Para sa mga bampirang katulad ko, isang biyaya ang magkaroon ng mga kakayahan tulad ng mabilis na pagkilos, paghalo sa hangin para mabilis makapunta kung saan namin nais, malinaw na paningin at pandinig, at ang hindi pagkakaroon ng sakit na hindi mula sa mga tama ng kung anong mapaminsalang gamit o sumpa. Nakadepende rin sa dugong nananalaytay sa amin kung ano pa ang ibang mga kakayahanan o kapangayrihan na mayroon kami. Kung ako mayroong kapangyarihan na nakuha ko sa aking mga magulang tulad ng pagkontrol sa anino at apoy, pagbubukas ng mga portal, pagkontrol ng isip, at iba pa, na natatangi sa iba, ay ang ibang bampira naman ay wala nito. May mga kakayahan naman sila na minsa’y ako naman ang wala.
Ang isa pang lubos na ipinagpapasalamat namin ay hindi tumatanda ang aming mga itsura, at ang imortalidad ay hindi mabilis maputol kung hindi sasadyaing tapusin. Ngunit sa bawat biyaya na mayroon kami ay may kaakibat naman na sumpa. Isa na sa itinuturing naming na sumpa ay a
“Sa paglipas ng panahon, sigurado akong ang mga kakayahan at kapangyarihan na mayroon ka ngayon ay mas lalakas at mas dadami. Sa ngayon ay kakayahan pa lamang ng iyong ina ang mayroon ka, pero nakakasigurado akong makukuha mo ang akin kung magpapatuloy ka sa pag-eensayo,” saad ni ama habang isang ngiti ang nakaguhit sa labi niya nang maabutan niya ako rito sa aking silid ensayuhan na sumusubok gamitin ang mga patalim at ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Inihagis ko ang huling kutsilyo na hawak ko sa may tudlaan bago sinundan ng tingin ang pagkilos niya. Kinuha niya ang espada sa may gilid at inihagis sa akin papunta ang isa, kung kaya’t agad na sinalo ko iyon. Kinuha naman niya ang isa pa bago lumapit sa akin. Nabigla ako nang mabilis siyang sumugod sa akin, kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi labanan siya pabalik dahil kapag nanatili akong nakatayo lamang ay maaaring mahiwa o bumaon sa akin ang espada niyang gamit.
Katulad ng palagi kong nakagawian ay ipinaghanda ko ng almusal si Cyrus at kasabay niyang kumain. Sa pagkakataong ito ay ang hiniling niyang sinangang na may maraming bawang at ang pinatuyong isda na tinatawag niyang dilis at tuyo ang akin ipinirito, at dinamayan na rin ng itlog. Tinuruan niya ako kahapon ng kung paanong timpla ang gusto niya sa kanyang kape kung kaya’t iyon ang inihanda ko para sa kanya. Mas gusto niya raw ito kaysa sa gatas.Pagkaluto ng lahat ay inihanda ko na iyon sa mesa. Nakakapanibagong isipin na kung dati’y ako ang pinagsisilbihan dahil ako ang reyna, pero ngayon ay iyon naman ang ginagawa ko para sa iba. Hindi naman iyon nakakahiya at mas lalong hindi rin nakakababa dahil ginagawa ko ito bilang kapalit sa tulong na ibinigay sa akin ni Cyrus dahil kung tutuusin ay baka wala na ako kung hindi dahil sa tulong niya.At isa pa, hindi ko tinitignan ang sarili ko na mataas sa iba lalo na at kailanma’y hindi ako tinuruan ni ama na ta
Ginugol ko ang maghapon ko sa pagliligpit dito sa bahay at sa pagtitiklop ng mga nalabhan ko. Mabilis itong natuyo dahil sa mataas na sinag ng araw sa labas.Pagkatapos ko sa mga gawain ay muli akong naligo. Pinili ko na lamang suotin ang puting mahabang bestida na binili sa akin ni Cyrus noon at pinatungan ng may mahabang manggas na cardigan dahil ang mismong bestida na suot ko ay may pugot na manggas.Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha na nabili namin noon ni Cyrus sa mall. Isinuot ko na rin ang sapin sa paa na kasabay naming binili noon, at pati ang kwintas ko na hindi pa namin naibebenta. Mabuti na lamang at hindi ito ang kwintas na pagmamay-ari ng aking ina dahil hinding-hindi ko talaga ito ibibigay o ibebenta sa oras na kailanganin namin ng pera. Iyon na lamang ang nag-iisang alaala niya sa akin.Nang masiguradong nakaayos na ako ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay ni Cyrus sa akin at inilagay iyon
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito dahil kung kanina ay ang totoong nais ko na hindi makakuha ng atensyon at lumayo sa gulo kung maaari ay nabaliktad. Ang lahat ng atensyon ng mga nandito ay nakuha na namin dahil sa nangyaring gulo. Hindi rin ako pala-patol sa mga ganito kaliliit na gulo, ngunit dahil sa kinikimkim kong galit kay Kirsten ay napunta iyon lahat ngayon sa mortal na ito na kawangis at kaugali niya. Isang simpleng patak ng alak sa damit niya ay kung ano-ano na agad ang sinabi siya sa akin at binuhusan pa ako ng alak sa mukha. Hindi rin kita ang mantsang iyon dahil kulay asul ang suot niya, hindi tulad sa akin na puting-puti at kitang-kita ang mantsa ng alak. Isang ngisi ang ipinakita ko sa kanya bago muling humakbang paabante. Agad naman siyang napaatras at tumama sa katawan ng amo ni Cyrus. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Gobernador ng kanilang bayan, at maaaring anak niya ang babaeng kaharap ko na ito dahil sa paraa
Ikalabing-pitong araw sa mundo ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay ilang beses kong sinusubukang kumonekta kina Danie, Dan, Heinrich, o miski kay Helena upang mapabatid na nandito ako sa mundo ng mga mortal at buhay, ngunit kahit anong subok ko ay walang nangyayari. Gusto kong kapag dumating ang araw ng pagbabalik ko ay naroon sila upang ang planong aking ihahanda para sa pagkuhang muli ng aking trono ay malaman nila. Hindi ko man sila nais na idamay muli sa plano ay kakailanganin ko ng tulong. Mas lalong mahirap na kalabanin ngayon ang mga Venderheel dahil sigurado akong mas malaki na ang bilang ng kanilang pangkat at mas malakas. Nakakasigurado akong muli silang bubuhay ng mga converted vampire upang ang mga iyon ay magamit laban sa akin. Sigurado rin akong lalasunin din nila ang isipan ng mga mamamayan upang tumalikod sa panunungkulan ko at sabihing iniwan ko sila sa oras ng hirap at kaguluhan. Mayroon man akong alas sa aking pagbabalik ay kakailangan ko pa r
“Gano’n ba? Salamat. Kakain na rin kami, gusto mo bang sumabay?” Agad na siniko ko si Cyrus at sinamaan siya ng tingin nang alukin niya si Sofie. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya upang alukin pa ang babaeng alam niyang kumukulo ang dugo sa akin, at gano’n din ako rito. Lumingon siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. “Anak ni Gov,” bulong niya sa akin. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero sa huli ay sumuko rin. Heto na naman ang dahilan niyang anak ng Gobernador si Sofie kung kaya’t dapat ay hindi ko sagot-sagutin at hayaan na rito kumain. “I wouldn’t say no to that!” maarteng sagot ni Sofie. Napairap na lamang ako at umalis sa tabi ni Cyrus. Marahas kong kinuha ang inabot na lagayan ng pagkain ni Sofie at dumiretso sa may kusina. Inihanda ko sa mesa ang dala niyang pagkain bago naglagay ng bagong plato. Tinawag ko naman sila agad pagkahanda. Naupo ako sa may katapat ni Cyrus habang si Sofie naman ay nasa kabilan
“Ama, ayon sa librong binabasa ko ay hindi natin dapat basta-basta nilalagay sa ating mga kamay ang batas. Ibig sabihin ho ba nito ay kailangan muna natin ng matibay na patunay at mga pruweba sa pagkakasalang ginawa ng nasasakdal bago sila hatulan?” tanong ko sa aking ama na nasa katapat ko nakaupo. Narito kami ngayon sa silid aklatan. Kasalukuyan kong binabasa ang libro tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang namumuno patungkol sa mga nagkakasala, at siya naman ay nagbabasa ng mga ipinasang batas at kasulatan sa kanya mula sa konseho.Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang scroll na hawak niya sa may mesa bago sumandal sa kanyang upuan.“Iyan ang nakasaad sa ating kasulatan at tamang gawin, ngunit may mga pagkakataon na maaari natin iyang baliin, katulad na lamang kung harap-harapan nating nakita na nagtataksil sila sa ating mundo o kapag may mga kalabang sumugod sa atin at kailangan na ng ating mga nasasakupan,
“Mira, hindi na lang ako sasam—” “No way! Kailangan mong sumama sa amin para makapaglibang ka naman. Saglit lang tayo!” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pabagsak na naupo sa kanyang kama. Hindi siya nagpapatalo simula kanina at mukhang wala nga akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanila dahil paniguradong hihilahin niya ako paalis mamaya. Nandito ako ngayon sa bahay nila Mira dahil pagtapos naming magtalo ni Cyrus kanina ay rito ako dumiretso. Hindi ko matagalan ang makita si Cyrus sa iisang lugar o miski ang makasama siya. Hindi ako makapaniwala na sa kanyang paningin ay ako ang mali dahil napikon si Sofie, gayong ang babaeng kanyang pinagtatanong at pinapanigan ay ang nagsisimula ng gulo. Simula sa pagbangga niya sa akin noong kaarawan ng kapitan ng lugar na ito, hanggang sa mga nangyari pang pakikipagtalo niya sa akin. Matatanggap ko pa sana na mali ako kung sinumpa, o sinaktan ko ng pisikal ang babaeng iyon, ngunit ang tanging sinabi ko
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a