Mahigit isang oras na pero hindi pa rin lumalabas si Lyndon. Pinakatitigan ni Anika ang nakasaradong pinto ng ward na yun at bigla nyang naalala ang nakita nyang pag aalala sa mga mata ni Lyndon kanina habang hawak ang kamay ng pasyente. Naisip ni Anika na bagamat napakalamig at napaka arogante ng pagkatao ni Lyndon at masyado itong mailap at parang manhid ay ibang Lyndon ang nakita niya kanina. Sa munting liwanag na iyon habang nakatingin si Lyndon sa babae ay may ibang Lyndon siyang nakita na kahanga hanga para kay Anika.Nakaramdam ng konting selos si Anika kay Gwen Zamora. Ang nag iisang babaeng anak ng mag asawang Zamora. Dahil kahit na nag collapse naman na ang mga negosyo ng Zamora sacngayon at ulila ang babae, sa sandaling gumising ang tagapagmanang anak ng mga ito kahit pa anong mangyari at kahit na ano pa ang hilingin nito, alam n Anika na naroon si Lyndon para dito.Dahil doon ay parang nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang dibdib si Anika na medyo naluha pa nga dahil ib
Nung una ay parang hindi gustong sumunod ni Anika.Hindi niya gustong pumayag dahil mahalaga sa kanya ang balitang iyon. Isa ito sa scoop na posibleng magbigay sa kanya ng malaking oportunindad kaya gusto niyang siya ang maunang makadiskubre ang lahat. Halos mag iisang taon na rin ang paghihirap niya kaya hindi niya kayang masayang ang halos isang taon niyang hirap ng ganun ganun na lang. Kaya naman nakaisip ng magandang ideya ang dalaga."Kung ititikom ko ba ang bibig ko? Ibibigay mo ba sa akin ang gamot ngayon at sa darating pang panahon" nagbabaka sakaling tanong ni Anika. Sa sandaling iyon ay kailangan niyang maging matalino.Sandaling nanahimik ang binata. Ang isip at puso ni Lyndon ay halos sakop ni Gwen ng halos isang taon na at naisip naman nya ba si Anika ay hindi naman ganun kagaling sa kama para hanap hanapin niya at maaaring pagsawaan din niya matapos ang isa o dalawang beses pang pagkakataon. Kaya malalim na nag isip si Lyndon at pagkatapos ay tinapunan ng tingin si Anika.
Lumipas ang maraming gabi at maraming araw.Unti unti nang nararamdaman sa kanilang lugar ang simoy ng hanging amihan. Ang hanging iyon ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa lahat ng tao.Para bang ang hangin na iyon ay magdadala ng kasaganaan, kaligayahan kaya naging kapanapanabik.Muli ay pumasok si Anika sa isang mamahaling club.Inabot nya kay Dennis ang kanyang cellphone nang ihatid siya nito. Naroon si Anika para sa trabaho "Sana masuwerte ang araw ko ngayon" Sabi pa nya sa kaibigan.Suot niya ang makapal na make up na kahit siya mismo ay hindi niya makilala ang kanyang sarili. Sumunod siya sa mga ilang babaeng nakita niyang naroon. Pagpasok sa club, inangat ng konti ni Anika ang kanyang ulo at pinagmasdan ng tingin ang paligid at nagmasid.Humantong sila sa isang pabilog na sofa sa gawing sulok ng bar. May mga ilang babaeng nagtitipon na roon.Pagkatapos sa gitnang bahagi ng pabilog na sofa na iyon ay may isang lalaking naglalaro ng baraha.Nang sandaling iyon ang binatang si L
Tumingin si Anika sa direksyon ni Lyndon ito na lamang ang tanging naiisip niyang para makaalis sa gusot na iyon. Sa isang Iglap mabilis na naglakad si Anika sa kinaroroonan ni Lyndon.Umupo sa harap ng binata at sumandal s mga binti ni Lyndol. Nagulat naman ang binata sa pangahas na ginawa ng babae."Anong ginagawa mo" nagtatakang tanong niya. Napatingin ito kay Anika.Biglang itinapon ng marahas ang mga barah hawak nito sa kanyang mga kamay.Ang nagtatakang mukha ng binata ay hindi masyadong makita dahil nakatago ito sa malamlam na ilaw ng Bar. Ang pwesto ni Lyndon ay talikod sa ilaw na malamlam kung kaya't hindi halos makita ang mukha nito.Mister, ikaw ang gusto ko ikaw ang pinipili ko.Pwede bang ikaw na lang ang pumili sa akin?" Tila nakikiusap na sabi ni Anika.Tumawa ng malakas ang binata ganun ang mga tao sa paligid nila.Lahat din ng mga babae sa loob ng bar na yun na naka palibot na upuan na yon ay nagtawanan din."Ito ang unang pagkakataon na ang babae mismo ang mamimili kung
Kung si Warren Ay hindi dumating na hindi imbitado ngayong gabi.Paano ito nagkaroon ng karapatan para lumapit At makita si Lyndon?Nang sandaling iyon ay nakaupo si Anika sa gilid At nananahimik. Ngunit nakita siya ni Warren kaya naglakad ito ng ilang hakbang palapit sa kanya?"Ikaw ba ay babaeng nagtatrabaho rito?" Tanong sa kanya nito."Ano ba sa tingin mo?Mukha bang hindi" Sagot ni Anika. Tumingin si Warren sa kanyang damit at tumaas ang kilay nito."Mukhang isa kang disenteng babae.Pero kung babae ka nga rito. Hindi ba't dapat ay pinagsisilbihan mo kami?" Sabi nito sa kanya na parang nanunuya.Nakita ni Anika na abala nga si Lyndon sa pagbubuhos ng alak nito at ang lahat ng babae roon ay abala sa pagbubuhos ng alak sa mga lalaki. Kaya naman ang mga kamay at paa ay medyo nataranta.Pansin niya kasi ang ibang mga babaeng naroon na kasama niya ay mga nakakalong na sa mga lalaki at ang ilan pa nga ay may mga ginagawa ng hindi nakakatuwa sa paningin.Napasulyap lamang si Anika sa mga i
Dahil sa sinabi ngayon ni Lyndon ay narinig ni Ilang panunukso sa paligid. Nakagat na lamang na nakakagat na lamang ni Anika ang kanyang mga labi at nahiga na lamang sa mga hita ni Lyndol ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ng mahabang sandali ay naisipan na ni Lyndol ang umalis kaya kinuha ito ang kanyang amerikana na nakatakip kay Anika pagkataposay tumayo na at umalis sa laesang iyon. Hinatid pa nga sya ni Warren sa pinto ngunit ang mga mata ni Warren ay patuloy na nakasulyap kay Anika. Kaya naman natakot si Anika at dali daling naglakad at sinundan kung saan nagtungo si Lyndon.Nang makita ni Anika na naglakad na ang binata patungo sa sasakyan nito ay nagpilit si Anika na sumabay. sa paglalakad ng binata."Mister Lyndol, Hayaan nyo pong samahan kita ngayong gabi" Muling sabi ni Anika medyo nilakasan niya ang kanyang boses dahil alam niyang sa kanilang likuran ay nakamasid pa rin si Warren.Sinulyapan lamang ng binata si Anika.Pagkatapos ay pumasok sa kanyang sasakyan, agad agad nam
Mabilis na tumakbo si Anika sa banyo na para bang tumatakas na hindi niya malaman. Ang bagay na kinuha ni Dindo sa club napakalaki, Ibinalot ni Anika ang kanyang sarili sa malambot na tela ng isang manipis a bathrobe. At sinikipan pa ang kwelyo at ang pagkakatali na sinturon na para bang anumang sandali ay alam niyang luluwang pagkatapos ay dahan dahan ng lumabas ng banyo si Anika.Nakaupo naman si Lyndon sa dulong bahagi ng kama habang hawak ang telepono na parang meron itong tinitingnan at binabasa. Biglang ang ilaw sa uluhan ng binata ay dumilim na parang may malapad na tumakip sa kanyang uluhan.Pagtingala ni Lyndon ay nakita niya si Anika na nakatayo sa harap niya at nakatingin sa kanya ng malagkit. Nakataas ang unat nitong buhok na parang itinali ng paaburido, litaw ang maliit ngunit maputing leeg at colar bone ng dalaga. Bumaba ang tingin ni Lyndon sa kabuohan ni Anika, diyosa ang nasa harap niya.Pero muling naramdaman ng binata ang kinaiinisang pakiramdam. Napahawak si Lyn
Samantalang si Anika naman ay pinagsalikop ang nakabukas na roba at inayos ang sarili. Pag alis ni Lyndon ay parang naging napakalamig ng silid.Kaya agad siyang bumangon at dinampot ang pinagpalitang damit at nilisan na rin ang silid na yun.Paglabas niya ay walang masasakyan, malayo naman ang labasan para maghanap ng taxi man lang.Pero mukhang walang choice ang dalaga konti ang maglakad nga palabas.Nakahakbang na ng ilang hakbang si Anika palayo sa gate at malalim na nag iisip nang marinig ni Anika ang busina ng sasakyan.Paglingon niya ay nakita niyang si Dindo iyon. Mukhang nag aalala ito sa kanya. At mukhang kanina pa din ito naghihintay.Huminto ito sa tapat niya kaya binuksan ni Anika ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob."Nakita ko si sir Lyndon na umalis, Anong nangyari?Ang buong akala ko ay magiging magkasama kayo buong gabi?" Tanong sa kanya ni Dindo."Mukhang meron siyang importanteng kailangang puntahan. May tumawag sa kanya at mukhang mahalaga" Sabi ni Anika. Sumiman
Napansin ni Lyndon na sa ikinikilos ng lalaki ay may lihim itong agenda. Pakiramdam niya ay sinasadya niting paglaruan si Anika.Dahil sa mga naiisip ay parang gusto ng hatakin at hilahin ni Lyndon ang lahat ng mga ngipin ang lalaking hanep kong makangiti kay Anika.Hindi na rin kasi nagugustuhan ni Felix ang malalalalim na titig nito sa dalaga.Narinig naman ng supervisor ang sigaw na iyon ng customer.Pero dahil meron siyang hinala na may kakaibang nangaganap sa pagitan ni Aika at ng kanilang VIP ay nag isip ng mabuti ang manager.Hindi siya mapupunta sa kinalalagyan niya ngayon.At mapo promote na manager sa bar na ito kung hindi siya marunong bumasa ng mga karakter ng mga tao. Ultimo ang mga simpleng kilos at simpleng tapik at himas ay alam niya ang kahulugan kaya nangpasya ang manager."Ah si Aika ba sir? Ah teka lamang air at parating na iyon.Teka saglit lang po ang maigie pa ay sunduin ko na nga. Maiwan ko po muna kayo at tatawagin ko si Aika. Sabi ng manager sabay isinara ang pin
"Tulad nga ng sinabi mo, may mga bisita naghihintay sa akin. Kaya't itigil mo na yang mga pagtatanong mo. Wala namang dahilan lahst yun nabanggit ko lang yun. Mabuti pa ay bumaba na lamang ako" Sabi ni Anika na umiwas na at mabilis na tumalilis palabas ng banyo.Hinabol naman siya ni Lyndon pero nagdedrederetos si Anika at mabilis ang naging hakbang.Nang mga sandaling iyon, ang manager ng club ay naghihintay pa rin kay Anika sa labas ng pinto.Nang makita nito na hindi sexy ang damit ni Anika, ganun din ay wala na itong make up at lipstick sa mukha ay napasimangot ang manager."Anong arte ito? bakit ganyan ang suot mo.Ano? Hindi mo na gusto kong trabaho, Tama ba?" Tanong nito sa kanya, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Nagkataon naman na nakasunod na si Lyndon kay Anika at naroon na ito sa likod ng dalaga. Tinitigan ni Lyndon ng matalim ang manager na tila sinasaway."Oh ano?wala ka ng kailangang gawin dito ano pang silbi mo.Ang arte arte mo kase porke ikaw ang mabenta
Tuluyan ng nainip si Lyndon kayat wapang banalang kinatok ang pinto."Anika..!! Anika, buksan mo ang pinto...Isa...! Sinabi ng buksan mo ang pinto" Sigaw ni Lyndon mula sa labas.Pero hindi pa rin sumasagot si Anika at tinakpan lamang ang kanyang tenga.Bagamat tensiyunado ay nangiisip ang dalaga kung paano makakalusot sa sitwasyun na ito."Madali lamang sanang magdahilan kung hindi lamang umeksena si Lyndon. Ngayon ay lalong naging komplilado ang sitwasyun niya" sa sabi ni Anika."Bakit ba kase palaging naroon si Lyndon sa club gayung may kasintahan naman ito.Ganun ba ito kasabik na may makasamang babae?" Sa ganun tanong ay parang may kung anong lungkot ang humimlay sa puso ni Anika."Umalis ka na"sigaw ni AnikaNagulat si Lyndon sa narinig. Hindi ba siya nagkamali ng narinig? Totoong narinig niyang pinalalayas siya ni Anika."Ang lakas ng loob ng babae.Siya si Lyndon ay itinataboy nito?" Dahil doon ay lalong tumindi ang galit ng binata. Matapos na ilang ulit na balyahin ang pinto a
Malakas na nauntog ang ulo ni Anika sa dibdib nito kaya halos mahilo ang dalaga.At ang mga basong hawak niya. na may laman ng alak ay natapon din mismo sa dibdib ng dalaga kasabay nanh paghampas ng mukha niAnika sa katawan ng lalaking tiyempong natumbahan niya.Yukong yuko si Anika dahil inisip niyang baka isa iyong sa mga lalaki sa loob ng silid iyon at baka makilala siya.Halos manginig si Anika sa takot.Ang manager naman ay tila namutla nang mapasulyap sa lalaking nabunggo ni Anika. Pagkatapos ay bigla na lang kinakitaan ito ng takot ang mukha."Naku Sir Lyndon, Pasensya na po. Pasensya na po sa katangahan ng aming mga alaga. Pasensya na talaga" sabi ng manager na walang tigil ng paghingi ng pasensya.Bigla na lamang nanigas si Anika ng marinig kung sino ang taong natumbahan niya.Naramdaman ni Anika na ang tray na hawak niya ay hinablot ng lalaki at inabot iyon sa manager."Kunin mo ito" utos ni Lyndon.Ang maotoritibong boses nito ang lalong nagpalambot ng tugod ni Anika.Biglang
Sanay na ni Anika na maalat ang palkitungo ng mga kasamahan. Ang mga babaeng nagtatrabaho sa club na yon ay hindi maganda ang pakikitungo sa mga babaeng pakiramdam nila ay mas maganda sa kanila.Lalong lalo na kapag ang babaeng yon ang pinaka sikat malakas kumita sa kasalukuyan. At sa mga gabing nagdaang iyon ay si Anika ang naging apple of the eye ni Madam Wendy at ng mga VIP costumer. At dahil doon pinagiinitan si Anika ng mga ibang babae sa club.Para sa mga ito dahil malaki ang kita ni Anika kesa sa kanila ay inaagaw ni Anika ang grasya kada gabi kaya parang naging tinik si Anika sa lalamunan ng lahat ng mga babaeng naroon.Dahil hindi lamang maganda si Anika para sa lahat.Siya sin ang pinakaseksi , pinakasariwa at may pinaka nakakaakit na mukha.Ang manager ng club nang sandaling iyon ay binuksan ang pinto ng kanilang pahingahan at tinawag si Anika."Aika, halika lumabas ka riyan nirerequest ka bg costumer" sabi nito.Nakabusangot na tumayo si Anika.Pero wala siyang karapatan
Naalala ni Julian na wala namang schedule si Lyndon ng kahit anong get together sa mga kaibigan nito. Wala itong mga kaibigan na makakasama at makaka inuman kaya't ipinagtaka iyon ng lalaki.Kaya naman napatanong si Julian sa amo."Sir gusto niyo bang tawagan ko ang ilan niyong mga kaibigan para may kasama kayo pagpunta roon.Wala kasi kayong ipina schedule sa akin tungkol dito"Sabi ni Julian."Hindi, Ayoko.Gusto ko ako lang mag isa" Seryosong sabi ng kanyang amo.Sa tagal na nagmamaneho at nagtatrabaho ni Julian sa kanyang amo ay mukhang alam na niya ang dahilan.Mukhang iisa lamang ang dahilan kung bakit nais magbalik doon ni Lyndon.Nang makarating sa club ay medyo napamaaga sila ng dating. kadalasan pag dumarating doon si Lyndol ay halos puno na na ito ng mga tao at halos napakaingay at napaka usok na.Isa sa mga lalaking manager ang agad siyang nakilala at lumapit sa binata at binati siya."Sir Lyndon, magandang gabi. Mabuti at napasyal kayo ulit. May mga nakahanda na pong silid sa
Nag atubili si Gwen sa pagsagot.Tinitigan si Lyndon at inalam ng dalaga kung may duda sa mga mata nito.Nang wala siyang makita lahit na anong pagdududa ay itinuloy ni Gwen ang pagsisinungaling."Oo naman, binigyan ko siya ng marami. Sobrang dami na sasapat para maiinom ng kapatid niya hanggang sa ang gamot ay maging available na sa mga botika at sinabihan ko siya na kung sakaling maubos at wala pa sa merkado ay magpasabi lamang siya" Pagsisinungaling ni Gwen pero naging mailap ang mga mata.Nagkunwaring hinimas ang mga kamay ni Lyndon para itago ang pagkabalisa ng mga mata niya."Ganun ba?Mabuti naman" Maiksing sabi ni Lyndon."Kahit papaano ay matatahimik na tayo at hindi tayo gagambalain ng babaeng iyon.Gusto ko lamang na sayo siya humingi ng gamot upang mapanatag ka na gamot lang ang nais niya at para na rin humingi siya ng tawad sa iyo." Paliwanang pa ni Lyndon.Nakayuko si Gwen kaya hindi na nakita ni Lyndon ang pagtalim ng mga mata ng babae at ang ngiting paismid ng dalaga.Hind
Nagkataon na ang driver na nasakyan ni Anika ng gabing iyon ay mabuting tao at naging tapat ito sa dalagang pasahero."Ineng, napakarami nito.Hindi niyo ako kailangan bayaran ng ganito kalaki" sabi ng lalaki."Manong, sa kalagitnaan ng gabi kayo ho ay nagtatrabaho at nagpapaka kuba sa pagmamaneho.Pasasalamat Lang ho yan dahil hinahatid ninyo kaming mga pasahero ng ligtas" yun na lamang ang sinabi ni Anika.Naguguluhan man at nalilito ay hindi na kumibo pa ang driver.Inayos ni Anika ang kanyang damit.Pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Hindi ganun kadali para sa kung sino man ang mabuhay ng patas.Tulad na lamang din ng driver na kausap niya ngayon na kahit matanda na ay kinakailangan pang maghanap buhay para lamang maging patas at kaaya aya sa paningin ng iba.Ang mga ilaw sa daan ay hindi masyadong maliwanag, parang ang buhay niya tila laging malamlam.Ang driver ng taxi ay pasimpleng sumulyap sa babaeng sakay niya.Pansin ng matanda na iba ang babae kaysa sa mga babaeng m
Matapos ilabas ang lahat ng sama ng loob.Naglakad si Anika palayo sana sa lugar na yun. Pero ang lalaking palaging nagdadala sa kanya ng mga gamot ay nakita niyang naghihintay muli sa sasakyan tulad ng dati.Nang makita siya nito ay agad itong lumabas ng kotse naglabas ng sigarilyo at nagsindi.Matapos ang ilang hithit ay lumapit ito sa kanya.Hindi naman na nagulat pa si annika At alam na ng dalaga kung ano ang pakay nito."Asan ang pera?Tanong nito.Pero hindi na hinintay pa na sumagot pa ang dalaga agad itong hinablot ang bag na hawak ni Anika At kinuha roon ang pera.Lumapas ang ngiti ng lalaki ng makitang maraming laman ang bag ng dalaga.."Wow,kung ganito ba ng ganito gabi gabi eh di hindi nakakapagod magpunta dito" sabi ng lalaki na kuntento sa salaping nakita."Iba ka talaga.Gabi gabi kang tiba tiba.Oh eto na ang gamot mo" Abot sa kanya ng lalaki.Agad naman ano yung kinuha ni Anika iyon dahil para sa kanya yun lamang ang mahalaga.Kakalagay lamang ni Anika ng gamot sa kanyang