Si Serena at ang dalawang anak niya ay walang masabi at nagkatinginan sila sa isa’t isa. Wala silang ideya kung ano ang sinusubukan ni Leon.“Masyado kang mayabang! Hindi ba’t ilang libo lang naman ito? Paano mo naman nasabi na hindi ko kayang maglabas ng ganito kalaking halaga?” Tumingin ng malamig si Leon kay Bowden. Si Elder Young ang nagbigay sa kanya ng bank card. Sinabi ni Elder Young na may laman itong isa’t kalahating milyon, at naisip ni Leon na hindi magsisinungaling sa kanya ang matanda.“‘Wag ka nang makulit! Hindi ba’t halata naman na wala kang pera? Kunin mo ang bar membership card mo at lumayas ka na dito!” Tumingin ng may kamuhian si Bowden kay Leon at kinuha niya ang card para ihagis niya ito sa mukha ni Leon.“Sandali lang!” Pinigilan niya agad si Edward. Kinuha niya ang bank card para suriin ito at agad siyang nabigla.Mula sa kanyang kaalaman, agad niyang namukhaan na ito ay ang Supreme Card na binibigay ng Rivercity Bank!Ang Rivercity Bank ang pinakamalaking
”Hindi… Doctor Hoover, kaya kong magpaliwanag. Ang gamot na binebenta ko sa mga pasyente ko ay nakakatulong. Hindi ito nakakasama sa kanila…” Nataranta si Bowden at sinubukan niyang magpaliwanag, gayunpaman, ang paliwanag niya ay walang kapangyarihan! Tutal, ang isang tao na may mataas na katayuan na tulad ni Leon ay walang rason para akusahan ng mali ang isang taong walang kwenta na tulad ni Bowden.“Ayaw kong marinig ang kahit anong paliwanag mo! Sisante ka na, ngayon na! Umalis ka na dito, Bowden!”Galit na hinampas ni Edward ang mesa.“Hindi… Doctor Hoover, bigyan niyo ako ng pagkakataon…” Ang sabi ni Bowden habang nagmamakaawa sa paa ni Edward.“Lumayas ka! Security, palayasin niyo siya ng building!”Pinalayas ni Edward si Bowden. Sa isang kaway, ang mga security guard ay hinuli si Bowden at dinala siya ng mga ito sa labas!“Mabuti nga!”“Tama!”“Nararapat ito sa isang taong walang etika na tulad niya! Masaya ako makita ang pagbagsak niya!”Ang dalawang pasyente sa ward a
Sa Dragonbay Villas, Jenny, ang nanny, ay abala sa pagluluto ng hapunan sa kusina ng dumating si Leon.“Aunt Jenny, nasaan pala si Iris? Bakit hindi ko siya makita?” nagtatakang tanong ni Leon.“Oh, nag-overtime siya sa trabaho at hindi pa bumabalik, pero malapit na rin yun umuwi” Nakangiting sinabi ni Jenny, sanay na siyang makita na mag-overtime si Iris.“Malapit ng mag 9 o’clock! Napakasipag naman niya!”Hindi makapagsalita si Leon, hinahangaan niya ang kasipagan ni Iris!Hindi na nakakagulat na ang Elegante Group ay lumaki ng maraming beses sa loob ng dalawang taon pagkatapos itong ipaubaya kay Iris. Ang ganitong tagumpay ay hindi nakamit ng swerte lamang!Mayamaya, bumukas ang pinto, at pumasok si Iris.Pumasok si leon sa sala and naglagay ng maligamgam na tubig sa baso para sa kanya.“Bakit ka masyado nagpapagabi sa trabaho, Iris? Hindi ka ba napapagod?”“Hindi naman siya gaanong nakakapagod. Nakakuha ang kumpanya ng proyektong kailangan ng follow-up at nataon na ito ay
Humingang malalim si Leon at nalaman niyang tama ang kanyang hula noong nakaraan. Ang spiritual energy dito ay mas malakas kaysa sa villa, kaya’t mas bagay sa kanyang dito mag refine ng internal energy.Hindi nagtagal, nakahanap siya ng maluwag na pwesto at naupo sa lapag para simulan ang energy refinement.Ang spiritual energy sa villa ay napakanipis, inabot siya ng buong gabi para lang matapos ang kanyang refinement.Kung ikukumpara, ang spiritual energy sa kagubatan ay sobrang kapal, at ang kaakibat na epekto nito sa refinement ay pambihira. Kaya niyang tapusin ang isang linggong halaga ng energy refinement na kulang sa dalawang oras lamang.Nang makita niyang maaga pa, Tinuloy ni Leon ang kanyang refinement hanggang sa abutin ng five or six ng umaga, nang sumikat na ang araw sa taas ng guhit-tagpuan lamang niya tinigil ang kanyang sesyon.“Nadagdagan nanaman ang aking lakas matapos ang isang gabi ng refinement, hindi na ito nalalayo sa mid-stage internal energy refinement.”
”Isa ka bang doctor na nagsasanay ng alternatibong medisina?”Ang pangbanggit ng pressure point treatment ay ang gumulat sa binata.Ang alternatibong paraan ng medikal treatment ay bihira na sa modernong panahon. Maraming aspeto ang mga paraan na ito kung kaya’t hindi sila gaanong epektibo kumpara sa kumbensyonal na modernong gamot.At higit pa, ang teorya ng alternatibong medisina ay sobrang lawak at malalim, kinakailangan ng malawak na karanasan para magtagumpay, karamihan ng sikat na practitioner ng alternatibong medisina ay galing sa lumang henerasyon.Ngunit, paarang nasa mid-20s lamang si Leon at ang kaalaman niya sa gamot intsik ay mukhang mababaw lamang.Hindi maiwasang mapaisip sa sarili ang binata, “Maasahan kaya ang medikal niyang kakayahan?”Umiling si Leon at sinabi ang totoo “Hindi ako doctor ng alternatibong medisina, at hindi rin ako isang kumbensyonal na doctor…”“Ano?! Ano pang ginagawa mo dito? Inaaksiya mo lang ang aming oras!”Malaki ang pinagbago ng ekspre
”Cough cough…” Mayamaya, umubo ng ilang beses ang matanda at binuksan nito ang kanyang mata ng dahan-dahan bago nagkaroon ng malay.“Salamat sa panginoon at okay kay, Grandpa! Anong pakiramdam mo ngayon? Masama pa ba ang pakiramdam mo?” Tuwang-tuwa si Jenson, ngunit nagaalala parin niyang kinamusta ang kanyang lolo.“Okay lang ako.”“Anong nangyari, Jenson?” Nagtatakang tanong ng matanda."Bigla kang hinimatay kanina, lahat ng ito’y salamat kay Doctor Schwabe nailigtas ka niya sa tamang oras" Magalang na pinaliwanag ni Jenson.“Naintindihan ko! Salamat ng marami, Doctor Schwabe!”Ang matanda, na ang pangalan ay Bernard Wick, ay tumanaw ng utang na loob kay Hilmar.“Masyado kang mabait, Elder Wick, ginagawa ko lang ang aking trabaho” sagot ni Hilmar ng nakangiti.Maraming tao ang pumalibot sa kanila, at nakita nila kung ano ang nangyari.“Bitbit nga ni Doctor Schwabe ang kanyang pangalan bilang propesyonal na doctor! Pambihira ang kanyang medikal na kakayahan, at mabilis niyang
Ng mangyari yun, natulala si Jenson.Ganun din ang masasabi para sa mga nanonood at kay Himlar.Hindi nila abot-akalain na si Bernard na nailigtas kanina ay sumuka ng napakaraming dugo sa maikling oras at pati ang kanyang katawan at enerhiya ay bumaba.Kahit karaniwang tao ay makikita na seryoso ang kondisyon ni Bernard at nasa panganib ang kanyang buhay!“Doctor Schwabe, anong nangyayari sa aking grandpa…” namumula ang mga mata ni Jenson at hinatak niya ang kamay ni Hilmar.“Hindi ko alam, okay na siya kanina…” Halos walang masabi si Hilmar.“Anong ibig mo sabihin? Isa kang doctor! Sikat na doctor! Humanap ka ng paraan!” Sigaw ni Jenson sa galit, nagpanik siya at ninerbyos.“Hindi ko masuri ang kanyang kondisyon wala akong gamit medikal na dala, minumungkahi ko na tumawag na ambulansya o dalhin siya agad sa ospital…” Kalmadong sinabi ni Hilmar.Ang sitwasyon ni Bernard ay hindi niya inaasahan. Hindi handa ang kanyang pagiisip at wala siyang magawa para makatulong.“Okay! Kai
Pakiramdam ni Jenson ay bigla siyang tinamaan ng kidlat. “Hindi maaari! Paano mo masasabing wala ka magagawa ng nahulaan mo na susuka ng dugo ang aking lolo!”“Kung pinayagan mo akong gamutin siya sa simula pa lang, siguradong masasabi ko na kumpiyansa akong magagamot ko ang kanyang sakit. Ngunit ngayon na maraming pwedeng maging sanhi, lumala rin ang kanyang kondisyon at wala na akong kumpiyansa” pagdadalamhati ni Leon. Sinabi niya ito hindi dahil gusto niyang mamatay ang matanda, dahil totoo na hindi siya kumpiyansa na maibabaliktad niya ang sitwasyon.Natulala si Jenson sa kanyang narinig, at napuno ang kanyang puso ng panghihinayang at gusto niyang sampalin ang kanyang sarili ng ilang beses.Alam niya na mahalaga ang oras pagdating sa pagligtas ng buhay ng isang tao, at ang pagkakataong iyon ay hindi na ulit makakamit kapag ito ay lumampas na.Umabot sa ganitong sitwasyon dahil hindi niya pinagkatiwalaan ang medikal na abilidad ni Leon sa simula, at hinayaan niya si Hilmar guma