Dahil nagboluntaryo si Leon na ilibing ang kanyang sarili, ibinigay ni Michael ang gusto ni Leon!“Tama!”“Masama ang ginawa niya. Kailangan natin siyang sisantihin!”“Kung hindi, paano na ang mga susunod na empleyado natin kapag natuto sila sa ehemplo niya?!”…Galit na galit ang lahat ng senior executives, at inulit nila ang sinabi ni Michael.Mas mapait ekspresyon sa mukha ni Iris. Tutal, si Leon ang tagapagligtas niya. Ayaw niyang sisantihin si Leon sa isang maliit na bagay.Gayunpaman, mahirap harapin ang galit ng lahat. Kapag nagpatuloy siya sa pagprotekta kay Leon, paano niya haharapin ang mga senior executive ng kumpanya?!“Tumahimik kayo!”“Sino ang nagsabi na nabigo si Leon sa pagkuha ng partnership sa Wick Group?”“Mali ang inaakala niyo!” Sumigaw ng galit si Ariel para ipagtanggol si Leon.“Ano?”“Nakuha niyo na ba ang partnership sa Wick Group?” Nabigla ang lahat. Lahat sila ay puno ng pagdududa at pagkalito.Biglang tumahimik ang kaninang maingay na meeting r
Hindi makapaniwala si Iris sa kanyang nakikita.“Syempre!” Tumango si Ariel at sinabi niya ito.Nabigla din siya noong ito rin ay iminungkahi ni Elder Wick. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Iris sa sandaling ito!“Mabuti, mabuti ito. Maganda ito!”“Ariel, ang galing mo. Nakuha mo ang isang agreement mula sa Wick Group!”“G-Gumawa ka ng milagro!”Si Iris, na karaniwan ay kalmado, ay tumalon sa pagka sabik. Agad niyang niyakap si Ariel sa harap ng lahat.Alam niya na kulang ang kaalaman ni Leon sa business, at hindi professional si Leon. Hindi pwedeng si Leon ang nakakuha ng deal na ito!Akala niya ay si Ariel ang gumawa ng lahat ng ito!“Ano? Totoo kaya ang agreement?!” Nabigla si Michael/Nabigla rin ang ibang mga executive.“Imposible ito! Miss Young, hindi kaya’t nagkakamali ka?!” Hindi makapaniwala si Michael. Mabilis niyang kinuha ang kontrata mula sa mesa at tumingin siya dito.Nang makita niya na si Elder Wick ang personal na pumirma nito, pati na rin ang compan
Alam nila na imposible na ang pirma lang ni Leon ang nandoon kung si Ariel ang nakakuha ng agreement.Gayunpaman, hirap pa rin silang paniwalaan ito. Si Leon ay isang secretary lang na walang alam sa business. Pero, nagawa niyang makuha ang partnership sa Wick Group, at pumayag ang Wick Group na bigyan sila ng maraming benepisyo!Imposible talaga ito!“Wala na sigurong nagdududa sa akin at sa kontrata na ito, hindi ba?” Ang kalmadong sinabi ni Leon, tumingin ulit siya sa lahat.Hindi niya maipagtanggol ang sarili niya gamit ang mga salita niya kanina at nakatanggap siya ng sunod sunod na panlalait.Gayunpaman, napatunayan niya ang sarili niya, ipinamukha niya sa lahat ang agreement. Tuwang tuwa siya!“Mister Wolf, pambihira ka. Talagang totoo ang agreement na ito…”Naging awkward ang mga senior executive. Ito ay para bang sinampal sila sa mukha. Ang mukha nila ay masakit, at walang kahit sino sa kanila ang tumingin sa mga mata ni Leon.“Leon, hindi ako makapaniwala sa kakayahan
Halata kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito!“Mister Duvall, natalo ka sa pustahan! Dapat mong tanggapin ang pagkatalo mo. May masasabi ka ba?!” Tumingin si Leon kay Michael.“Ito ay…” Namutla si Michael, at naging madilim ang ekspresyon niya.Sa sitwasyon ngayon, kahit ang isang tanga ay masasabi na hindi lang siya natalo, isang malaking panalo pa ito kay Leon!Base sa pustahan, ang matatalo ay dapat umalis ng kumpanya. Hindi ito isang bagay na hindi niya pwedeng tanggapin.Tutal, naging mahirap para sa kanya na umakyat sa mataas na ranggo sa kumpanya. Sa loob ng dalawang taon, nagsikap siya at nagdusa. Hindi pwedeng aalis lang siya ng ganito!“Miss Young, nanalo si Mister Wolf sa pustahan.”“Pero payabangan lang ang pustahan. Hindi dapat itong seryosohin. Sigurado ako na hindi natin pwedeng paalisin si Mister Duvall para sa isang biro, tama?”“Tama. Maraming naitulong si Mister Duvall sa kumpanya sa nakalipas na mga taon. Nagsikap siya ng sobra. Sa tingin ko ay dapat n
”Miss Summers, tulungan mo ako na gawin ang meeting sa ngayon. Subukan mong gumawa ng direksyon para sa partnership na ito.”Pagkatapos, huminto si Iris ng ilang sandali at tumingin siya kay Leon, “Mister Wolf, sumama ka sa akin sa opisina. May kailangan ako itanong sayo.”“Ah, naiintindihan ko,” Sumagot ng mahina si Leon bago siya sumunod kay Iris sa opisina.…Sa loob ng opisina, sumenyas si Iris kay Leon para umupo sa sofa. Nang makita niya na tila walang gana si Leon, hindi niya mapigilan na ngumiti, “Ano? Galit ka ba sa akin?”“Hindi ako…” Hindi sinabi ni Leon na hindi siya galit, ngunit halata sa kahit sino na hindi siya natutuwa.“Alam ko na galit ka dahil kumampi ako kay Michael, pero ako ang president ng kumpanya. May sariling konsiderasyon ako.”Ngumiti ng maliit si Iris habang umupo siya sa tabi ni Leon, “Noong nakipag pustahan ka kay Michael, sinabi niya na ako ang saksi doon. Alam mo ba kung bakit hindi ako pumayag noon?”“Bakit?” Naisip din ni Leon na kakaiba ito,
Nagipon ng lakas ng loob si Leon nang sinabi niya iyon, ngunit sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.Ang pinakahinihiling niya nitong mga nakaraang araw ay ipag-drive si Iris gamit ang pinakamamahal niyang motorsiklo.Nandito na ang pagkakataon, hindi niya na ito palalampasin!“Iyon lang?“ Nagulat si Iris.Tinanggihan ni Leon ang kahit anong gantimpala at nagaalala lang sa kanyang katawan, at ayaw siyang masobrahan sa trabaho. Hindi niya maiwasang maantig ang kanyang puso.Sa oras na iyon, nalaman niya na ganito pala ang pakiramdam ng may nagaalala sa iyo.Ngunit hindi niya alam, habang totoo na talagang nagaalala sa kanya si Leon, sa kabilang-palad ay mayroon siyang binabalak.Kapag nalaman niya ang maitim na balak ni Leon, malamang na hindi siya matutuwa!“Payag ka ba Iris?” umaasang tanong ni Leon, at labis na nagaalala na baka tumanggi si Iris.“Oo, pumapayag na ako!” tumango si Iris habang nakangiti.Kumpirmado na ang partnership, kaya walang problema kung bibigyan niy
Isa siyang diborsyo na walang kamangha-mangha sa kanyang sarili. Hindi siya karapat-dapat sa isang diyosa na kasing ganda at kasing rangal ni Iris.Masaya na siya basta nasa tabi siya ni Iris araw-araw, basta mapalapit sa kanya kung mayroon siyang pagkakataon.Hindi siya nangahas mangarap ng kung ano pa!“Leon, berde na ang ilaw. Bilis at paandarin mo na ang motorsiklo, bakit ka ba natutulala?” narinig ni Leon ang magandang boses ni Iris.Agad na bumalik si Leon sa realidad at mabilis na nagpaandar.Sa una, walang napansin si Iris, ngunit ng paulit-ulit na itong nangyari, mabilis niyang napansin na parang may mali. Namula ang kanyang mga pisngi.“Leon, s-sinasadya mo ba ito?!” galit na sinabi ni Iris.“H-hindi…” namula din ang mukha ni Leon, at may pagsisisi sa kanyang puso.Aksidente lamang yung kay Lily.Gayunpaman, mahirap sabihin pagdating kay Iris. Sabi ng puso niya ay wag ito gawin, ngunit ang kanyang katawan ay iba ang ginagawa. Gusto nitong tapakan lagi ang preno kada
Si Iris ang kanyang kahinaan. Galit na galit siya na biniro ng lalaki si Iris!Nagpakita na siya ng matinding pagtitimpi ng hindi pagwawala.“Ano? Ang kapal mong pagsabihan ako ng ganyan?! Gusto mo bang mamatay?! Sabihin mo ulit kung matapang ka!” nagalit ang lalaki.Pagkatapos niyang sabihin iyon bumaba ang salamin ng sasakyan sa likod. Dalawang lalaking mukhang adik ang sumilip.Isa pang lalaki ang nakupo sa passenger seat sa harap. Apat na lalaki ang nakatingin ng masama kay Leon.“Kaya ko ulit sabihin iyon kung gusto mo, at sinabi ko sa iyo na umalis ka na…” kalmado si Leon at hindi takot, bago pa siya matapos magsalita, hinatak ni Iris ang kanyang braso at pinigilan siya.“Leon, kalimutan mo na. Wag mo silang pansinin. Wag natin sirain ang magandang araw ng dahil sa kanila” umiling si Iris.Kahit saan siya pumunta laging mayroong kakaiba tumingin dahil sa kagandahan niya. Sanay na siya dito…At saka, apat sila, magisa lang si Leon. Kapag nagkaroon ng away, siguradong hindi