa sa akin nina Arthur, Kirsten at Adam. Tandang-tanda ko at hanggang ngayon ay para bang nararamdaman ko ang pagsaksak nila sa puso ko. Hindi ko pa rin inakala na sa gano’ng paraan magtatapos ang lahat. Sina Danie, Dan, Dyke at Heinrich kaya ay nakatakas? Kung oo ay sobra akong magpapasalamat at ipapangakong mula rito ay babantayan ko sila at gagabayan. Hindi ko man natupad ang pangako kong babalik ako upang bawiin ang korona, trono at mundong ninakaw sa akin ng mga Venderheel at kasama nila ay sisiguraduhin kong gagawa ako ng paraan na kahit sila ay maging ligtas. Natatakot ako. Sa pangalawa
Paano nga ba ako makakabalik sa aming mundo? Kung iisiping mabuti, ang mga ilog sa imortal na mundo ay malabong maging konektado rito. Hindi ko rin naman alam kung saan ang lagusan dito sa mundo ng mga tao dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta, at wala sa mga pinag-aralan ko noon dahil ang lokasyon na iyon ay nababago. Sa aming mundo naman ay ang lagusan papunta rito ay nasa loob ng Enchanted Forest sa hangganan ng lupain ng mga Witch at Enchantress, at hindi rin basta-basta makakalabas doon ng dahil sa sariling kagustuhan. May nagbabantay sa lagusan na iyon na makapangyarihang Enchantress na kadugo ni Danie na binigyang kapangyarihan ng lumikha para sa gano’ng gawain. Kung kaya’t paano ba ako napunta rito? Masyadong malayo ang gubat kung saan ako namatay mula sa lagusan.Pagtulong nga ba ang ginawa sa akin o hindi? Kung ang mga kakampi at kaalyansa namin iyon ay hindi nila ako dadalhin dito, pero kung isang kaaway na gustong alisin ang mg
Kung ano ang pagkagulat na ekspresyon ko ay gano’n din ang kanya. Mukhang hindi niya inaasahan na may magbubukas ng pinto, at gano’n din naman ako dahil hindi ko naramdaman ang presensya niya dahil ang buong atensyon ko ay nasa pagkilos ng mabagal upang hindi dumugo o sumakit ang mga sugat ko.“H-hello!” alanganing bati niya sa akin. Ang kamay niyang nabitin sa ere ay ibinaba niya at napakamot sa mukha bago inayos ang kanyang ekspresyon at ngumiti sa akin.“Uhm, sabi kasi ni Cyrus ay gising ka na kaya balak sana kitang bisitahin at bantayan dahil aalis daw siya, dinaanan niya ako sa amin para rin tanungin tungkol sa iba mong damit. Ako nga pala ‘yong tumulong sa kanya na bantayan ka habang hindi pa ayos ang lagay mo no’ng mga nakaraan. Ako si Miranda, pero Mira na lang ang itawag mo sa akin,” mahabang pakilala niya. Kung gayon ay siya pala ang tinutukoy ni Cyrus na tumulong sa kanya sa pag-aalaga sa akin habang walang mal
“Hindi ko alam kung ganitong style ba ‘yung mga tipo mo. Ito ‘yung ibinigay nila sa akin dahil inilarawan kita para maisip nila kung ano ang bagay sa iyo,” saad ni Cyrus habang ipinapakita sa akin ang mga damit na binili niya. Ang una niyang ipinakita ay ang mga pangbaba na kung hindi paldang mahahaba ay mga pantalon naman. Ang iba ay may disenyong laso sa may bewang na sa palagay ko ay para sa mga babae. Sunod niyang ipinakita ay ang mga pang-itaas na karamihan ay blusa na may mahahabang manggas na ayon din sa gusto ko. Iilan lamang ang mga bestida ngunit sa palagay ko ay hindi ko naman maisusuot ito sa kanyang tahanan dahil base sa aking na-obserbahan ay mga simpleng damit at maluluwag lamang ang sinusuot sa bahay, at ang mga ito ay ang mga pang-alis o panglakad na. Sumilip kami ni Mira kanina sa labas kung kaya’t iyon ang naobserbahan ko. Binilang ko ang mga iyon at ang dami ng binili niyang damit ay sasakto sa sampung araw na suotan. “Hindi ko alam kung h
Katulad ng aking inasahan ay sa paglabas ko ng silid ni Cyrus ngayong umaga ay wala na siya sa sala at sa kanyang tahanan. Ang naabutan ko na lamang ay ang iniwan niyang sulat na nasa mesa sa kainan na nagbibilin sa akin kung saan nakalagay ang kanyang mga niluto at mga gamot ko, at kung paano bubuksan o papaganahin ang mga kagamitan niya rito upang aking magamit, tulad na lamang ng kalan para sa pag-iinit ng niluto niya.Gusto ko pa ngang matawa dahil ang unang pangungusap sa kanyang sulat ay, “Hindi ko alam kung pati pagbabasa ay nakalimutan mo, pero kung hindi, mabuti naman at maiintindihan mo ito.”Matapos basahin at intindihin lahat ng kanyang sinulat ay sinunod ko ang mga iyon. Mula sa pagbubukas ng tangke ng kanilang ginagamit sa pagluto, hanggang sa pagbukas ng kalan at pag-init ng tinatawag niyang noodles. Nang masiguradong kumukulo na ito ay pinatay ko na agad ang kalan at isinalin ang niluto niya sa isang mangkok.Madali lang nama
Sampung araw na pananatili rito sa mundo ng mga tao at anim na araw mula nang magising ako. Ang ilan sa mga sugat ko ay naghilom na, habang ang iba na natamo ko mula sa saksak ay kahit papano’y malapit na ring gumaling. Tumigil na ang mga iyon sa pagdudugo at simpleng mga pangtakip na lamang ang nilalagay at hindi na kailangang bendahan. Ang sunog naman na natamo ko sa pulso ay malapit na ring gumaling. Namumula na lamang iyon. Ang lakas ko ay paunti-unti na ring bumabalik kung kaya’t ang ilan sa kapangyarihan ko ay nagagawa ko nang magamit, ngunit may limitasyon pa rin. Maayos na rin ang paglalakad ko at mas nakakatapos ng mga gawaing bahay ng mabilisan. Sampung araw na ang nakakaraan ngunit kung susumahin ay masyado na itong matagal para sa pagpapagaling at pagpapanumbalik ng lakas ko, at nakakasigurado akong ang pinakarason nito ay dahil sa hindi ako nakakainom ng kahit anong dugo. Bilang bampira, lalo na’t may dugo akong maharlika at pinakamalakas sa aming lahi ay ang du
“Akala ko ba’y wala kang natatandaan? Eh, bakit hayan at sanay kang magluto? Pinaglololoko mo ba ako?” Awtomatiko akong napatigil sa paghihiwa ng gulay nang magsalita si Cyrus sa tabi ko. Kasalukuyan siyang naghihimay ng manok na kakatapos lang palamigin mula sa paglalaga nang sabihin niya iyon. Gusto niya raw kasi akong tulungan sa lulutuin ko pero mula nang lumapit siya rito ay bukod sa napakadami niyang tanong ay kung ano-ano ang mga idinududa niya sa akin. Wala siyang tigil sa pag-iisip ng kung ano-ano imbes na ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa.Ibinaba ko ang kutsilyo sa may sangkalan at nilingon siya. Agad na tinaasan ko siya ng kilay.“Bakit? Ang ibig sabihin ba ng walang natatandaan ay wala ng kakayahan sa ibang mga gawain? Naging tuluyang mangmang at miski ganitong bagay ay hindi magagawa?” tanong ko sa kanya pabalik. Agad naman siyang napasimangot sa akin at muling hinarap ang manok na pinapahimay ko.“Hindi rin
Katulad ng nakagawian ay si Cyrus ang naghugas ng pinagkainan at pinaglutuan namin habang ako naman ang nagwalis at nag-alikabok sa bahay. Saglit lang naman ang naging paglilinis na ginawa dahil sakto lang naman ang laki ng bahay niya. Bagong palit na rin naman kahapon ang mga kurtina at sapin sa higaan kung kaya’t ilang minuto lamang ang tinagal ko sa paglilinis.“Tapos ka na r’yan?” tanong ni Cyrus sa akin pagkasabit ko ng walis sa likod ng pinto. Humarap ako sa kanya at tumango.“Oo, tapos na,” sagot ko. Bumalik ako sa may kusina at naghugas ng kamay. Agad naman siyang sumunod sa akin at pinunasan ang mga hinugasan niya bago iyon ibinalik sa tauban.“Sige. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na kumikirot ang kahit anong sugat mo? Hindi na nagdudugo?” sunod na tanong niya. Hinarap ko siya at tumango.“Wala. Galing na ako at iilan na lang naman ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom pero tuyo na
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a