Halos tumalon din ang puso ni Ariel. Nakatulong na rin si Leon na makuha ng kumpanya ang isang oportunidad para makipag partner sa Wick Group, kaya sayang kung ang presyo ay naging isang problema.“Elder Wick, sir, kung hindi po kayo kuntento sa presyo, pwede po namin ito bawasan ng ilang percentage points. Pero, pwede lang po namin ito babaan ng five percentage points. Ito lang po ang kaya naming ialok…” Ang sinabi ni Ariel ng puno ng sinseridad at inilabas niya ang huling alas niya.“Hindi, nagkakamali kayo. Hindi ko sinabi na masyadong mataas ang presyo. Sa tingin ko ay masyadong mababa ito.” Ngumiti si Bernard at umiling siya.“Mababa po… ito?” Nabigla si Ariel at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.Matagal na siyang nasa trabaho, at sa lahat ng negotiation na pinuntahan niya, ang mga kliente ay laging nagrereklamo tungkol sa masyadong mataas na presyo at lagi nilang sinusubukan na ibaba ang presyo.Ito ang unang beses na nakilala niya ang isang tao na nagsabi na mabab
Ngumiti si Leon at pinaliwanag niya ang nangyari.“May medical skills ka? Talaga? Hindi mo ako niloloko, tama ba?” Nabigla si Ariel.Habang naghihintay para maging green ang traffic light sa intersection, lumingon siya at tumingin siya ng naghihinala kay Leon, na para bang nakatingin siya sa isang alien.Nagkibit balikat si Leon. “Syempre! Sa tingin mo ba ay wala akong magawa kundi lokohin ka?”Hindi pa rin naniniwala si Ariel. “Baka hindi, pero kung magaling ka sa medisina, bakit pinili mo na magtrabaho sa kumpanya bilang isang small-time secretary sa halip na isang doctor sa hospital?”Pakiramdam niya ay hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Leon.Uminom ng wine si Leon kasama si Jenson sa hotel kanina, at gumagana na ang epekto ng alak sa kanya. Namumula ang mukha niya at sinabi niya, “Kung hindi ka naniniwala sa medical skills ko, pero ko itong patunayan ngayon!”“Paano?” Nalilito si Ariel.Hindi sumagot si Leon. Lumapit siya kay Ariel at tumitig siya sa magandang mukha nito.
”Pero, ‘wag kang mag alala, magsusulat ako ng prescription ngayon. Basta’t sundan mo ang instructions at inumin mo ang mga ito ng tatlong magkasunod na araw, garantisado ako na gagaling ang kondisyon mo…”Nakita ni Leon na may isang pen at isang piraso ng papel sa kotse, kaya kinuha niya ito at sinulat niya ang prescription.“Ikaw… Ugh!”Sa sobrang kahihiyan ni Ariel ay gustong niyang talunan si Leon at kagatint ito.Marami siyang mga manliligaw dahil sa kagandahan niya sa maraming bagay, ngunit hindi siya tinukso ng mga ito, hanggang sa dumating si Leon!Sa sandaling ito, naging green ang ilaw sa intersection, at ang lahat ng mga kotse sa likod at nagbusina dahil hindi siya nagpaandar ng kotse.Dahil hindi perpekto ang takbo ng isip ni Ariel, bigla siyang umapak sa gas pedal at halos bumangga siya sa kotse sa harap niya.Nang makalampas siya sa intersection, agad na itinabi ni Ariel ang kotse sa gilid ng kalsada at nagpark siya doon.Kakatapos lang mag sulat ni Leon ng prescri
Si Leon ay masama ang loob.“Nararapat ito sayo para sa pagsabi sa akin ng mga sinabi mo…” Tumawa si Ariel, natutuwa siya sa itsura ni Leon.Medyo namula ang mukha niya nang maalala niya ang panunukso ni Leon.“Iisipin ko na lang na malas ako. Masaya ka na?” Nanatiling madilim ang ekspresyon ni Leon at naglakad siya papunta sa kumpanya ng hindi tumitingin sa likod.Napagtanto ni Ariel na siya ang nasa mali sa nangyari kanina, kaya lumapit siya kay leon at hinila niya ang braso nito, sinabi niya, “Sige, sige. Alam ko na nagkamali ako. Humihingi ako ng tawad, okay? Sana ay ‘wag ka nang magalit sa akin…”“Humihingi ka… ng tawad sa akin? Seryoso ka ba?” Nabigla si Leon at lumingon siya para tumingin ng naghihinala kay Ariel. Kahit kailan ay hindi niya inasahan ang isang taong mayabang na tulad ni Ariel ay hihingi ng tawad sa kanya. Halos imposible ito tulad ng pagsikat ng araw mula sa kanluran.Namula ang mukha ni Ariel, “Seryoso ako. At salamat sa pagtulong mo sa Wick Group…”“Hind
“Hindi ko po kayo nabigo, Miss Young. Pagkatapos ng ilang pagsisikap, ang Westpraise Group ay nakapag desisyon na. Pumayag sila sa ating profit reduction na five percent, at ang general manager nila ay pumirma na sa kontrata. Eepekto agad ito basta’t mapirmahan niyo ito!” Ngumiti ng mapagmataas si Michael at binigay niya ang dokumento kay Iris.Ito ay walang iba kundi ang contract sa Westpraise Group.“Ang galing! Hindi ko inaasahan na ganito kabilis makakapag negotiate si Mister Duvall. Tama talaga ang reputasyon niya bilang isa ng professional sales talent at isang pundasyon ng kinabukasan ng kumpanya natin!”“Tama. Mahusay si Mister Duvall, sa punto na pumirma agad ang general manager ng Westpraise Group. Hindi ito kayang magawa ng isang karaniwang tao!”…Ang mga executive ng kumpanya ay pinuri si Michael.“Mabuti ang ginawa mo, Mister Duvall. Salamat sa pagsisikap mo.” Tumango si Iris sa kakayahan ni Michael.“Wala pong anuman, Miss Young. Ginagawa ko lang ito para sa kumpa
Habang pinag iisipan ni Iris kung tatanggapin niya ang opinyon ng lahat o hindi, bumalik sina Leon at Ariel at naglakad sila patungo sa conference room pagkatapos itong buksan.“Tingnan mo nga naman! Bumalik na si Wolf. Ano kaya ang nangyari sa negotiation sa pagitan mo at ng Wick Group? Base sa pulang mukha mo, nahihiya ka siguro pagkatapos mong mabigo na makuha ang kahit ano pagkatapos ng negotiation!” Tumawa si Michael ng mapanglait.“Posible ito…”Tumawa ang maraming senior executive kasama ni Michael.Bago pa makasagot si Leon, marami sa mga company executive ang lumapit sa kanya at mabilis nilang napagtanto na may mali. “Uy, amoy alak siya!”Nabigla ang lahat sa conference room dahil sa sinabing ito.“Ano?”“Mapula ang mukha niya dahil uminom siya? At hindi dahil nahihiya siya?”Nagkatinginan ang lahat hanggang sa mapagtanto nila ang nangyari.“Seryoso ba siya? Uminom siya sa halip na makipag negotiate?”“Hindi ito professional!”“Tama! Ang lakas ng loob niya para umin
Dahil nagboluntaryo si Leon na ilibing ang kanyang sarili, ibinigay ni Michael ang gusto ni Leon!“Tama!”“Masama ang ginawa niya. Kailangan natin siyang sisantihin!”“Kung hindi, paano na ang mga susunod na empleyado natin kapag natuto sila sa ehemplo niya?!”…Galit na galit ang lahat ng senior executives, at inulit nila ang sinabi ni Michael.Mas mapait ekspresyon sa mukha ni Iris. Tutal, si Leon ang tagapagligtas niya. Ayaw niyang sisantihin si Leon sa isang maliit na bagay.Gayunpaman, mahirap harapin ang galit ng lahat. Kapag nagpatuloy siya sa pagprotekta kay Leon, paano niya haharapin ang mga senior executive ng kumpanya?!“Tumahimik kayo!”“Sino ang nagsabi na nabigo si Leon sa pagkuha ng partnership sa Wick Group?”“Mali ang inaakala niyo!” Sumigaw ng galit si Ariel para ipagtanggol si Leon.“Ano?”“Nakuha niyo na ba ang partnership sa Wick Group?” Nabigla ang lahat. Lahat sila ay puno ng pagdududa at pagkalito.Biglang tumahimik ang kaninang maingay na meeting r
Hindi makapaniwala si Iris sa kanyang nakikita.“Syempre!” Tumango si Ariel at sinabi niya ito.Nabigla din siya noong ito rin ay iminungkahi ni Elder Wick. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Iris sa sandaling ito!“Mabuti, mabuti ito. Maganda ito!”“Ariel, ang galing mo. Nakuha mo ang isang agreement mula sa Wick Group!”“G-Gumawa ka ng milagro!”Si Iris, na karaniwan ay kalmado, ay tumalon sa pagka sabik. Agad niyang niyakap si Ariel sa harap ng lahat.Alam niya na kulang ang kaalaman ni Leon sa business, at hindi professional si Leon. Hindi pwedeng si Leon ang nakakuha ng deal na ito!Akala niya ay si Ariel ang gumawa ng lahat ng ito!“Ano? Totoo kaya ang agreement?!” Nabigla si Michael/Nabigla rin ang ibang mga executive.“Imposible ito! Miss Young, hindi kaya’t nagkakamali ka?!” Hindi makapaniwala si Michael. Mabilis niyang kinuha ang kontrata mula sa mesa at tumingin siya dito.Nang makita niya na si Elder Wick ang personal na pumirma nito, pati na rin ang compan