Share

Kabanata 42

Author: Dragonsky
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
”Ano sa tingin mo ang kondisyon ng nanay ko, Mister Wolf?” Ang kabadong tanong ni Lily.

“Medyo komplikado ito, at hindi madali para sa akin na ipaliwanag ito. Pero, sa kabutihang-palad, maliit na problema lang ito ng pamamaga. Naniniwala ako na babalik ang kalusugan niya kapag binigyan ko siya ng pressure point treatment at pinainom ko siya ng herbal medication sa mga susunod na araw,” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.

Ang treatment na natanggap ni Serena ay may kaugnayan sa paggaling ng kanyang spinal cord, at halos magaling na ito. Ang mga kasamang komplikasyon na kasama nito ang mas nagpalala sa sitwasyon.

Ang mga komplikasyon na ito ay hindi malalang problema kung ito ay magagamot sa oras, ngunit magiging malala ang kahihinatnan nito kapag hinayaan lang ito. Maaari lang siyang maparalisa, ngunit ang pinakamalala ay mapupunta sa panganib ang buhay niya.

“Kaya mo siyang gamutin? Magandang balita ito!” Natuwa si Lily.

Noong una, balak niya na subukan ang mga bagay ng hindi umaasa sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 43

    Ang ward ay isang ordinaryong ward na may tatlong kama. Maliban kay Serena, may dalawang mga pasyente na nakahiga sa dalawang kama.“Iho, nakalagay sa mga kautusan na, hindi dapat magsinungaling!”“Matagal nang nasa hospital si Missus Summers at walang kahit sino sa mga sanay na doctor ang kayang gumamot sa kanya! Pero ikaw, isa kang batang lalaki, at hindi ka rin isang propesyonal na doctor. Paano mo naman siya magagamot?”“Tama! ‘Wag mong sabihin na isa kang doctor dahil lang may natutunan ka na ilang medical skills. Sino ang mananagot kapag may nangyaring masama sa treatment?”…Umiling ang dalawang pasyente, at hindi sila naniniwala sa medical skills ni Leon.May hinala na si Jared sa mga motibo ni Leon, at nagduda siya lalo pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng dalawang pasyente!“May punto sila, Lily. Hindi natin pwedeng isugal ang buhay ni Mom!”“Pero…”Naniniwala si Lily kay Leon kanina, ngunit ngayon at nakasasalay dito ang buhay ng nanay niya, hindi mahirap para ma

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 44

    Para gamitin ang Six Points of Fate technique, kailangan niya maglagay ng internal energy sa pressure points, at halos mawalan siya ng malay dahil sa pagod noong ginagamot si Elder Young dahil wala siyang internal energy.Dahil naabot na ng refinement level niya ang first level ng internal energy refinement, naging mabuti ang pananaw niya dito, kaya mas marunong na siyang gamitin ang Six Points of Fate.Gayunpaman, mababa pa rin ang refinement level niya. Namuo ang pawis sa noo niya at ang buong katawan niya ay napagod habang ginagawa niya ang pressure point treatment.Sa ngayon, narinig niya ang mga tunog ng yapak palapit sa kanila.May pumasok na isang 27 o 28-taong gulang na lalaking doctor na siyang may suot na puting coat. May isang babaeng nurse na sumunod sa kanya at pareho silang bumisita sa kwarto.Natakot ang lalaking doctor nang makita niya na hawak ni Leon ang katawan ni Serena. Agad siyang lumapit at tinanong niya, “Ano ang nangyayari dito, Lily? Ano ang ginagawa ng l

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 45

    “Ang pisngi ni Aunt Serena ay namumula dahil siguro malapit na siyang mamatay. Nasa panganib ang buhay niya ngayon, at baka hindi siya makaligtas kahit na may mga anghel na bumaba mula sa langit para basbasan siya!” Umiling si Bowden, tumingin siya ng mababa kay Leon.“Ano?!”Natulala si Lily at Jared sa sinabi ni Bowden, at tumayo bigla si Jared ng may galit sa kanyang mga mata.“Kasalanan mo ang lahat ng ito, Wolf! Magbabayad ka sa pagpatay sa nanay ko!” Ang galit na sinabi ni Jared habang sinuntok niya sa mukha si Leon ng hindi nagdadalawang isip.Nabigla si Leon at nasuntok siya sa mata.“Miss Fendt! Sabihin mo sa hospital director ang tungkol dito! Sabihin mo sa kanya na maghanda para iligtas ang pasyente natin! Habang ginagawa mo ito, magtawag ka ng ilang security guard dito. Kailangan nating arestuhin ang batang ito dahil ginamot niya ng basta basta ang pasyente at dadalhin natin siya sa pulis!”Yumuko si Bowden at inutos niya sa babaeng nurse sa likod niya, na siyang tuma

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 46

    Lumuhod si Jared sa harap ni Leon ng hindi nagdadalawang isip. Pagkatapos ay tinaas niya ang kamay niya at sinampal niya ng sarili niya, sinabi niya, “Mister Wolf, humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Hindi dapat kita trinato ng masama noong inalok mo na tulungan na iligtas ang nanay namin. Isa akong masamang tao…” Puno ng konsensya at pagsisisi si Jared.“‘Wag kang mag alala. Isang maling pagkakaintindihan lang ito, pero sana ay hindi ka na kumilos ng ganito sa susunod...”Alam ni Leon na hindi sinasadya ni Jared na suntukin siya. Hindi rin siya isang taong madaling magtanim ng sama ng loob, kaya tinulungan niya si Jared na tumayo.Hindi inaasahan ni Bowden ang isang malaking pagbabago sa sitwasyon. Pangit ang ekspresyon niya, at suminghal siya ng malamig, “‘Wag mo siyang pasalamatan, Lily! Maayos na ang kondisyon ni Aunt Serena pagkatapos makatanggap ng treatment mula sa hospital na ito. Nagkataon lang na tinapos niya ang treatment sa sa pagmamasahe ng walang direksyon!”“

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 47

    “Walang hiya siya!”“Hindi ako makapaniwala na wala siyang medical ethics noong binebenta niya ng mahal ang mga ordinaryong gamot para lokohin ang mga pasyente niya?”“Tama ka! Ganito rin siguro ang gamot na binibigay sa atin!”Ang dalawang pasyente ay suminghakl at tumingin sila ng nanunuya kay Bowden. Kasabay nito, nag aalala sila na niloko din sila ng ibang mga doctor na manloloko!“Kalimutan mo na ito, Lily. Tinulungan tayo ni Bowden ng maraming beses, at ito rin ang pagpapakita niya ng kabaitan. Hayaan na lang natin ang problemang ito. Magaling na ang sakit ko, kaya hindi ko na kailangan manatili dito. Mag empake na kayo niJared para makauwi na tayo kapag discharged na ako,” Ang sabi ni Serena ng hindi sinisisi si Bowden. Tutal, ang pamilya niya ay kapitbahay ang pamilya ni Bowden ng maraming taon na, at ayaw niyang palalain pa ito.“Discharge? Sandali lang! Aunt Serena, mayutang pa kayong higit sa seven thousand dollars para sa hospitalization at medical fess. Hindi kayo mak

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 48

    ”Tama!”“Sa mga walang hiyang tao na nakilala ko dati, hindi pa ako nakakita ng ganitong kawalang hiyaan!”“Isang magandang babae si Miss Summers, at kailangan tumingin ni Bowden sa salamin para maintindihan niya na walang magkakagusto sa kanya. Paano naging bagay ang isang taong tulad niya kay Miss Summers?”“Saan niya kaya nakuha ang lakas ng loob niya?”Ang dalawang pasyente sa ward ay naalis sa kawalang hiyaan ni Bowden at sinabi nila ang pagsuporta nila kay Lily.Nagwala si Bowden. “Binigay ko na ang mga kondisyon ko, Aunt Serena. Kapag hindi ka pumayag, kailangan mo agad magbayad ng seven thousand dollars o tatawag ako ng pulis! ‘Wag niyo akong sisihin kung inaresto kayo ng pulis dahil umalis kayo ng hindi nagbabayad!”“Pero…”Walang masabi si Serena at ang dalawang anak niya. Mahirap na maglabas ng 700 dollars, paano pa ang 7,000 dollars?Saan sila makakuha ng ganitong pera?Sa ilang sandali, nawalan silang tatlo ng pagasa at hindi nila alam ang gagawin nila.“Pitong l

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 49

    Si Serena at ang dalawang anak niya ay walang masabi at nagkatinginan sila sa isa’t isa. Wala silang ideya kung ano ang sinusubukan ni Leon.“Masyado kang mayabang! Hindi ba’t ilang libo lang naman ito? Paano mo naman nasabi na hindi ko kayang maglabas ng ganito kalaking halaga?” Tumingin ng malamig si Leon kay Bowden. Si Elder Young ang nagbigay sa kanya ng bank card. Sinabi ni Elder Young na may laman itong isa’t kalahating milyon, at naisip ni Leon na hindi magsisinungaling sa kanya ang matanda.“‘Wag ka nang makulit! Hindi ba’t halata naman na wala kang pera? Kunin mo ang bar membership card mo at lumayas ka na dito!” Tumingin ng may kamuhian si Bowden kay Leon at kinuha niya ang card para ihagis niya ito sa mukha ni Leon.“Sandali lang!” Pinigilan niya agad si Edward. Kinuha niya ang bank card para suriin ito at agad siyang nabigla.Mula sa kanyang kaalaman, agad niyang namukhaan na ito ay ang Supreme Card na binibigay ng Rivercity Bank!Ang Rivercity Bank ang pinakamalaking

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 50

    ”Hindi… Doctor Hoover, kaya kong magpaliwanag. Ang gamot na binebenta ko sa mga pasyente ko ay nakakatulong. Hindi ito nakakasama sa kanila…” Nataranta si Bowden at sinubukan niyang magpaliwanag, gayunpaman, ang paliwanag niya ay walang kapangyarihan! Tutal, ang isang tao na may mataas na katayuan na tulad ni Leon ay walang rason para akusahan ng mali ang isang taong walang kwenta na tulad ni Bowden.“Ayaw kong marinig ang kahit anong paliwanag mo! Sisante ka na, ngayon na! Umalis ka na dito, Bowden!”Galit na hinampas ni Edward ang mesa.“Hindi… Doctor Hoover, bigyan niyo ako ng pagkakataon…” Ang sabi ni Bowden habang nagmamakaawa sa paa ni Edward.“Lumayas ka! Security, palayasin niyo siya ng building!”Pinalayas ni Edward si Bowden. Sa isang kaway, ang mga security guard ay hinuli si Bowden at dinala siya ng mga ito sa labas!“Mabuti nga!”“Tama!”“Nararapat ito sa isang taong walang etika na tulad niya! Masaya ako makita ang pagbagsak niya!”Ang dalawang pasyente sa ward a

Pinakabagong kabanata

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 450

    “Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 449

    “Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 448

    “Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 447

    Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 446

    Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 445

    Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 444

    Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 443

    Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 442

    Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”

DMCA.com Protection Status