Sincerity Ang taos-pusong salita ay kayang abutin ang puso ng iba, higit pa sa magagarbong salita na walang laman. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nadudurog ang puso ko sa aking nasasaksihan ngayon. Paanong sa isang iglap ay apat na buhay ang kinuha ng isang sinadyang aksidente. Kamuntikan ang aking kapatid na bunso na si Harmony Athena. Natira siya, upang hindi ako tuluyang maging mag-isa sa mundong kinukuha na sa akin ng lahat. Gusto ko man na kwestyunin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kulang pa ba? Sino pa? Bakit ganito... Ano ba ang kasalanan ko. Bakit nakaukit sa akin na mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi pa nga ako lubusang naghihilom sa pagkamatay ng pinaka mamahal kong babae. Tapos, ito naman ngayon. Ang mga magulang ko naman. Ngunit ang isa sa mga bagay na hindi ko matanggap ay may dalawang buhay na nadamay. Sila ang truck na nakabanggaan ng sasakyan ng mga magulang ko. Nasawi rin ang dalawang mag-asawa na sakay nito. Lubosan ko itong kinalulun
Feelings Ang damdamin ay hindi laging kayang ipaliwanag ng salita, ngunit ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa ating buhay. 👨⚕️HIDEO ADONIS “Bakit ba lapit ng lapit itong si Dok Philip kay Nurse Marikah?” Hindi ko maiwasang mayamot, sapagkat nakita ko na naman si Dok Philip mula sa CCTV na huminto sa Nurse station kung saan naka duty si Nurse Marikah. Kanina ko pa binibilang kung pang-ilang beses na niyang huminto rito. At ilang beses ko na rin itong tanong sa isipan ko. Hindi ba siya nakakaabala kung may ginagawa mang chart checking at rounds ang mga Nurse na naka duty doon? “Tapos mamaya, sasabayan na naman niyan si Nurse Marikah mag-lunch, nanandya ba siya?” Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos ay pinalagatok isa-isa ang mga daliri ko. Hindi ko ugali ang manapak, pero mukhang gusto kong subukan ngayon, for experience lang. Pero teka, bakit nga ba umaabot na sa ganitong punto ang iniisip ko? Sa dami ng inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa nakak
Solitude Sa gitna ng katahimikan, natutuklasan ang tunay na lakas ng loob. Ang pag-iisa ay hindi kahinaan, kundi pagkakataon upang mas makilala ang sarili. 📿MARIKAH SYCHELLE Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa biglaang pagpapatawag sa akin ni Dok Hideo dito sa Opisina niya. Isa ito sa Opisina niya na ngayon ko lamang napasok, bale may tatlo kasing opisina si Dok Hideo at ito yata ang pinaka malaki sa lahat. Tanging mga Doctors lamang ang pinapahinulutan na pumasok rito para sa kanilang mga meetings and conferences, madalas kasi ay sa labas lamang ang assistant Nurse kapag dumaraan dito ang Assisting Doctors nila, kaya nagulat ako at naguluhan na rin kung bakit ako pinapasok dito. Bukod sa napakalawak ng opisina na ito ay magaan sa mata ang interior design. Puro paintings. Mga magagandang pintang obra na tila nabubuhay sa aking paningin. Sino kaya ang nagpinta ng mga ito? Lalapitan ko ang bawat paintings mamaya upang mas makita ko pa ito ng malapitan. Pa
Embrace Yakapin mo ang bawat pagkakataon, dahil sa bawat yakap ay may kwento ng pagmamahal at pag-asa. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nang mapatingin sa akin si Dok Philip ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ito isang ngiti na tila natutuwa pa ako sa nangyari sa kanya. Kundi ngiti na makitang maayos na ang kanyang kalagayan. Baka malagot pa ako sa kanyang pamilya kapag nalaman ito. The Valfreya-Marvels is a royal family from the country of Rômanèia—a place I've never been to. They own the biggest hospital in Memphis, New York City, in the US of A. For more than three years, I worked tirelessly to court them for a merger and partnership, especially for their high-end hospital equipment, which they manufacture themselves. They are an incredibly influential family yet remain grounded and humble. Take Prince Philip, for instance—he prefers to be addressed as an ordinary person and, more importantly, as a doctor. "I would like to apologize for what happened to you earlier, Y
AmazeKapag ika'y namangha, parang tinamaan ng kidlat ang puso mo—bigla, malalim, at hindi mo malilimutan.👨⚕️HIDEO ADONISNatapos na ako mag-shower at nakapag bihis na muli ng bagong t-shirt. Pagbalik ko ay nasa dining area na Dok Rat. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.Pero nakasimangot pa rin siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay siya sa pagkunot at nag crossed-arms siya pag-upo ko sa katabing upuan niya. He's still contemplating something that I didn't know."Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" puno ng pagtataka na tanong ko sa kanya.Daig ko pa ang may nagtatampong nobya dahil sa ginagawa niya. Iniisip ko ang dahilan kung bakit para siyang tinotopak ng ganyan."Alam ba ni Yang Xi 'to?" tanong niya."Huh? Hindi ko alam. Ang alin ba?" balik na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na ako sa tinuturan niya."Na inuwi mo rito si Nurse Marikah, baka kasi mas alam niya kasi siya ang BFF mo!" he said bitterly."Hindi ko nga alam kun
WonderAng paghanga ay nagsisimula sa simpleng tanong: 'Paano kung?' Ang sagot nito ang nagdadala sa atin sa mga kamangha-manghang posibilidad ng buhay.👨⚕️HIDEO ADONIS Pagkatapos namin kumain ay nagpasya kaming lahat na sa movie room ng mansion manatili, bahala na kung gusto nilang manood ng movies o magkaraoke. Sakto naman na nagpagawa si Athena ng charcuterie board kila Manang, pagkatapos ay kumuha ng dalawang bote red wine at one liter na iced tea para naman kay Marikah. Nauna kami na maglakad ni Dok Rat patungo sa movie room habang tahimik na nakasunod sa amin si Marikah. May binabasa siya sa kanyang mini booklet. Siguro ay dasal. Ako ang unang pumasok sa room upang buksan ang aircon at ilang led lights. Sa may L shaped na couch. Nauna akong umupo, sinenyasan ko si Marikah na sa tabi ko maupo. Isinara niya anv binabasa niyang booklet at tumabi sa akin. Lihim naman akong napangiti. Kaagad kong nakita ang pangangasim ng mukha ni Dok Rat, marahil ay nabi-bitter na naman. “Ha
CareAng tunay na pag-aalaga ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa mga simpleng gawaing nagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa kapwa👨⚕️HIDEO ADONISPasado alas singko ng hapon nang matapos kami, naubos na rin kasi ang dalawang bote ng red wine ay nagpasya na rin si Dok Rat na umuwi. Medyo tinamaan na rin si Athena dahil inaantok na raw siya kaya inalalayan na siya ni Dok Ivo patungo sa kwarto niya. Pagbaling ko ng mga mata ko kay Marikah ay abala siya sa pagliligpit ng mga bote at wine glass na ginamit namin. Kaagad ko siyang nilapitan upang pigilan sa takda niyang pagbitbit sa ginamit na board tray para sa charcuterie. "Hayaan mo na lang 'yan, sila Manang na ang bahala d'yan mamaya." Nakangiti kong sambit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito. "Samahan mo na lang ako na ihatid hanggang sa gate si Dok Rat." "Sige po, Dok." Nauna muli ako akong naglakad habang nakasunod siya sa akin. Nakita ko si Dok Rat na umasim na naman ang mukha habang nakatingin sa am
DreamsAng mga pangarap ay simula ng tagumpay—huwag kang matakot mangarap nang mataas, dahil sa bawat hakbang, papalapit ka sa katuparan nito.👨⚕️HIDEO ADONISHindi ko na sinuguro kung nakapag-park ba ng maayos ang sasakyan ko. Kaagad akong lumabas at nagmamadaling pumasok sa loob ng tahanan namin. Hinubad ko ang nakapatong na white tuxedo sa polo ko dahil para akong nasisikipan dahil sa kaba na nararamdaman ko.Nakita ko si Mang Guido kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Nasaan po si Marikah? Ano pong nangyari?" puno ng pag-aalala kong turan. "Dinala po namin siya ni Manang Dona sa Klinika ng inyong Ama, Dok. Bigla na lamang po siyang nawalan ng malay habang nakaupo sa sofa, mabuti na lang at kausap niya kami ni Manang nang mga oras na iyon." Paliwanag niya. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ang kanyang sinasabi na klinika ay nasa likuran na bahagi ng aming mansyon, kumbaga ay nandito ang third gate. Klinika Canliagn— ito ang pinakaunang klinika ng na siyang itinayo ni
Trigger Warning: Gun Violence & DeathThis story contains depictions of gun violence and death, which may be distressing to some readers. Please proceed with caution. Reader discretion is advised.PainParang apoy sa pandayan na sinusubok ka, tinutunaw ang iyong kahinaan, at hinuhubog kang muli upang maging mas matatag at matibay.👨⚕️HIDEO ADONIS Eight years ago... Tahimik kong tinitigan ang lalaking nasa kabilang panig ng hukuman. Si Ponce— na siyang pinagkakatiwalaan na personal driver ng pamilya Fernandez. Ang taong dahilan ngayon ng lahat ng sakit na aking nadaraman.Pinagmasdan ko siya—nakayuko, parang basang-sisiw sa harap ng batas. Ang dating anino lamang sa aking alaala, ngayon ay isang totoong tao sa harapan ko, humihinga at nabubuhay sa paningin ko habang si Sychelle... wala na.Ang pangalan niya ay binanggit ng piskal, at narinig ko ulit ang kanyang tinig. Sychelle Dayle Fernandez. Para bang kutsilyong hinati ang puso ko.“Akusado, paano mo ipapaliwanag ang iyong gin
TruthAng katotohanan sa pag-ibig ay parang isang ilog, maaari mong pigilan ang agos nito. Ngunit hindi mo kailanman mapipigil ang dagat na kanyang patutunguhan.👨⚕️HIDEO ADONISNasa SCTEX na kami at patuloy pa rin ako na nakikinig sa mga baon niyang kwento sa loob ng sampung araw. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako sa way of living nila sa kanilang tahanan. Kahit walanh telebisyon o cellphone na siyang hindi rin magagamit sapagkat walang signal sa mismong compound nila.Pero sa mga karatig naman ay nakakasagap kahit papaano. Hindi pa raw kasi napapatayuan ng satellite tower ang ilang bahagi ng kanilang Isla. Mas pabor na raw sila rito sapagkat gusto nila na ang mga turistang magtutungo sa naturang lugar ay hindi muna maranasan na humawak ng cellphone upang mas maappreciate ang bawat bahagi ng beach at ang mga tourist spots nito lalo na ang simbahan. Pagbabasa ng libro ang kanyang naging libangan. Kahit halos lahat ng tao ngayon ay may gadgets na o mga social media upang maging li
HeartbeatsAng tibok ng puso ay parang alon sa dagat—minsan banayad, minsan rumaragasa. Pero sa bawat pintig, may dahilan, may kwento, at may patutunguhan.📿 MARIKAH SYCHELLE Kay bilis lumipas ng araw. Ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga dadalhin kong gamit pauwi ng Maynila—kila Hideo. Madaling araw palang at nais kong bumyahe ng maaga upang hindi maabutan ang traffic sa Lipa. Isinara ko ang maleta paglagay ko ng mga prayer book at journal book ko. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakabalik dito pero alam ko na matatagalan muli. Kaya naman sinulit ko ang mga araw na kasama si Lolo at Lola. Tumutulong din ako sa pag-aasikaso sa bahay kalinga. Mas natuwa ako sa malaking pagbabago ni Clarina. Nakita ko naman na sobrang saya niya sa kanyang ginagawang pag-aalaga sa mga matatandang Madre. Lalo na kapag kasama nito si Dominador.Walanh araw din na hindi ko naiisip ang aking Irog. Kapag binubuksan ko ang aking cellphone ay pinupuno ko lamang ito ang mensahe para sa kanya kahit na al
⚠️ Trigger Warning: Death, Grief, and LossThis part contains themes of death, grief, and loss, which may be distressing to some readers. It explores emotional hardships, mourning, and the impact of loss. Just so that you know, you should use the reader discretion.GriefAng pagdadalamhati ay parang alon sa dagat. Minsan banayad at rumaragasa. Maaari kang malunod sa sakit, ngunit sa paglipas ng panahon, matututunan mong lumangoy kasabay nito.👨⚕️HIDEO ADONISParis, FrancePagtapos mag-breakfast ay nagpasya ako na makapagpahinga na muna sapagkat hinihila talaga ako ng anak. Gawa na rin na iba ang time zone ng Paris. Nang makapagpaalam sa kanila ay ako na ang mag-isang umakyat. Sabi kasi ni Tita Synchia naipahanda ang silid na gagamitin ko. Habang paakyat ay hindi ko muli maiwasan na iikot ang aking paningin muli sa kabuuan nitong mansion. Humahanga ako sa Interior design nito maging Architectural structures. French Grand Duke and Duchess ng Victorian Era ang ancestors nila Sychelle
ZealTulad ng isang ilawan sa dilim, ito'y maaaring magbigay-liwanag sa landas ng nangangapa, ngunit kung hindi alagaang mabuti, maaari itong mamatay sa sariling abo. Ang tunay na sigasig ay hindi lamang nag-aalab sa simula kundi patuloy na nagliliyab, pinapanday ng pagsubok at pinapatibay ng layunin.👨⚕️HIDEO ADONISShanghai, ChinaNandito ako ngayon sa Shanghai Airport. Natapos na ako sa Immigration kaya hinihintay mo na lamang ang oras ng flight ko. Nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ay kaagad kong kinuha ito at sinagot nang makita na si Dominador ang tumatawag. Nagtungo ako sa isang bench at umupo at itinabi ang dala kong maleta. Nasa Lipa City siguro siya kaya nagkasignal na siya. "Happy new year, Kumusta?" bungad kong tanong."Boss Dok! Happy new year! Finally, nakatikim din ako ng signal. At yes, okay na okay po Boss Dok! Nagustuhan ni Sisteret ang rose field mo. Kalerkey!"Napangiti ako sa tinuran niya, hawak ng isang kamay ko ang maleta na siyang nasa
FateAng kapalaran ay parang isang ilog na bumabaybay sa gitna ng kabundukan at sa bawat liko, may mga hadlang at agos na susubok sa iyong lakas. Minsan, aakalain mong hindi ka na makakausad dahil sa mga batong humaharang sa iyong landas, ngunit ang tubig ay hindi natitinag at patuloy itong dumadaloy, humuhubog sa bawat batong kanyang nadadaanan, hanggang sa ito'y maging makinis. Ganyan din ang buhay at ang bawat pagsubok ay humuhubog sa iyong pagkatao. At kung magpapatuloy ka, darating ka rin sa dagat ng iyong mga pangarap, kung saan ang kalayaan at kapayapaan ay naghihintay.📿MARIKAH SYCHELLEPagtapos kong tumulong sa paghihiwa ng mga sangkap para sa pagluluto ng mga ihahanda sa pagsalubong ng bagong taon. Umakyat na muna ako rito sa aking silid. Kinuha ko sa drawer ko ang mga diyaryo kung saan may mga tula at mensahe ng aking Irog mula sa Business page. Binuklat ko ang journal notebook ko. Inipon ko muna sila, balak ko na gupitin ang parte na may mga tula at mensahe niya para id
Reconciliation Ang pagpapatawad ay tulad ng isang sugatang lupain—maaaring tumagal bago ito muling mamulaklak, ngunit sa tamang panahon at pag-aalaga, muling sisibol ang pag-ibig at kapayapaan.👨⚕️ HIDEO ADONISNagpapahangin ako ngayon dito sa roof top ng HC Medical City. Nakatangila ako sa bilog na buwan at napakaraming mga bitwin sa kaulapan. Kung nandirito lang siguro si Marikah ay matutuwa iyon kapag nakita niya ang tinitingala ko ngayon. Tumanggap ako ng ilang surgery procedure ngayong araw upang mag mga Surgeons na makapag holiday break. Bukas kasi ay maghahanda naman ako sapagkat lilipad na kami nila Athena patungo sa China para sa kasal nila ni Dok Ivo. Bale nasa China ako mula bukas hanggang pagkatapos ng kasal nila sa Nee Year. Gusto kong umuwi kaagad upang masundo si Marikah sa Batangas. Lahat ng mga tula at mensahe na ipadadala ko sa kanya ng sampung araw ay naayos ko na rin. Gusto kong iparamdam sa kanya na araw-araw ko siyang naaalala at nami-miss. Kaagad akong lum
MineAng totoong para sa'yo, kahit pakawalan mo, babalik at mananatili ito. Pero ang hindi kailanman naging iyo, kahit ipaglaban mo, lalayo at mawawala.👨⚕️HIDEO ADONISNasa HC Medical City ako ngayon na lubos na kinagulat ng mga Doctor, Nurses, and Staff dahil nakasanayan na nilang hindi ako nakikita sa buong Disyembre. Ang mga reaksyon nila kanina ay alam mo, nakakita ng isang patay na muling nabuhay mula sa hukay. Next year nga ay palalagyan ko na ng Christmas decorations ang buong Surgery Department. Buong akala ko kapag nandito ako at nagpaka busy sa pag-rounds ng mga pasyente sa ICU ay mababawasan ang pagka-miss ko sa kanya. Pero hindi, dahil nasanay na pala akong lagi siyang chini-check sa Nurse station.Kahapon kasi pag-uwi ko mula sa paghatid sa kanya sa terminal ay natulog lamang ako hanggang gabi. Umalis sila Athena at Dok Ivo dahil may dadaluhan daw silang Christmas party. Alam ko naman na tahimik na talaga sa mansyon kahit na nandoon si Marikah pero iba ang katahimik s
CharityAng kawang-gawa ay parang ilog na hindi nauubos-kapag patuloy mong ipinagkakaloob ang iyong tubig sa nangangailangan, mas lalo kang pinagmumulan ng dalisay na biyaya📿 MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na sipatin ang sarili kong mukha sa aking pocket mirror. Mugto pa rin ang aking mga mata dala ng pagiging emosyonal namin kanina ni Dok Hideo. Baka mapansin pa ito ng mga Madre pati na maging mga bata sa ampunan.Napatingin ako kay Dok Hideo nang maramdaman ko ang marahan niyang paghahawak sa kaliwang kamay ko. Nakatingin lamang siya ng diretso sa kalsada. Hinayaan ko lamang siya, bagkus ay mas lalo kong pinagsalikop ang aming mga kamay.Mamaya kasi pagkatapos ng aming pagpapasaya sa ampunan ay uuwi na ako sa Marikavan. Sa wakas ay makikita ko na muli si Lolo at Lola, maging ang aming tahanan.Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit noong una ay muntikan akong mapahamak dito sa Siyudad ay iningatan pa rin niya ako. At ito ay sa pamamahigitan ni Dok Hideo. Base sa pagkakahawak niy