Naupo si Sandy sa tabi ni Dwight. Nas tabi lang naman nito ang pinaghigaan nito kaya umupo muna siya dahil mahaba-habang pagpapaliwanagan na naman ang mangyayari. "Para kang bata na inagawan ng candy kung magtampo sa akin." "Nagsinungaling ka nga sa akin, kaya ako nagagalit ngayon." Parang hindi matured ang kausap ni Sandy ngayon. Nagtatampo ito pero napanatili ni Dwight ang seryosong mukha na makikita sa tuwing haharap ito sa meeting sa kumpanya. "O baka naman nagseselos ka kaya ganyan ang inaakto mo ngayon?" Lihim na kinuyom ni Dwight ang kanyang kamao na hindi makikita ni Sandy. Hindi siya lumingon o nag-react. "Bakit naman ako magseselos?" Nagkibit-balikat si Sandy. "Malay mo naman kaya ganyan ka dahil doon." Lumapit si Sandy at sumilip sa mismong harapan ni Dwight na may halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. "Ano nga ba?" Tinitigan ni Dwight ang mukha ni Sandy maging ang kasuluksulukan ng kanto ng mukha nito, gamit ang kamay ay nilayo niya ang muk
Lumipat ang tingin ni Sandy sa nagsalitang boses lalaki. Tinitigan niya ito bago sa kotse sa harap niya na bukas na ang pinto ng driver's seat, ibig sabihin ang lalaki sa harap niya ay ang driver ng kotse na nadanggis ng kotse niya. Muling tumingin si Sandy sa lalaki pero napakunot ang noo niya nang may panlalaki ng mata ang lalaki sa kanya. "I-Ikaw!" Salubong ang kilay ni Sandy dahil masyadong OA ang reaksyon ng lalaki, parang wala siyang atraso sa kotse nito. "Ako?" "Yeah, ikaw yung doctor na tinulungan ako noong naaksidente ako!" Naningkit ang mata ni Sandy habang nakatingin sa mukha ng lalaki. Hindi na niya maalala pa ang nangyari noon o ang mukha ng lalaki. "Parang nakalimutan mo na ata ako miss." "Sorry, pero baka matagal na iyon kaya hindi ko na maalala. Tungkol nga pala sa kotse mo, hindi ko naman siguro kailangan na magbayad dahil wala namang naging gasgas o yupi." Lumapit ang lalaki sa harap ng kotse ni Sandy at sa likuran ng kotse nito. Hinawakan pa nito iyon at m
Natuon na ang atensyon ni Dylan sa pagmamaneho habang si Mitch ay salubong ang kilay na nakatitig sa harapan ng kotse. Samantala, nang makauwi si Sandy ay agad siyang pumasok ng kwarto at natulog ulit. Sigurado na siya sa oras na iyon na meron na siyang buwanang dalaw kaya ganon na lang ang naging reaksyon ng katawan niya ng biglaan. Patagilid siyang humiga at hinayaan ang sariling tangayin ng antok.Kinabukasan. . . Nasa tapat si Sandy ng isang apartment na may tatlong palapag, kailangan niyang makausap si Lady para sa trabaho na inaalok ni Angelo. Matiyagang naghintay si Sandy sa labas ng apartment hanggang sa lumabas ang kaibigan niyang si Lady. Malaki ang ngiti ni Lady habang palapit kay Sandy, bumuka pa ang dalawang kamay nito para yakapin si Sandy. "Finally, nakita kita ulit my friend!! Diyos ko ang tagal-tagal noong huli kitang makita at makausap, hindi ka rin naman sumasagot sa message ko tungkol sa tao na naghahanap sayo." Yumakap naman pabalik si Sandy kay Lady na may
"Tapso na kayong mag-usap?" takang tanong ni Sandy. "Oo, sa susunod na lang daw ang mga condition para sa contract na kailangan kong pirmahan." "Nagugutom ako, kain muna tayo, kuha ka ng noodles doon at lagyan ng tubig na mainit, namamanhid pa ang paa ko kaya hindi ako makatayo." "Sige, diyan ka na lang, ako na lang ang bibili." Umalis si Lady at lumipat naman si Angelo ng upuan sa harapan ni Sandy. "Hindi ko masyadong narinig ang pinag-uusapan niyo ni Lady, masydong natutok ang pansin ko sa paglalaro." Ngumiti naman si Angelo. "Konting mga paalala lang, mukha naman siyang mabait kaya siya na lang ang kukuhanin kong personal nurse ni lolo, at dahil kaibigan mo na rin para safe sa mga taong mapagsamantala." "Sabagay, tama ka rin dahil mabait talaga ang kaibigan ko na 'yon, pero huwag mo lang gagalitin, nagiging hulk 'yon, kaya kang ibalibag sa labas ng bahay, sa sexy niya kayang-kaya kang buhatin no'n." "Hindi nga?!" sambit ni Angelo habang nanlalaki ang mata. Napatawa naman
Sumapit ang hapon ay lumabas si Sandy ng kwarto niya at pumunta sa tagliran ng bahay para doon magpalipas ng oras hanggang sa gumabi. May puno rin na nakabuwal sa tabi niya, halaman na may mga tinik, pero naupo siya sa batong upuan na may lamesa sa gitna. Habang nakatitig sa malayo si Sandy ay may nagsalita sa kanyang likuran. "Kumusta ang pakikipagkita sa ibang lalaki, Sandy?" Nagsalubong ang kilay ni Sandy at lumingon sa may-ari ng boses na si Amara na nakasuot pa ng uniporme. "Anong pinagsasabi mo diyan?" "Nagkakaila ka pa. Nakita kita sa isang convenient store na may kasama kang lalaki doon. Alam ba ni Dwight na meron kang kinikita na ibang lalaki bukod sa kanya?" "May importante lang kaming pinag-usapan ng lalaking sinasabi mo, at isa pa, hindi lang kaming dalawa ang naroon may kasama kaming isa pa " Tumaas ang kilay ni Amara. "Nagsisinungaling ka pa. Ang sabihin mo malandi ka talaga dahil hindi ka pa nakuntento kay Dwight, sabagay wala kang mapapala kay Dwight dahil paral
Habang hawak ang balakang ay lumapit si Dolores na nasa kabilang side lang ng sala na hindi agad nakita ni Amando. "Anong sinasabi ng anak mo? Bakit aalis siya rito?!" "Naputol na ang pisi ko sa pagtitimpi kay Sandy. Hayaan mo siyang matulog sa lansangan dahil ilang beses niyang sinampal si Amara!" "Nasaan ang anak mong si Amara?!" "Bakit mo hinahanap, siya ang pagagalitan mo?!" Hindi pinansin ni Amando si Dolores. Lumakad ito papasok ng kwarto ni Amara na nakaupo sa kama nito habang hawak ang magkabilang pisngi. "Ano ang sinabi mo sa kapatid mong si Sandy, Amara?!" Madiin at may pagtitimping tanong ni Amando sa anak niya. "S-Sinampal niya lang ako ng walang dahilan. Nakatayo lang naman ako sa likod niya pero bigla siyang sumugod sa akin!" Pagsisinungaling ni Amara na may kasamang pagtulo ng luha. "Huwag na huwag mo kong pagsisinungalingan, Amara. Ano ang sinabi mo sa kapatid mo kaya ka niya sinaktan?!" Nanginginig ang kamao ni Amando sa galit. Ngunit pinipigilan lang niya a
Hindi batid ni Angelo kung paupahan nga bang matuturing ang bahay na maliit. Maayos naman at gawa sa bato, pero maliit lang at mukhang wala pang laman ang loob ng bahay, base sa nasisilip niya sa bintana. "Bababa na ako. Maraming salamat sa paghatid sa akin dito." "Wait! Sigurado ka na talaga na ayaw mo ng tulong ko?" Umiling si Sandy. "Salamat na lang." Tuluyang lumabas ng kotse si Sandy at lumapit para makatapat sa pinto ng bakuran. Mababa lang ang bakod kaya nakita ni Angelo ang liit ng bahay. Bumaba rin si Angelo at tumingin kay Sandy. "Ayaw mo ba talagang sa bahay ni lolo ka manuluyan muna? O 'di kaya, ayaw mo bang ipabatid kay Dwight ang nangyari sayo para siya ang tumulong. Tutal ikakasal din naman kayo." Malungkot na ngumiti si Sandy. "Hindi na kailangan. Kaya ko namang lampasan ito. Hindi muna ako sasandal sa kahit sino man dahil sa nangyari." Napabuntong-hininga si Angelo. "Samahan na kita sa may-ari ng bahay." Umiling si Sandy at humarap kay Angelo na nasa kabilang
Samantala, nang tumapat ang tricycle na sinasakyan ni Sandy ay palapit na rin ang kotse ni Dwight sa ospital, pero pinahinto niya saglit sa gilid para tingnan si Sandy. Nagtaka siya kung bakit nakasakay lang ito sa tricycle at hindi gumamit ng kotse papunta sa ospital. May kalayuan pa naman ang bahay nila sa address ng ospital ni Samantha. Nang nakapasok na si Sandy at pinagpatuloy na ang driver na lumapit sa ospital at ibaba si Dwight doon hanggang sa bungad ng ospital, iniwan na nito si Dwight dahil request na rin ng huli. Pinagulong ni Dwight ang wheelchair niya haggang sa makalapit na siya sa upuan ng mga bisita sa gilid ng pasilyo ng ospital. Napahinto siya dahil nakaupo na roon si Sandy habang nakatulala ito sa kawalan. May hindi talaga maganda sa nangyayari kaya lumapit na si Dwight at huminto sa tapat nito. "Good morning," bati ni Dwight. Dahan-dahan naman na tumingin si Sandy kay Dwight na agad naman na nagpakunot sa noo niya dahil sa itsura ni Sandy. "Bakit tila malungk
Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal
Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na
Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n
Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod