Kung si Warren Ay hindi dumating na hindi imbitado ngayong gabi.Paano ito nagkaroon ng karapatan para lumapit At makita si Lyndon?Nang sandaling iyon ay nakaupo si Anika sa gilid At nananahimik. Ngunit nakita siya ni Warren kaya naglakad ito ng ilang hakbang palapit sa kanya?"Ikaw ba ay babaeng nagtatrabaho rito?" Tanong sa kanya nito."Ano ba sa tingin mo?Mukha bang hindi" Sagot ni Anika. Tumingin si Warren sa kanyang damit at tumaas ang kilay nito."Mukhang isa kang disenteng babae.Pero kung babae ka nga rito. Hindi ba't dapat ay pinagsisilbihan mo kami?" Sabi nito sa kanya na parang nanunuya.Nakita ni Anika na abala nga si Lyndon sa pagbubuhos ng alak nito at ang lahat ng babae roon ay abala sa pagbubuhos ng alak sa mga lalaki. Kaya naman ang mga kamay at paa ay medyo nataranta.Pansin niya kasi ang ibang mga babaeng naroon na kasama niya ay mga nakakalong na sa mga lalaki at ang ilan pa nga ay may mga ginagawa ng hindi nakakatuwa sa paningin.Napasulyap lamang si Anika sa mga i
Dahil sa sinabi ngayon ni Lyndon ay narinig ni Ilang panunukso sa paligid. Nakagat na lamang na nakakagat na lamang ni Anika ang kanyang mga labi at nahiga na lamang sa mga hita ni Lyndol ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ng mahabang sandali ay naisipan na ni Lyndol ang umalis kaya kinuha ito ang kanyang amerikana na nakatakip kay Anika pagkataposay tumayo na at umalis sa laesang iyon. Hinatid pa nga sya ni Warren sa pinto ngunit ang mga mata ni Warren ay patuloy na nakasulyap kay Anika. Kaya naman natakot si Anika at dali daling naglakad at sinundan kung saan nagtungo si Lyndon.Nang makita ni Anika na naglakad na ang binata patungo sa sasakyan nito ay nagpilit si Anika na sumabay. sa paglalakad ng binata."Mister Lyndol, Hayaan nyo pong samahan kita ngayong gabi" Muling sabi ni Anika medyo nilakasan niya ang kanyang boses dahil alam niyang sa kanilang likuran ay nakamasid pa rin si Warren.Sinulyapan lamang ng binata si Anika.Pagkatapos ay pumasok sa kanyang sasakyan, agad agad nam
Mabilis na tumakbo si Anika sa banyo na para bang tumatakas na hindi niya malaman. Ang bagay na kinuha ni Dindo sa club napakalaki, Ibinalot ni Anika ang kanyang sarili sa malambot na tela ng isang manipis a bathrobe. At sinikipan pa ang kwelyo at ang pagkakatali na sinturon na para bang anumang sandali ay alam niyang luluwang pagkatapos ay dahan dahan ng lumabas ng banyo si Anika.Nakaupo naman si Lyndon sa dulong bahagi ng kama habang hawak ang telepono na parang meron itong tinitingnan at binabasa. Biglang ang ilaw sa uluhan ng binata ay dumilim na parang may malapad na tumakip sa kanyang uluhan.Pagtingala ni Lyndon ay nakita niya si Anika na nakatayo sa harap niya at nakatingin sa kanya ng malagkit. Nakataas ang unat nitong buhok na parang itinali ng paaburido, litaw ang maliit ngunit maputing leeg at colar bone ng dalaga. Bumaba ang tingin ni Lyndon sa kabuohan ni Anika, diyosa ang nasa harap niya.Pero muling naramdaman ng binata ang kinaiinisang pakiramdam. Napahawak si Lyn
Samantalang si Anika naman ay pinagsalikop ang nakabukas na roba at inayos ang sarili. Pag alis ni Lyndon ay parang naging napakalamig ng silid.Kaya agad siyang bumangon at dinampot ang pinagpalitang damit at nilisan na rin ang silid na yun.Paglabas niya ay walang masasakyan, malayo naman ang labasan para maghanap ng taxi man lang.Pero mukhang walang choice ang dalaga konti ang maglakad nga palabas.Nakahakbang na ng ilang hakbang si Anika palayo sa gate at malalim na nag iisip nang marinig ni Anika ang busina ng sasakyan.Paglingon niya ay nakita niyang si Dindo iyon. Mukhang nag aalala ito sa kanya. At mukhang kanina pa din ito naghihintay.Huminto ito sa tapat niya kaya binuksan ni Anika ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob."Nakita ko si sir Lyndon na umalis, Anong nangyari?Ang buong akala ko ay magiging magkasama kayo buong gabi?" Tanong sa kanya ni Dindo."Mukhang meron siyang importanteng kailangang puntahan. May tumawag sa kanya at mukhang mahalaga" Sabi ni Anika. Sumiman
Pagdating ni Anika sa villa ni Lyndon, agad siyang sinalubong ng mga bodyguard."Good evening, Miss Anika," bati ng isa sa kanila, at hindi na siya nahirapan pang kumatok. Sa kanilang mga mata, tila siya ay isang pamilyar na bisita naat may espesyal na ugnayan sa kanilang amo dahil nakita na iayan itong nakasama ng amo magdamag sa bahay nito.Ngunit nang umapak siya sa pintuan ng bahay, dalawang malalaki at mababangis na aso ang kumahol nang malakas. Ang kanilang kahol ay tila umabot sa mga dingding ng villa, at sa takot, napaatras si Anika"Bakit naman ganito? Parang ayaw akong papasukin," naisip niya, habang ang kanyang puso ay bumibilis ang tibok. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto sa isang click lamang. Isang babae sa wheelchair ang itinulak palabas, at sa kanyang paglabas ay nagbigay agad ng utos sa mga aso."Quiet. Stay. Ringo, stay. Bakit niyo tinatahulan ang bisita?" Ang tono ng kanyang boses ay may awtoridad, at sa isang iglap, ang mga aso ay humiga sa sahig, masunurin at tah
Bago tuluyang nakalayo si Gwen ay sinulyapan pa nito si Anika na nakatayo pa rin noon sa may sala."Bakit hindi mo ba siya patuluyin?Huwag mo siyang hayaang nakatayo lang ng ganyan" Sabi ni Gwen."Hindi na kailangan" Sagot ng binata sa malamig na tono.Itinulak naman ng assistant na si Roman ang wheelchair ni Gwen papasok sa silid ng dalaga at isinara ang pinto.Samantalang nanatili namang nakatayo si Lyndon sa hagdan. Dahil matangkad ito ay para tuloy napapailaliman si Anika nito. Nakatingin si Lyndon kay Anika mula sa itaas."Anong ginagawa mo dito?Tanong ni Lyndon."Nagpadala ka ng mensahe at sinabi mong magpunta ako ngayon" Sagot ni Anika.Umarko ang isang sulok ng labi ni Lyndon.Pagkatapos ay ngumiti ng sarkastiko."Kung ubos na ang medisina ay pwede mo itong sabihin sa akin ng direkta. Hindi mo na kailangang humanap pa ng walang kwentang rason para lamang magpunta sa bahay ko" Sabi ni LyndonKinuha naman ni Anika ang kanyang telepono.Pagkatapos ay binuksan message box at hinana
Pinakatitigan ni Gwen ang reaksiyon ni Lyndon sa tanong niyang iyon. Wala siyang pinalagpas ultimo ang pagpitik ng mga pilik mata nito at napansin ng dalaga na ang expression ni Lyndon ng sandaling iyon ay kakaiba ganun din ang boses nito ay tila may kakaiba."Hindi" maiksing sagot ng binata.Buo ang boses at ni hindi man lamang nautal.May sumilay na munting ngiti sa mga labi ni Gwen bagamat ang kanyang mga mata ay may kakaibang napansin at kaba sa dibdib ay naroon pa rin."Tama, yun ang makabubuti Lyndol.Hindi ka dapat magkaroon nh kahit anong ugnayan sa kahit na sino pang babae.Hindi ko yun kakayanin" Sabi pa ng dalaga."Huwag kang mag alala hindi yun mangyayari" Sagot ni Lyndon, ngunit ang mga mata ay ibinaling sa ibang direksyon.Samantala si Anika naman ay lumabas sa villa ng binata para maghintay sa labas para makuha sa gamot. Kung tutuusin naman talaga ay nangangalay na ang kanyang binti sa pagtayo kanina sa sala, masakit na ang binti ng dalaga at pagod na rin siya kaya naisi
Si Gwen ay nasa coma sa loob halos ng mahigit isang taon.At halos hindi na nga ito magising. Ngayon naman ay nakaupo ito sa wheelchair dahil hindi pa nito maigalaw at maihakbang ang mga paa.Malaki ang inihulog ng katawan ni Gwen kumpara sa dating hitsura nito. Sobrang payat, tuyot ang balat at maputla ang babae ngayon."Alam kong napakapanget kong tingnan ngayon.Ngunit ano ang magandang maidudulot nito sayo kung ilalantad mo sa publiko ang mga larawang ito?" sabi pa ng babae."Hindi ko talaga alam ang tungkol sa mga yan ulit ni Anika."Biglang sumingit ang malakas na boses mula sa kung saan.Nalanghap niya ang mabangong amoy ng kapaligiran. Pero ang boses ni Lyndon ay kakaiba at malamig.Mukha itong nang uusig. Pero mukhang controlado. ang lahat ng sitwasyon. Kaya posblebling ang lahat ng naroon ay iisiping matakot dito."Kung hindi ako nagkakamali ay meron kang isang maliit na camera na tila ballpen na nakatago sa inyong katawan. Nung minsang makapuslit ka sa ward ng gabing yun" Sa
Sa tingin mo sa akin ay isa lamang akong mahinang babae, na maari lamang bugbugin lamang.Bukod sa hindi ako maaaring lumaban, ay hido rin ako maaarign magbigay ng kahit anong opinion o idea.“Oo,” sabi ni Lyndon na may malambing na tono.“Kapag may anumang mga balak na ideya sa dibdib ang isang tao, ay maaari niyang itong isagawa sa mga susunod na pagkakataon. At uulitin ko ulit na sabihin sayo, huwag ka nang magtstangkang maisip ng kung anong kalokohan."Tila nabulunan si Anika at nahirapang huminga.Nanikip ang dibdib niya, pero natawa rkn kalaunan kung bakit siya nagkakaganun.Nang tanungin siya ni Lyndon sinabi na lamang ni Anika na walang siyang mga naiisp na idea,sinabi nyang hindi rin siya magtatangkang magisip ng kahit isa."Kung itatago niya ang kanyang buntot sa pagitan ng kanyang mga hita at magpapakabait siya, akay na ba yun? Sapat na ba yun?" Tanong niya.“Anika, huwag mong kalimutan na kahit ano pa ang ginagawang mali ni Gwen, siya ay may karamdan at hindi pantay ang a
"Anika....!""Bakit Sir Lyndon?""Hindi mo pa pala nalulunok?" Sabi ni Lyndon na pinunas ang gilid ng labi."Eh konti lang ang nainom kong tubig.Kinakabahan kase ako kanina sa kausap mo yung isa lang ata ang nalunok ko yung isa naiwan.Tapoals hinalikan mo ako kaya lalong di ko nalunok"naiiyak na sabi ni Anika.Agad dinampot ni Lyndon ang baso na inilapag niya sa side table at uminom muna pagkatpos ay sinalinan at binigay kay Anika.Tinanggap naman ito ni Anika at halos maubos para mawala rin ang pait sa dila niya."Buka mo bibig mo" utos ni Lyndon."Bakit?" "Sisiguraduhin ko lang na nalunok mo na" sabi ng binata.Ngumanga naman si Anika at nakita niyang tumango tango si Lyndon.Pagkatapos ay muling humiga si Anika sa kama para makapagpahinga pa saglit."Pwede mo ba akong pahandaan ng maisusuot.Kailangan kong pumasok ngayong gabi" Napatitig si Lyndon sa kanya.Oo nga pala kapag nalaman niGwen na may kakaiba tiyak na mapapahak si Anika.Nakita ng binata na natutulog na nang mapayapa s
Inihagis ni Lyndon ang kanyang cellphone sa bedside table. Wala siyang oras para amuhin si Gwen sa ngayon. Inabot niya ang mga gamot at inilagay ang mga ito sa kamay ni Anika saka onahutan ng tubog ang dalaga."Halika, inumin mo agad ang gamot para guminhawa ang pakiramdam mo." Sabi ni Lyndon na tuluyan ng binuhat si Anika paupo.Ipinulupot ni Lyndon ang lanyang mga kamay sa bewang ni Anika at hinayaan itong sumandal sa kanya."Inumin mo ang gamot bago ka matulog ulit" pero walang pagkilos kay Anika kaya si Lyndon na ang naglagay ng gamot sa bibig ng dalaga at ito na rin ang nagpainom ng tubig.Matapos makainom ay, saglit lamang ay nagingKomportable na ang pakiramdam ni Anika at gusto niyang mahigang muli sa kama.Ang gamot daw ay magpapagaan ng pakiramdam niya. Pero bakit parang pansin Anika ay napapahina pa lalo. Natakot si Anika na bala ang gamot ya makasama sa bata.Baka bawal ang gamot sa mga buntis sa babae."Teka, dapat hindi umiinom ng basta- bastang gamot ang mga babaeng bun
"Pagkapanganak ng sanggol, wala ka ng usapin sa gamot Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin para sa kapatid mo sa hinaharap. Ang katawan ni Gwen ay hindi maaaring magkaanak. Kung talagang mabuntis ka, huwag kang magpalaglag.Hindi makapaniwala si Anika sa narinig sa lalaki.Napakawalang puso ng lalaki. Maliban kay Gwen, kahit sino ay gagawin nitong stepping stone para lang matupad pa rin ang pangarap nito. Kikilos ito ng paunti unti nasisyahan.Alang-alang kay Miss Gwen, hindi lamang ang humanapng kapalit nito sa pagpapainit sa kanyang kama ang kaya nitong gawin, ngunit ngayon ay nakaisip pa ito ng paraan kung sakalli at hindi magkaanak si Gwen ay magogong masayang pamilya pa rin sila.Nainis na itinaas ni Anika ang gilid ng kanyang bibig saka tumingin ng makahilugan sa lalaking kaharap."Kung ipanganak ko ang sanggol, magiging anak ba ito ni Miss Gwen?" Tanong ni Anika Nakakagigil ang nabasa niya sa mata nito."Pwede, bakit? pakiramdam mo ba Malulugi ka.Ipinapangako kong malaki a
Dahil sa mga salita ni Lyndon hindi gaanong matindi ang pagaalala ni Anika sa sitwasyun."Kung talagang buntis ako, ano ang gagawin ko?" Isang malamig na boses ang tumama sa tenga ni Anika."Gawin mo ang dapat gawin" Natural na hindi papayagan ni Lyndon na magkaanak kay Anika paano niya ipaliliwanang ang pagkakaroon ng binhi sa tulad ni Anika.Pinanood ng dalaga si Benedict na naghahalungkat sa kahon ng gamot, at hindi nagtagal, isang manipis na karayom ang lumitaw sa kanyang mga mata."Doktor!" Nang makitang hahawakan na ni Benedict ang kanyang kamay, pinalambot niya ang kanyang boses, at ang kanyang mga salita ay tila mas magaan at medyo nakakasakit."Pwede bang dahan dahanin mo lang.Takot ako sa karayom?" Hindi napigilan ni Benidict na tumawa."Nakakatawa ka. Mga bata lang ang kumikilos ng ganito kapag ini-injection siNenenrbiyos talaga si Anika. Tinakpan ni Lyndon ang mga mata ni Anika dahil nakita niya ang mga butil ng pawis sa noo nito."Natatakot ka ba? Hindi masakit yan
Ang dibdib ni Lyndon na lumapat sa likod ni Anika ng bigla siya nitong yakapin ay nag-iinit at gustong hilahin ni Anika ang kanyang kamay at alisin sa bewang niya."Bitawan mo muna ako.""Maligo ka na, at bumaba ka na para kumain pagkatapos mong mag-ayos." Bulong ni Lyndon.Walang pamalit na damit si Anika, kaya kailangan niyang ipagpatuloy ang pagsusuot ng kamiseta. Pagbaba niya, nakita niya si Lyndon na nakaupo na sa hapag kainan.Tumingin siya sa orasan sa dingding at malapit na palang mag-12 o'clock. Ang mesa ay puno ng pagkain, kasama na ang lahat ng uri ng mga delicacy mula sa lupa at dagat."Umupo ka." Si Anika ay totoong gutom na gutom na kaya hindi na siya nangalinlangan at dumulog na sa lamesa."Tayong dalawa lang?" "Oo, kaya kumain na tayo" matipid na sagot ni Lyndon."Medyo hypoglycemic ako okay lang ba." Ang huling dalawang salita ay medyo nagpaangst ng mukha ni Lyndon. Mabigat na kinuha ni Lyndon ang isang piraso ng karne para kay Anika at sinabing,"Kumain ka ng mara
Malamig ang mga binti ni Anika lalo ng itinaas ni Lyndon ang kanyang damit. Masyadong huli na para kay Anika upang pigilan ang binata. Pareho niyang tuhod ang nasugatan, napakasakit at napakahapdi ng tuhod niya at malamang may iba pang mga sugat sa kanyang katawan.Inurong ni Lyndon ang kanyang kamay, na parang walang pakialam.Tinakpan naman ni Anika ang kanyang mga binti.Naisip na niyang gamitin ang self-torture trick sa lalaking ito noon. Mabuti na lang, naingatan niya ang kaunting dignidad niya para sa kanyang sarili.Para kay Lyndon, isang luha mula kay Gwen ay mas mahalaga kaysa sa lahat ng mga sugat sa kanyang katawan.Paano kaya makakakuha ni Anika ang simpatiya ni Mister Lyndon?"Tara na." Nakita ni Anika na tumayo si Lyndon kaya kailangan na din niyang tumayo at ihatid ito palabas. Lumabas ang lalaki sa room, pero hindi siya sinundan ni Anika.Nagdilim ang kanyang mga mata at nanghihina ang kanyang buong katawan. Bahagya lang nakasandal si Anika sa pader, pero unti-unting it
Napasigaw sa sakit si Sonia.."Aray....!" Dali-daling itinulak ni Anika palayo ang lalaki. Naantala ito sa kalagitnaan ng kasiyahan at sasabihin, at wala itong interes sa sandaling iyon, kaya bumalik na lang ito sa sofa. Dali-dali siyang lumapit kay Sonia.."Ayos ka lang ba?" Tanong niya dito. Masyadong mahigpit ang pagkakasabit ng cheongsam, kaya hindi makaupo nang tuwid si Anika.Tumayo si Sonia mula sa sahig at ang nakita ni Anika ang mukha nito ay puno ng dugo. Nakakatakot ang itsura ni Sonia, pero sa totoo lang, gasgas lang ang kanyang ilong at dumudugo. Dali-daling kumuha si Anika ng tissue upang punasan ito para sa kaibigan."Hugasan mo ang iyong mukha."sabi ni Anika. Naglakad si Anika patungo sa pintuan at binuksan ang pintuan para kay Sonia."Kailangan mo ring magpalit ng damit, kung hindi, kapag nakita ka ni Madam Wendy, tiyak na mapapagalitan ka." Sabi pa niya."Meron akong isa pang set sa bahay. Pwede kong ipahiram muna sa iyo?" "Sige, kukunin ko ang susi." Bago pa
Sanay si Anika sa pangiinsulto ngunit hindi si Lyndon. Alam ng binata kung gaano kasakit at kasama ang mga salitang iyon kaya hindi napigilan ng binata ang pagbuka ng bibig nito."Hindi siya isa sa mga babae rito" Giit ni Lyndon."Ano? Teka ang gulo.Hindi ba kamo? Eh anong ginagawa niya rito kung ganun?" Takang tanong ni Xander. Napaisip na si Lyndon.Kahit gusto niyang itago sa mga tao ang kagandahan at ang alindog ni Anika ay makikita at mapapansin pa rin ito ng mga tao."Teka lang, ha iba ka rin Mr. Lyndon. Alam mo kahit saan mo itago ang babaeng yan at kahit pabantayan mo sa lahat ng bodyguard mo, mapapansin at mapapansin ang ganyang ganda at alindong ng babae mo" sabi ni Xander "Bakit hindi mo siya sa kumbento dinala.O sa isang malayong kabundukan. Bakuran mo ng sintaas at sintatag ng mga puno ng kawayan.Para hindi makita.Tama ba?"Napikon na sa Lyndon at tinabig ang kamay ng lalaking mahigpit na nakahawak kay Anika.Napag isip isip niya ang sinabi ng lalaki na kung bakit nga ba