“Maligayang pagbabalik, mahal na hari, at maligyang pagdating sa ating mundo, mahal na reyna.” Ang lahat ng kawal, mga tagapagsilbi at ilan sa mga haligi ng mundo nila Heinrich ay binati at sinalubong kami nang makababa kami sa karwahe pagpasok sa tarangkahan ng kanyang kastilyo.
Inabot ni Heinrich ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Nginitian at pinasalamatan ko ang lahat ng naririto. Hindi tulad sa aming mundo, ang pagtanggap sa akin dito ay totoo kahit na ngayon lamang nila ako nakita at hindi naman totoong kilala. Totoong mga ngiti ang ipinapakita nila sa akin at ang iba ay nababasa ko pa ang isip na kinagagalak nila na nandito ako, hindi tulad ng mga konseho ng aming mundo at ng mga tagasunod nila na kulang na lang ay isumpa o saksakin ako ng harapan upang mawala sa kanilang landas.
“Mahal na hari, maligayang pagbabalik. Nakahain na ang mga pagkain inyong ipinag-utos na ihanda,” pagkausap kay Heinrich ng sa palagay ko ay ang pinunong
Ang pakiramdam na gusto at tanggap ka ng mga mamamayan kahit hindi mo sila pinamumunuan ay totoong nakapagpapagaan ng aking kalooban. Kung paano ang turing at trato nila kay Heinrich ay ganoon din sila sa akin.Kaninang tanghali hanggang hapon ay pumunta kami sa bayan. Nag-ikot, nakipag-usap at nakisalamuha sa mga mamamayan. Nagdaos din sila ng maliit na salo-salo para sa amin kung kaya’t noong pananghalian at kahit nang sumapit ang gabi ay roon kami kumain ni Heinrich. Halos ang lahat sa kanila ay bukas ang mga tahanan para sa amin. Ang iba ay nagbigay pa nga ng mga sariling ani mula sa kanilang mga pananim, at ang iba ay nagbigay ng mga kagamitang sila mismo ang may gawa. Nang tanungin ko rin sila kanina kung may poot at galit pa ba silang nararamdaman sa aming lahi; sa mga bampira, ay tapat na humindi sila, bagkus ay nagpasalamat pa nga dahil ang pamumuno ng ama ni Heinrich ay natulukdukan nang mapaslang siya ng aking ama.Nang malaman din nila na ako ay may d
Ikalawa at huling gabi na ng pananatili namin dito ni Heinrich sa kanilang mundo. Kaninang pagkagising namin at pagkaayos ay sa ibang bayan naman nila kami bumisita, at ng nangyari kahapon ay nakihalubilo rin kami sa kanilang mga mamamayan, at bago sumapit ang dilim ay bumalik na kami sa kastilyo at naghanda para sa pag-alis at pagpunta sa mundo ng mga witch kung saan doon gaganapin ang pagpupulong. Katulad nang mga nakaraan ay hindi rin naging maayos ang pagpapahinga ko kagabi at nanumbalik din sa aking isip ang mga problemang kinahaharap nang mag-isa na lamang ako sa silid. Kailan ba matatapos ang mga gulong ito at mga hiwaga? Hindi ko man gustong mapagod at sumuko ay baka bigla na lamang mangyari iyon ng hindi inaasahan. Sa dalawampu’t anim na taon kong nabubuhay ay iilan lamang ang mga masasayang alaala na mayroon ako. Kasama ko man noon si ama at ang iba pa ay hindi naman iyon gano’n kasaya dahil sa mga hinaharap na suliranin. Ang buong araw ko noon ay n
Ika-walong araw matapos ng pagpupulong. Dalawang araw bago ang aking kaarawan, bago ang kabilugan ng buwan at bago ang aming gagawing pagsugod. Mahirap maghanda sa aming mundo lalo na’t dapat ay sa dilim kami kumilos.Narito na sa aming mundo ang ilan sa mga kawal at tauhan ng kanya-kanyang lahi na kumikilos nang patago para sa paghahanda. Tatlong araw ang nakakaraan ay binuksan namin ang aming mundo para sa lahat at ang aking ginawang dahilan ay ang selebrasyon para sa aking kaarawan. Mabilis nilang napapasok ang mga kagamitang panlaban sa pamamagitan ng pagpapalabas na iyon ay mga gagamitin para sa pag-aayos. Hindi rin naman halata na iba ang kanilang pakay dahil mukha rin silang normal na mga bisita na nais ang mag-ikot at makisama sa selebrasyon. Nalalaman o nakikilala lang namin na sila ang pinadala dahil sa puting tela na nakatali sa kanila.Si Dan, Heinrich at tatlo sa pinunong kawal na mapagkakatiwalaan ko ang naga-asikaso sa pagtatago at paga-ayos ng mga
“Sa bawat panunungkulan ay hindi maiiwasan ang mga problema. May mga nilalang ka na makakasalamuha na aakalain mo ay kakampi, ngunit biglang ipapakita ang tunay nilang kulay. Ang mga akala mong kaalyansa ay bigla kang tatalikuran, at ang mga inakala mong makakatulong sa pagtagugod ng mundo ay ninanais na pala ang korona at posisyon mo. Sila ang mga dapat mong iwasan at kailangang pigilan,” saad ng ina ng aking amang hari na pumarito sa aking aklatan upang turuan ako. Naupo siya sa tabi ko at ngumiti.“Sa iyong pag-upo sa pwesto ay palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mawalan ka man ng kakampi at mga kaalyansa, at matirang lumaban ng nag-iisa ay manatili ka pa rin sa tamang landas at isipin kung bakit ka nga ba nasa posisyon na iyan,” dugtong niya. Tumango ako sa kanya at nginitian siya pabalik.“Palagi ko po iyang isasaisip,”sagot ko sa kanya. Mas lumuwang ang ngiti niya sa akin at sinuklay ang buhok k
Ang pagdampi ng malamig na bagay sa mukha ko ang kasalukuyan kong nararamdaman. Para bang may nagpupunas nito na hindi ko alam kung bakit at para saan. Ginigising ba ako nito? Ngunit kahit gising na ang diwa ko ay hindi ko nais na buksan ang mga mata ko at makita na nasa kabilang buhay na ako. Malinaw na malinaw sa aking isipan ang lahat. Kung paano nagtapos ang buhay ko sa ginawa sa akin nina Arthur, Kirsten at Adam. Tandang-tanda ko at hanggang ngayon ay para bang nararamdaman ko ang pagsaksak nila sa puso ko. Hindi ko pa rin inakala na sa gano’ng paraan magtatapos ang lahat. Sina Danie, Dan, Dyke at Heinrich kaya ay nakatakas? Kung oo ay sobra akong magpapasalamat at ipapangakong mula rito ay babantayan ko sila at gagabayan. Hindi ko man natupad ang pangako kong babalik ako upang bawiin ang korona, trono at mundong ninakaw sa akin ng mga Venderheel at kasama nila ay sisiguraduhin kong gagawa ako ng paraan na kahit sila ay maging ligtas. Natatakot ako. Sa pangalawa
Paano nga ba ako makakabalik sa aming mundo? Kung iisiping mabuti, ang mga ilog sa imortal na mundo ay malabong maging konektado rito. Hindi ko rin naman alam kung saan ang lagusan dito sa mundo ng mga tao dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta, at wala sa mga pinag-aralan ko noon dahil ang lokasyon na iyon ay nababago. Sa aming mundo naman ay ang lagusan papunta rito ay nasa loob ng Enchanted Forest sa hangganan ng lupain ng mga Witch at Enchantress, at hindi rin basta-basta makakalabas doon ng dahil sa sariling kagustuhan. May nagbabantay sa lagusan na iyon na makapangyarihang Enchantress na kadugo ni Danie na binigyang kapangyarihan ng lumikha para sa gano’ng gawain. Kung kaya’t paano ba ako napunta rito? Masyadong malayo ang gubat kung saan ako namatay mula sa lagusan.Pagtulong nga ba ang ginawa sa akin o hindi? Kung ang mga kakampi at kaalyansa namin iyon ay hindi nila ako dadalhin dito, pero kung isang kaaway na gustong alisin ang mg
Kung ano ang pagkagulat na ekspresyon ko ay gano’n din ang kanya. Mukhang hindi niya inaasahan na may magbubukas ng pinto, at gano’n din naman ako dahil hindi ko naramdaman ang presensya niya dahil ang buong atensyon ko ay nasa pagkilos ng mabagal upang hindi dumugo o sumakit ang mga sugat ko.“H-hello!” alanganing bati niya sa akin. Ang kamay niyang nabitin sa ere ay ibinaba niya at napakamot sa mukha bago inayos ang kanyang ekspresyon at ngumiti sa akin.“Uhm, sabi kasi ni Cyrus ay gising ka na kaya balak sana kitang bisitahin at bantayan dahil aalis daw siya, dinaanan niya ako sa amin para rin tanungin tungkol sa iba mong damit. Ako nga pala ‘yong tumulong sa kanya na bantayan ka habang hindi pa ayos ang lagay mo no’ng mga nakaraan. Ako si Miranda, pero Mira na lang ang itawag mo sa akin,” mahabang pakilala niya. Kung gayon ay siya pala ang tinutukoy ni Cyrus na tumulong sa kanya sa pag-aalaga sa akin habang walang mal
“Hindi ko alam kung ganitong style ba ‘yung mga tipo mo. Ito ‘yung ibinigay nila sa akin dahil inilarawan kita para maisip nila kung ano ang bagay sa iyo,” saad ni Cyrus habang ipinapakita sa akin ang mga damit na binili niya. Ang una niyang ipinakita ay ang mga pangbaba na kung hindi paldang mahahaba ay mga pantalon naman. Ang iba ay may disenyong laso sa may bewang na sa palagay ko ay para sa mga babae. Sunod niyang ipinakita ay ang mga pang-itaas na karamihan ay blusa na may mahahabang manggas na ayon din sa gusto ko. Iilan lamang ang mga bestida ngunit sa palagay ko ay hindi ko naman maisusuot ito sa kanyang tahanan dahil base sa aking na-obserbahan ay mga simpleng damit at maluluwag lamang ang sinusuot sa bahay, at ang mga ito ay ang mga pang-alis o panglakad na. Sumilip kami ni Mira kanina sa labas kung kaya’t iyon ang naobserbahan ko. Binilang ko ang mga iyon at ang dami ng binili niyang damit ay sasakto sa sampung araw na suotan. “Hindi ko alam kung h
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a