”Paano nangyari ito? Paanong ang isang walang kwenta na tulad niya ay may Supreme Card ng Rivercity Bank…” Hindi makapaniwala si Brody sa nakita niya.“Si… Iris ba ang nagbigay nito sa kanya?”Ito ang agad na naisip ni Marilyn at tila naintindihan niya na ito.“Pero akala ko ay wala siyang relasyon kay Iris? Bakit siya binigyan ni Iris ng Supreme Card ng Rivercity Bank… maliban kung magkasama sila.” Pagkatapos itong sabihin, umiling ng mabilis si Brody na para bang hindi niya matanggap ang katotohanan!Si Iris ay ang diyosa niya, at hindi niya matatanggap na si Iris ay ang girlfriend ni Leon, kahit na si Leon ay may Supreme Card ng Rivercity Bank!Hindi niya matatanggap na ang walang kwenta na tulad ni Leon ay nararapat para makasama ang isang marangal at magandang babae na tulad ni Iris!“Baka niloko niya lang si Iris para bigyan siya nito!” Nagselos si Marilyn. Akala niya ay noong nag divorce sila, malulungkot ng sobra at madedepress si Leon at magiging isang pulubi pa ito!
“Sige na. Hiwain mo lang,” Ang kalmadong sinabi ni Leon.Hiniwa ito ng staff ng ilang beses ngunit ang lumabas lang ay bate sa loob at wala nang iba.“Wala pa rin?”“Malabong mangyari ito!”“Posible kaya na walang laman na kahit low- o mid-grade jadeite sa loob ng batong ito, kahit pea-greens o flower-greens?”Nabigla ang lahat at hindi na sila nag abala na magreklamo para sa kamalasan ni Leon!Ang low- o mid-grade jadeite ang karaniwang mabibigay ng isang magandang kalidad ng raw jade stone, ngunit walang kahit ano ang makikita dito. Sa ganitong mga pangyayari, mas mabuti na lang na bumili ng isang piraso ng raw jade stone na kinuha mula sa pea-green jade!Kahit na makakuha siya ng clear jadeite sa loob, malulugi pa rin si Leon—ito ay base na lang kung gaano kalaki ang malulugi sa kanya!“Ituloy mo lang ang paghihiwa.”Lumubog ang puso ni Leon at nabawasan ng unti unti ang pagiging kalmado niya.Patuloy ang staff sa paghiwa ng stone. Lumipad ang buhangin sa lugar, ngunit bat
Tuwang tuwa si Leon dahil hindi niya inaasahan na ang dalawang jade stone ay may makapangyarihan at puro na spiritual energy, kahit na hindi mataas ang halaga ng mga ito.Gayunpaman, maraming spiritual energy sa loob nito at sapat na ito para iset up niya ang Energy Convergence Circle. Kung may halaga man ito o wala pagdating sa pear, hindi ito mahalaga sa kanya.Ang tanging problema lang ay niloko siya ni Brody para gumastos siya ng higit sa isang milyon. Binigay niya ang perang ito, ngunit hindi nagtagal bago siya bumalik sa pagiging mahirap ulit!“Sandalin! Pwede ko bang makita ang dalawang jadeite na ito, Mister Wolf?” Lumaki ang mga mata ni Kai at lumapit siya.“Sige. Pwede.”Ayos lang ito kay Leon at binigay niya ang mga ito kay Kai.Sinuri ni Kai ng mabuti ang dalawang gemstone, ang ekspresyon niya ay naging seryoso.“Mga walang kwentang mga piraso ng pea-green jadeite lang ‘yan. ‘Wag na kayong mag abala na suriin ang mga ‘yan!” Ang sabi ni Brody.Ang seryosong ekspresyo
“Magiging pranka ako sayo, Mister Wolf. Ang dalawang imperial green mo ay puro at transparent, at dahil dito, napakataas ng halaga nito. Ang mga ganitong bagay ay bihira lang sa merkado, kaya hindi ko kayo mabibigyan ng estimate na presyo. Kung balak mo itong ibenta, magbabayad kami ng nine million para dito!” Ang mabilis na sinabi ni Kai.Ang top-quality jadeite na tulad ng imperial green ay bihira lang makita, at kapag nakita ito ng tindahan nila, ito ay magiging good luck charm ng tindahan!Ang tanging maliit na problema lang ay maliit lang ang imperial green, at hinati ito sa gitna ni Leon. Kung buo ito, mas magiging mataas ang halaga nito!“Pero…” Nabigla si Leon. Hindi niya inaasahan na ang jadeite na akala niya ay pea-green ay isa palang mamahalin at bihira na imperial green!Bago pa makasagot si Leon, may boses na biglang nagsalita mula sa likod, “Bibigyan kita ng ten million!” May matandang nasa 70 taong gulang ang edad ang pumasok sa shop na may kasamang maraming bodyguar
“‘Yun ay…”Nagdadalawang isip si Leon. Hindi niya pa narinig ang tungkol sa mga Shear at wala siyang kaalaman tungkol sa apat na makapangyarihang pamilya, ngunit alam niya na base sa reaksyon ng lahat na ang taong nasa harap niya ay hindi isang ordinaryong matandang lalaki.Ang ten million bid nito ay walang duda na mataas na presyo na hindi niya inaasahan. Hindi masisisi si Leon kung madadala siya dito.Gayunpaman, plano niya na gamitin ang jade para gumawa ng Energy Convergence Circle, at kapag ibinenta niya ang imperial green kay Benedict, magiging mahirap para sa kanya na humanap ng jade na mas nararapat para dito.“Pasensya na, sir. Hindi ko ito binebenta. Kailangan ko ang mga ito.”Ngumiti si Leon habang humihingi ng tawad.Tila nadismaya si Benedict at pinilit niya ito, “Sigurado ka ba na hindi mo ibebenta ang mga ito? Pwede nating pag usapan ang presyo.”“Pwede ko ibenta ang isang piraso kung gusto niyo ito, pero gusto ko gamitin ang isa pang piraso para sa sarili ko,” N
Kumaway ng paulit ulit si Leon para tumanggi sa kabaitan ni Benedict.“Hindi! Kapag gumamit ka ng isang piraso na kasing bihira at halaga ng itong imperial green at inukit ito para maging isang piraso ng alas ng babae, makukuha nito ang puso nila…” Ngumiti si Benedict at kumindat siya kay Leon na para bang sinasabi niya, ‘Alam ko kung bakit mo ito gusto.’Dahil isang tao siyang marami nang naranasan sa buhay, ang hula niya ay balak ni Leon na magpagawa ng alahas at ibigay ito sa girlfriend o magiging girlfriend ni Leon. Tutal, walang iisip na may ibang layunin si Leon.Noong una, gusto tumanggi ni Leon, ngunit nakumbinsi siya ng matandang lalaki. Kinamot niya ang ulo niya at tila nahihiya niyang sinabi, “Sir, gusto ko po ng kwintas kung pwede…”“Walang problema!” Tumawa si Benedict.Kung ang dalawang imperial green ay uukitin para maging dalawang jade bracelet, ang gitna nito na tatanggalin ay sapat na para gumawa ng dalawang necklace pendant, ilang mga earring, at ilang mga piras
”Magbabayad ako ng 1.1 million! Ang isa sa mga tycoon ay gustong gusto magbid.“1.2 million!” May isa pang mayaman na hindi mapigilan na makisama.Naramdaman ni Brody na sumakit ang tiyan niya. Ang gusto niya lang ay ang bilhin ang stone, ngunit naging isa itong malaking bidding war! Naisip niya kung susuko siyua sa pagbili, ngunit ngayon at lahat ng mga mayaman ay nakikisakay na sa pag bid, hindi na siya nagdalawang isip at tinaasan niya ang presyo. “Magbabayad ako ng 1.3 million!”“Heto pa. 1.4 million!” Muling tinaasan ni Leon ang presyo.Dahil sa pagiging madesisyon ni Leon, mas naging kampante ang mga mayaman na tao sa auction.“1.5 million mula sa akin!”“1.6 million!”Namula ang mga mata ni Brody at nawala na siya sa tamang isip. “Magbabayad ako ng 1.7 million!”“Edi mag aalok ako para bilhin ito ng 1.8 million!” Ang kalmadong sinabi ni Leon.“1.83 million!”“1.85 million!”“1.88 million!”Sunod sunod na tinaasan ng mga mayaman na tao ang presyo, ngunit dahil masyado
”Ako na mismo ang gagawa nito!” Kinagat ni Brody ang ngipin niya at lumapit siya para gawin ang ginawa ni Leon kanina.Ang natitirang laki ng raw jade stone ay sapat pa rin para hiwain ng ilang beses, ngunit agad niyang ginamit ang makina para hiwain ang stone sa gitna nito.Agad na may berdeng liwanag na lumabas!“Ayun! Lumabas ang green!”“Diyos ko! Hindi kaya’t imperial green ulit ito?”“Hindi ba’t sinabi ng lalaki na wala itong laman? Nagkamali ba siya?”…Napanganga ang lahat, hindi nila inaasahan na magkaroon ulit ng isa pang imperial green!“Darling! Nagawa mo rin! Isa itong imperial green, at mas malaki pa ito! Naka jackpot tayo!”Sa sobrang tuwa ni Marilyn ay lumapit siya, yumakap siya sa leeg ni Brody, at hinalikan niya ito ng maraming beses.“Hahaha… Hindi ba’t sinabi mo na wala itong laman sa loob, Leon? Buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ito!” Tumawa ng malakas si Brody. Naging mayabang at pasikat siya!Nabigla si Leon. Ang punto niya ay ang maghiganti kay