Napansin niya ang cellphone ni Andrei na naiwan sa sahig ng umilaw ito. Akala niya ay lowbat ang cellphone nito. Sinungaling talaga! At may nag-pop up na message galing sa daddy niya. Pinagkaisahan na naman siya ng dalawa! Umusok ang ilong niya sa galit.Kinalabit niya ang binata mula sa likuran. “Umupo ka lang at baka makita tayo ng mga taong padating.”Idinuldol niya sa mukha nito ang hawak na cellphone! Kinurot niya ito ng pinong pino sa tagiliran.“Aray, Nessa. Tama na!” Ilag ng binata sa bawat kurot niya.Nakahanap siya ng basyo ng bote. Dinampot niya ito at ipupukpok sa ulo ni Andrei. Nanggigigil talaga siya sa mga kalokohan nito.Lumabas ito ng kubo at tumakbo. “Nessa, tama na! Dumating na ang tutulong sa atin para makaalis dito.” Nagtago ang binata sa likod ng tatlong lalaking nagtataka sa kanilang dalawa.Naayos na ang kanilang sasakyan kung nasira man. Hindi na niya alam kung totoo ang nangyayari o palabas lamang ng tatay niya at ni Andrei. Gusto niyang pagbuhulin ang dalawa
“Sir na pogi. Naghahanap po ba kayo ng mauupahan? Maganda po dito. Riverside po tapos ay mapuno at sariwa ang hangin,” anang isang babaeng halos mas matanda lamang ng ilang taon sa kanya.“Ha? Opo, naghahanap ako ng apartment. May bakante po ba sa hilera na ito?”“Meron, sa gitnang pinto, kakaalis lang last week. Sakto ang dating mo.”“Sige po, kukuhanin ko na. Magkano po?”“Five thousand per month. One month advance, one month deposit.”“Magbabayad ako ng triple pero may hihingin akong pabor.”“Pag-usapan natin ‘yan sa loob.” Niyaya siya ng katiwala sa loob ng ikalawang pinto na katabi ng inuupahan ni Mika.Kinausap niya ang katiwala at sinabi na kasintahan niya si Mika at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Ipinakita niya dito ang ilang pictures na kuha niya at ang lumang larawan nilang magkasama. Nakuha naman niya agad ang tiwala nito.Mas malapit na siya kay Mika ngayon. Isang pader lang ang pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit parang napakalayo pa din ng dalaga. Labis na ang k
Nagulantang si Zion sa pagsalubong ng boss. Isa pa uling suntok sa panga ng binata ang pinakawalan ni Liam. Hindi niya matanggap ang ginawa nitong kataksilan at pakikialam sa babaeng pinakamamahal.“Tarantado ka! Alam mo naman pala kung nasaan si Mika. Hindi mo sinabi na ikaw pala ang nagtago sa kanya!” Muli niya itong sinuntok sa mukha. Hindi umilag ang lalaki. Tinatanggap lang nito ang kanyang kamao. Duguan na ang mukha nito. Nang may pumigil sa kanyang kamay.“Tama na!” awat ni Mika. Itinulak siya ng dalaga. Tinulungan nitong tumayo si Zion. Nagtagis ang kanyang bagang sa eksena. Hawak ni Mika sa braso ang traydor niyang bodyguard. Nakaramdam siya ng matinding panibugho. Malamang ay tinawagan ni Zion si Mika upang ipaalam na nalaman na niya ang pinagtataguan nito. Ginawa siyang tanga ng dalawa!Biglang para siyang bulkang sasabog. Hinila niya si Mika. “Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo?”Nasindak ang dalaga sa kanyang tanong. Bakas ang takot sa mukha nito. “Sino?! Sumagot ka!” buly
Lumapit siya kay Liam. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha. "Ano? Ulitin mo ang sinabi mo.""Magkapatid kami ni Mika. At hindi ako ang ama ng anak niya," sabi ni Zion."Paano kayo naging magkapatid? Kailan mo pa nalaman?""Iisa ang nanay namin at hindi ko din kilala kung sino kagaya niya, iniwan din ako nito. May dumating sa aking email. Pictures in Mika. Nagbibilin na alagaan ko daw ang kapatid ko. Nagsagawa ako ng sibling DNA test at magkapatid nga kami. Pero hindi ko pa din nasasabi kay Mika. Ayaw ko na ding dumagdag pa sa isipin niya sa ngayon."Umupo siya sa tabi nito. "Kung ganoon. Sino ang ama ng ipinagbubuntis niya?" Alam na niya ang sagot pero may konting kaba pa din sa kanyang dibdib."Boss, umiinit ang ulo ko sa'yo. Sino sa tingin mo?""Ako, syempre.""Alam mo naman pala. Pero huwag nating sabihin kay Mika na sinabi ko sa'yo. Ayaw niyang ipaalam sa'yo na ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya. At isa pa huwag mo ding ipaalam na magkapatid kami. Tsaka na siguro kapag nakapanga
May nadinig si Mika na kumakatok sa pinto. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod. Agad itong nagbihis ng bestidang pambahay. Nakahinga ng maluwag si Liam ng lumabas ito. Kausap ang dalaga ni Ate Minda. Lumabas siya sa pintuan sa kusina. Gustong gusto na niyang mayakap at mahagkan ang dalaga. Labis na ang kanyang pananabik na makasama ito at maalagaan. Ngunit naduduwag siya sa maaaring maging reaksyon nito.Nakabalik na siya sa kabilang bahay na inuupahan. Tumatawag si Jasmin. Natanggap na nito ang divorce papers na dapat pirmahan. Nakakailang ring na kaya napagdesisyunan na niyang sagutin.Inilayo niya sa tenga ang telepono pagdinig sa sigaw ng babae. “Nasaan ka, Liam? Mag-usap tayo.”“Wala namang dapat pag-usapan. Kailangan mo lang pirmahan ang divorce papers.”“Hindi ako payag sa diborsyo. Hindi tayo maghihiwalay, Liam. Mahal na mahal pa din kita.”“Kasama ng mga papeles ang pinirmahan mong kontrata na kahit anong oras ko gustuhin ang makipaghiwalay ay pwede. Huwag mo ng pahirapan pa ang
Kumuha ng blanket si Liam upang itakip sa katawan ni Mika. Binuhat siya nito at isinugod sa ospital. Mabuti na lamang at safe siya at ang baby. Nagkaroon lamang siya ng hiwa sa kaliwang hita niya ng madulas at tumama sa nabasag na baso. Kakalabas lang ng duktor na tumingin sa kanya. Walang may gustong maunang magsalita sa kanilang dalawa ni Liam.“Umuwi ka na. Tinawagan ko na si Zion. Papunta na siya dito. Hindi kita kailangan,” aniyang nakatingin sa bintana ng ospital.“Hindi kita iiwan kahit ipagtabuyan mo ako,”determinadong sagot ng binata.“Bakit ba ang kulit mo? Hindi ikaw ang ama ng anak ko. Tsaka ano ang ginagawa mo sa bahay ko?”Lumapit ito sa kanyang higaan at inilapit ang mukha sa kanyang mukha. “Hindi ka makakatakas sa akin, Mika.”Nalanghap niya ang mabangong hininga ng binata sa sobrang lapit ng mukha nito. Tila na naman siya nahihipnotismo. Miss na miss na niya ito. Pilit niyang nilalabanan ang damdamin.“Ayaw kitang makita, Liam. Huwag mo na akong guluhin.” Umiwas siya
May kumakalabog ng pinto sa labas. May sumisigaw. Si Jasmin. Paano sila natunton ng babae? Binuksan ni Liam ang pinto bago pa ito tuluyang mambulahaw ng kapitbahay. Lumabas silang apat.“Hayup ka! Malandi ka! Mang-aagaw! Maghanap ka ng walang sabit!” Akmang susugurin nito si Mika. Agad na humarang si Liam.Hindi siya nakakibo sa sinabi ng babae dahil toto naman ang lahat ng ito. Inaasahan na niya ang ganitong tagpo.Parang torong nagwawala si Jasmin. “Layuan mo ang asawa ko! Hindi kami maghihiwalay! Malandi ka!”“Jasmin, inuubos mo ang pasensya ko! Kapag hindi ka tumigil mapipilitan akong ibalik ka sa mga magulang mo. Huwag kang manggulo dito.” Hinila ito ng binata papasok sa kotse.Tinanaw na lamang niya ang pag-alis ng sasakyan ni Liam. Inilayo nito si Jasmin. Paano kung mag-usap ang dalawa at piliin ng binata ang babae?Hindi siya dalawin ng antok. Tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi pa din bumabalik si Liam. Baka nagkaayos na ang dalawa at may ginagawa ng kahalayan ang mga it
Nasaan si Mika? Baka umalis na naman ito at nagtago. Hindi kaya natakot ito sa panggugulo ni Jasmin? Baka nagbago na ang isip nito. Napaupo siya sa sofa. Hindi dapat nawalay sa paningin niya ang dalaga at baka malagay ang buhay nito sa panganib.Nadatnan niya si Liam na nakaupo sa sofa. Bigla siya nitong niyakap ng iluwa siya ng pinto.“Akala ko umalis ka, Mika. Huwag mo akong iiwan,” tila maiiyak na sabi nito. Gumanti siya ng yakap.Hindi siya aalis at lalayo. May mga inililihim ang binata sa kanya at ang kanyang ama na dapat niyang alamin. Hindi solusyon ang pagtakas. Nagdesisyon siyang harapin ang anumang pagsubok at problema. Lalaban siya kung kinakailangan para sa kaligtasan niya lalo ng batang kanyang isisilang. Naniniwala siyang hindi siya papabayaan ni Liam.“Hindi na ako lalayo o magtatago. Harapin natin kung anuman ang ibato sa atin ng kapalaran ng magkasama.”Isinara ni Liam ang kanyang labi. Hinalikan siya nito ng mariin. Halos hindi siya makahinga. Naramdaman niya ang lab