"F-f*ck!.... Hey, r-relax.... we're almost there..." Mahina at namamaos na wika ni Aeros sa nobya habang hawak niya nang mahigpit ang puwit@n nito para hindi ito mahulog. "Ungghh...." Isang p@g-vngol lang ang isinagot ni Agnes pagkatapos ay yumakap ito nang mahigpit sa leeg ng nobyo, ang kanyang mga binti ay nakayakap din nang mahigpit sa bewang nito. "S-sige pa...." Anas nito, pagkatapos ay iginiling giling nito ang kanyang balakang. Nagpakawala ng buntong-hininga ang pawisang si Aeros. "A-alright, do you want to.... take the lead?" Pagkatanong ay umupo siya sa nakatakip na inidoro habang nakakandong sa kanya si Agnes. Pinunasan muna niya ang pawis nito sa mukha. "Alright, I'm yours, you can move now...." At dahan-dahan niyang iginiya sa pag-galaw ang balakang ng kapareha hanggang sa bumilis iyon nang bumilis."Ahhh....." Vngol ni Agnes na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-indayog at pag-domina sa kandungan ng binata."Ahhh.... A-agnes....." Sagot-vngol ni Aeros. Nang ma
"Donya Esmie, ayos ka lang ba? May problema po ba kayo?" Tanong na may kahalong pag-aalala ni Ms. Mildred. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin niya na tila laging may malalim na iniisip ang donya. Paminsan-minsan ay nakikita rin niya ang pagbubuntung-hininga nito na tila ba meron itong pinoproblema."Huwag mo na lang akong pansinin, meron lang akong iniisip."Naupo ang mayordoma sa tapat ni Esmeralda, nasa patyo sila ngayon. "Problema po ba sa inyong pamilya ang iniisip n'yo, bakit hindi n'yo ibahagi sa kin at baka makatulong ako."Sinulyapan ni Esmeralda si Ms. Mildred at bumuntong-hininga. "Mukhang kilalang-kilala mo na talaga ako ano?"Bahagyang nagtawa ang mayordoma. "Siguro nga po. Kasi, wala naman kayong ibang iniisip at wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang kapakanan ng pamilya n'yo."Napahawak sa kanyang noo si Esmeralda. "Nalilito kasi ako Mildred, hindi ko alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin, nagtatalo ang loob ko. Pasensya na kung hindi ko masasabi sa
"Maupo ka." Ani Esmeralda sa kararating lang na si Agnes. Matapos ang birthday party ng dalaga ay saka lang niya nakita ang ilang miss call mula dito. Nang tumawag uli ito at nang sagutin niya iyon ay diretsahan nitong sinabi na makipagkita siya dito bukas, pagkasabi ng oras at lokasyon ay agad ibinaba ni Esmeralda ang telepono nang hindi man lang pinagsasalita si Agnes.Naupo ang dalaga at pasimpleng sumulyap sa matanda. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba dahil nag-iba na ang pakikitungo at ang pakikiharap nito sa kanya. Kung noon ay lagi itong nakangiti sa kaniya, ngayon ay malamig na ito at makikitaan din ito ng pagka asiwa sa kanya na animo'y may nagawa siyang kasalanan."Siguro'y naisip mo na kung bakit ako nakipagkita sa'yo."Naikuyom ni Agnes ang mga kamao sa kanyang kandungan. "Patawarin n'yo po sana ako, pero hindi ko po lalayuan si Aeros.""Huwag mo munang sabihin yan, meron kang dapat makita't malaman na maaaring magpabago ng desisyon mo."Kinabahan bigla si Agnes
Nagpupuyos si Esmeralda nang bumalik ito sa kanyang kotse, nang makita ng kanyang driver na tila mainit ang ulo ng amo pagkagaling nito sa loob ng café ay agad nitong binuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay eksaktong nag-ring ang cellphone ni Esmeralda. Isinantabi niya muna ang inis na nararamdaman mula sa pakikipag-usap kay Agnes. "O Cindy, bakit?..... Hindi ba't sinabi ng doktor kahapon na ayos naman ang bata, bakit nag-aalala ka pa?.... O s'ya, sige pupuntahan kita." Iniutos niya sa driver na dumiresto sa hospital."Lola Esmie...." Tumayo si Cindy at sinalubong ang kararating lang na si Esmeralda. Nasa isang hospital ito ngayon para ipa check-up ang kanyang pagbubuntis, nakapila ito dahil wala itong appointment. Kumunot ang noo nito Esmeralda habang tinitingnan ang mahabang pila. "Bakit hindi ka muna nagpa-appoint? Tuloy kailangan mo pang pumila."Yumuko si Cindy na tila nahihiya ito. "Biglaan po kasi ang pagpapa check-up ko e, kasi bigla pong sumakit ang tiyan ko." Nang marinig
"Ano, hindi siya pumasok sa kumpanya?" Nahilot ni Esmeralda ang sariling noo. "Nasaan siya ngayon?....." Napapalatak ito sa naging sagot ng tao n'ya sa kabilang linya. "Sa isang mumurahing hotel, kasama si Agnes?..... O sige, ituloy mo lang ang pagsunod-sunod sa kanya." Matapos ang ilang habilin ay ibinaba na niya ang telepono. 'Mukhang hindi ko talaga mapaghihiwalay ang dalawa, e ano kaya kung....' Bigla siyang may naisip at agad tinawagan ang kanyang assistant. "Alamin mo ang contact number ng pamilya ni Agnes, ngayon na."Makalipas ang mahaba-habang paghihintay ay nakuha na n'ya ang kanyang kailangan. Agad niyang tinawagan ang contact number ni Eduardo ngunit hindi ito sumasagot. Naisip na lang niyang maaaring abala ang ama ng dalaga dahil isa din itong negosyante. Hindi nag-aksaya ng panahon si Esmeralda, sunod niyang tinawagan ang ikalawang magulang ni Agnes– si Marina. "O, sino ba to?" Tanong ng may hindi kaaya-ayang boses ng isang babae sa kabilang linya, mababakas na may edad
"Maring, kunin mo nga itong leather bag." Ani Eduardo pagpasok na pagpasok pa lang sa villa, nanggaling ito sa business trip. Nagbunga rin sa wakas ang kanyang pagod dahil isa ang kanyang kumpanya sa napili ng promgrand na maging partner nila mula sa mga maliliit na kumpanya na nagsisimula pa lang, kaya kasama siya sa business trip ni Fredericko.Nang hindi lumitaw ang asawa ay nagdiretso na lang siya sa kanilang kuwarto. Ngunit nang kumuha siya ng damit na pamalit sa closet ay lubos siyang nagtaka nang makitang wala na doon ang mga damit ni Marina. Pumunta siya sa kuwarto ni Mylene para hanapin ito at itanong kung nasaan ang ina nito, ngunit wala din ito doon.Nang mapansin ni Eduardo ang nakabukas na closet ng dalaga ay nilapitan niya ito at nakitang, wala nang damit doon. Naupo siya na nagtataka sa kama. 'Nasaan kaya ang mag-ina? Hindi kaya nagbakasyon sila, pero bakit wala silang sinasabi sa kin?' Tinawagan niya si Marina subalit hindi n'ya ito makontak, si Mylene ang sunod niya
"Kumusta pare, nakauwi ka na ba?" Hindi sinagot ng nasa kabilang linya ang tanong na ito ni rey. Nasa airport siya ngayon at kauuwi lang mula sa business trip "Hello, pare..... Nandyan ka pa ba?"Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Pasensya ka na, pareng rey, pagod lang siguro ako." Sagot ni Eduardo.Pumalatak si rey. "Ako pa ba ang lolokohin mo sa tagal na nating magkaibigan, may problema ka no? Pero, diba ang saya saya mo pa kahapon bago ka umuwi? Anong nangyari, nag-away ba kayo ni misis?" Magkasama sa business trip ng promgrand sa Cebu sila Eduardo at rey, hindi nga lang sumabay ng uwi ang huli dahil meron itong kamag-anak doon.Nang mabanggit ang asawa ay nalamukos ni Eduardo ang mukha. "Iyon nga ang problema ko pare; nawawala si Marina pati si Mylene. Hindi ko sila makontak at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan sila.""Ano? Inireport mo na ba sa mga pulis?" "Hindi pa.""O, e dapat inireport mo agad pagkalipas ng 24 oras. Hindi mo alam baka kung ano
Magmula nang ma-stroke si Esmeralda ay hindi na sa mansyon umuuwi si Aeros. Ang iniisip ng mga katulong pati ni Cindy ay baka nagre-rebelde pa rin ito, ngunit ang totoo ay hindi alam ng binata kung paano haharapin ang kanyang lola sa kasalukuyang kalagayan nito. Sa condo na muna siya umuuwi at pagkagaling sa kumpanya ay hindi na ito lumalabas pa, umiinom lang itong mag-isa.Dahil sa madalas na pagmumukmok ni Aeros sa kanyang condo ay napagkasunduan ng kanyang mga kaibigan na ayain itong lumabas, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi sila sa bar nagpunta kundi–sa isang peryahan."Seriously, dito talaga tayo mag gu-goodtime ngayong gabi?" Tanong ng isa sa kanilang kaibigan habang nagpapalinga linga sa paligid. Makikita ang pagka asiwa dito."Oo. Alalahanin n'yong nagkasundo tayo na hindi na muna tayo iinom ngayong gabi...." Ani Vince na siyang promotor ng lahat. "Alam n'yo namang may kasama tayong alcoholic dito...." Sumulyap siya sa tahimik na si Aeros. "Nag-aalala ako baka mamaya niyan
Dahil matagal nang kilala nila Agnes si Gerald kung kaya ay palagay na ang loob nila dito at ganun din naman ang huli. Nagpunta ito sa villa para maghatid ng ilang files kay Agnes dahil hindi na ito nakakapunta sa kumpanya gawa ng abala ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.Pagdating ni Gerald ay pinagsilbihan ito ni marta at binigyan ng isang tasa ng kape. Ilang saglit lang ay may biglang nag-doorbell sa labas kaya kinailangang lumabas ni Marta. Pagbalik ay kasama na nito sila aeros at Fredericko. Nang makita si Aeros ay agad tumayo si Gerald para hinarangan ito. Sa kanyang senyas ay iniwanan sila ni Marta, pagbaling sa hindi inaaasahang bisita ay marahas n'ya itong tinanong: "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Matapos magpalitan ng ilang pangungusap ay ngumisi si gerald sa katanungan ni aeros: "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo pa rin ba makuha? Ano ba ang pagkakaintindi mo?""Puwede ba, ayokong makipaglaro ng pala-isipan sa'yo, ano bang malay ko kung nag-aasume ka lang? D
Pag-alis ni Esmeralda ay hindi na mapakali si Aeros, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang huling kataga ng kanyang lola na meron silang anak ni Agnes. Naupo s'ya sa gilid ng kama at nakagat ang kanyang hinlalaki, pagkatapos ay muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad.Kung ibang tao ang nagsabi niyon sa kanya ay tiyak na magkakaroon siya ng malaking pagdududa, ngunit iba kung ang kanyang lola ang nagsabi. Ngunit naiisip din n'ya na maaaring nag-iilusyon lang ang matanda dahil sa kagustuhan nitong magkaroon na ng apo sa tuhod. Dahil nga dito kung kaya ay kamuntikan na itong mapaglalangan ni Cindy noon.Ganun pa man ay meron'g parte ng kanyang utak ang nagsasabi sa kanya na maaaring posible nga iyon. 'M-magiging ama na ko?' aniya sa kanyang loob, bigla niyang nadagukan ang sarili. 'Mali, hindi pala..... ama na pala ako pero ngayon ko lang nalaman.' Mababakas kay Aeros ang excitement at tila gusto nitong mag selebra. Nagbabadya din ang pag-ngiti ng kanyang labi ngunit pilit n'ya
Mabilis na nakahanap ng magaling na hacker ang assistant ni Esmeralda nang utusan niya itong alamin ang kinaroroonan ni Agnes dahil na rin sa kuneksyon ng pamilya Villacorte. Nang gabing iyon ay nabuksan ng inupahang hacker ang naka lock na F@cebook account ni Agnes at doon tumambad sa kanya ang malaking impormasyon na agad niyang ipinadala sa kanyang amo kasama ang impormasyon kung saan ito nakatira.Nagitla si Esmeralda sa nalaman lalo na nang ipadala sa kanya ng kanyang assistant ang larawan ng isang buwan'g gulang pa lang na si Aaron. Doon niya biglang naalala ang isang buwang gulang din na sanggol na kanilang nakita ng caregiver sa mall. Nang kanyang paghambingin ay nakumpirma niyang malaki ang pagkakatulad ng dalawa.Napahawak sa kanyang dibdib si Esmeralda, ngayon niya natiyak kung bakit ganu'n ang kanyang naramdaman nang makita ang bata, kung bakit siya nakakaramdam ng koneksyon para dito. Malakas ang kanyang kutob na ang sanggol na iyon at ang anak ni Agnes sa larawan na i
Gabi na nang umalis si easton dahil marami silang napag-usapan ng kaniyang lola. Pag-alis ni Easton ay naroon pa rin sa malaking sala si Esmeralda, tila malalim ang iniisip nito.Maya-maya ay lumapit si Ms. Mildred. "Donya Esmie, nakahanda na po ang hapunan. Nasaan na po si ser Easton, hindi po ba siya dito maghahapunan?""Umalis na, meron daw siyang kailangang imi-meet." Ani ng tulalang si Esmeralda."Donya esmie, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip n'yo a.""Naisip ko lang ang mga napag-usapan namin ni Easton. Alam mo, tama yung sinabi niya sa kin: kaming tatlo lang ang tunay na nagmamalasakit kay Aeros pero kaming dalawa lang ni Fredericko ang pinaka pinagkakatiwalaan n'ya, pero...... anong ginawa ko? Binigo ko siya. Ayun, umalis tuloy siya at nagpaka layo-layo."Nang maramdaman ng mayordoma na tila sinsisi na naman ng donya ang sarili ay inalo-alo n'ya ito. Hindi muna kumain ng hapunan si Esmeralda dahil wala pa itong gana. Nang maka-alis si Ms. Mildred ay kinuha ni Esm
"M-ma'am!.... K-kanina pa ba kayo nakabalik? Ba't ang aga n'yo naman ata'ang umuwi, diba dapat mamaya pang hapon ang uwi n'yo?" Tanong ng isang nagulat at kararating lang na yaya nang datnan ang kanyang among babae na nakaupo sa sala. "Analyn, mukhang nakakalimutan mo yata kung ano ang papel mo sa pamamahay na ito para tanungin ako nang ganyan." Sagot ng magandang babae na tinawag na "ma'am" ng kararating lang na yaya.Naging awkward ang kanilang pag-uusap, napayuko sa pagkapahiya ang nagngangalang Analyn at hindi nakasagot. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang kanyang alaga kaya nagkaroon ito ng excuse para hindi pansinin ang sinabi ng amo. Hinila niya ang dalang stroller papasok ng villa. "Ipinasyal ko po si Aaron, kasi nag-iiyak siya kanina e." Bahagyang umangat ang kilay ng magandang babae sa sofa nang marinig iyon. "Nag-iiyak? Paanong nag-iiyak, e hindi naman iyakin si Aaron?" Tumayo siya at nilapitan ang sanggol sa stroller na noo'y mahimbing na'ng natutulog. May pag
"Señora, mukhang bagay na bagay po ito sa inyo o. Ang elegante ng disenyo at ang ganda ng kulay, bakit hindi n'yo po ito subukan?" Wika ng isang caregiver sa kanyang amo habang itinuturo ang isang magandang blouse. Naroon sila sa isang mamahaling boutique ng isang mall. "Señora?" Tawag niya nang hindi siya pansinin nito. Nakatingin lang ito sa isang stroller na naroon sa isang tabi sa labas. Lumapit siya sa matanda. "Señora, may problema po ba?""Ludy, tingnan mo nga yun, yung stroller na yun....." Turo ng señora sa stroller. "Tingnan mo nga kung may bata doon, kanina ko pa kasi napapansin yun doon e."Nilapitan ng caregiver ang naturang stroller at agad bumalik sa kanyang amo. "Meron pong baby sa loob, at ang cute cute n'ya. Ngumiti agad siya sa kin nang makita ako." Aniya na tila nagigiliwan sa sanggol, ni hindi n'ya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo.Biglang lumabas ng boutique ang Señora at tinungo ang kinaroroonan ng sanggol kasunod ang kanyang caregiver. Nang
"Mukhang malalim ang iniisip mo dad a." Ani Agnes sa ama habang nakadungaw ito sa veranda. "May problema ba?"Nagpakawala ng buntong-hininga si Eduardo, pagkatapos ay inakbayan ang anak. "Wala naman. Ano ang tingin mo dito sa villa'ng nabili natin, mas malaki 'to kaysa sa dati.""Bakit nga pala mas malaki pa sa dati nating tinitirhan ang binili mo dad, e tatatlo lang naman tayo?""Ayos na rin ito para kung sakaling bumuo na ng pamilya si Alfie sa hinaharap, hindi siya mapapahiya kapag iniuwi na n'ya dito ang mapapangasawa niya."Napapalatak si Agnes. "Dad, ang layo at ang tagal pa nun a, ang bata-bata pa ng kapatid ko no.""Alam ko naman yun, pero ayos na rin siguro kung paghandaan natin yun nang maaga."Maya-maya lang ay biglang may sumingit sa gitna ng dalawa. Isiniksik nito ang sarili at yumakap sa magkabilang bewang nila."Bakit Alfie, may kailangan ka ba?" Tanong ni Eduardo sa kanyang bunso."Wala po, narinig ko kasi ang pangalan ko e, tinatawag n'yo po ako?" Sagot ng bata.Nagta
Mula sa condo ni Aeros ay nagtungo naman si Vance sa condo ni Cindy para kumpirmahin dito ang hinala ngunit nakakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Tinawagan n'ya ito ngunit hindi din nito sinasagot. Dumilim ang mukha ni Vance, tila pinagtataguan siya ng babae. Hindi siya tumigil sa pag-contact dito. Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya: "O Vance, napatawag ka? Akala ko ba ay dapat magkanya kanya na–""Nasa labas ako ng Condo mo, buksan mo ang pinto." Putol ni Vance."At ano naman ang kailangan mo, wala ako diyan.""Nasaan ka?""Nandito ako kila Aeros..... Dito na kasi ako titira magmula ngayon hanggang sa maikasal kami...." May pagmamalaking sagot ni Cindy. "Huwag mong sabihing pupuntahan mo ko dito." Hindi siya sinagot ng lalaki dahil pinutol na nito ang linya. Ipinagkibit-balikat lang ni Cindy ang pagtawag ni Vance, subalit hindi nito akalaing pupuntahan nga siya nito sa mansyon."Ano, hinahanap ako ni Vance? Bakit daw?" Tanong ni Cindy kay Ms Mil
"My goodness dude, what a big scoop!..... No way! You and Cindy...... were having a baby?" Usisa ni Vince paglabas ng mansyon, nakasunod ito kay aeros."Don't believe her bullsh*t, you know what kind of manipulative bi*ch she is...... Kailanman ay hindi ko kikilalanin ang bata sa tiyan n'ya.""But dude.... let's say that Cindy is indeed having an affair with a lot of men, but what if at the end of the day ay napatunayan na sayo nga yung bata, anong gagawin mo?"Pumasok sa sasakyan si Aeros. "Hindi ko magiging problema yun, atleast not for now...""What?" Tanong ni Vince habang inilalagay ang kanyang seatbelt. "Anong ibig mong sabihin?""Never mind. Basta I'm a hundred percent na hindi ako magkaka-anak sa ibang babae maliban kay agnes." Nang maisip ang dalaga ay tila nahawi ang karimlan kay aeros, ang pagkagalit niya dahil sa ginawa ni Cindy ay nawala. Hindi lang n'ya masabi kay Vince na hindi siya "tinatayuan" sa ibang babae kundi tanging sa kasintahan lang, kaya kumpiyansa siyang hin