"Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."
Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?"
"Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya.
"Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.
Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"
Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag."
"Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I
Pabalik na si Hillary sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Vivian. "Hillary, there you are. Naaalala mo si Valentin Wilford? Kaklase din ninyo at kaibigan ni Sebastian.Valentin Wilford? Pilit inalala ni Hillary kung sinosi Valentin at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon."Yeah. Naaalala ko siya.""Siya kasi ang nakakuha ng garter," pagbabalita nito."Oh," matipid niyang sagot. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki."Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na sabi ni Vivian.Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Hillary sa napakayabang na lalaking ion ay lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid.Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaal
Dahil sa inis ay lumabas si Hillary ng pavilion. Lumayo muna sa kasiyahan. Nagpunta siya sa dalampasigan, hinubad ang sandals niya bago naglakad nang naglakad.Kumakalat na ang dilim sa paligid pero sa tulong ngmga ilaw sa lang poste ay nananatiling maliwanag ang paligid. Nang humina na sa wakas sa kanyang pandinig ang kasiyahang nagaganap, palatandaan na malayo-layo na siya, ay naupo na siya sa tuyong buhangin.Gusto sana niyang maglublob ng mga paa at hayaang mabasa ang laylayan ng kanyang damit kaya lang ay wala siyang dalang pamalit. Hindi naman kasi niya planong mag- overnight.Balak din niyang umuwi pagkatapos ng reception. Ibinaba niya sa buhangin ang ilang piraso ng bulaklak na nakuha sa pakikipag-agawan sa bouquet.Nakakuha siya ng ilang piraso ng rosas, orchids, at lilacs. Napailing-iling siya.Really? Silang tatlo na magkakaibigan ang naghati-hati sa
Damn it! mura ni Seven sa sarili."I... I'm sorry, Hindi ko alam..." nagsisising sabi niya habang panay ang marahang haplos sa likod nito."Sshh. I'm sorry..."Patuloy ang paghikbi ni Mikaella kaya naman para din siyang tinatadyakan ng kabayo sa dibdib. Nang huminahon na ito at mawala ang paghikbi ay kumawala na ito sa mga bisig niya."Sana naman maging sensitive kana kahit papaano," anito bago tumalikod at humakbang paalis."Hillary," pagtawag niya. Lumingon naman ito, "My name is Seven. Seven Fuentes."Ni walang ano mang reaksiyon mula sa dalaga. Binawi lang nito ang paningin at itinuloy na ang paglalakad.Nahaplos ni Seven ang kanyang panga. Hindi pa nawawala sa paningin niya si Hillary nang matigilan siya. Kumunot ang kanyang noo.He realized something, or at least, base sa naaalala niya ay h
"So, tayo na?"Pinatigas ni Hillary ang kanyang mukha. Ang lalaking ito ay halimbawa ng chauvinist. Isa ito sa mga nag-iisip na mas superior ang mga lalaki sa mga babae. Na dapat ay ang lalaki ang nagdidikta ng batas at walang ibang gagawin ang babe kundi sumunod.Puwes,mabibigo ito sa kanya."Sa palagay mo ba makakaya mo akong pasunurin?" Umirap siya. "Mas pipiliin ko pang maglakad na lang pauwi. No. Tatawag na lang ako sa isang kaibigan para magpasundo."Pero sino nga ba ang puwede niyang istorbohin sa oras na 'yon para magpasundo? Sa layo ng lugar na iyon sa mga kakilala niya, mukhang malabo na makapagpasundo siya. Ang mga kaklase naman niya ay balak yatang mag-overnight. Delikado naman kung makikisabay siya sa hindi niya kilala.Ang hudyo ay ngumisi lang sa panggagalaiti niya. Parang hindi ito apektado sa katigasan niya. "Sinabi ko na, 'di ba? I will not le
"So, Sweetheart, saan kita ihahatid?" tanong ni Seven nang makalabas na sila ng main highway.Pagkatapos makabawi sa tensyong namagitan sa kanila, heto at handa na naman yatang makipagkulitan ang lalaki."Don't call me that!" angil ni Hillary."Don't call you what, sweetheart?" anito, ngingiti-ngiti. Pilyong ngiti ang ibinabato sa kanya.Kung siya ay nangungunsumi, si Seven naman ay halatang nag-e-enjoy, at her expense."Siyanga pala, baka interesado kang malaman ang status ko, single ako. Walang girlfriend, lalong walang asawa. Though, maraming naghahabol.""'Urgh!" Iniikot ni Hillary ang kanyang mga mata."Hindi ako interesadong malaman ang mga 'yan, okay? Gamitin mo na lang sa ibang babae." Pinaningkitan niya ito ng mga mata."And please, huwag kang magpa-cute dahil hindi ka cute."Tumawa lang si
Three weeks later"Bye," paalam ni Hillary sa kaibigan. Uwian na noon."Bye. Ingat. Huwag mong kalimutang ipaalam sa akin kapag nagparamdam na uli siya, ha? Cheer up! Baka nagpapa-miss lang 'yon," ani Chloe.Nasa harap na sila ng kanyang sasakyan. Natigil siya sa aktong pagbubukas ng pinto sa driver's side."Hey, ano uli?"natatawang reaksiyon niya. Muli niya itong nilingon. Itinuro ang sarili. "Ako? Magtsi-cheer up? At bakit kailangan kong mag-cheer up?"Namaywang si Chloe. "Come on, my dearest. Nakakalimutan mo na ba ang motto natin na; Hypocrisy is not my cup of tea? Na magiging totoo tayo sa sarili natin, 'di ba? Alam natin kung ano ang mga ayaw natin at alam natin kung ano ang mga gusto natin.""Kaya sabihin mo, disappointed kana hindi siya nagpapakita, tama?"Napapailing, binuksan ni Hillary ang
"Kung ituturo mo sa akin kung nasaan ang kusinamo, ako na ang bahalang magtimpla ng kape ko. I mean, baka gusto mong palitan na ang office uniform mo and change to a more comfortable clothes perhaps?"Umiling si Hillary. Kapag pinayagan niya ang gustong mangyari ni Seven, baka isipin pa nito na welcome ito sa kanyang bahay. Na puwede itong magingkomportable. Hindi, hindi niya 'yon mapapayagan. Hindi ngayon, hindi kahit kailan."Mamaya na lang ako magpapalit kapag nakaalis ka na. At hindi ko ipinapagamit ang kusina ko sa ibang tao," seryoso niyang sabi."Buti nga pagkatapos mo akong harass-in, inaalok pa kita ng kape."Bumakas ang amusement sa mga mata nito. "Harassment talaga ang tingin mo sa nangyari?""At ano pa?" gagad niya.'"Alam mo kung ano ang na-realize ko sa panggugulo mong ito sa akin?""Enlighten me." Nagkibit-balikat ito, mukhangbumabalik na ang kaarogantehan na absent kani-kanina lang.Nagtaas ng
"So," untag ni Hillary nang iabot niya kay Seven ang isang tasa ng kape.Naupo na rin siya sa tapat nito. Iniwan niya ang mga bulakak sa kusina. Mamaya na niya iyon aayusin at ilalagay sa vase. Siguro naman ay aalis din agad si Seven kapag nasabi na nito ang sadya sa kanya. At naiintriga talaga siya sa tulong na kailangan nito."Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sa'yo, Mr. Fuent---""Tawagin mo akong Seven.""S-Seven, pagsunod naman niya.Nasisiyahang ngumiti ito. "That's better. So much better." Kinuha nito ang tasa ng kape at sumimsim"Hmm. Masarap kang magtimpla ng kape."Don't you dare blush, Hillary! Eh, ano naman kungnagustuhan niya ang timpla mo? banta niya sa sarili."Sabihin mo na kasi ang sadya mo at nang makaalis ka na.""Kanina mo pa ako ipinagtatabuyan, ah," nangingiting komento nito."Meaning, hindi ka welcome dito.""Totoo ba yan?" tanong nito, may bahid ngpanunu
Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam
"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap
"H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em
"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo
"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag
Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may
Two months laterTinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoonkalaking halaga.Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke.Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito.And she was terribly missing him."Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---""Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niyaang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago angpanginginig.&nb
"Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya."It is just unfortunate that Prince Levin is not hereto meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary."Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means""It means I love you, Madam."Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitangiyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili.Khliwane Anl Ire.Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya.Na
"Salamat at sinagot mo ang tawag ko," agad na sabini Seven nang tanggapin niya ang tawag nito.Halos mag-uumaga na nang makatulog si Hillary. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni Seven para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at magbihis.Ang sabi ni Tili ay hindi raw nag-almusal si Seven at nagbilin na huwag na siyang gisingin.It was nine in the morning when she woke up. Hindiniya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin.Lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Tili pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...kung uuwi kaya si Seven para sabayan siyang kumain?Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon nahindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon.