Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ika-tatlumpu't anim na kabanata

Share

Ika-tatlumpu't anim na kabanata

last update Huling Na-update: 2021-08-23 23:47:35

“Akala ko ba’y wala kang natatandaan? Eh, bakit hayan at sanay kang magluto? Pinaglololoko mo ba ako?” Awtomatiko akong napatigil sa paghihiwa ng gulay nang magsalita si Cyrus sa tabi ko. Kasalukuyan siyang naghihimay ng manok na kakatapos lang palamigin mula sa paglalaga nang sabihin niya iyon. Gusto niya raw kasi akong tulungan sa lulutuin ko pero mula nang lumapit siya rito ay bukod sa napakadami niyang tanong ay kung ano-ano ang mga idinududa niya sa akin. Wala siyang tigil sa pag-iisip ng kung ano-ano imbes na ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Ibinaba ko ang kutsilyo sa may sangkalan at nilingon siya. Agad na tinaasan ko siya ng kilay.

“Bakit? Ang ibig sabihin ba ng walang natatandaan ay wala ng kakayahan sa ibang mga gawain? Naging tuluyang mangmang at miski ganitong bagay ay hindi magagawa?” tanong ko sa kanya pabalik. Agad naman siyang napasimangot sa akin at muling hinarap ang manok na pinapahimay ko.

“Hindi rin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Fall of the Queen   Ika-tatlumpu't pitong kabanata (unang parte)

    Katulad ng nakagawian ay si Cyrus ang naghugas ng pinagkainan at pinaglutuan namin habang ako naman ang nagwalis at nag-alikabok sa bahay. Saglit lang naman ang naging paglilinis na ginawa dahil sakto lang naman ang laki ng bahay niya. Bagong palit na rin naman kahapon ang mga kurtina at sapin sa higaan kung kaya’t ilang minuto lamang ang tinagal ko sa paglilinis.“Tapos ka na r’yan?” tanong ni Cyrus sa akin pagkasabit ko ng walis sa likod ng pinto. Humarap ako sa kanya at tumango.“Oo, tapos na,” sagot ko. Bumalik ako sa may kusina at naghugas ng kamay. Agad naman siyang sumunod sa akin at pinunasan ang mga hinugasan niya bago iyon ibinalik sa tauban.“Sige. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na kumikirot ang kahit anong sugat mo? Hindi na nagdudugo?” sunod na tanong niya. Hinarap ko siya at tumango.“Wala. Galing na ako at iilan na lang naman ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom pero tuyo na

    Huling Na-update : 2021-08-24
  • The Fall of the Queen   Ika-tatlumpu't pitong kabanata (ikalawang parte)

    Sa pag-apak pa lang ng mga paa ko sa loob ng tinatawag nilang mall ay hindi ko na naiwasan ang mamangha sa paligid. Malamig ang hangin dito kung kaya’t naging pamilyar ang katawan ko sa temperatura. Sa paligid ng mall na ito ay mayroong iba’t-ibang tindahan na makikita. Mayroong mga pwesto na nagtitinda ng mga damit, gamit, at ang iba ay mga kainan. Marami ring mga mortal ang nag-iikot sa paligid. Karamihan ng aking nakikita ay pamilyang nagliliwaliw at nag-iikot, ang iba’y magkakatambal, at ang karamihan ay magkakaibigan. Mayroong maririnig na mahinang tugtog sa paligid ngunit mas nangingibabaw ang ingay ng pinagsama-samang boses ng mga naririto sa loob. Hindi naman sobrang dami ng tao ngunit sa palagay ko’y normal lang sa lugar na ito ang ingay. “Anong masasabi mo sa mall?” tanong ni Cyrus. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nagkibit balikat. “Maraming tao, malamig, maganda, at maingay,” sagot ko. Napangiti na lamang siya sa sagot ko at nagpaunang maglakad. Aga

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • The Fall of the Queen   Ika-tatlumpu't walong kabanata

    Ika-labing dalawang araw ng pananatili ko sa mundo ng mga mortal. Ayon kay Cyrus kahapon nang tanungin ko siya ay alas siyete ng umaga siya aalis para pumasok sa trabaho, kung kaya’t alas singko y medya pa lang ay bumangon na ako at naghanda ng almusal. Palaging pinapaalala sa akin ni Danie na bago simulan ang ano mang gawain at trabaho ay kailangang may laman ang tiyan dahil ito ang magbibigay enerhiya upang masimulan ng maayos ang kung ano mang gawain. Noong mga nakaraan ay hindi ko siya napagluluto dahil nagbabawi pa ako ng lakas, ngunit ngayong tuluyan ng maayos ang lagay ko ay sisimulan ko na ang pagluluto ng kanyang almusal sa araw-araw hanggat nandito pa ako nanunuluyan sa kanyang tahanan.Hindi ko pa alam kung ano ang hilig niyang kainin sa umaga o ang paboritong kombinasyon ng pagkain, kung kaya’t kung ano muna ang nandito na alam kong lutuin ay siya kong ihahanda.Ang itlog na narito ay hinaluan ko ng sibuyas, kamatis, siling berde, at sinamahan n

    Huling Na-update : 2021-08-28
  • The Fall of the Queen   Ika-tatlumpu't siyam na kabanata

    Para sa mga bampirang katulad ko, isang biyaya ang magkaroon ng mga kakayahan tulad ng mabilis na pagkilos, paghalo sa hangin para mabilis makapunta kung saan namin nais, malinaw na paningin at pandinig, at ang hindi pagkakaroon ng sakit na hindi mula sa mga tama ng kung anong mapaminsalang gamit o sumpa. Nakadepende rin sa dugong nananalaytay sa amin kung ano pa ang ibang mga kakayahanan o kapangayrihan na mayroon kami. Kung ako mayroong kapangyarihan na nakuha ko sa aking mga magulang tulad ng pagkontrol sa anino at apoy, pagbubukas ng mga portal, pagkontrol ng isip, at iba pa, na natatangi sa iba, ay ang ibang bampira naman ay wala nito. May mga kakayahan naman sila na minsa’y ako naman ang wala.Ang isa pang lubos na ipinagpapasalamat namin ay hindi tumatanda ang aming mga itsura, at ang imortalidad ay hindi mabilis maputol kung hindi sasadyaing tapusin. Ngunit sa bawat biyaya na mayroon kami ay may kaakibat naman na sumpa. Isa na sa itinuturing naming na sumpa ay a

    Huling Na-update : 2021-08-29
  • The Fall of the Queen   Ika-apatnapung kabanata

    “Sa paglipas ng panahon, sigurado akong ang mga kakayahan at kapangyarihan na mayroon ka ngayon ay mas lalakas at mas dadami. Sa ngayon ay kakayahan pa lamang ng iyong ina ang mayroon ka, pero nakakasigurado akong makukuha mo ang akin kung magpapatuloy ka sa pag-eensayo,” saad ni ama habang isang ngiti ang nakaguhit sa labi niya nang maabutan niya ako rito sa aking silid ensayuhan na sumusubok gamitin ang mga patalim at ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Inihagis ko ang huling kutsilyo na hawak ko sa may tudlaan bago sinundan ng tingin ang pagkilos niya. Kinuha niya ang espada sa may gilid at inihagis sa akin papunta ang isa, kung kaya’t agad na sinalo ko iyon. Kinuha naman niya ang isa pa bago lumapit sa akin. Nabigla ako nang mabilis siyang sumugod sa akin, kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi labanan siya pabalik dahil kapag nanatili akong nakatayo lamang ay maaaring mahiwa o bumaon sa akin ang espada niyang gamit.

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • The Fall of the Queen   Ika-apatnapu't isang kabanata (unang parte)

    Katulad ng palagi kong nakagawian ay ipinaghanda ko ng almusal si Cyrus at kasabay niyang kumain. Sa pagkakataong ito ay ang hiniling niyang sinangang na may maraming bawang at ang pinatuyong isda na tinatawag niyang dilis at tuyo ang akin ipinirito, at dinamayan na rin ng itlog. Tinuruan niya ako kahapon ng kung paanong timpla ang gusto niya sa kanyang kape kung kaya’t iyon ang inihanda ko para sa kanya. Mas gusto niya raw ito kaysa sa gatas.Pagkaluto ng lahat ay inihanda ko na iyon sa mesa. Nakakapanibagong isipin na kung dati’y ako ang pinagsisilbihan dahil ako ang reyna, pero ngayon ay iyon naman ang ginagawa ko para sa iba. Hindi naman iyon nakakahiya at mas lalong hindi rin nakakababa dahil ginagawa ko ito bilang kapalit sa tulong na ibinigay sa akin ni Cyrus dahil kung tutuusin ay baka wala na ako kung hindi dahil sa tulong niya.At isa pa, hindi ko tinitignan ang sarili ko na mataas sa iba lalo na at kailanma’y hindi ako tinuruan ni ama na ta

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • The Fall of the Queen   Ika-apatnapu't isang kabanata (ikalawang parte)

    Ginugol ko ang maghapon ko sa pagliligpit dito sa bahay at sa pagtitiklop ng mga nalabhan ko. Mabilis itong natuyo dahil sa mataas na sinag ng araw sa labas.Pagkatapos ko sa mga gawain ay muli akong naligo. Pinili ko na lamang suotin ang puting mahabang bestida na binili sa akin ni Cyrus noon at pinatungan ng may mahabang manggas na cardigan dahil ang mismong bestida na suot ko ay may pugot na manggas.Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha na nabili namin noon ni Cyrus sa mall. Isinuot ko na rin ang sapin sa paa na kasabay naming binili noon, at pati ang kwintas ko na hindi pa namin naibebenta. Mabuti na lamang at hindi ito ang kwintas na pagmamay-ari ng aking ina dahil hinding-hindi ko talaga ito ibibigay o ibebenta sa oras na kailanganin namin ng pera. Iyon na lamang ang nag-iisang alaala niya sa akin.Nang masiguradong nakaayos na ako ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay ni Cyrus sa akin at inilagay iyon

    Huling Na-update : 2021-09-05
  • The Fall of the Queen   Ika-apatnapu't dalawang kabanata

    Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito dahil kung kanina ay ang totoong nais ko na hindi makakuha ng atensyon at lumayo sa gulo kung maaari ay nabaliktad. Ang lahat ng atensyon ng mga nandito ay nakuha na namin dahil sa nangyaring gulo. Hindi rin ako pala-patol sa mga ganito kaliliit na gulo, ngunit dahil sa kinikimkim kong galit kay Kirsten ay napunta iyon lahat ngayon sa mortal na ito na kawangis at kaugali niya. Isang simpleng patak ng alak sa damit niya ay kung ano-ano na agad ang sinabi siya sa akin at binuhusan pa ako ng alak sa mukha. Hindi rin kita ang mantsang iyon dahil kulay asul ang suot niya, hindi tulad sa akin na puting-puti at kitang-kita ang mantsa ng alak. Isang ngisi ang ipinakita ko sa kanya bago muling humakbang paabante. Agad naman siyang napaatras at tumama sa katawan ng amo ni Cyrus. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Gobernador ng kanilang bayan, at maaaring anak niya ang babaeng kaharap ko na ito dahil sa paraa

    Huling Na-update : 2021-09-06

Pinakabagong kabanata

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status