Hindi iyon masyadong inisip ni Leon.Pakiramdam niya ay nag-react lang si Janice sa labas ng kontrol nito pagkatapos ng sobrang takot.Wala itong ibig sabihin.Sa gilid, natiis ni Brody ang sakit sa dibdib at gumapang paakyat mula sa sahig.Kahit na hindi niya alam kung paano nahanap ni Leon ang lugar na ito, may alam siyang isang bagay. Hindi niya papakawalan ni Leon!Habang si Leon ay nakatitig kay Janice, palihim na pumunta sa pinto si Brody. Pagkatapos nito ay tumalikod na siya at tumakbo palayo."Balak mong tumakbo? Hindi ito magiging madali para syao!" Malamig na singhal ni Leon. Isinuot niya kay Janice ang jacket niya bago niya binuhat si Janice at mabilis na hinabol si Brody."Mr. Long, iligtas niyo ako..." Si Brody ay biglang tumakbo habang siya ay sumisigaw ng malakas.Bang!Si Leon ay napaka-bilis, at mabilis siyang humabol.Sinipa niya si Brody sa likuran, at si Brody ay bumagsak sa sahig nang una ang mukha.Gumulong si Brody sa lupa at sinubukang gumapang patayo
"Oo, nagtitiwala ako sayo..." Naramdaman ang init sa kamay ni Leon, napangiti si Janice. Isang pakiramdam ng pagiging panatag ang lumabas sa puso niya."Bwisit, sawa ka na ba?! Bibigyan kita ng isang pagkakataon Bitawan mo si Mister Sullivan ngayon. Kung hindi, huwag mo akong sisihin sa pagiging malupit ko!" Ngumisi si Xander. Pagkatapos kumaway, agad na pinalibutan ng mga tauhan niya sina Leon at Janice.Kahit na hindi niya alam kung paano natagpuan ni Leon ang kanyang lugar, ang katotohanan na si Leon na nag-iisang pumasok sa kanyang teritoryo ay parang pagpapakamatay ni Leon!Kaya lang, nasa kamay ni Leon si Brody. Natatakot siyang kumilos ng basat basta sandaling ito."Kung pinakawalan ko siya dahil lang sa kagustuhan mo, hindi ba nakakahiya ito?!" Ngumiti si Leon.Dumilim ang ekspresyon ni Xander, "Ano pala ang gusto mo?""Sinabi ko na kanina. Dahil sinubukan niyong dalawa na saktan si Janice, magbabayad talaga kayo sa ginawa niyo! Gagawin ko ang sinabi ko!"Ang matalas na
Alam niyang paparusahan ni Xander si Leon! "Isang mata sa mata, at tama ka—hindi ako maglalakas-loob na patayin ka dito, pero pwede kitang gawing lumpo para hindi ka na muling makasakit ng kahit na sinong babae!" Tumawa si Leon, pagkatapos ay itinaas ang kanyang binti at sinipa niya si Brody sa pagitan ng mga hita nito. Si Leon ay hindi isang tanga; alam niya na ang pagpatay ay hindi isang krimen na gusto niyang panagutan, at hindi niya kayang mag-eksperimento sa mga batas. Hangga't hindi niya pinatay si Brody, kahit na pilayin niya ito sa anumang paraan, ang kailangan lang niyang gawin ay ang bayaran si Brody.. Madali niyang pwedeng gawin iyon! "Ano?" Nabigla si Brody kaya napahinto siya sa lugar niya na para bang tinamaan siya ng kidlat. Ano ang ibig sabihin nito? Mas gugustuhin niyang mamatay kaysa mawala ang kanyang dignidad! "Hindi..." napasigaw si Brody sa takot habang pinagmamasdan ang paa ni Leon na lumilipad papalapit sa kanyang pribadong parte na parang slow m
Ngayon, sa tulong ni Mason, hindi siya matatakot na malagay sa panganib si Janice kung sila ni Xander ang maglalaban! "Hindi ako makapaniwala kung gaano ka yabang, Xander Long, na maglakas-loob na makipaglaban sa makapangyarihang Leon Wolf! Mukhang swerte ako sa araw na ito!" Tumawa si Mason habang nakaturo kay Xander. Dati niya pa alam na magiging kasingdali ng ABC para kay Leon na talunin si Xander sa labanan, ngayon at si Leon ang isa sa pinaka bihasang combat artist sa larangan ng Supreme Masters. Gayunpaman, hindi niya akalain na magiging tanga si Xander para maglakas-loob na makipaglaban kay Leon! Mabilis na napagtanto ni Mason na ito ay once-in-a-lifetime na pagkakatapos upang matalo na ang kanyang matagal nang kaaway, kaya mabilis niyang tinipon ang kanyang mga tauhan upang tulungan si Leon na talunin si Xander. "Kalokohan! Mason Shelton, wala kang laban sa akin! Ano ngayon kung nandito si Leon Wolf para tumulong sayo? Wala kayong karapatan para makipag laban sa akin!
Ang unang bagay na naramdaman niya pagkabalik ng malay niya ay ang matinding sakit na bumabalot sa kanyang ibabang bahagi ng katawan, at agad niyang naalala ang nakakahiya niyang engkwento kay Leon. "Mister Long, pakiusap tulungan mo akong maghiganti sa walang hiyang Leon Wolf na iyon! Gusto kong makita siyang bumagsak!" Si Brody ay sumigaw ng malakas, inilabas ang kanyang mga ngipin sa sobrang galit. Alam niyang hindi nagpadalus-dalos si Xander dahil nasa kamay pa rin siya ni Leon, at ngayong ligtas na siya at wala na sa panganib, sigurado si Brody na madaling talunin ni Xander si Leon! Kapag nangyari iyon, babalatan niya ng buhay si Leon at papatayin niya ito, kahit na nanganganib na mahatulan ng pagpatay, upang matupad ang kanyang paghihiganti! "Master Long, umaasa kami sa inyo!" "Tama, patayin niyo siya!" Malakas na nagchi-cheer sa kanya ang mga tauhan ni Xander gamit ang malakas na mga boses nila. Alam nila na ang kakayahan ni Xander sa pakikipaglaban ay hindi dapat
Ang dalawang lalaking ito ay hindi pa natatapos sa kanilang buong pagsasanay sa martial arts, at samakatuwid ay wala silang laban kay Mason. Hindi lang iyon, ngayong nasaksihan na nila si Xander, na siyang napakadaling natalo ni Leon, lalo silang nawalan ng gana Nang mapansin ito, mabilis na pinatindi ni Mason ang kanyang mga taktika at inatake niya ang mga ito habang sila ay nasa iba ang atensyon, sinuntok niya ang isa habang gumagawa ng backflip at sabay na sinipa ang isa pa. Ang dalawang martial artist ay bumagsak sa lupa at natalo! "Totoo ba itp? Isa ba siya sa mga Supreme Masters?" Nakanganga si Xander. Bago ito, nagdududa siya sa mga sinasabi ni Mason dahil naisip niya na napakabata pa ni Leon para maging miyembro ng realm of Supreme Masters, pero ngayon, naisip niya na baka totoo ito. Ngayon at madali siyang natalo ni Leon—isang mahusay at bihasang martial artist, ay patunay na higit na nalampasan ng pagsasanay ni Leon ang kanya. "Hindi ako makapaniwala na isa kang m
Dahil sa realisasyong ito, nawala lahat ng tiwala niya sa kanyang mga kakayahan at hindi man lang siya nakapag-ipon ng lakas ng loob na depensahan ang sarili. "Sinabi ko na ito noon—Hindi ako titigil hangga’t nakapaghiganti ako para kay Janice! Isa akong lalaki na tumutupad sa salita ko!" Ang sabi ni Leon, puno ng kalupitan ang boses niya at nagpatindig balahibo ang lahat. "Ikaw... Wag mo itong gagawin! Binabalaan kita; ako ay isang tapat na lingkod ng Northern King. Kung maglakas-loob ka man lang na saktan ako, hindi ka makakatakas dito!" Sabi ni Xander, sinusubukang ipakita na may kumpiyansa siya kaysa sa nararamdaman niya. Habang iniisip ang Northern King, hindi niya maiwasan na maging medyo panatag. "Ang Northern King?" Kumunot ang noo ni Leon at agad na tumahimik. Kahit gaano pa siya kahusay sa pakikipaglaban, hindi pa rin siya makakapantay sa isang tulad ng Northern King, at sa gayon, hindi magiging matalino sa kanya na labanan ang Northern King. Gayunpaman, si Xander
“Ang anak ng Northern King?” Nabigla si Leon dito. Hindi niya inaasahan na ang anak ng Northern King ay biglang magpapakita.“Sino ka sa tingin mo?” Tumingin si Jacob sa mukha ni Leon, tumitig siya dito ng may mayabang na tingin.“Master Lowe, ang pangalan po ng lalaking ito ay Leon Wolf, isa siyang ulila na walang kahit ano sa pangalan niya, pero mahusay po siya sa pakikipaglaban…” Ang mabilis na paliwanag ni Xander. Ngunit sa oras na sasabihin niya na si Leon ay isang miyembro din ng realm of Supreme Master, sumingit si Jacob sa kaya.“Walang hiya ka para bastusin ang tatay ko ng ganito, ikaw walang kwenta ka!” Ang sigaw ni Jacob.“Tama! Master Lower, ang lalaking ito ay sinaktan po ako dahil hindi po ako kasing husay niya sa laban, at binastos niya rin po ang pangalan ng Northern King. Kailangan niyo po akong ipaghiganti…” Agad na naisip ni Xander na ito ang perpektong pagkakataon para humingi ng tulong.“Bibigyan kita ng isang chansa! Kapag lumuhod ka at para humingi ng tawad
“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede
“Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b
“Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas
Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu
Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy
Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s
Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy
Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si
Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”