Share

The Truth

Author: bleu_ancho15
last update Huling Na-update: 2022-03-08 10:43:36

Flashback from the past...

Napaigtad ang sampung tong gulang na si Hillary sa bangkong kahoy na kinauupuan nang marinig niya ang lasing na boses ng paparating na ama.

Kumakabog ang dibdib, dali-dali siyang nagpunta sa maliit niyang silid at nagkulong. Sa murang edad ay namahay na ang takot sa kanyang dibdib. Narinig niya ang pabalandrang pagbukas ng pinto ng kanilang maliit na bahay.

"Phagkain! Hik," sabi nito sa lasing at sinisinok na boses. Malakas ang boses nito kaya sigurado siya na umaabot 'yon hanggang sa pandinig ng mga kapitbahay.

"Bhigyan ninyo akho ng phagkain! Phamehla! Nasaan kang put*ng-ina ka! Hhillary!"

Napaigtad si Hillary kasabay ng pagngiwi. Aktong tatayo na siya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na si Pamela. Galing ito sa palengke at nagtitinda ng mga gulay at ilang kakanin.

"Lando, ano ka ba? Nasa kanto pa lang ako, dinig ko na ang boses mo."

"Hano bhang pakialam nila sha akhin! Phagkain. Hainan mo na ako ng pagkhain. Mga wala kayong kuwenta!"

Naging sunod-sunod na ang murang lumalabas sa bibig ng ama ni Hillary. Sinasaway ito ng kanyang ina pero sa pag-aray ng kanyang ina ay mukhang sinaktan na naman ito ng ama niya, inampal o sinapok.

Tumayo si Hillary at tinungo ang nakabukas na bintana. Sumampa siya roon at tumalon. Pagkatapos ay nagpunta siya sa likod-bahay, sa taniman ng kanyang ina, lumayo-layo at sumiksik sa likod ng isang malaking puno.

Tinakpan niya ang magkabilang tainga para hindi marinig ang nagaganap sa kanilang bahay. Naglandas ang maiinit na butil ng luha sa magkabilang pisngi niya. Bukas, siguradong may mga

pasa sa katawan ang kanyang nanay.

End of flashback

Nakalabas na ng silid ang ina ni Hillary. Nilamon na ng kadiliman ang silid, nakahiga na rin siya sa kama at handa na sa pagtulog. Lumilipas ang oras pero nananatiling bukas ang kanyang mga mata, nananatiling aktibo ang isipan.

Ang kanyang ina ang halos bumuhay sa kanilang tatlong magkakapatid. Walang kuwenta ang kanyang ama. Sa pagdaan ng panahon ay lalo itong nalulong sa alak na kung makalaklak ay parang tubig lang iyon.

Kapag lasing ay maingay ito, nagmumura, nagwawala, nananakit. Wala ito ni katiting na kahihiyan sa katawan. Bawat utos na hindi masunod ay mananakit. Walang pasensiya.

Hindi alam ni Hillary kung bakit nagkaganoon ang kanyang ama. Ang alam lang niya ay ang takot at phobia na namahay sa puso niya para sa ama. Hanggang sa ang takot na iyon ay nauwi sa pagkamuhi, sa puntong hinihiling na niya na sana ay bawian na ito ng buhay at hindi na makita pa.

Ang bigat na dinadala niya ang rason kaya siya naging aloof at mapag-isa noong high school. Iyon ang dahilan kung bakit pinili niyang mabuhay sa loob ng sariling mundo. Hindi niya ibinabahagi ang alalahaning iyon sa mga kaibigan.

Itinago niya, ikinandado sa puso. Hindi niya alam kung alam ng mga ito ang sitwasyon niya noon dahil wala namang nagtangkang umusisa sa kanya.

Johanna, Gina, Wendy, and Sienna gave her the

space she needed.

Pagkaraan ng anim na taon, sa mismong araw ng

pagtatapos ni Hillary sa high school ay nangyari ang kanyang hiling. Maitim na hiling.

Nasangkot sa isang gulo ang kanyang ama hanggang sa mapatay ito. Lasing, siyempre. Ni hindi niya sinilip ang labi nito. Walang luha na tumulo mula sa mga mata niya para sa ama. Pakiramdam nga niya ay may tinik na natanggal sa kanyang lalamunan.

At ganoon niya kinamumuhian ang sariling ama. At patuloy niya itong kinamumuhian hanggang ngayon.

Dahil matalino rin, nakakuha si Hillary ng scholarship sa munisipyo. Naipasa niya ang lahat ng exam at naging scholar ng bayan. Sina Sienna ay sa

Maynila na nag-aral, sa malalaking unibersidad.

Balita pa nga niya, sina Wendy at Gina ay sa ibang bansa nag-aral. Hindi siya sigurado.

Nakapagtapos si Hillary ng kursong Accountancy. Life had been so easy since then. Nang makapagtapos ay mabilis siyang natanggap sa trabaho sa Maynila. Napatunayan niya ang kanyang galing sa larangang iyon kaya naman hindi na siya nagulat nang isang araw ay makatanggap ng promotion. Ngayon ay isa na siya sa mga senior accountant ng isang malaking kumpanya.

Ang kanyang ina, kahit na ano pang pangungumbinsi niya na samahan na siya sa Maynila, ay mas gusto pa ring maiwan sa probinsiya. Sa bahay na ipinatayo niya para dito. At kahit na mahal niya ang kanyang ina, minsan ay iniiwasan din niya itong makita.

Paano ay nakikita niya sa katawan nito ang mga peklat na dulot ng pagiging battered wife.

At kung bakit nananatili siyang single? Dahil patuloy siyang hinahabol ng multo ng kanyang ama. Hindi mawala sa isipan niya ang naging buhay ng kanyang ina sa piling ng kanyang ama.

Hindi mawala sa alaala niya ang mga suntok, sampal, at sipa.

Ang malulutong na mura.

Ang mga sigaw.

Ang mga eskandalo.

Ang mga kahihiyang naranasan nila.

Isinumpa niyang hindi siya magkakaroon ng ganoong buhay. Hindi niya dadanasin ang mga iyon. Hindi niya hahayaan ang sino mang lalaki na saktan siya, na gawing miserable ang kanyang buhay.

Hindi niya kailangan ng lalaki para mabuhay. Pero nang nagdaang taon ay pumasok sa isip ni Hillary ang posibilidad na magkaroon ng anak. Isang anak na pagbubuhusan niya ng atensiyon. Isang anak na makakasama niya sa pagtanda. Ang pagnanais na iyon ay lalong tumindi sa bawat paglipas ng araw.

Ibibigay niya sa magiging anak ang lahat ng pagmamahal na hindi niya naramdaman mula sa kanyang ama. Poprotektahan niya ang kanyang anak, kahit kanino. Hindi niya ito hahayaang masaktan, mapapisikal man o emosyonal, whatever it caused her. Hindi niya ito bibigyan ng sugat sa puso, sugat na katulad ng sa kanya.

Iyon na lang ang gusto niya, ang tanging minimithi.

Ang pagkakaroon ng anak.

"Aba'y teka, mabuti at naalala ko." Mula sa hapag-kainan kung saan sabay silang nag-almusal ay tumayo ang kanyang ina. Sinundan ito ng tingin ni Hillary. Nagpunta ang kanyang ina sa isang mataas na estante na nagsisilbing partition ng sala at dining area.

Mula roon ay may kinuha ito. Muling bumalik ang kanyang ina at naupo.

"Ire, nalimutan kong ibigay sa iyo kahapon" Iniabot nito sa kanya ang isang plastic na may tatak ng isang kilalang courier company. Binitiwan niya ang hawak na kubyertos at tinanggap iyon.

"Noong isang araw pa iyan dumating. Nakapangalan sa 'yo. Eh, kako darating ka naman kaya hindi ko na pinangahasang buksan at usisain ang laman."

Inusisa ni Hillary kung kanino iyon galing. "Johanna Cuevas" ang nakalagay na pangalan ng sender.

Tumaas ang kilay niya bago binuksan ang plastic. Isang kulay-pula at halatang ipinasadya pa na wedding invitation.

Napatingin siya sa ina, na nagtatanong din ang mga mata. May stick-it note ang invitation. Iyon muna ang

inusisa niya.

Hi, Hillary. Huwag kang mawawala sa big day ko, ha? I am expecting you.

- Johanna.

Sunod niyang inusisa ang wedding invitation.

"O, anak, ano ba iyan, ano ang sabi?"

Lumunok siya. "Imbitasyon po para sa kasal, Nay."

"Siya nga?" Lumiwanag ang mga mata nito sa excitement. Funny pero parang nabasa rin ni Hillary sa mga matang 'yon ang pag-asam na sana ay maikasal na rin siya.

"Teka, aba'y sino ang ikakasal? Hindi pamilyar sa akin kung sino yang si Johanna Cuevas na nagpadala niyan, eh."

"Kaklase ko po no'ng high school si Johanna. Pero

hindi n'yo po siya nakilala kaya hindi po siya pamilyar sa inyo."

At wala rin namang pagkakataon na nagsama si Hillary ng sino mang kaeskuwela sa kanilang bahay. Dahil sa kanyang ama, siyempre.

"Bale nagkataon po na nagkita kami sa isang mall sa Maynila. Tapos ayon nagkakuwentuhan nang kaunti. Nabanggit nga po niya na ikakasal na daw siya at padadalhan niya ako ng imbitasyon." Nagkibit-balikat siya.

"Ano naman ang sinabi mo?" Inabot ng kanyang

ina ang kamay niya. "Umoo ka?"

"Pinapangako ho niya ako na a-attend ako. Sabi ko, hihintayin ko na lang ang imbitasyon para sa iba

pang detalye." Lihim na napangiwi si Hillary. Sana

pala ay deretsahan na siyang tumanggi.

Ipinakita pa sa kanya ni Johanna ang picture ng lalaking pakakasalan nito. Napakaguwapo ng lalaki, sa totoo lang. Isang foreigner, Amerikano.

"Ganyang nakapangako ka pala, eh, dapat lang na dumalo ka," anito.

Hindi nakaligtas kay Hillary ang pambubuyo ng ina na dumalo sa kasalang iyon dahil baka nga naman mainggit siya at gustuhin ding mag-asawa.

"Bahala na ho, Nay," walang kasiguruhang sagot niya. Dinampot niya ang tasa ng kape at sumimsim doon.

"May sakit ho yata ako sa petsang iyan." Muntikannang mabilaukan ang kanyang nanay.

"Biro lang ho." Lihim na napabuntong-hininga si Hillary. Alam niya na may hinala ang kanyang ina sa intensiyon niya na hindi mag-asawa. Hindi lang niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito sa sandaling malaman ang totoong plano niya.

Wala siyang planong mag-asawa. Pero plano niyang magkaroon ng anak. At bibigyan niya iyon ng katuparan kahit na anong paraan pa.

Kaugnay na kabanata

  • The Donor Named Seven   High School Memories

    Nasugbu, Batangas"Thank you," sabi ni Hillary sa resort staff na naghatid sa kanya sa reception ng kasal. Bitbit niya sa kanang kamay ang katamtamang laking paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang kamay naman ang kanyang purse.Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng wedding vows dahil... Well, kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan?Magiging isang negative energy lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang pumunta sa reception dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya um-attend.Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Johanna ng tatlong beses para lamang kumpirmahin ang pag-attend niya.Beach wedding ang kasal ni Johanna. Lumaki si Hillary sa Batangas kaya alam niya na mamahal

    Huling Na-update : 2022-03-08
  • The Donor Named Seven   Ang Pagsasalubong Ng Landas

    "Hey, man!" Tawag-pansin kay Seven ng kaibigang si Calvin."Hindi ka nakikinig.""True. Masyado kang tutok na tutok diyan sa cell phone mo. Ano bang meron diyan?" tanong ng isa paniyang kaibigan na si Dominic."Is that a picture?"sabi nito na nahagip yata ng mga mata ang nasa screen ng cell phone niya bago iyon naisara."Nah." Umiling si Seven bago mabilis na ibinulsa ang cell phone. "Sorry. Are you saying...?"Na sino kaya sa ating tatlo ang mag-aasawa?" ani ni Calvin.Nagkibit-balikat si Seven. "Wala akong girlfriend. Ganoon din si Dominic. Ibig sabihin, ikaw na ang susunod," aniya, sinusubukang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang bagot na bagot na siya. Kung hindi nga lang niya kaibigan ang groom ay baka kanina pa siya nakauwi.Si Devon Thompson, ang groom, ay nakilala nila at naging kaibigan noong mag-aral sila ng

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Memories Of The Past

    Suminghap ng hangin si Hillary. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. At nasa gilid na ng silya ang kanyang puwitan.Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. Wala na nga ba ito? O nakatingin pa rin ito sa kanya?"Hill, are you okay?" tanong ni Wendy. Magingsi Sienna na tulad niyang nananahimik din ay napatingin sa kanya."Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang inubos ang laman niyon.Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nanggabing iyon...Flashback..."I have an idea. Crazy idea," sabi kay Hillary ngkaibigan at katrabaho niya na si Chloe.

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Ang Muling Paghalik

    "Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko, sabi ni Janice, isa rin sa mga kaklase nila noon at pinsan ni Johanna."Puwedeng-puwede na sa akin si Seb.""Sebastian." agad na pagtatama ni Wendy. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man, ito lang ang tumatawag ng "Seb" kay Sebastian.Seb-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Hillary ang katabing si Sienna.Si Sienna ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagigingmayaman. Pero hindi ganoon si Sienna.Bukod sa pagiging galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Hillary, kapag nag-iisa siya noon ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa parang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap.Ngayon, kahit okupado rin ang i

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Desire In His Eyes

    "Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?""Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya."Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag.""Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   The Bouquet Is Mine

    Pabalik na si Hillary sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Vivian. "Hillary, there you are. Naaalala mo si Valentin Wilford? Kaklase din ninyo at kaibigan ni Sebastian.Valentin Wilford? Pilit inalala ni Hillary kung sinosi Valentin at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon."Yeah. Naaalala ko siya.""Siya kasi ang nakakuha ng garter," pagbabalita nito."Oh," matipid niyang sagot. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki."Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na sabi ni Vivian.Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Hillary sa napakayabang na lalaking ion ay lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid.Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaal

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Date Rape Drug

    Dahil sa inis ay lumabas si Hillary ng pavilion. Lumayo muna sa kasiyahan. Nagpunta siya sa dalampasigan, hinubad ang sandals niya bago naglakad nang naglakad.Kumakalat na ang dilim sa paligid pero sa tulong ngmga ilaw sa lang poste ay nananatiling maliwanag ang paligid. Nang humina na sa wakas sa kanyang pandinig ang kasiyahang nagaganap, palatandaan na malayo-layo na siya, ay naupo na siya sa tuyong buhangin.Gusto sana niyang maglublob ng mga paa at hayaang mabasa ang laylayan ng kanyang damit kaya lang ay wala siyang dalang pamalit. Hindi naman kasi niya planong mag- overnight.Balak din niyang umuwi pagkatapos ng reception. Ibinaba niya sa buhangin ang ilang piraso ng bulaklak na nakuha sa pakikipag-agawan sa bouquet.Nakakuha siya ng ilang piraso ng rosas, orchids, at lilacs. Napailing-iling siya.Really? Silang tatlo na magkakaibigan ang naghati-hati sa

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   I Am Not Leaving You Alone

    Damn it! mura ni Seven sa sarili."I... I'm sorry, Hindi ko alam..." nagsisising sabi niya habang panay ang marahang haplos sa likod nito."Sshh. I'm sorry..."Patuloy ang paghikbi ni Mikaella kaya naman para din siyang tinatadyakan ng kabayo sa dibdib. Nang huminahon na ito at mawala ang paghikbi ay kumawala na ito sa mga bisig niya."Sana naman maging sensitive kana kahit papaano," anito bago tumalikod at humakbang paalis."Hillary," pagtawag niya. Lumingon naman ito, "My name is Seven. Seven Fuentes."Ni walang ano mang reaksiyon mula sa dalaga. Binawi lang nito ang paningin at itinuloy na ang paglalakad.Nahaplos ni Seven ang kanyang panga. Hindi pa nawawala sa paningin niya si Hillary nang matigilan siya. Kumunot ang kanyang noo.He realized something, or at least, base sa naaalala niya ay h

    Huling Na-update : 2022-03-29

Pinakabagong kabanata

  • The Donor Named Seven   The Perfect Ending

    Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam

  • The Donor Named Seven   Still Married

    "Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap

  • The Donor Named Seven   Kissed Again

    "H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em

  • The Donor Named Seven   Photo Exhibit

    "Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo

  • The Donor Named Seven   Mas Mabuting Sumugal Kaysa Magsisi Sa Huli

    "Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag

  • The Donor Named Seven   She's Falling

    Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may

  • The Donor Named Seven   Pain, Hatred And Missing Him

    Two months laterTinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoonkalaking halaga.Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke.Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito.And she was terribly missing him."Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---""Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niyaang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago angpanginginig.&nb

  • The Donor Named Seven   Her Freedom

    "Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya."It is just unfortunate that Prince Levin is not hereto meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary."Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means""It means I love you, Madam."Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitangiyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili.Khliwane Anl Ire.Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya.Na

  • The Donor Named Seven   The Damage Had Been Done

    "Salamat at sinagot mo ang tawag ko," agad na sabini Seven nang tanggapin niya ang tawag nito.Halos mag-uumaga na nang makatulog si Hillary. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni Seven para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at magbihis.Ang sabi ni Tili ay hindi raw nag-almusal si Seven at nagbilin na huwag na siyang gisingin.It was nine in the morning when she woke up. Hindiniya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin.Lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Tili pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...kung uuwi kaya si Seven para sabayan siyang kumain?Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon nahindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status