Share

The Donor Named Seven
The Donor Named Seven
Author: bleu_ancho15

Pregnancy Kit

Author: bleu_ancho15
last update Last Updated: 2022-03-08 10:41:15

Two months ago

Pumasok si Hillary sa isang American bookstore. Her hair was tied in a bun. Nakawala na sa pagkakatipon at tuluyan nang lumaylay na sa gilid ng kanyang mukha pero hinayaan na niya.

Papunta na siya sa Literature section nang tumunog ang cell phone sa kanyang bag. Yumuko siya para buksan ang bag at kunin ang cell phone habang malalaki pa rin ang hakbang. Dahil nakayuko, hindi sinasadyang bumangga siya sa tagiliran ng isang bulto ng katawan.

"Sorry," aniyang hindi tinitingnan ang nabangga bago umiwas at nagpunta sa isang sulok para sagutin ang tawag.

Si Chloe, ang kanyang kaibigan ang tumatawag. Mabilis din naman na natapos ang tawag ng kaibigan. Ibinalik ni Hillary sa bag ang cell phone at tinungo na ang pakay na libro. Nakuha naman agad niya ang gusto. Pagkatapos niyon ay naengganyo pa siyang magbasa-basa ng mga teaser ng mga librong nasa bestseller list.

Ang mga nagugustuhan ay kinukuha na rin niya para bilhin. Babaunin niya ang mga librong iyon sa Singapore para sa tatlong araw na business conference kung saan kasama sila ni Chloe sa mga representative ng kanilang kumpanya. Sa susunod na linggo na ang flight nila kaya naman nag-uumpisa na siyang bilhin ang ilang kailangan niya.

"Hillary?!" sabi ng isang babae.

Ako kaya ang tinatawag? tanong ni Hillary sa sarili. Nag-angat siya ng ulo para tingnan ang pinagmulan ng boses. Nakakita siya ng babaeng malawak ang ngiti habang lumalapit sa kinaroroonan niya. Morena ito at kakaiba ang dating ng ganda. Parang lumalabas ito mula sa mga pahina ng mga Vogue magazine.

Parang kilala ko siya, naisip niya. Saglit niyang hinagilap sa isipan kung kilala ba niya ang babae habang nakatingin siya dito.

"Hillary Esquivel? Ikaw nga! Uy, hindi mo ako makilala, ano?'' tumatawang sabi ng babae ng mahalata nito ang pagtitig niya dito.

"Ako si Johanna. Kaklase mo no'ng high school, ano ka ba? Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?"

Bumuka ang mga labi ni Hillary sa gulat. "Johanna?" Ito na ba si Johanna ? Ang kaklase niya noong high school na nagtataglay ng exotic beauty?

Oh, well, pinagandang tawag lang iyon ng mga pilyo niyang kaklase. But look at her now. Lumitaw ang ganda nito. Hindi lang basta lumitaw kundi pansin na pansin. Sa totoo lang, nahahawig si Johanna sa mga black beauty na contestant sa mga nagdaang Miss Universe pageant.

Kahit aloof noon si Hillary at may sarili ring mundo, isa rin naman si Johanna sa mga nakakasalamuha niya. Lima sila noon sa grupo; siya, si Johanna, si Gina, si Wendy, at si Sienna. Sa totoo lang ay wala na siyang balita sa mga ito. Pagkatapos kasi ng kanilang graduation ay nagkanya-kanya na sila ng mga landas.

At dahil aloof naman siya at mapag-isa, hindi rin naman siya nagkaroon ng malalim na attachment sa mga kaibigan kaya marahil hindi rin siya nangulila sa mga ito. Pagkatapos ay nakilala ni Hillary si Chloe sa kanyang pinagtatrabahuhan, ito na ang naging best friend niya.

"Sorry, hindi kita nakilala agad," aniya.

Parehong nagpipigil ng tili na yumakap sila sa isat isa. Agad din siyang humiwalay at pinagmasdan ang kabuuan nito.

"Wow! Wala akong masabi. You look so beautiful and stunning, no doubt!"

"Gandang 'di ko rin inakala," sagot ni Johanna, humahagikgik.

Hindi rin napigilang mapahagikgik ni Hillary. Sino nga ba naman ang mag-aakala na huhubugin ng panahon ang ganda ng kaibigan? Maikukumpara ito sa pamosong kuwento ng isang ugly duckling na naging napakagandang swan.

"Ay!" tili ni Johanna nang may maalala bigla sigurong mahalagang bagay.

"Hulaan mo kung sino ang malapit nang ikasal."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Hillary. Kumikinang

ang mga mata ni Johanna at hindi maipagkakaila ang

kasiyahan. It was definitely radiating all over her aura.

Hinanap niya ang ring finger nito. Mukhang wala

namang balak si Johanna na itago ang palasingsingan kaya nakita niya agad ang singing na kumikinang doon. The diamond in it was glittery and sparkling, like her eyes.

"OMG! Magpapakasal ka na?"

"Yes! At imbitado ka!"

Present day

"Para akong hihimatayin sa kaba, Chloe," ani Hillary sa kaibigan.

Kausap niya ito sa cell phone. Pinadaanan niya ng dila ang ibabaw ng mga labi para bawasan ang panunuyo niyon. Pagkatapos ay itinutok ang paningin sa ibabaw ng kitchen counter kung saan nakahilera ang tatlong pregnancy test kit na sinadya niya kanina sa isang drugstore.

"Nai-imagine ko nga. Take it easy, Hillary. Kalma

lang. Pero isang buwan ka pa lang namang delay, ah.

Hindi ba maaga pa para malaman kung preggy ka?"

"Isang buwan pa nga lang akong delay pero never pa akong na-delay," kumakabog ang dibdib na sabi niya.

"S-sa p-palagay ko b-buntis ako, Chloe." Binasa uli

niya ang mga labi. Para siyang hihimatayin na hindi

maintindihan.

"Gusto mong puntahan na lamang kita diyan?"

Umiling si Hillary kahit hindi nakikita ng

kaibigan. "H-hindi na. I can manage, I think. I h-hope.

Babalitaan na lang kita.''

"Okay. Basta, I'm a phone call away lang, ha? Good luck!"

Tipid na ngiti ang pinakawalan ni Hillary bago

pinutol ang tawag. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang mga pregnancy test kit na nakabalot pa bago sinamsam ang mga iyon at dali-dali siyang nagpunta sa kanyang silid.

Oras na para malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi. Inilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng kama bago nagpunta sa banyo dala ang tatlong pregnancy test kit na binili niya.

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay lumabas siya ng banyo bitbit ang mga pregnancy test kit, ipinatong niya iyon sa bedside table para hintayin ang resulta.

Pinayuhan siya ni Chloe na tatlong kit na magkakaiba ng brand ang bilhin niya para daw mapagkakatiwalaan ang makukuha niyang resulta.

Nagpalakad-lakad si Hillary habang kagat-kagat ang dulo ng kuko ng kanyang hintuturo.Parang sasabog ang kanyang dibdib sa paghihintay. Nagbunga nga kaya ang isang gabing pagsiping niya sa isang estranghero? Dahil, oo, nakipag-one-night stand

siya sa isang estranghero. Sa estrangherong iyon niya

ibinigay ang kanyang virginity. Isang gabi ng kapusukan sa piling ng lalaking noon din lang niya nakita. At hindi na muling makikita pa--sana.

Sinulyapan ni Hillary ang suot na wristwatch. Lumipas na ang ilang minuto. Oras na para tingnankung ano ang resulta. Ilang beses na lumunok siya.

Calm down, Hillary. Calm down.

Nakapikit na tinungo niya ang bedside table. Ipinatong niya sa gilid ng mesa ang mga kamay na para bang kumukuha roon ng suporta. Yumuko siya para pagdilat ay ang pregnancy tests na ang unang bubulaga sa kanya. Sumagap siya ng hangin at pinuno ang kanyang mga baga.

Okay, one... two... three..

Related chapters

  • The Donor Named Seven   Resultang Hindi Inakala

    Idinilat ni Hillary ang mga mata. At tumambadnga sa kanya ang resulta. Saglit siyang natulala sa nakita. Lumunok. Kumurap nang dalawang beses sa pag-asam na magbabago ang nakikitang resulta. Pero walang pagbabago.Iisa ang sinasabi ng tatlong kit. Nakadama ng panghihina si Hillary. Nang hindi matatawarang pagkadismaya. Nanginig pa ang kanyang mga tuhod kaya minabuti niyang maupo muna sa gilid ng kama."So?" tanong kay Hillary ni Chloe. Ni hindi niya nagawang tawagan ang kaibigan para ibalita ang resulta. Nagpadala lang siya ng text message na pumunta ito sa bahay niya."It's... negative," walang sigla na sagot ni Hillary. Nasasala siya, nakaupo sa couch, nakataas ang mga paa at nakasandal patingala sa headrest ang ulo. Nakipag-one-night stand siya sa isang estranghero dahil lamang sa iisang layunin. At iyon ay ang mabuntis. Ang magkaanak.Pero heto at negatibo ang resulta ng mga test. Ah! Para bang ninakaw ng resultang 'yon ang lahat ng

    Last Updated : 2022-03-08
  • The Donor Named Seven   Scar

    "Tita Hillary, melon din po ako pashayubong?" tanong ng pamangkin ni Hillary na si Gustav. Tatlong taong gulang lang ang bata at pamangkin niya sa isang pinsan.Parang balikbayan si Hillary kung pagkaguluhan ng mga kamag-anak niya gayong sa Maynila lang naman siya nanggaling. Kunsabagay, sa lahat ng magpipinsan ay siya lang ang maituturing na matagumpay dahil siya ang nakatapos ng pag-aaral at ngayon ay may magandang trabaho sa isang malaking kumpanya sa Maynila.Ang iba kasi niyang pinsan, kung hindi maagang nagsipag-asawa, hindi naman nakatapos ng pag-aaral. Kaya naman ganoon na lang ang pagmamalaki sa kanya ng nanay niya, pagmamalakina hindi naman nagmamayabang. Nananatiling mababa ang loob nito."Siyempre naman, ikaw pa ba ang makakalimutan ko?" natatawang sagot ni Hillary."Hala, pikit ka muna."Mula sa malaking paper bag ay inilabas niya ang isang remote-

    Last Updated : 2022-03-08
  • The Donor Named Seven   The Truth

    Flashback from the past...Napaigtad ang sampung tong gulang na si Hillary sa bangkong kahoy na kinauupuan nang marinig niya ang lasing na boses ng paparating na ama.Kumakabog ang dibdib, dali-dali siyang nagpunta sa maliit niyang silid at nagkulong. Sa murang edad ay namahay na ang takot sa kanyang dibdib. Narinig niya ang pabalandrang pagbukas ng pinto ng kanilang maliit na bahay."Phagkain! Hik," sabi nito sa lasing at sinisinok na boses. Malakas ang boses nito kaya sigurado siya na umaabot 'yon hanggang sa pandinig ng mga kapitbahay."Bhigyan ninyo akho ng phagkain! Phamehla! Nasaan kang put*ng-ina ka! Hhillary!"Napaigtad si Hillary kasabay ng pagngiwi. Aktong tatayo na siya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na si Pamela. Galing ito sa palengke at nagtitinda ng mga gulay at ilang kakanin."Lando, ano ka ba? Nasa kanto pa l

    Last Updated : 2022-03-08
  • The Donor Named Seven   High School Memories

    Nasugbu, Batangas"Thank you," sabi ni Hillary sa resort staff na naghatid sa kanya sa reception ng kasal. Bitbit niya sa kanang kamay ang katamtamang laking paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang kamay naman ang kanyang purse.Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng wedding vows dahil... Well, kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan?Magiging isang negative energy lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang pumunta sa reception dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya um-attend.Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Johanna ng tatlong beses para lamang kumpirmahin ang pag-attend niya.Beach wedding ang kasal ni Johanna. Lumaki si Hillary sa Batangas kaya alam niya na mamahal

    Last Updated : 2022-03-08
  • The Donor Named Seven   Ang Pagsasalubong Ng Landas

    "Hey, man!" Tawag-pansin kay Seven ng kaibigang si Calvin."Hindi ka nakikinig.""True. Masyado kang tutok na tutok diyan sa cell phone mo. Ano bang meron diyan?" tanong ng isa paniyang kaibigan na si Dominic."Is that a picture?"sabi nito na nahagip yata ng mga mata ang nasa screen ng cell phone niya bago iyon naisara."Nah." Umiling si Seven bago mabilis na ibinulsa ang cell phone. "Sorry. Are you saying...?"Na sino kaya sa ating tatlo ang mag-aasawa?" ani ni Calvin.Nagkibit-balikat si Seven. "Wala akong girlfriend. Ganoon din si Dominic. Ibig sabihin, ikaw na ang susunod," aniya, sinusubukang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang bagot na bagot na siya. Kung hindi nga lang niya kaibigan ang groom ay baka kanina pa siya nakauwi.Si Devon Thompson, ang groom, ay nakilala nila at naging kaibigan noong mag-aral sila ng

    Last Updated : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Memories Of The Past

    Suminghap ng hangin si Hillary. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. At nasa gilid na ng silya ang kanyang puwitan.Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. Wala na nga ba ito? O nakatingin pa rin ito sa kanya?"Hill, are you okay?" tanong ni Wendy. Magingsi Sienna na tulad niyang nananahimik din ay napatingin sa kanya."Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang inubos ang laman niyon.Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nanggabing iyon...Flashback..."I have an idea. Crazy idea," sabi kay Hillary ngkaibigan at katrabaho niya na si Chloe.

    Last Updated : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Ang Muling Paghalik

    "Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko, sabi ni Janice, isa rin sa mga kaklase nila noon at pinsan ni Johanna."Puwedeng-puwede na sa akin si Seb.""Sebastian." agad na pagtatama ni Wendy. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man, ito lang ang tumatawag ng "Seb" kay Sebastian.Seb-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Hillary ang katabing si Sienna.Si Sienna ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagigingmayaman. Pero hindi ganoon si Sienna.Bukod sa pagiging galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Hillary, kapag nag-iisa siya noon ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa parang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap.Ngayon, kahit okupado rin ang i

    Last Updated : 2022-03-29
  • The Donor Named Seven   Desire In His Eyes

    "Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?""Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya."Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag.""Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I

    Last Updated : 2022-03-29

Latest chapter

  • The Donor Named Seven   The Perfect Ending

    Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam

  • The Donor Named Seven   Still Married

    "Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap

  • The Donor Named Seven   Kissed Again

    "H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em

  • The Donor Named Seven   Photo Exhibit

    "Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo

  • The Donor Named Seven   Mas Mabuting Sumugal Kaysa Magsisi Sa Huli

    "Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag

  • The Donor Named Seven   She's Falling

    Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may

  • The Donor Named Seven   Pain, Hatred And Missing Him

    Two months laterTinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoonkalaking halaga.Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke.Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito.And she was terribly missing him."Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---""Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niyaang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago angpanginginig.&nb

  • The Donor Named Seven   Her Freedom

    "Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya."It is just unfortunate that Prince Levin is not hereto meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary."Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means""It means I love you, Madam."Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitangiyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili.Khliwane Anl Ire.Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya.Na

  • The Donor Named Seven   The Damage Had Been Done

    "Salamat at sinagot mo ang tawag ko," agad na sabini Seven nang tanggapin niya ang tawag nito.Halos mag-uumaga na nang makatulog si Hillary. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni Seven para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at magbihis.Ang sabi ni Tili ay hindi raw nag-almusal si Seven at nagbilin na huwag na siyang gisingin.It was nine in the morning when she woke up. Hindiniya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin.Lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Tili pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...kung uuwi kaya si Seven para sabayan siyang kumain?Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon nahindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status