Euphoria Ang tunay na kaligayahan ay hindi laging perpekto, pero sa piling ng tamang tao, parang walang ibang mundo kundi kayong dalawa🤵♂️ HIDEO ADONISNaramdaman ko ang marahang paggalaw ni Marikah, isang banayad na kilos na gumising sa akin mula sa mahimbing kong tulog. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at sa sandaling iyon, nakumpirma kong hindi ito isang panaginip.Lalo kong ibinuka ang aking mga mata upang mas mapagmasdan siya—ang babaeng pinakamamahal ko, na payapang nakahilig sa aking dibdib. Tahimik ang kanyang paghinga, at sa bawat pagtaas-baba ng kanyang balikat, ramdam ko ang init ng kanyang katawan na bumabalot sa akin.Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Totoo ito. Siya ang una kong nasilayan paggising, at mula ngayon, siya na ang makakasama ko sa bawat umaga.Buong ingat kong hinaplos ang kanyang napakagandang mukha, nag-iingat na huwag gambalain ang mahimbing niyang pagtulog. Tila isang obra maestra ang kanyang kagandahan na payapa, marikit, at higit
Affinity May mga kaluluwang kahit hindi pa nagtatagpo, tila matagal nang magkakilala—isang hindi maipaliwanag na pagkakaugnay na tinatawag nating tadhana.🤵♂️ HIDEO ADONISPagkalipas ng Tatlong Araw...Pagpasok ko sa loob ng HC, para bang napakatagal kong nawala. Maraming nangyari sa buhay namin ni Marikah nitong mga nagdaang linggo, at pakiramdam ko, isang buong panahon ang lumipas.Maaga akong dumating ng alas sais pa lang, nasa ospital na ako. Si Marikah naman, mamaya pang alas dyes ang duty. May kailangan pa akong tapusin habang hinihintay ko ang pagtatapos ng shift ni Harmony, na pansamantalang humalili sa mga naiwan kong papeles noong wala ako. Nag-extend ako ng tatlong araw pa mula sa aking leave para masulit ang oras kasama ang aking asawa.Noong unang araw, inasikaso namin ang paglipat ng mga gamit niya sa silid ko. Binago rin namin ang ilang dekorasyon, nagbigay ng bagong anyo sa kwarto. Sunod naming inayos ang dati niyang silid, na ngayon ay tutuluyan nina Lolo at Lola.
ManifestTahimik man ang panalangin mo, at simple lang ang pangarap—kapag pusong buo ang naniniwala, unti-unti mo itong makakamtan. I-manifest mo, araw-araw.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Sa wakas, naamoy ko na ulit ang presensya ng ospital at balik na naman sa realidad. Grabe, sino’ng mag-aakalang sandali lang akong nagbakasyon sa probinsya para sa Christmas break, tapos pagbalik ko ay kasal na ako sa may-ari ng ospital na ’to?Ang bilis ng mga pangyayari, parang hindi pa rin ako makapaniwala.Nakarating na ako sa nurse station ng Surgery Department. Suot ko ngayon ang scrub suit, at halatang nanibago ang mga nakasalubong ko kanina sa pagpasok marahil siguro ay dahil wala na akong suot na belo. Ramdam ko ang mga tingin, kaya pakiramdam ko, baka kailangan ko ulit magsuot. Hindi talaga ako sanay na napapansin nang ganito.Walang tao sa station, siguro nagra-rounds pa. Kaya matapos kong ilagay ang bag ko sa locker, umupo muna ako sa swivel chair. Kinuha ko ang mga chart na nakapatong sa ibab
AdorationAng pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang pangako. Sa kasal, nagsisilbing saksi ang ating mga puso sa isang wagas at walang hangganang pagmamahal, na magkasama nating haharapin ang bawat hamon at pagsubok sa buhay.👨⚕️HIDEO ADONISKasabay ko ulit si Dok Rat. Paglabas namin kanina mula sa opisina, nadaanan ko ang ward kung saan naroon ang isa sa mga pasyente ko. Tatlo silang nasa iisang kuwarto, at halos sabay-sabay ang tuwa nila nang makita ako.Kinamusta ko sila, nagbiro, nakinig sa mga reklamo’t kwento. Medyo natagalan din ako, lalo na’t wala pa ang mga bantay nila. Ayos lang na ganoon talaga kapag gusto mong maramdamang may oras ka para sa kanila.Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang halos isang oras. Saka ko lang naalala na may kailangan pa pala akong puntahan. Si Athena, sa kabilang opisina na malapit sa Admin offices.Pagkalabas ko ng ward, saktong nasalubong ko si Dok Rat. Pabalik din siya, at gaya ko, may balak puntahan si Athena.“Parang ang sa
HavenSa gitna ng unos ng aking pagkatao, siya ang kanlungang hindi kayang tibagin ng panahon. Isang dambana ng pag-ibig na sa kanya ko lamang natagpuan👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Naglalakad na ako pabalik sa Nurse Station ng Surgery Department matapos ang pag-iikot ko sa mga pasyente. Ramdam ko na ang kirot sa binti at ang unti-unting panghihina ng katawan, lalo na’t may period cramps pa ako. Hay, bakit ko nga ba nakalimutang uminom ng paracetamol bago pumasok kanina?Kaya pagbalik ko talaga, iinom na ako agad. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang isa pang oras nang walang gamot. Patuloy lang ako sa paglalakad, pinipilit balewalain ang pananakit—hanggang sa paglapit ko sa isang pinto, bigla na lang may humila sa akin papaloob.Muntik na akong mapasigaw sa gulat, pero natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Saglit akong natigilan… at saka ako napabuntong-hininga.Ang aking Irog lang pala.Ang palad niyang mahigpit ang kapit sa aking pulso, ang mga mata niyang tila ba sabik na
Empower Sa bisig ng pag-ibig, ang puso’y tumitibay. Hindi ito tanikala, kundi pakpak na nagpapalipad sa atin tungo sa liwanag ng ating pagkatao👨⚕️ HIDEO ADONIS Parang isang kisap-mata lang ay Pebrero na pala. Ni hindi ko man lang namalayan, kung hindi ko pa napansin ang petsa sa table calendar.Maayos naman ang naging daloy ng araw-araw namin ni Marikah, ang aking asawa. Tahimik. Komportable. Walang nakakaramdam ni katiting na pagbabago sa loob ng ospital. Mukha namang walang nakakahalata na kami’y kasal na.At mas mabuti na rin siguro ang ganito, lalo na ngayong puspusan ang paghahanap ni Dominador. Bumalik siya ng Thailand, may kailangan daw siyang personal na kumpirmahin roon.Sa mansyon naman, palaging wala sina Athena at Dok Ivo. Madalas silang nadedestino sa ibang branch, o kaya nama’y may biglaang tawag mula sa Air Force. Kahit may kaba ako para sa kaligtasan nilang mag-asawa, ipinagkakatiwala ko na lang sila sa Diyos. Naniniwala akong hindi Niya sila pababayaan.Sa totoo
PulseSa bawat tibok ng puso, naroon ang pintig ng buhay. Nagpapaalala na kahit sa kahit anong unos, may dahilan para magpatuloy👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Day-off ko ngayon, at on-call duty naman ang asawa ko, kaya parehas kaming nandito sa mansion. Nasa isang silid kami kung saan pinaayos at inilalagay ang mga rebulto mula sa bahay namin sa Marikavan. Ilalagay ang mga ito sa Simbahan na ipinagawa ng asawa ko, at kahit na naibyahe ng maayos, ako muna ang magbebenidiksyon sa kanila. Kabisado ko naman ang dasal.Marahan kong binuksan ang holy water at nagsimulang magwisik sa mga santo at rebulto na narito sa loob ng silid.“Tulad ng sabi ko, si Les ay best friend ni Sychelle, at may karamdaman siya. Nahilo siya kaya napakapit siya sa braso ko habang inaalalayan ko siya patungo sa clinic kung saan siya naka-schedule—”“Upang mag-therapy,” dugtong ko. Napatingin ako sa kanya at hindi ko naiwasang magpatawa. “Pang-ilang beses mo na bang sinabi ‘yan, mahal ko? Kabisado ko na.”“Talaga ba? Mah
LingerMay mga alaala at damdaming kahit matagal nang lumipas, nananatili at dumadampi pa rin sa puso, marahang humihinga sa pagitan ng bawat tibok.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Tahimik lang si Nurse Chrystallene habang nagmamaneho. Taga-Laguna siya kaya nasa SLEX na kami ngayon. Inaasahan na namin ang trapiko—lalo na't bisperas ngayon ng Araw ng mga Puso.Nag-vibrate ang phone ko sa tabi ko, kaya agad ko itong kinuha. Bumungad sa screen ang chat ng asawa ko.Hideo, asawa ni MarikahAking Mahal, miss na kita kaagad.Nasaan na kayo?Oo nga pala, I forgot to say that I put something inside your wallet in case na mag-shopping kayo ni Nurse Chrystallene.Napakunot ako ng noo. May nilagay siya sa wallet ko?Kinuha ko ito mula sa bag ko at binuksan. Sa loob, may isang itim na card na may kasamang maliit na papel kung saan nakasulat ang password.Black card.Napailing ako.Typical Hideo.Kinuha ko ulit ang phone para sumagot.Marikah, asawa ni HideoDi kmi pnta sa mall. 🐄 tlga.Halos kasabay nun
Tenderness Sa katahimikan ng isang haplos, naroroon ang dasal—hindi sa salita, kundi sa pusong marunong magmahal nang walang alinlangan👨⚕️ HIDEO ADONISNapahaba at napasarap ang tulog namin ni Marikah. Pagdilat ng mga mata ko, alas singko na ng hapon.Buti na lang talaga at wala akong naka-schedule na surgery ngayon. Halos si Athena na rin ang humahawak ng karamihan sa mga paperwork sa ospital. Unti-unti na rin niyang tinatanggap ang responsibilidad bilang kapalit ko sa Board of Directors ng HC Medical City.Ang totoo niyan, malaking ginhawa sa akin ang lahat ng ito.Matapos kong tuluyang mabayaran ang malaking utang ko sa mga Xi, lalo pang napadali ang merging nang ikasal sina Athena at Dok Ivo. Sa kanilang mga kamay, alam kong mas mapapatakbo nang maayos ang ospital ito'y magiging mas moderno, mas matatag, at mas makatao.Ngayon, mas kaya ko nang tutukan si Marikah at ang pagbubuntis niya. Mas mahalaga siya kaysa sa alinmang titulo o tungkulin.Pero bago ko tuluyang talikuran an
Intention Sa likod ng bawat kilos na payapa, naroon ang layuning dalisay—Pag-ibig ang binhi, at kabutihan ang ani ng pusong tunay.👨⚕️HIDEO ADONISIsang panibagong araw na naman ng pagpapanggap, isa na namang hakbang upang mas mapalapit ako sa halimaw. Kailangan kong makakalap ng mas matibay na ebidensya. Gusto man naming ipahuli siya agad-agad, wala kaming sapat na lakas ng ebidensya. Lalo na at naka-pending ang kaso, sapagkat hindi pa rin natutukoy kung saan nagtago ang dati niyang pagkatao.Kaya kailangan kong paghandaan nang husto ang bawat galaw. Hindi ito basta kasong pwedeng isapubliko nang walang matibay na basehan. Sa sandaling mailantad ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Ang pagiging kriminal niya, dapat ay wala na siyang matakbuhan.Kung hindi lang sa lakas ng koneksyon niya mula sa mga taong bahagi ng black market at mga notoryus na personalidad ay matagal na sana siyang nahuli. Kaya’t pinaasikaso ko na kay Dominador ang pagsuyod sa lahat ng contact niyang ma
CraveHindi kita basta gusto—ikaw ang hinahangad ng puso kong matagal nang nauuhaw sa tunay na pagmamahal👨⚕️HIDEO ADONISLulan kami ng sasakyan patungo sa lamay sa Nasugbu. Tahimik ang biyahe, at nakahilig si Marikah sa aking balikat habang mahimbing na nakapikit. Hawak ko ang kamay niya na mainit at banayad ang tibok, gaya ng palaging nagpapasaya sa akin.Alam ko namang may mga kakaibang cravings talaga ang mga buntis. Noon, tinatawanan ko pa si Yang Xi dahil sa pinaglilihian ng asawa niya—isang mangga raw, pero hindi basta-basta. Dapat galing pa sa pinakaunang puno ng mangga dito sa Pilipinas. Akalain mong gano’n ka-specific?Ngayon, mukhang siya naman ang makakabawi ng tawa. Kapag ikinuwento ko ang panibagong misyon ko, maghanap ng burol, hindi para maglamay kundi para lang makakain ng sandwich na mula roon. Tiyak, ako naman ang pagtatawanan.Buti na lang talaga may lamay kaming pupuntahan. Kung wala, malamang naghanap pa ako ng burol sa Google Maps, kahit dis-oras ng gabi.“Sa
Deceive They smiled like the morning light, yet behind their gaze was the shadow of deceit. With every sweet word, I slowly faded away.👨⚕️HIDEO ADONISNasa meeting room kami ngayon ng team ko upang talakayin ang nalalapit na operasyon ni Les. Naka-iskedyul ito sa susunod na linggo, kaya puspusan na ang aming paghahanda—lalo na ako.Matapos ang ilang diskusyon, nagsitayuan na ang karamihan sa mga kasamahan ko, maliban kay Doktora Hera. Siya na lamang ang naiwan, abala at nakatutok sa kaniyang MacBook. Tahimik akong nakaupo, pinagmamasdan siya, habang muling bumabalik sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Dominador.Noong nakaraang linggo, dumating siya bitbit ang mga impormasyong nakuha niya mula sa Thailand.“Mabuti na lang at nabanggit ni Sisteret ang ‘what if’—na baka nagbago siya ng mukha, o buong pagkatao. Hindi ako mapalagay. Kaya bumalik ako sa Thailand. At ito ang lahat ng nakalap kong impormasyon—galing pa sa mga notorious na personalidad sa black market. Kasama pala ro
MergeSa pagsasanib ng ating mga landas, hindi na ako at ikaw, kundi tayong dalawa—magkaibang kaluluwa na ngayon ay iisang tibok.👨⚕️HIDEO ADONISInirapan ako ni Dok Rat at muling tinalikuran habang nasa isang sulok kami ng kanyang clinic. Katapat ng kinalalagyan niya ang bintanang may dim na kurtinang kulay baby pink. Sa kabilang dako, ang aking asawa'y lumipat sa may couch at inihilig ang ulo sa sandalan sapagkat nakakaramdam daw siya ng pagkahilo. Kaya nga dapat na talaga siyang masuri nitong si Dok Rat para malaman na namin ang mga nararapat gawin.Hinawakan ko ang braso niya, ngunit pumiksi siya.“Dok Rat... sorry na...”Daig ko pa ang isang lalaking sumusuyo ng nobya. Sa sobrang maunawain ng aking asawa, wala akong matandaan na siya'y naging 'tinotopak' gaya ng sinasabi ng iba. Palagi siyang kalmado, laging pinag-iisipang mabuti ang bawat kilos at salita.“Magpapaliwanag ako...”In the first place, dapat ko naman talagang gawin 'to — ang ipaliwanag kung bakit kailangan kong h
BeaconIn the middle of all my wandering, you became my beacon — a light I never asked for, but you turned out to be the home I'd been searching for all along.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Ito pala ang kasagutan sa mga hindi ko maipaliwanag na nararamdaman nitong mga nagdaang araw. Buong akala ko, pagod lamang ang sanhi at normal na kapag sunod-sunod ang shift hours ko. Pero ang pagseselan ko sa matatapang na amoy, na noon ay wala lang sa akin, naging hudyat pala ng isang bagong yugto sa aming buhay.Nakangiti akong napapikit. Napakabuti talaga ng Panginoon. Sa mismong araw ng kaarawan ng aking asawa, ibinigay Niya ang isang napakagandang balita — isang regalo na hindi kayang tapatan ng kahit anong bagay sa mundo.Napatingala ako sa kaharap naming altar, habang pareho kaming nakaluhod ng aking asawa sa loob ng maliit na prayer room. Tahimik naming ipinagpasalamat ang lahat—ang kanyang kaarawan, ang aming pagsasama, at higit sa lahat, ang bagong buhay na ibinigay sa amin.Marahan kong idina
GraceThe arrival of a child is a blessing from God—a reminder that with every new life, He pours out His endless love and grace.👨⚕️ HIDEO ADONISA few days later...Simula nang mawala siya, ang mga sumunod na taon ay naging mapurol. Bawat kaarawan ko, hindi ko na naramdaman ang kasabikan o kaligayahan. Sa labis na lungkot na bumalot sa akin, ang tanging hangarin ko tuwing sasapit ang aking kaarawan ay makita siyang muli. Isang simpleng hiling—ang mawala na sa mundo ito.Ngunit sa taon na ito, tila may bagong simula. May mga pagdapo ng kasabikan at kaligayahan na matagal kong nawalang dama. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero dumating—siya. Ang babaeng nagbigay liwanag sa madilim kong mundo, ang nagbigay ng pag-asa upang makabangon muli.Siya ang bagong buhay ko.Ang aking asawa—si Marikah.At siya’y tulog pa rin, ang mga labi ay nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Inaasahan ko na mauuna siyang magising, sapagkat sabik na sabik siya para sa aking kaarawan. Nabanggit ko pa ng
TetheredKahit gaano kalayo ang marating natin, mananatili tayong nakatali sa isa't isa ng mga alaala, pangarap, at pagmamahal.👨⚕️HIDEO ADONISSinabi ko na nga ba ay maaabutan ko ang traffic. Umalis ako kanina nang dumating na sila Lola, Lolo, at Manang Dona. Ang aking asawa ang siyang mag-aalaga ngayon kay Lolo sapagkat mag-luluto sila Manang pati si Lola, at tutulong si Athena sa mga ito. Kaysa mainis sa traffic ay nilakasan ko ang aircon ng sasakyan dahil mukhang mahaba-habang hintayan ito. Naka-attached ang cellphone ko sa isang holder, nakita ko ang sunod-sunod na notification ni Les. Nakabukas pala ang data ko at nalimutan ko na isara kaninang kinuha ko ang pina-reserve kong lansones at rambutan, naubusan ako ng dalandan kaya maghahanap na lang akk mamaya dito sa Lipa. Ang traffic talaga rito ay hindi na nagbago. Pinindot ko ang video call, kaagad naman niya ito sinagot. “Magpaliwanag ka, bakit ngayon mo lang sinabi na ikinasal ka na? Ni hindi ko nga alam na nagka-girl fri
AwakenLubos na nagising ang mga puso para sa bagong pag-asa at pakikibaka dahil sa mga pagsubok na siyang paparating. Mas magiging matatag na haharapin ito. 👰♀️ MARIKAH SYCHELLE “Aba, Ginoong Maria,Napupuno ka ng grasya,Ang Panginoon ay sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,At pinagpala namanAng 'yong anak na si Hesus.” Taimtim kong pag-usal, habang patuloy kong iniikot ang hawak kong rosaryo.“Santa Maria, Ina ng Diyos,Ipanalangin mo kaming makasalanan,Ngayon at kung kami'y mamamatay.” Pagpapatuloy ni Nurse Chrystallene.Nagtinginan kami at sabay na sinambit ang salitang 'Amen'.Kasalukuyan kaming nandito sa chapel ng hospital at sabay na nagdasal ng alas tres ng hapon. Nag-sign of the cross kami. “Maayos na pakiramdam mo?” tanong niya habang sabay kaming tumayo at naglakad palabas.“Oo, hindi naman na ako binabagabag,” sagot ko, na ramdam ang kaunting ginhawa mula sa aming pagdarasal.“Kasalanan ito ni Dok Hera, kakairita talaga 'yon,” napairap siya, na tila n