Samantalang si Anika naman ay pinagsalikop ang nakabukas na roba at inayos ang sarili. Pag alis ni Lyndon ay parang naging napakalamig ng silid.Kaya agad siyang bumangon at dinampot ang pinagpalitang damit at nilisan na rin ang silid na yun.Paglabas niya ay walang masasakyan, malayo naman ang labasan para maghanap ng taxi man lang.Pero mukhang walang choice ang dalaga konti ang maglakad nga palabas.Nakahakbang na ng ilang hakbang si Anika palayo sa gate at malalim na nag iisip nang marinig ni Anika ang busina ng sasakyan.Paglingon niya ay nakita niyang si Dindo iyon. Mukhang nag aalala ito sa kanya. At mukhang kanina pa din ito naghihintay.Huminto ito sa tapat niya kaya binuksan ni Anika ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob."Nakita ko si sir Lyndon na umalis, Anong nangyari?Ang buong akala ko ay magiging magkasama kayo buong gabi?" Tanong sa kanya ni Dindo."Mukhang meron siyang importanteng kailangang puntahan. May tumawag sa kanya at mukhang mahalaga" Sabi ni Anika. Sumiman
Pagdating ni Anika sa villa ni Lyndon, agad siyang sinalubong ng mga bodyguard."Good evening, Miss Anika," bati ng isa sa kanila, at hindi na siya nahirapan pang kumatok. Sa kanilang mga mata, tila siya ay isang pamilyar na bisita naat may espesyal na ugnayan sa kanilang amo dahil nakita na iayan itong nakasama ng amo magdamag sa bahay nito.Ngunit nang umapak siya sa pintuan ng bahay, dalawang malalaki at mababangis na aso ang kumahol nang malakas. Ang kanilang kahol ay tila umabot sa mga dingding ng villa, at sa takot, napaatras si Anika"Bakit naman ganito? Parang ayaw akong papasukin," naisip niya, habang ang kanyang puso ay bumibilis ang tibok. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto sa isang click lamang. Isang babae sa wheelchair ang itinulak palabas, at sa kanyang paglabas ay nagbigay agad ng utos sa mga aso."Quiet. Stay. Ringo, stay. Bakit niyo tinatahulan ang bisita?" Ang tono ng kanyang boses ay may awtoridad, at sa isang iglap, ang mga aso ay humiga sa sahig, masunurin at tah
Bago tuluyang nakalayo si Gwen ay sinulyapan pa nito si Anika na nakatayo pa rin noon sa may sala."Bakit hindi mo ba siya patuluyin?Huwag mo siyang hayaang nakatayo lang ng ganyan" Sabi ni Gwen."Hindi na kailangan" Sagot ng binata sa malamig na tono.Itinulak naman ng assistant na si Roman ang wheelchair ni Gwen papasok sa silid ng dalaga at isinara ang pinto.Samantalang nanatili namang nakatayo si Lyndon sa hagdan. Dahil matangkad ito ay para tuloy napapailaliman si Anika nito. Nakatingin si Lyndon kay Anika mula sa itaas."Anong ginagawa mo dito?Tanong ni Lyndon."Nagpadala ka ng mensahe at sinabi mong magpunta ako ngayon" Sagot ni Anika.Umarko ang isang sulok ng labi ni Lyndon.Pagkatapos ay ngumiti ng sarkastiko."Kung ubos na ang medisina ay pwede mo itong sabihin sa akin ng direkta. Hindi mo na kailangang humanap pa ng walang kwentang rason para lamang magpunta sa bahay ko" Sabi ni LyndonKinuha naman ni Anika ang kanyang telepono.Pagkatapos ay binuksan message box at hinana
Pinakatitigan ni Gwen ang reaksiyon ni Lyndon sa tanong niyang iyon. Wala siyang pinalagpas ultimo ang pagpitik ng mga pilik mata nito at napansin ng dalaga na ang expression ni Lyndon ng sandaling iyon ay kakaiba ganun din ang boses nito ay tila may kakaiba."Hindi" maiksing sagot ng binata.Buo ang boses at ni hindi man lamang nautal.May sumilay na munting ngiti sa mga labi ni Gwen bagamat ang kanyang mga mata ay may kakaibang napansin at kaba sa dibdib ay naroon pa rin."Tama, yun ang makabubuti Lyndol.Hindi ka dapat magkaroon nh kahit anong ugnayan sa kahit na sino pang babae.Hindi ko yun kakayanin" Sabi pa ng dalaga."Huwag kang mag alala hindi yun mangyayari" Sagot ni Lyndon, ngunit ang mga mata ay ibinaling sa ibang direksyon.Samantala si Anika naman ay lumabas sa villa ng binata para maghintay sa labas para makuha sa gamot. Kung tutuusin naman talaga ay nangangalay na ang kanyang binti sa pagtayo kanina sa sala, masakit na ang binti ng dalaga at pagod na rin siya kaya naisi
Si Gwen ay nasa coma sa loob halos ng mahigit isang taon.At halos hindi na nga ito magising. Ngayon naman ay nakaupo ito sa wheelchair dahil hindi pa nito maigalaw at maihakbang ang mga paa.Malaki ang inihulog ng katawan ni Gwen kumpara sa dating hitsura nito. Sobrang payat, tuyot ang balat at maputla ang babae ngayon."Alam kong napakapanget kong tingnan ngayon.Ngunit ano ang magandang maidudulot nito sayo kung ilalantad mo sa publiko ang mga larawang ito?" sabi pa ng babae."Hindi ko talaga alam ang tungkol sa mga yan ulit ni Anika."Biglang sumingit ang malakas na boses mula sa kung saan.Nalanghap niya ang mabangong amoy ng kapaligiran. Pero ang boses ni Lyndon ay kakaiba at malamig.Mukha itong nang uusig. Pero mukhang controlado. ang lahat ng sitwasyon. Kaya posblebling ang lahat ng naroon ay iisiping matakot dito."Kung hindi ako nagkakamali ay meron kang isang maliit na camera na tila ballpen na nakatago sa inyong katawan. Nung minsang makapuslit ka sa ward ng gabing yun" Sa
Pinagmasdan ni Gwen ang dalaga, pagkatapos ang kanyang mukha ay lalong namutla.Anong ibig sabihin nito, Ang kapal mo! Sabi ni Gwen sabay sonulyapan ng masamang tingin si Lyndon na nasa tabi nya."Ipinakita ko sayo ang damit na yan noon at sinabi mo gusto mo yan ibigay sa akin dib" panunumbat ni Gwen sa binata.Si Lyndon naman ay napasulyap kay Anika. Ang damit na suot nito ngayon ay ang damit na binili niya noon pang matagal na. Iyon ay isang bagong modelo ng Chanel ng panahon iyon at nasabi nga ni Gwen na gusto niya iyon.Ang kaso nagkaroon ng aksidente si Gwen matapos niya itong bilhin kaya hondi na niya iyon naibigay pa sa dalaga.Hindi naman niya iyon nabigyan ng pansin matapos ang pangyayari at nagfocus sa pagbabanray kay Gwen.Kaya ng gabing na kasa niya si Anika at basa ito at sabihan niyang magpalit ng damit si Anika ay aksidenteng iyon ang damit na nadampot niya sa kanyang cabinet."Huwag mo ng gawing issue yan. Marahil ay kaparehas lang yan ng style. Alam mo namang kilal
Narinig naman iyong ni Anika kay alam ng dalaga na hindi pa tapos ang lahat kaya naman hindi rin muna siya tumayo sa kinasasadlakan.Tiningnan siya ni Lyndol na may masamang mga titig."Tayo ka dyan!" Galit na utos nito pero hindi pa rin kumilos si AnikaIsang lalaki mula sa tauhan ni Lyndol ang lumapit at sinipa ng bahagya ang balikat ni Anika kaya naalerto si Anika at napiltang tumayo ang dalaga.Doon naman nagawang kumilos ni Anika ng dahan dahan at umupo.Hinila niya paitaas ang dit na nnapunit at nakalaylay sa lsnyang balikat.Pagkatapos ay kunot noong yonakpan sng lsnyang isang tenga na kamay at lalong kumunot ang noo.Lingid kay Anika ay pinagmamasdan ni Lyndon ang kilos niya nang may namamanghang mga mata. Pagkatapos ay nakita ni Lyndon ang pagkunot ng noon ng dalaga ng hawalan ang tenga nito."Anong problema?" Pero hindi sumagot ang dalaga."Tinatanong ka sumagot ka!" Ang lalaki sa tabi ni Lyndol na may lalakas na boses ay inulit sng tanong.Nang marinig ni Anika ang malakas n
Madilim mukha ni Anika at galit ng mga sandaling iyon.Humarap ito kay Dennis at hindi makapaniwalang napatingin sa kasama."Sino ang nagsabi sayo na aminin mong ikaw ang kumuha ng mga larawan na yun?" galit si Anika sa ginawang iyon ni Dennis, wala itong alam doon."Sa palagay ko kasi yung Gwen ay hindi ka tatantanan.Mukhang mga masasama siya kaya gusto lamang kitang iligtas.Kaya ako na lamang ang umamin sa iyong pagkakamali" sabi nito.Nasulyapan ni Anika ang dugong nanuyo na sa gilid ng pisngi ni Dennis bago nagsalita."Pero hindi ko talaga nilabas ang mga larawan na yun.Kaya bakit mo aakuin ng pagkakamali ko" Sabi ni Anika."Ah kasi nakita kitang nag iimbestiga at naghahanap ng mga impormasyon tungkol kay Gwen kaya akala ko. Haist, hala akala ko talaga. Naka jackpot na ako ng interview sa mga. malalaking tao. Sorry Anika dahil dito napahamak tuloy kita.Nagi guilty naman sabi ni Dennis.Natakot naman si Anika na baka naman maubusan ng dugo si Dennis dahil patuloy talaga ang pagdurug
Napansin ni Lyndon na sa ikinikilos ng lalaki ay may lihim itong agenda. Pakiramdam niya ay sinasadya niting paglaruan si Anika.Dahil sa mga naiisip ay parang gusto ng hatakin at hilahin ni Lyndon ang lahat ng mga ngipin ang lalaking hanep kong makangiti kay Anika.Hindi na rin kasi nagugustuhan ni Felix ang malalalalim na titig nito sa dalaga.Narinig naman ng supervisor ang sigaw na iyon ng customer.Pero dahil meron siyang hinala na may kakaibang nangaganap sa pagitan ni Aika at ng kanilang VIP ay nag isip ng mabuti ang manager.Hindi siya mapupunta sa kinalalagyan niya ngayon.At mapo promote na manager sa bar na ito kung hindi siya marunong bumasa ng mga karakter ng mga tao. Ultimo ang mga simpleng kilos at simpleng tapik at himas ay alam niya ang kahulugan kaya nangpasya ang manager."Ah si Aika ba sir? Ah teka lamang air at parating na iyon.Teka saglit lang po ang maigie pa ay sunduin ko na nga. Maiwan ko po muna kayo at tatawagin ko si Aika. Sabi ng manager sabay isinara ang pin
"Tulad nga ng sinabi mo, may mga bisita naghihintay sa akin. Kaya't itigil mo na yang mga pagtatanong mo. Wala namang dahilan lahst yun nabanggit ko lang yun. Mabuti pa ay bumaba na lamang ako" Sabi ni Anika na umiwas na at mabilis na tumalilis palabas ng banyo.Hinabol naman siya ni Lyndon pero nagdedrederetos si Anika at mabilis ang naging hakbang.Nang mga sandaling iyon, ang manager ng club ay naghihintay pa rin kay Anika sa labas ng pinto.Nang makita nito na hindi sexy ang damit ni Anika, ganun din ay wala na itong make up at lipstick sa mukha ay napasimangot ang manager."Anong arte ito? bakit ganyan ang suot mo.Ano? Hindi mo na gusto kong trabaho, Tama ba?" Tanong nito sa kanya, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Nagkataon naman na nakasunod na si Lyndon kay Anika at naroon na ito sa likod ng dalaga. Tinitigan ni Lyndon ng matalim ang manager na tila sinasaway."Oh ano?wala ka ng kailangang gawin dito ano pang silbi mo.Ang arte arte mo kase porke ikaw ang mabenta
Tuluyan ng nainip si Lyndon kayat wapang banalang kinatok ang pinto."Anika..!! Anika, buksan mo ang pinto...Isa...! Sinabi ng buksan mo ang pinto" Sigaw ni Lyndon mula sa labas.Pero hindi pa rin sumasagot si Anika at tinakpan lamang ang kanyang tenga.Bagamat tensiyunado ay nangiisip ang dalaga kung paano makakalusot sa sitwasyun na ito."Madali lamang sanang magdahilan kung hindi lamang umeksena si Lyndon. Ngayon ay lalong naging komplilado ang sitwasyun niya" sa sabi ni Anika."Bakit ba kase palaging naroon si Lyndon sa club gayung may kasintahan naman ito.Ganun ba ito kasabik na may makasamang babae?" Sa ganun tanong ay parang may kung anong lungkot ang humimlay sa puso ni Anika."Umalis ka na"sigaw ni AnikaNagulat si Lyndon sa narinig. Hindi ba siya nagkamali ng narinig? Totoong narinig niyang pinalalayas siya ni Anika."Ang lakas ng loob ng babae.Siya si Lyndon ay itinataboy nito?" Dahil doon ay lalong tumindi ang galit ng binata. Matapos na ilang ulit na balyahin ang pinto a
Malakas na nauntog ang ulo ni Anika sa dibdib nito kaya halos mahilo ang dalaga.At ang mga basong hawak niya. na may laman ng alak ay natapon din mismo sa dibdib ng dalaga kasabay nanh paghampas ng mukha niAnika sa katawan ng lalaking tiyempong natumbahan niya.Yukong yuko si Anika dahil inisip niyang baka isa iyong sa mga lalaki sa loob ng silid iyon at baka makilala siya.Halos manginig si Anika sa takot.Ang manager naman ay tila namutla nang mapasulyap sa lalaking nabunggo ni Anika. Pagkatapos ay bigla na lang kinakitaan ito ng takot ang mukha."Naku Sir Lyndon, Pasensya na po. Pasensya na po sa katangahan ng aming mga alaga. Pasensya na talaga" sabi ng manager na walang tigil ng paghingi ng pasensya.Bigla na lamang nanigas si Anika ng marinig kung sino ang taong natumbahan niya.Naramdaman ni Anika na ang tray na hawak niya ay hinablot ng lalaki at inabot iyon sa manager."Kunin mo ito" utos ni Lyndon.Ang maotoritibong boses nito ang lalong nagpalambot ng tugod ni Anika.Biglang
Sanay na ni Anika na maalat ang palkitungo ng mga kasamahan. Ang mga babaeng nagtatrabaho sa club na yon ay hindi maganda ang pakikitungo sa mga babaeng pakiramdam nila ay mas maganda sa kanila.Lalong lalo na kapag ang babaeng yon ang pinaka sikat malakas kumita sa kasalukuyan. At sa mga gabing nagdaang iyon ay si Anika ang naging apple of the eye ni Madam Wendy at ng mga VIP costumer. At dahil doon pinagiinitan si Anika ng mga ibang babae sa club.Para sa mga ito dahil malaki ang kita ni Anika kesa sa kanila ay inaagaw ni Anika ang grasya kada gabi kaya parang naging tinik si Anika sa lalamunan ng lahat ng mga babaeng naroon.Dahil hindi lamang maganda si Anika para sa lahat.Siya sin ang pinakaseksi , pinakasariwa at may pinaka nakakaakit na mukha.Ang manager ng club nang sandaling iyon ay binuksan ang pinto ng kanilang pahingahan at tinawag si Anika."Aika, halika lumabas ka riyan nirerequest ka bg costumer" sabi nito.Nakabusangot na tumayo si Anika.Pero wala siyang karapatan
Naalala ni Julian na wala namang schedule si Lyndon ng kahit anong get together sa mga kaibigan nito. Wala itong mga kaibigan na makakasama at makaka inuman kaya't ipinagtaka iyon ng lalaki.Kaya naman napatanong si Julian sa amo."Sir gusto niyo bang tawagan ko ang ilan niyong mga kaibigan para may kasama kayo pagpunta roon.Wala kasi kayong ipina schedule sa akin tungkol dito"Sabi ni Julian."Hindi, Ayoko.Gusto ko ako lang mag isa" Seryosong sabi ng kanyang amo.Sa tagal na nagmamaneho at nagtatrabaho ni Julian sa kanyang amo ay mukhang alam na niya ang dahilan.Mukhang iisa lamang ang dahilan kung bakit nais magbalik doon ni Lyndon.Nang makarating sa club ay medyo napamaaga sila ng dating. kadalasan pag dumarating doon si Lyndol ay halos puno na na ito ng mga tao at halos napakaingay at napaka usok na.Isa sa mga lalaking manager ang agad siyang nakilala at lumapit sa binata at binati siya."Sir Lyndon, magandang gabi. Mabuti at napasyal kayo ulit. May mga nakahanda na pong silid sa
Nag atubili si Gwen sa pagsagot.Tinitigan si Lyndon at inalam ng dalaga kung may duda sa mga mata nito.Nang wala siyang makita lahit na anong pagdududa ay itinuloy ni Gwen ang pagsisinungaling."Oo naman, binigyan ko siya ng marami. Sobrang dami na sasapat para maiinom ng kapatid niya hanggang sa ang gamot ay maging available na sa mga botika at sinabihan ko siya na kung sakaling maubos at wala pa sa merkado ay magpasabi lamang siya" Pagsisinungaling ni Gwen pero naging mailap ang mga mata.Nagkunwaring hinimas ang mga kamay ni Lyndon para itago ang pagkabalisa ng mga mata niya."Ganun ba?Mabuti naman" Maiksing sabi ni Lyndon."Kahit papaano ay matatahimik na tayo at hindi tayo gagambalain ng babaeng iyon.Gusto ko lamang na sayo siya humingi ng gamot upang mapanatag ka na gamot lang ang nais niya at para na rin humingi siya ng tawad sa iyo." Paliwanang pa ni Lyndon.Nakayuko si Gwen kaya hindi na nakita ni Lyndon ang pagtalim ng mga mata ng babae at ang ngiting paismid ng dalaga.Hind
Nagkataon na ang driver na nasakyan ni Anika ng gabing iyon ay mabuting tao at naging tapat ito sa dalagang pasahero."Ineng, napakarami nito.Hindi niyo ako kailangan bayaran ng ganito kalaki" sabi ng lalaki."Manong, sa kalagitnaan ng gabi kayo ho ay nagtatrabaho at nagpapaka kuba sa pagmamaneho.Pasasalamat Lang ho yan dahil hinahatid ninyo kaming mga pasahero ng ligtas" yun na lamang ang sinabi ni Anika.Naguguluhan man at nalilito ay hindi na kumibo pa ang driver.Inayos ni Anika ang kanyang damit.Pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Hindi ganun kadali para sa kung sino man ang mabuhay ng patas.Tulad na lamang din ng driver na kausap niya ngayon na kahit matanda na ay kinakailangan pang maghanap buhay para lamang maging patas at kaaya aya sa paningin ng iba.Ang mga ilaw sa daan ay hindi masyadong maliwanag, parang ang buhay niya tila laging malamlam.Ang driver ng taxi ay pasimpleng sumulyap sa babaeng sakay niya.Pansin ng matanda na iba ang babae kaysa sa mga babaeng m
Matapos ilabas ang lahat ng sama ng loob.Naglakad si Anika palayo sana sa lugar na yun. Pero ang lalaking palaging nagdadala sa kanya ng mga gamot ay nakita niyang naghihintay muli sa sasakyan tulad ng dati.Nang makita siya nito ay agad itong lumabas ng kotse naglabas ng sigarilyo at nagsindi.Matapos ang ilang hithit ay lumapit ito sa kanya.Hindi naman na nagulat pa si annika At alam na ng dalaga kung ano ang pakay nito."Asan ang pera?Tanong nito.Pero hindi na hinintay pa na sumagot pa ang dalaga agad itong hinablot ang bag na hawak ni Anika At kinuha roon ang pera.Lumapas ang ngiti ng lalaki ng makitang maraming laman ang bag ng dalaga.."Wow,kung ganito ba ng ganito gabi gabi eh di hindi nakakapagod magpunta dito" sabi ng lalaki na kuntento sa salaping nakita."Iba ka talaga.Gabi gabi kang tiba tiba.Oh eto na ang gamot mo" Abot sa kanya ng lalaki.Agad naman ano yung kinuha ni Anika iyon dahil para sa kanya yun lamang ang mahalaga.Kakalagay lamang ni Anika ng gamot sa kanyang