May nadinig si Mika na kumakatok sa pinto. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod. Agad itong nagbihis ng bestidang pambahay. Nakahinga ng maluwag si Liam ng lumabas ito. Kausap ang dalaga ni Ate Minda. Lumabas siya sa pintuan sa kusina. Gustong gusto na niyang mayakap at mahagkan ang dalaga. Labis na ang kanyang pananabik na makasama ito at maalagaan. Ngunit naduduwag siya sa maaaring maging reaksyon nito.Nakabalik na siya sa kabilang bahay na inuupahan. Tumatawag si Jasmin. Natanggap na nito ang divorce papers na dapat pirmahan. Nakakailang ring na kaya napagdesisyunan na niyang sagutin.Inilayo niya sa tenga ang telepono pagdinig sa sigaw ng babae. “Nasaan ka, Liam? Mag-usap tayo.”“Wala namang dapat pag-usapan. Kailangan mo lang pirmahan ang divorce papers.”“Hindi ako payag sa diborsyo. Hindi tayo maghihiwalay, Liam. Mahal na mahal pa din kita.”“Kasama ng mga papeles ang pinirmahan mong kontrata na kahit anong oras ko gustuhin ang makipaghiwalay ay pwede. Huwag mo ng pahirapan pa ang
Kumuha ng blanket si Liam upang itakip sa katawan ni Mika. Binuhat siya nito at isinugod sa ospital. Mabuti na lamang at safe siya at ang baby. Nagkaroon lamang siya ng hiwa sa kaliwang hita niya ng madulas at tumama sa nabasag na baso. Kakalabas lang ng duktor na tumingin sa kanya. Walang may gustong maunang magsalita sa kanilang dalawa ni Liam.“Umuwi ka na. Tinawagan ko na si Zion. Papunta na siya dito. Hindi kita kailangan,” aniyang nakatingin sa bintana ng ospital.“Hindi kita iiwan kahit ipagtabuyan mo ako,”determinadong sagot ng binata.“Bakit ba ang kulit mo? Hindi ikaw ang ama ng anak ko. Tsaka ano ang ginagawa mo sa bahay ko?”Lumapit ito sa kanyang higaan at inilapit ang mukha sa kanyang mukha. “Hindi ka makakatakas sa akin, Mika.”Nalanghap niya ang mabangong hininga ng binata sa sobrang lapit ng mukha nito. Tila na naman siya nahihipnotismo. Miss na miss na niya ito. Pilit niyang nilalabanan ang damdamin.“Ayaw kitang makita, Liam. Huwag mo na akong guluhin.” Umiwas siya
May kumakalabog ng pinto sa labas. May sumisigaw. Si Jasmin. Paano sila natunton ng babae? Binuksan ni Liam ang pinto bago pa ito tuluyang mambulahaw ng kapitbahay. Lumabas silang apat.“Hayup ka! Malandi ka! Mang-aagaw! Maghanap ka ng walang sabit!” Akmang susugurin nito si Mika. Agad na humarang si Liam.Hindi siya nakakibo sa sinabi ng babae dahil toto naman ang lahat ng ito. Inaasahan na niya ang ganitong tagpo.Parang torong nagwawala si Jasmin. “Layuan mo ang asawa ko! Hindi kami maghihiwalay! Malandi ka!”“Jasmin, inuubos mo ang pasensya ko! Kapag hindi ka tumigil mapipilitan akong ibalik ka sa mga magulang mo. Huwag kang manggulo dito.” Hinila ito ng binata papasok sa kotse.Tinanaw na lamang niya ang pag-alis ng sasakyan ni Liam. Inilayo nito si Jasmin. Paano kung mag-usap ang dalawa at piliin ng binata ang babae?Hindi siya dalawin ng antok. Tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi pa din bumabalik si Liam. Baka nagkaayos na ang dalawa at may ginagawa ng kahalayan ang mga it
Nasaan si Mika? Baka umalis na naman ito at nagtago. Hindi kaya natakot ito sa panggugulo ni Jasmin? Baka nagbago na ang isip nito. Napaupo siya sa sofa. Hindi dapat nawalay sa paningin niya ang dalaga at baka malagay ang buhay nito sa panganib.Nadatnan niya si Liam na nakaupo sa sofa. Bigla siya nitong niyakap ng iluwa siya ng pinto.“Akala ko umalis ka, Mika. Huwag mo akong iiwan,” tila maiiyak na sabi nito. Gumanti siya ng yakap.Hindi siya aalis at lalayo. May mga inililihim ang binata sa kanya at ang kanyang ama na dapat niyang alamin. Hindi solusyon ang pagtakas. Nagdesisyon siyang harapin ang anumang pagsubok at problema. Lalaban siya kung kinakailangan para sa kaligtasan niya lalo ng batang kanyang isisilang. Naniniwala siyang hindi siya papabayaan ni Liam.“Hindi na ako lalayo o magtatago. Harapin natin kung anuman ang ibato sa atin ng kapalaran ng magkasama.”Isinara ni Liam ang kanyang labi. Hinalikan siya nito ng mariin. Halos hindi siya makahinga. Naramdaman niya ang lab
Hawak ni Lolo Artemio ang baril ng lumapit kay Mika. “Hindi ako mangingiming patayin ka at ang bata sa sinapupunan mo. Lumayo ka kay Liam.”Puno ng sindak ang kanyang mukha. Napaatras siya.Kaagad nitong itinago ang baril pagbukas ng pinto ng pumasok si Ms. Castro.“Mika, hinahanap ka ng daddy mo. Ako na ang bahala kay Lolo Artemio.”Binigyan siya ng babae ng matamis na ngiti. Bumait ito sa kanya mula ng nagkarelasyon sa daddy niya. Pinuntahan niya sa opisina ang kanyang ama na tila ba tumanda ng ilang taon dahil sa stress sa ospital.“Kumusta anak?” bati nito.“Okay naman po. May kailangan po ba kayo?”Hindi agad nakasagot si Dr. Ramirez. “May sasabihin sana ako tungkol sa amin ni Elma.” Si Ms. Castro ang tinutukoy ng ama.Nahuhulaan na niya ang sasabihin ng ama. Hindi siya kumibo.“Hindi naman lingid sa kaalaman mo na nagkakamabutihan na kaming dalawa. At hindi na din naman kami mga bata. Ipapaalam ko lang sa’yo na magsasama na kami sa bahay. At welcome ka anytime na gusto mong bumi
“Huwag mo ng alamin. Tapos na naman ang lahat,” sabi ng matandang palaboy kay Dr. Ramirez.“Sabihin mo sa akin kung sino ang nagsamantala sa’yo upang pagbayaran niya ang kanyang ginawa.”“Si Aldrin Francisco. Ngunit ayoko ng madawit pa sa kung anong kaguluhan.”Kuyom ang palad niya. “Hayup talaga ang lalaking ‘yun. May araw din siya. Madami ng reklamo sa kanya. Napakadaming anak sa iba’t-ibang babae.”Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.“Sino ang ama ni Mika?”“Hindi mo kilala. Hindi siya miyembro ng grupo.”“Hindi ba niya alam na nabuntis ka? O ayaw kang panagutan noon?”“Hindi niya alam at wala akong balak ipaalam pa. Gusto ko lang mabuhay sa kasalukuyan. Ang importante ay buhay ang dalawang anak ko at nasa mabuting kalagayan. Si Mika at si Zion.”***Naisipan niyang dalawin sa mansion si Liam. Wala pa daw ito ang sabi ng maid na sumalubong sa kanya. Inagahan niya talaga ang punta. May pakay siya sa mansyon. Hiningi niya ang susi ng kwarto ni Liam upang makapagpahinga. Naghaha
Flatline na ang monitor. Agad siyang nasagawa ng resuscitation. Una niyang ginawa ang chest compressions. Nang hindi pa din humihinga ang pasyente ay gumamit na siya ng electric shock. Pinagpapawisan siya ng butil butil. Ang mamatayan ng pasyente ang hindi niya nais mangyari.Sinubukan niya ang lahat ngunit hindi niya nailigtas ang buhay ng daddy ni Zion. Dumating si Liam at agad tinignan ang CCTV. Cut na agad ang footage ng mga nagsipasok sa room ni Aldrin Francisco.Sino ang may kagagawan ng mga aksidente? Hinala nila ni Liam ay may kasabwat na tauhan sa ospital. Naabutan nilang tulog ang bantay sa CCTV room. May nakita silang substance o gamot sa dugo ni Aldrin Francisco na sanhi ng pagkamatay nito.Ilang minuto lamang siya nalingat ay naisagawa na ng kriminal ang pagpatay. Inireport nila ang nangyari sa mga pulis. Ngunit kagaya ng sa tatay ni Liam ay mag-iimbestiga daw ang mga ito. Ang kaso ng pagkamatay ng tatay ng binata ay nananatiling wala pang hustisya. Kahit pa may umamin ng
Dumating si Ava. Mas lalo itong naging maganda at sexy. Nakaramdam siya ng insecurity. Ganoon yata talaga ang buntis. Magulo ang isip at damdamin. Ano ang pakay ng babaeng ito?“Ava, ano ang sabi ko sa’yo? Huwag kang aalis ng hotel room mo hanggat hindi pa natin nalalaman kung sino ang nagpapadala ng death threat at nagtangkang kumidnap sa'yo.”“Liam, natatakot akong mag-isa. Pwede bang dito muna ako sa bahay ninyo. Secured itong tinitirahan ninyo. Delikado ang buhay ko. Ayoko pang mamatay.”“Hindi ka pwede dito. Bahay namin ito ni Mika.”“Madaming kwarto naman dito. Mika, please,” bumaling sa kanya ang babae. Naguluhan siya. Papayag ba siyang tumira ang ex-girlfriend ng nobyo at makakasama niya sa iisang bahay?Binitbit ni Liam ang braso ni Ava palabas. “Buntis si Mika, ma-stress siya kapag nakita ka araw-araw.”“Talaga? Congratulations! Hindi ako manggugulo. Dati naman kaming friends. Hindi ba, Mika?”“Ako ang may ayaw na makita ka dito sa bahay. Sa mansyon, doon ka muna tumira.”“S